W-21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

W-21: Bunyag

SAMUEL'S POV:

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Prinsesa Belle. Nang malaman niyang may babagsak na bulalakaw sa araw na ika-siyam ng Nobyembre, naging masaya siya.

Tatanungin ko sana s'ya kung anong mayro'n sa araw na 'yon bukod sa araw ng kasal nila ni Prinsipe Inigo.

Tutol din ako sa kasal. Dahil mahal ko na yata si Prinsesa Belle. Hindi, baka nga mahal ko na siya.

Hindi ko namalayan uwian na pala ngayon. Napatingala ako at nakita ko si Prinsesa Belle na nakatingin sa akin.

"Samuel, pasyal mo naman ako rito. Gusto kong lumibot." Napakurap ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses niyang nagyaya.

"Sigurado ka ba, Prinsesa Belle?" Paninigurado ko.

"Oo, hindi ko pa gaanong nalibot ang bayang ito. Saka, ayoko pa kasi umuwi papagalitan din naman ako."

Bakas sa boses niya ang lungkot.

"Halina't atin pasyalan ang bayan ng W-World!" Masayang sabi ko.

Sabay kaming naglalakad pabalik sa karwahe. Sobrang tahimik namin pareho, ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

"S-si kuya Hayme!"

Napatingin ako sa tinitignan ni prinsesa Belle at nakita kong papalapit na si Hayme sa pwesto namin.

"Takbo!"

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo, wala akong nagawa kung hindi tumakbo rin para sundan siya. 

"Bilisan mo Samuel! Tumatakbo na rin si kuya Hayme!" Sumisigaw niyang sabi sa akin.

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko nga si Hayme na tumatakbo na rin.

"Belle! Tumigil ka sa pagtakbo!" Sigaw ni Hayme.

Nang makita kong nakasakay na sa karwahe si Prinsesa Belle, binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko.

"Bilis! Bilis Samuel!" Sumisigaw na sabi ni Prinsesa Belle habang kinukumpas niya ang kanyang mga kamay palapit sa kanya.

Nang makasakay, pinalo ko agad ang kabayo para tumakbo na ito. Sa pagtakbo ng kabayo ay s'yang pag-iwan namin kay Hayme na huminto na sa pagtakbo.

"Muntik na iyon!" Tumatawang sabi ni Prinsesa Belle.

"Baka lalo kang pagalitan, Prinsesa."

"Kaya ko ang sarili ko, Samuel. Saka papagalitan din naman nila ako kaya sinulit ko na para isang sermon lang."

Napailing ako sa kanya. Pasaway na prinsesa.

--

"Ang ganda pala ng parke!" Namamanghang sabi niya.

Palakad-lakad si Prinsesa Belle kaya ito ako nakasunod sa kanya.

"Ganito pala kaganda ang parke!" Lumingon siya sa akin, "Sa amin kasi hindi na ganito kaganda. Sira na ang mga padulasan at kalbo na ang mga halaman."

Simple lang naman ang parke rito sa lugar namin. May mga duyan, padulasan at mga bulaklak na nakapaligid sa buong parkeng ito. Mga lamesa at upuan na gawa sa bato. Simple lang pero ito ang mahalaga sa mga bata na nandito.

Sa kanila?

"Sa inyo?"

"Huh? Wala 'yon! Doon tayo Samuel!" Hinila niya ako at pumunta kami sa duyan.

"Tulak mo 'ko! Iyong malakas ha!"

Pumunta ako sa likod at tinulak siya nang napakalakas.

Nagulat ako nang tinaas niya ang dalawang kamay niya akala ko mahuhulog na siya.

"Stress free!"

Nagtataka ako sa sinigaw niya. Banyagang wika ba 'yong sinabi niya?

Pinigilan ko ang pagduyan niya.

Tumingin siya sa akin, "Bakit?"

"Kain tayo?"

"Ang sarap ng puto bumbong!"

Nandito kami ngayon sa pabilog na lamesa na gawa sa bato. Dito rin sa parkeng ito. Kumakain kami ng puto bumbong, kutsinta, puto at bibingka.  Ito ang kilala sa lugar namin at dinadayo rin ito ng kabilang barangay.

"Ang sarap talaga nito lalo na't may mantikilya at asukal!" Sabay kagat niya sa kanyang bibingka.

"Uhhmmm! Sobrang sarap!"

Nakadalawa siyang bibingka at isang puto bumbong. Mukhang gutom na gutom siya. Konti lang kasi kinain namin kanina.

"Prinsesa Belle, uwi na tayo! Gumagabi na."

Tumingin siya sa kalangitan at nakitang dumidilim na.

Ngumiti siya sa akin, "Tara?"

Sabay kaming pumunta sa karwahe ko at sumakay na rito.

Habang bumabyahe kami pabalik sa kanilang bahay naging tahimik siya at nakatingin sa paligid.

Hininto ko ang karwahe ng nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Prinsesa Belle nandito na tayo sa inyo."

"Huh?"

"Nandito na tayo,"

Tumingin siya sa paligid at nang makita ang kanilang bahay, bumaba na agad siya.

"Salamat," ngumiti siya sa akin at pumasok na kanila.

BELLE'S POV:

Nandito ako sa harap ng pinto namin, hindi ko alam kung kakatok ba ako o aalis na lang uli.

Huminga ako ng malalim at agad binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang katahimikan, wala ni isang tao ang nasa sala.

Pumasok agad ako at umakyat sa aking kwarto. Papasok palang ako sa kwarto ko ng may marinig akong boses.

Sinundan ko ang boses kung sa'n nanggagaling. Sa kwarto ni kuya Hayme.

Tinapat ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang kanilang usapan.

"Suwail talaga si Belle kahit kailan!"

Boses ni kuya Hayme.

"Hayme, baka nga naman nag-iba na siya..."

Ang boses na iyon. Ang boses ni Prinsipe Inigo.

"Nag-iiba ang mga tao, Hayme. Paniguradong pati ang kanyang nararamdaman ay nagbago na rin. Bakit natin ipipilit ang isang bagay kung wala na naman na."

Rinig kong dugtong ni Prinsipe Inigo.

"Inigo, matalik na kaibigan kita, itigil muna ang nararamdaman mo kay Lita."

L-lita?

"Sabi ko nga kanina, hindi mo mababago ang nararamdaman mo sa isang tao, Hayme."

May narinig akong langitngit.

"Mahal ko siya,"

Nang marinig ko ang katagang iyon may kung anong tumusok sa puso ko. Pumikit ako at nakita ko ang imahe ni Zidane.

Pagkadilat ko siyang kita ko naman kay Lita na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin.

"P-prinsesa,"

Tumingin ako sa kanyang mga mata na may pangamba.

"Prinsesa," ulit niyang sabi.

Napatingin kaming dalawa nang bumukas ang pinto at lumabas dito sina kuya Hayme at Prinsipe Inigo.

Ngumiti ako sa dalawang lumabas, "parehas pala tayong nararamdaman. Bakit hindi na lang natin pigilan pareho ang nalalapit na kasal?" Matapang sabi ko sa kanila.

"May iba rin akong minamahal kaya parehas lang tayo." Dugtong na sabi ko sa kanila.

"Belle!" Bakas tono ni kuya Hayme ang galit.

Ngumisi si Prinsipe Inigo, "tutol ka, tutol din ako."

Umalis na ako sa harapan nila at bumalik sa silid ko. Napaupo ako ng maisarado ko ang pinto. Bakit bigla akong nanghina. Pinilit kong tumayo at humiga sa malambot kong kama at pinikit ang mga mata.

"Anak, si Prinsipe Inigo ang nararapat sayo! Hindi siya!"

Nakita ko si Ina - Reyna Autumn at ang aking sarili o ang aking ninuno.

"Ina, hindi mo kasi nararamdaman," sabay turo niya sa kanyang puso.

"Mahal ko siya Ina! Mahal ko siya! Kahit ngayon lang intindihin niyo naman ang nararamdaman ko! Ang anak niyo!"

Umiiyak na sabi ni Belle.

"Belle, Anak, alam kong mahal mo pa rin si Prinsipe Inigo nadala ka lang ng galit sa kanya."

Umiling si Belle, "Hindi na, Ina. Iba na ang tinitibok ng puso ko. Iba na ang sinasabi nito at hindi na siya."

Lumakad si Belle, "Bakit hindi niyo na lang tanggapin na nagmahal siya ng isang maralita at nagmahal ako ng isang lalaking isang kalahating maralita. Bakit hindi niyo kayang tanggapin dahil nasa mataas kayong antas. Antas na basura. Parehas natin silang Pilipino pero tayo ang kumukutya at umaalipin sa kanila!"
Lumapit si Belle sa pinto at akmang bubuksan na niya ito ng magsalita pa siya.

"Pigilan niyo man ako Ina at sina Ama at Hayme sa aking desisyon, magpapakamatay ako." Tinitigan niya ang kanyang Ina, "Hindi ako nagbibiro Ina at alam niyo 'yon."

Lumabas siya ng silid at naiwan si Reyna Autumn na tulalang nakatingin sa pintong nilabasan ni Belle.

Nandito ako sa gilid at hindi ko alam kung gaanong katapang ang Belle na nakikita ko. Ang Belle sa mundong ito.

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro