W-22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

W-22: Panaginip

BELLE'S POV:

Napabalikwas ako ng bangon. Basang-basa ang aking noo nang dahil sa panaginip ko.

Para sa'n ang panaginip na iyon? Siya ang Prinsesa Belle sa mundong ito. Pero, bakit siya nagparamdam sa panaginip ko?

Napabangon ako sa higaan ko, at pumunta sa paliguan upang mahimasmasan ako. Binasa ko ang aking mukha at tinitigan ang sarili ko sa lumang salamin na narito.

Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa akin. Lalo pang dumagdag ang panaginip ko. Sino ba talaga si Prinsesa Belle sa mundong ito? Para saan iyon?

Lumabas ako ng paliguan nang basa ang aking mukha. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito, bumungad sa akin ang sinag ng araw. Maaga na pala.

Wala kaming pasok ngayon dahil may pagpupulong na magaganap ang mga guro sa paaralan.

Umupo ako sa upuan na bilog habang nakatingin sa salamin. Inaalala ko ang mukha at tindig ni prinsesa Belle sa panaginip ko. Kamukhang-kamukha ko siya. Pati ang kulay ng mga mata namin ay kulay kayumanggi.

Siya kaya ang ninuno namin? Hindi ko naman kasi kilala ang angkan nila Jasper. Ang angkan ng totoo kong pamilya.

Nawala ang iniisip ko ng may kumatok sa pinto ng aking silid.

"Prinsesa, gising na po ba kayo? Pinapatawag po kayo nina Haring Danyel at Reyna Autumn."

Ano na naman ba ang kailangan nila? Akala ko pa man makakatakas ako sa mga problema ko sa mundo namin pero nagkakamali ako.

Ilang beses pa siya kumatok pero 'di ako sumagot sa kanya. Narinig ko na lamang ang papalayong hakbang niya.

Ayoko muna magpakita sa kanilang lahat. Gusto ko muna mag-isa at makapag-isip tungkol sa panaginip ko.

Hindi pa ako masyadong nakakapag-isip ng biglang may kumatok ulit.

"Anak, Belle, Iha, Gising ka na ba?"  Si Reyna Autumn.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinahak ang daan papunta sa pinto ng aking silid.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Reyna Autumn.

"Bakit po?" Pagalang na sabi ko rito. May paggalang pa rin naman ako. Pinalaki ako ng mga nakakuha sa akin ng tama at may respeto sa mga matatanda.

"Kakain na tayo,"

Pagkasabi niyang 'yon tumalikod na siya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya pero sinarado ko muna ang pinto nang silid ko.

Pagkababa namin, nakita ko agad sa hapagkainan sina Haring Danyel at Prinsipe Hayme. Naiilang na akong tawagin siyang kuya.

Tumingin sa amin si Haring Danyel nang makitang paparating na kami. Natakot ako sa lamig na tingin niya at sa tindig nang pagkakaupo niya.

Napaiwas agad ako ng tingin.

"Maupo ka na, Belle." Malamig na sabi ni Haring Danyel.

Umupo na ako sa tabi ni Reyna Autumn. Nakatingin lamang ako sa platong nasa harapan ko.

"Kumain na tayo,"

Kumuha ako ng tinapay at pinalaman ko ito ng mantikilya na binudburan ko ng asukal na may kasamang mainit na tsokolate.

Tahimik na kumain ako habang nakayuko pa rin ang ulo ko. Ayokong tumitig sa kanila.

"Belle,"

Napa-angat ako ng ulo ko at tumingin kay Haring Danyel.

"Po?"

"Bakit 'di ka sumipot kahapon? Nandito sina Haring John, Reyna Sella at Prinsipe Inigo para pag-usapan ang nalalapit niyong kasal. Isang buwan na lang at kasal niyo na." Mahabang alintana ni Haring Danyel.

Napatitig ako sa mata ni Haring Danyel. "A-ayaw ko po matuloy ang kasal..." mahinang sabi ko sa kanila at agad na yumuko para hindi ko makita ang mga mata nila.

Nagulat kami ng balibag na tumayo si Haring Danyel dahil nahulog ang kanyang upuan.

"Nababaliw ka na ba, Belle? Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Kapangyarihan ang mawawala sa atin!" Galit na sabi niya sa akin.

Nasa likod niya si Reyna Autumn at pinapakalma siya nito habang hinahagod ni Reyna Autumn ang likod ni Haring Danyel.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinitigan siya, "Haring Danyel, ginagalang ko po kayo pero mali po yatang pilitin niyo akong pakasalan si Prinsipe Inigo dahil wala na akong nararamdaman sa kanya ni katiting. Pati, si Prinsipe Inigo iba na ang kanyang minamahal," tumigil ako saglit at tinitigan sila. "Alam niyo bang sino ang minamahal na ni Prinsipe Inigo?"

"Belle!" Napatingin ako kay Prinsipe Hayme.

"Sino? Sino ang babaeng 'yon, Belle?" Galit na sabi ni Haring Danyel.

Tumingin ako kay Prinsipe Hayme. Natatakot ako na sabihin ang totoo baka mapahamak si Lita.

"H-hindi ko ki--"

"Si Lita. Si Lita ang mahal ko." Nanigas ako sa boses na narinig ko. Boses ni Prinsipe Inigo.

Dahan-dahan akong napalingon sa bukana ng hapagkainan namin at nakita ko si Prinsipe Inigo na nakatayo roon habang nasa likod niya si Lita.

Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita o umimik lamang.

"Ano ang ibigsabihin nito, Inigo?" Dumagundong ang boses ni Haring John na hindi namin namalayan na na nakapasok na rin pala sa pamamahay namin.

Lalo akong kinabahan. Nabunyag na ang lahat. Hindi pa pala. May isa pang sikreto.

Walang umimik sa amin.

"Anong ang ibigsabihin nito?" Ulit na sabi ni Haring John nang walang nagsalita sa amin.

"Ama," nagsalita si Prinsipe Inigo. Nakatingin lang kami sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Hindi na matutuloy ang kasal namin ni prinsesa Belle." Huminga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Wala kang mababakas na takot at pangamba.

"Sino ang may sabi sayong hindi na matutuloy, Inigo? Ako ang ama mo, kaya ako masusunod!"

Lahat kami ay nakatayo na at hinihintay ang susunod na sasabihin nila.

"Ama, hindi niyo madidiktahan ang puso ko. Sa loob ng ilang taon naging mabait akong anak sa inyo. Kaya ngayon, puso ko naman ang uunahin ko. Kagaya ng pagsuway ng ama ni Samuel, umiibig din ako sa maralita."

Gulat na gulat ang mukha nina Haring John at Reyna Sella mukhang 'di makapaniwala sa mga narinig kay Prinsipe Inigo.

"Inigo! Bawiin mo ang sinabi mo! 'Wag mo kong sagarin! Iba ako magalit!"

Lumapit si Reyna Sella kay Haring John para pakalmahin ito.

Buong tapang na tumitig si Prinsipe Inigo sa kanyang ama.

"Hindi na mababawi ang mga sinabi ko ama. Buo na pasya ko. Mahal ko si Lita."

Nakita kong yumuko si Lita. At ang huli kong naalala ay ang paghila ni Prinsipe Inigo kay Lita sabay nang pagtakbo nilang dalawa.






- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro