Kabanata 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

❤️‍🔥: Binabaha na yung Maynila; wala lang skl para aware tayong lahat😉 I'm listening to it's been raining in Manila☄️

[Kabanata 8]



Pananaw ni Celerina



OMEGERD!

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi in-english? huhuhu.

Catalina. Tried. To. Poison. Us.

F*ck.

Baka nga isumbong pa ako ni Luis Kay Catalina e.

HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at mabilis na lumundag sa kama.

Naiisip ko palang ang evil laugh ng babaeng 'yon mapapraning na ako. Susmeyo! Nasaan na ba si Flora? Wala akong kakampi dito!

I don't mind the manners and etiquette anymore, ang gusto ko lang ay maligtas ang mga Castillo kay Catalina'ng bruha na 'yon!

Napahilamos naman ako sa mukha ko nang makita ang napakahabang staircase nila. Pero may naisip akong paraan, tutal expert naman ako sa padulasan moves, with this staircase, I manage to slide with no gasgas.

Madali ko naman silang nahanap dahil naroon lang sila sa salas at simpleng nag-k-kwentu-han. Inobserbahan ko muna sila ng ilang saglit lalo na ang taksil na 'yon.

Nagtago ako sa mini bookshelf nila sa salas at mabusising pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila.

"Malapit nang matapos ang termino ng iyong tiyuhin dito sa Filipinas, Binibining Catalina. Ano ang balak mo?" Napa-yes naman ako.

"Nais ko pong mamalagi sa Filipinas, Don Ramon." Matamis itong ngumiti dahilan para mapasuka ako.

Parang walang ginawang krimen ang gaga.

The great pretender talaga.

"At tsaka nais ko ring dito na makapag-asawa," Aniya sabay kindat Kay Eliseo.

Napasugod na ako at hindi nakatiis. Pero nagulat ako nang tingnan ako ni Eliseo kaya napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kaya siya pinayagang umalis.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at sa hindi ko malamang kadahilanan, tumigil ang paligid. Bumilis ang tibok ng puso ko, naplunok ako ng saliva nung nasa tapat ko na siya. Tila nanigas ako at hindi ko na rin maalis ang pagtitig ko sa kanya. Nakita ko tuloy ang mapang-akit nitong mga mata na tila hinahatak ako palapit sa kanya na animo'y gayuma sa sistema ko.

"Ano?" Mataray kong tanong. Ano? Ipapamukha niya ba sa akin na si Catalina ang pinili niya? How disgusting.

Anyways, Crush lang naman 'to mawawala din naman 'to.

"Hindi ka na dapat bumangon," Pag-aalala nito.

"Ano bang pake mo?"

"Pake? Anong salita ang tinuran mo Binibini?" Napahawak naman ako sa aking bibig. Hayaan na nga.

"Paki! As in Pakialam! Wala kang paki sa nararamdaman ko!" Hinila niya ako palabas ng salas hanggang sa mapunta kami sa kusina.

"Huwag mo nga akong mahila-hila diyan, napipikon na'ko sa'yo ah." Pagtatalak ko sa kanya at pilit ko namang inaalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko kasi tumitibok na ng malakas ang puso ko at masasabi kong malala na talaga ako.

"Shh, sabihin mo nga ulit sa akin ang sinabi mo kay Luis?" Tiningnan ako nito sa mata, natatakot ako na may ibang makakita sa amin dito. Lalo pa't kusina ito, baka may mga kasambahay at kusinera na makakita sa amin.

"Yung alin don?"

"Tumingin ka sa'kin Binibini."

"Ha?" Pilit kong iniiwasan ang titig niya.

Hell, paano ba tumakas dito? I was shocked when he pinned me in the wall. Wala na talaga, na-corner na ako e.

"Yung tungkol kay Catalina." Pagdidiin niya, inilapit niya ng bahagya ang kanyang mukha sa mukha ko, at halos maduling naman ako.

Pigil hininga ko at walang galaw-galaw mahirap na baka ma-kiss ko siya sa lips niya.

Ekeneme!

Wag kang assuming Celerina, hindi mo ba narinig ang pangalang Catalina?

"Gusto mo siya?" Tanong ko, I'm afraid he confronted me because he likes her.
But, kung sasabihin ko man iyong nakita ko, baka hindi niya ako paniwalaan.

"Hindi" With that, my mood light up.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga, "Ipangako mo munang paniniwalaan mo ako"

But please, trust me.

Tumango lang siya, then I curiously touch his cheeks, ng dahil don, napapitlag siya. I can see in his eyes that he's eager to know the truth.

"Pangako."

Kinuha ko ang kamay niya at ang hinliliit namin ay pinag-cross ko to form a pinky promise.

"Anong ginawa mo?"

"Iyan ang patunay na hindi natin babaliin ang pangako, ano man ang mangyari." He then smiled, leaving a dimple sa kanyang magkabilang pisngi.

At dahil don, naalala ko si Augustus ang lalaking ipinagkasundo sa akin ng aking Lolo Efreno, ang Isa sa dahilan ng aking pagkamatay sa kasalukuyan at siyang nagdala sa akin dito sa sinaunang panahon.

"Ayos ka lang ba, Cel?" Napapitlag ako, at tumango.

"Saan na nga ba tayo?"

"Tungkol kay Catalina. Ibig kong malaman ang sinabi mo kay Luis dahil hindi niya daw ito maintindihan kaya humingi siya ng tulong sa akin."

Ah, kaya pala. Mabuti naman at Kay Eliseo siya humingi ng tulong hindi sa bruhildang iyon.

Nice choice, Luis.

"Nais ni Catalina na lasunin tayo kanina sa mismong hapag kainan." Namilog ang kanyang mga mata at tsaka sinarado ang pintuan ng Kusina.

"Wag mo na ulit iyan ipagsasabi kahit kanino, may mga tenga ang bawat sulok ng bahay na ito. Ang mabuti pa, umuwi ka na muna sa inyong Hacienda, Binibini. Ako na ang bahalang magsabi kina Ama at Ina." Agad ko siyang pinigilan nang umastang tatalikod siya sa akin.

"Sandali! Pano mo naman nasabi na nagsasabi ako ng totoo?" Lumingon ito sa akin at kinindatan ako.

Shet yang kindat na iyan.

"May pangako tayo sa Isa't-isa hindi ba?" Um-oo ako. "Sapat na iyon para paniwalaan kita."

Napangisi ako. Ah, ganun ha. May isang salita naman pala ang mga tao dito sa kasalukuyan.

Pero bago 'yon, hinarap niyang muli ako. "Hayaan mo't susulatan kita, Binibini."




NAKABALIK na ako sa aming tahanan. Weekend kaya pinayagan kaming makauwi ng Bulacan. Pero kailangan din naming bumalik para makahabol sa klase sa Lunes. Nais kasi ni Madam Dobina na madaliin ang aming klase upang marami daw kaming matutunan. At ang Isa pa raw na dahilan ay sa kadahilanan na ikakasal na ang Isa naming kaklase na si Perla sa Isa sa mga Ferez, na Joselito daw ang ngalan sabi nitong si Flora na katabi ko lamang habang inaayos ang maleta ko dahil pupunta na kami ng Maynila sa Araw ng bukas.

Dumating na din ang sulat ni Eliseo kaya napatalon-talon ako sa tuwa.

"Galing Kay Ginoong Eliseo!" Palakpak ni Flora sa tabi ko. Kasunod naman niyon ay ang pagdating ni Guadalupe at Viola na saktong napadaan lamang sa silid ni Celerina.

Kumakain sila ng patago kaya't dumaan sila sa lihim na daan patungo sa kusina na dating dinadaanan nila nung sila pa ay mga bata pa para hindi mahuli ng kanilang inang si Donya Honorata.

"Iyong Eliseo ng mga Castillo na kay maldito?" Panghihimatok ni Violeta, natukoy ko kaagad sya dahil sa kanyang Violet na pananamit.

"Yung dating patpatin at likas na arogante?" Mukhang may pinaghuhugutan na sabi ni Guadalupe na naka-dilaw na baro't saya.

Matalim ko silang tiningnan. Parehas na walang sense kausap. Ngayon ko palang sila na-encounter pero feel ko parehas lang naman sila nung mga Kapatid kong sina Violeta at Adella. Makakasundo ko sila.

Hindi ko sila pinansin at nagtago sa ilalim ng kama upang basahin ang sulat ni Eliseo para sa akin.

Mayo 4, 1890

Binibining Sue Celerina Ayala,

Nais kong ipabatid na lubos akong nagagalak dahil hindi ka nag-atubili na sabihin sa akin ang katotohanan. Marami pa akong gustong sabihin sa 'yo kaya nais kong makipagkita sa iyo sa lupain ng mga Cresantemo sa ganap na ika-4 ng umaga. Inaasahan ko ang iyong pagdating.

Umaasa,

Ginoong Pedro Eliseo Castillo

Bigla namang sumipol si Viola. "Niloloko ka lang niyan, mayroon nang babaeng ipinagkasundo sa kanya. At hindi Ikaw 'yon." Sabi niya at pumasok sa ilalim ng kama para kunin yung sulat na hawak-hawak ko para punitin sa gitna.

Umaasa, umasa siya hangga't kaya niya dahil walang darating na Celerina sa lupain niya!


******

#UntilTomorrowSeñor

author's available Soc-med
IG: s_owpyia

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro