Kabanata 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 9]

Pananaw ni Celerina

WHAT a coward! Ay cheater pala 'yon! He he. Pare-parehas lang silang mga lalaki, nakabwesit!

"ANONG plano mo, Cel? Hindi mo na ba talaga siya sisiputin? Sayang 'yon may tsansa ka na sanang makipaghiwalay sa kanya."

"Gaga, hindi naging kami, maliwanag?"

"G-gaga? Saan mo naman natutunan ang salitang yan?" Tanging iling lang ang naitugon ko sa kanya. Ayoko ko na munang magpaliwanag. Nakakapagod din pala.

Tulala ako sa kisame at walang maisip na gawin. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko nais na kumausap ng kahit na sino. Marahil dahil ito sa nalaman ko, pero hindi ba nais pa nga akong imatchmake ni Donya Asuncion sa anak niya. Boto siya sa akin hindi ba?

Kung ganon, hindi pa si Eliseo ipinagkasundo.

Pero kung gano'n man, hindi naman magsisinungaling sa akin si Violeta hinda ba?

Teka nga, bakit ba ako nag-eemote dito? Nakakainis.

Ilang sandali pa, tumabi na din sa akin si Guadalupe, siya ang naiwan dahil inutusan ni ina sina Violeta at Flora na magluto ng hapunan. Gusto ko sanang tumulong e, ang kaso baka tiga tikim lang ako katulad ng ginagawa ko don sa Spain dahil hindi ko keribells ang pagluluto.

Tinanong ko siya. "Totoo ba iyon?"

Nakita ko sa rear view mirror ng aking mata ang pagtingin niya sa akin ng bahagya.

"Iyong alin, Cel?"

"May babae nang ipinagkasundo kay Eliseo"

"Iniisip mo pa rin pala ang sinabi kanina ni Ate Violeta?" Tumagilid ito at tinitigan siya.

"Oo."

"Alam mo kasi, dapat sumama ka rin sa amin minsan ni ate Violeta. Hayaan mong magsaya ka, hindi iyong palagi ka na lang sumusunod sa utos at payo lagi ni ina. Nakakasakal din minsan, alam mo yon?" Mahaba niyang litanya.

Ganun ba talaga si Celerina? Isang dakilang masunurin? Ay di ko bet.

"Bakit naman?" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Nang sa gayon, marami kang makilala. Katulad ko, maraming kalalakihan ang nakilala ko dahil sa pagtakas namin minsan ni ate Violeta kay ina." Pangaral niya. Parang tinuturuan pa niya akong maging immoral kaysa maging mabuting anak sa mga magulang nila--- ay namin pala.

"Kung alam mo lang" bulong ako.

"Ano yon?"

"Sabi ko ganda mo teh, kaso bingi." At dahil don, lumayo ako sa kanya sa mabilis na lumundag sa kama. Ayaw niya yatang sagutin ang tanong ko e. Iniiba niya ang kwento, mukhang hindi naman 'to makakatulong.

Hindi direct to the point magmarites.

Humalakhak ako ng kagatin niya ang biro ko.

"Humanda ka sa'king Bata ka"

"Habulin mo'koooo" binelatan ko siya. Ang bagal tumakbo palibhasa ang bigat ng saya niya na parang pinatungan ng halos isang sakong tela.

At ayon na nga, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa madaanan namin ang silid ni ina at ama.

"HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAGING MANUGANG KO ANG ISANG INDIO NA 'YAN!" Napatigil ako sa pagtakbo. Hindi ako maaring magkamali, boses iyon ni Don Fajardo ang ama ng magkakapatid na Ayala.

"Nahuli rin kita!" Kinutusan ako ni Guadalupe ng maabutan niya ako. Magrereklamo pa sana ako ngunit tinuro ko na lamang ang pinto na medyo nakaawang konti. Sigurado akong dyan nagmula ang tinig ni Don Fajardo.

"A-anong nangyari?"

Hindi ko na nasagot pa ang kanyang tanong ng sumigaw si Donya Honorata at tinawag ang mga katulong. Ipinasara nito ang lahat ng ding ding at pinto, pinauwi niya na rin muna ang mga kasambahay at ang tanging naiwan ay ang Mayor Doma ng Familia Ayala na si Madam Sicalia.

Kinilabutan ako. Anong nangyayari sa mga Ayala?

Napagpasyahan naming lumapit ni Guadalupe sa pinto. At isang nakakaawang imahe ang bumungad sa amin. Isang lalaki at babae ang nakaluhod sa nigo na may bigas. Hindi ko pa kilala ang dalawang lalaking kapatid ni Celerina kung kaya't hindi ko kilala kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Don Fajardo.

Pananaw ng Ikatlong panauhan

ISANG kahina-hinalang lalaki ang naglakas loob na pumasok sa hacienda Ayala sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo bilang isang magsasaka. Nag-aalinlangan siya ngunit mas nanaig sa kanya ang kagustuhang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Napapikit siya at inalala ang naging tagpo nila ng isang mainpluwensyang tao na nagsabi sa kanya ng katotohanan.

"Maupo ka." Sabi nito sabay iginiya nito ang kanyang kanang palad sa upang marmol. Makintab ito at malinis kung kaya't siya ay nahihiyang umupo. "Wag kanang mahiya pa, Mang Lauro."

Napilitan siyang umupo dahil natatakot siyang madumihan ang silya. "Señor Claudio, maari ko po bang malaman ang sadya niyo sa akin?" Mahinahon nitong sabi sa señor.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nais kong sabihin ang aking mga nalalaman sa iyo."

"Ano po iyon?"

"Ito ay tungkol sa iyong namayapang pamilya." Napangisi si Señor Claudio at ikinumpas ng kanyang pamaypay nang manlaki ang mga mata ng kaharap. Gustong-gusto niya ang ganitong tagpo, kukuhanin niya muna ang loob nito, kukunin ang kanilang kahinaan at gagawin itong inspirasyon para magawa ang kanyang plano.

"Bakit po? A-ano po ang inyong nalalaman?"

"Lahat. Alam ko ang lahat lahat."

Nagulat na lang siya ng bigla itong lumuhod sa kanyang harapan. "Pakiusap po, gusto ko pong malaman ang hiwaga sa pagkamatay ng pamilya ko."

Bahagya naman siyang naawa pero nanaig pa din ang kanyang isipan sa plano niya.

Stick-to-the-plan Ika nga.

"Simple lang naman, si Don Fajardo Ayala ang nagpa--"

Hindi na niya natapos pa ang kanyang sinasabi ng pumasok ang kanyang kapatid na babaeng kinilala bilang si Catalina Blanco.

"Ang Ayala'ng iyon ang nagpapatay sa iyong buong pamilya."

Bahagya pang nagulat si Señor Claudio sa pakikialam ni Catalina. Ngunit sapat na iyon na dahilan para matupad ang pinapakay niya kay Mang Lauro.

"Ang walang hiyang hayop na iyon! Magbabayad siya!" Galit na galit siyang lumabas ng beysment at tumakbo paitaas. Walang lingon lingon at walang paalam. Tila nagdilim ang paningin nito sa nalaman at tanging galit ang sumakop sa kanyang buong kalooban.

"Sisirain ko kayo!" Madiing bulong niya sa kanyang sarili ngunit narinig iyon ng kanyang kasama. Si Antonia na siyang ina ni Flora ang nagpapasok sa kanyang dating kaibigan sa loob ng Hacienda Ayala.

Tinulungan niya ito dahil sa kanyang utang na loob bilang dating matalik na kaibigan ngunit dulot kahirapan, nakipagsapalaran sila para mabuhay. Napunta si Lauro sa tahanan ng mga Blanco at De Leon sa Maynila habang si Antonia ay nanilbihan bilang katulong sa mga Ayala sa Bulacan.

"Ano ang iyong sinabi?" Madiing tanong nito sa kanya.

Agad namang nakaisip ng palusot si Lauro. "Ang sabi ko, sisirain ko ang tahanan ng bubuyog na iyon"
Aniya sabay turo sa tuktok ng puno.

"Kung ganon, simulan mo na." Sabay abot ng malaking panakbong sa kanyang ulo. Ngunit nagtaka siya kung bakit ito naririto. "Bakit ka nga pala narito? At paano mo nalaman na nandito ako?"

"Narito ako upang magtrabaho, hindi ba halata? E pinalayas ako sa pinagttrabahuhan ko kaya humanap ako ng Hacienda na nangangailangan ng tauhan, sakto namang napadaan ako sa harap nito at nakita kita."

"Ha? Paanong nakita mo ako e nasa loob lang ako ng mansyon buong maghapon."

"Ah e ang ibig Kong sabihin nakita kitang namalengke kailan lang." Napaisip naman si Antonia, halos isang linggo na rin noong huli siyang nakapamalengke.

Magtatanong pa sana siya ngunit pinigilan siya ni Lauro. "Tulungan mo naman akong makapasok sa loob ng mansyon."

"Hay naku Lauro, hindi pu-pwede ang lalaking katulong!" Pagak siyang tumawa, "Ipasok mo ako bilang kusinero."

"Ayun! Kaso, hindi ka pwedeng pumasok sa loob, hanggang kusina ka nga lang."

Napangisi naman si Lauro, "Ayos lang."

"O'sya Ako'y babalik na sa loob at magdidilim na, naiwan na muna kita."

ABALA sa pagluluto ng adobong baboy, tinolang manok at kaldereta ang mga kusinera, na siyang nakagawa ng usok, hindi tuloy ng mga ito napansin ang pagpasok ng bagong dating.

Nahagip din ng kanyang mga mata ang tila kahawig ni Honorata na kasama sa tumutulong sa pagluluto. Si Violeta. Hindi niya ito nakilala kaya naman hindi niya ito pinansin.

Habang si Lauro naman nagmamanman, sinamantala niya ang pagiging abala ng mga kusinera sa pagluluto upang makapuslit sa loob ng mansyon. At hindi nga siya nagkamali, matagumpay siyang nakapasok.

Lumibot ang kanyang paningin, isang napakalawak na sala ang kanyang nadatnan. May isang mahabang muwebles sa kanyang harapan at nasa itaas nito ay ang napakalaking larawan ng Familia Ayala.

Larawan ng isang masayang pamilya.

Napatungo siya saglit, dahil kahit kailan, hindi na niya muli pang mararanasan 'yan.

Dumapo ang kanyang paningin sa kanyang dating kaibigang si Donya Honorata. Lumamlam ang kanyang mga mata kaya't napatigil siya saglit. Isa siyang hamak na indio kaya't hinadlangan sila ng mga magulang ni Honorata upang maging magkaibigan noong mga bata pa lamang sila. Kay sakit no'n para kay Lauro.

Subalit nang mapadapo ang kanyang paningin, naalala niyang muli ang pinunta niya rito. Hindi para sa isang dating kaibigan ngunit para makamit ang hustisya ng kanyang pamilya.

"Pagbabayaran niyo ang pagpatay sa pamilya ko." Isip niya. "Buhay, kapalit ng buhay na kinuha mo. Pagsisisihan mo 'to Fajardo!"

Napakislot siya ng may paparating. Agad siyang nagtago sa likod ng aparador na puno ng mga libro. Pigil ang kanyang hininga dahil ayaw niyang siya ay mahuli ng bagong dating.

Isang matangkad at mestizong lalaki ang naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Luminga-linga ito sa paligid at kinalikot ang tenga.

"Baka guni-guni ko lamang iyon, malinaw na walang tao dito, kundi ako lang." Bulong nito. Pero nagulat siya nang makita niya ang kanyang balisong na nahulog sa pala malapit sa paanan ng lalaking mestizo. Kinuha nito ang balisong at sinabing,

"Ano ito? Laruan? Bonito! (cute)" Pero napaisip siya. "Pero anong ginagawa nito dito? Mukhang matalim pa naman."

"Señor Marco!"

Napalingon siya, dumating si Bella dala ang gatas ni Marco. Kung iisipin, may pagka-isip-bata si Marco pero sobrang talino naman nito.

"Ilapag mo nalamang iyan dyaan. Halika nga't tingnan mo ito," pinaypay niya ito palapit sa kanya. "Bakit ho? Ano ho ba ang bagay na iyan?" Inosenteng sabi nito. Pabiro niyang kinuha ang kamay nito at inilapag doon ang balisong na halos sakop ng isang kamay ni Marco.

Inilingkis ng lalaki ang kamay sa babae na parang magkahawak kamay. Nagkatitigan ang dalawa. Unang bumasag ng katahimikan si Marco, "Hindi maipagkakaila na madaming nagkakagusto sa iyo, Binibining Bella sapagkat sa iyong mga mata pa lamang mahuhulog na ka-agad sa iyo ang isang ginoo." Mahabang litanya nito.

"Totoo ba ang iyong tunuran, Señor?"

"Oo, Maha---ay este Binibining Bella."

"Langit ka, lupa ako. Hindi tayo pwede,"

"FABIO MARCO AYALA! tienes el descaro de hacer eso aquí?!" (you have a nerve to do that here?!)



******

#UntilTomorrowSeñor

author's available Soc-med
IG: s_owpyia

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro