W-25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

W-25: Itinakdang araw.

BELLE'S POV:

Lumipas ang ilang linggo, wala akong balita tungkol kay Lita. Hindi ko alam kung talagang kinulong siya sa karsel o itinapon sa ibang karatig bayan. Gaya ng mga narinig ko kay kuya Hayme.

Si Arateya naman binalik sa pamilya niya at kinulong sa kanyang silid, gano'n din si Prinsipe Inigo at pati ako. Kinulong din ako ni Haring Danyel para 'di kami magkita ni Samuel. Nakakandado ang pintuan ko mula sa labas at bubuksan lamang ito kapag kakain na kami.

Walang nagawa si kuya Hayme sa utos ni Haring Danyel - ang ama namin, nang sabihin niyang ikulong ako sa silid ko hanggang sumapit ang pag-iisang dibdib namin ni Prinsipe Inigo.

Sa nakalipas na linggo, kinausap ni Haring John ang mga tagasilbing nag-aklas para sa kanilang karapatan.

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga maharlika at mga maralita para pag-usapan ang karapatan nila.

Nabago ang batas para sa kanila. Batas na p'wede na mag-aral ang mga batang maralita sa mga paaralang para sa maharlika pero ang batas ng pag-ibig hindi pa sinasang-ayunan. Si Haring John ang nag-iisang pwedeng sumang-ayom tungkol sa batas na'to.

Napalingon ako sa pinto ng silid ko ng may kumatok. Nasa lamesa ako ng aking kwarto habang binabasa ang sulat na galing kay Kuya Hayme. Hindi kasi kami p'wede mag-usap kaya dinadaan na lang niya sa sulat.

May narinig akong tunog na nagbabanggaan mga susi na nanggagaling sa labas ng silid ko.

"Sino 'yan?" Habang nakatingin pa rin ako sa pinto.

"Ako po ito, Prinsesa Belle. Meryenda po para sa inyo,"

Si Manang Norie. Simula ng ikulong ako sa k'warto, siya na ang nag-aalaga sa'kin at siya rin ang nagbibigay ng sulat ni kuya Hayme.

"Nand'yan na po, Manang." Naglakad ako palapit sa pinto at agad na bumungad sa akin si Manang Norie habang bitbit ang isang bandeha na may lamang mga tinapay at mainit na tsokolate.

Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya. Kahit kating-kati na'ko lumabas at tumakas, hindi ko ginagawa baka si Manang Norie naman ang mapahamak.

"Prinsesa, ilang araw na lang at ikakasal ka na," hinaplos niya ang pisngi ko. "Alam kong ayaw mo ang mapakasal kay Prinsipe Inigo," bakas sa salita niya ang lungkot.

"Wala po tayong magagawa Manang, siguro ito na ang nakatadhana sa'kin," ngumiti ako sa kanya "Sige po, Manang. Salamat po ulit dito." Turo ko sa dala-dala niya.

Sinarado ni Manang ang pinto at narinig ko na naman ang tunog ng kandado. Naka-lock na naman ako sa loob ng silid ko.

Nilapag ko sa lamesa ang tray at kumuha ng 'putok' at sinawsaw sa mainit na tsokolate.

Dalawang araw na lang bago ang kasal namin ni Prinsipe Inigo. Wala pa bang ginagawang paraan si kuya Hayme?  Sabi niya may pinaplano siya kaya maniniwala ako sa kanya.

Natapos ang araw ko sa gano'ng paraan. Iiwanan ng pagkain, magbabasa ng aklat at paulit-ulit na pangyayari.

Dumaan ang dalawang araw. Na walang nangyayari. Hindi ko nakita at nakausap si kuya Hayme. Hindi siya pumunta sa akin. May pinaplano ba siya?

Kinuha ko ang talaarawan na nakalagay sa lamesita at inekis ang numero siyam (9) ng Nobyembre. Ito na ang araw ng kasal namin.

Bakit wala pa silang ginagawa?

Bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok doon si Ina.

"Ayos ka lang ba, Belle?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanyang kulay puting bestida na maraming disensyo.

Lumapit s'ya sa'kin at hinaplos ang hanggang balikat kong buhok.

"Dapat maging masaya ka, ito na ang araw ng pag-iisang dibdib n'yo ni Prinsipe Inigo, Belle."

Tumingin ako sa kanya, "Reyna Autumn, hindi po ako masaya. Wala na po akong pagtingin ni katiting kay Prinsipe Inigo. Si Samuel na po ang minamahal ko ngayon,"

Pagkasabi ko iyon parang 'di s'ya nagulat sa sinabi ko sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Alam ko na, Belle. Sinabi na sa'kin ni Hayme ang lahat-lahat. Wala akong magagawa para baliin ang plano ng iyong ama sa'yong kapalaran. Pero, tutulungan ko kayo. Ibabalik ko ang ngiti sa'yong labi."

Sasagot pa sana ako kay Reyna Autumn kung ano ang pinapahiwatig niya pero biglang may dumating na apat na kababaihan. Sa tingin ko hindi sila mga maralita.

"Sila ang mag-aayos sa'yo, Belle."

Tumayo siya at nilapitan ang apat na babae.

"Kayo na bahala sa maganda kong anak," pagkasabi niya nu'n lumabas na rin siya ng silid ko.

---

Umabot ng ilang oras bago ako natapos na ayusan. At, ngayon ay mag-isa ako sa silid ko. Iniwan na nila pagkatapos nila ako pagandahin.

Tumayo ako at lumapit sa mahabang salamin. Isang mahaba, maputi at maraming burda ang suot kong bestida ngayon. May suot din akong kwintas at hikaw na lalong nagpatingkad sa suot ko.

Mamayang gabi pa ang kasal namin. May tatlong oras pa bago iyon. Umaasa pa rin akong may plano sila.

Palakad-lakad ako sa loob ng silid ko. Paano kung wala? Paano kung natunugan kami ni Haring Danyel? Iniling-iling ko ang ulo ko para iwaksi ang iniisip ko.

Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng silid ko at nakita ko roon ang gwapong mukha ni kuya Hayme. Nakasuot siya ng barong tagalog na bumagay sa kanyang itsura.

Lumapit agad ako sa kanya at magtatanong sana kung may plano sila pero bigla niya ako sinenyasan na tumahimik.

"Pinapasundo ka sa'kin ni Ama. Ito ang itinakdang araw para sa'yo, Belle."

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa kanyang kaliwang braso.

"Ang ganda mo ngayon kapatid. Para kang bulalakaw na minsan lang magpakita."

Ang bulalakaw!

Napakunot ako ng noo ng marinig kong tumatawa siya.

Hinampas ko siya agad sa kanyang braso ng maisip kung bakit siya tumatawa. Siraulo 'to!

"Ano ako panget? Tapos pag-inayusan doon lang gumaganda? Aba!" Patuloy ko pa rin siya hinahampas.

"Tama na! Binibiro lamang kita!" Habang tumatawa pa rin siya.

Masama ko siyang tinignan at inirapan ko s'ya.

"Binibiro lamang kita kapatid. Sobrang ganda mo kaya. Nasa lahi natin ang magagandang mukha," hinaplos niya ang pisngi ko, "Gusto kong ibalik ang mga ngiti mo."

Nasa labas na kami at sumakay sa karwaheng kulay puti at kabayong kulay puti rin.

Inalalayan ako ni kuya Hayme na umakyat sa karwahe.

Bago niya isara ang pinto ng karwahe, "Magtiwala ka sa'kin,"

Magtatanong pa sana ako ng patakbuhin na ng kutsero ang karwahe.

Naniniwala ako sa'yo, kuya Hayme.




- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuuu!💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro