W-26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

W-26:

BELLE'S POV

Tumigil ang karwahe sa isang mataas na lugar. Lugar kung sa'n nakatayo ang simbahan. 

Lumapit sa akin ang kutsero, "Prinsesa, dumito muna ho kayo sabi ni Haring Danyel." Yumuko siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Naiwan ako sa loob ng karwahe at tinignan ang labas. Sobrang dilim at puro malalaking puno ang nakikita ko. Napatingin ako sa buwan. Full moon.

Napaikot ako sa inuupuan ko nang may marinig na kaluskos.

"S-sino 'yan?" Nanginginig na sabi ko habang nakasilip sa labas.

May nakita akong anino ng tao na lumabas sa kagubatan na kung sa'n malapit sa bangin. Hindi ko pa maaninag ang papalapit dahil sa dilim ng paligid.

Nang makalapit siya sa akin, nakita ko ang papalapit na si Samuel.

"Prinsesa,"

"Bakit ka narito?" Naguguluhang tanong ko rito habang palingon-lingon sa paligid.

"Ito ang plano namin, Prinsesa. Habang nasa loob silang lahat itatakas ka na namin."

Binuksan  niya ang pinto ng karwahe at inalalayan niya ako bumaba.

Nang makababa ako, luminga-linga si Samuel sa paligid kung may mga kawal ba na nagbabantay.

"Tara na, Prinsesa," mahinang sabi niya sa'kin.

Habang mabilis kami naglalakad, "Nasa'n si Lita? Ayos lang ba siya?" Tanong ko rito.

"Ayos lang si Lita. Nasa kamay na namin siya. At, ngayon ay tinatago namin siya."

Nakahinga ako sa nalaman ko. Naging kaibigan ko na si Lita kahit sa maikling panahon na nakilala ko siya.

Tumigil si Samuel sa paglalakad kaya nabunggo ako sa likuran niya.

"B-bakit ka tumigil?" Pagtatanong ko rito.

"Ang mga kawal,"

"Prinsipe Samuel, bakit mo kasama si Prinsesa Belle?"

Pagtatanong ng isang kawal nang makalapit sila sa'min.

"Pinapakuha siya sa akin ni Hayme. Ako na raw ang maghahatid sa kanya." Walang pangambang sabi niya.

"Gano'n ho ba. Pinapapunta na ho si Prinsesa sa simbahan."

Napahawak ako sa braso ni Samuel. Ito na. Ito na talaga.

Sumunod kami ni Samuel sa dalawang kawal kahit labag sa'min.

Binuksan nila ang pinto ng simbahan at bumungad sa amin ang maraming tao. Bakas sa mga nandito ang karangyaan dahil sa kanilang mga damit, alahas at sa kanilang tindig.

Nilibot ko ng tingin ang simbahan, puro mga puting bulaklak ang naging dekorasyon dito.

Nakita ko si Haring Danyel at Reyna Autumn na nasa kanan bahagi ko at si Prinsipe Inigo na nasa unahan ng simbahan kasama si kuya Hayme.

"Maaari ka ng bumalik sa pwesto mo, Samuel." Madiing sabi ni Haring Danyel.

Tumingin pa s'ya sa'kin, tumango ako sa kanya para iparating na sumunod siya.

"Belle, umayos ka. Ngumiti ka."

Napahinga ako ng malalim at sinunod ang sinabi ni Haring Danyel.

Wala na kami magagawa. Ito na siguro ang kapalaran ng totoong Belle.

Humakbang kami papunta sa harap ng altar na ngayon ay naghihintay si Prinsipe Inigo.

Nasa gitna na kami ng simbahan ng biglang may sumigaw sa labas. Napahinto kami sa paglalakad namin at lumingon sa likuran ng may pumasok na isang kawal.

"Haring Danyel," yumuko ito "Nagkakagulo sa labas dahil kay Lita."

Si Lita.

"Pigilan siya! 'Di dapat siya makalapit dito!"

Umalis ang kawal pagkasabi ni Haring Danyel ng kanyang utos.

Nasa panganib si Lita.

Ipagpapatuloy na sana namin ang paglalakad pero isang Prinsipe Inigo ang dumaan sa gilid namin kasunod nito si kuya Hayme.

"Inigo!" Malakas na sigaw ni Haring John pero 'di siya pinansin.

"Dito ka lang Belle, 'wag kang lalabas!" Utos sa'kin ni Haring Danyel at sinundan si Haring John na tumatakbo palabas para habulin si Prinsipe Inigo.

Susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Reyna Autumn.

"Wag kana sumunod, Belle."

"Pero po," umiling sa'kin si Reyna Autumn.

Pero, kailangan ko tulungan si Lita. Iyon dapat ang sasabihin ko sa kanya.

Napatingin uli kami sa pinto ng simbahan dahil may sumigaw uli sa labas.

Ano na ba nangyayari sa labas? Sana ayos lang ang lahat.

Mas lalo ako nangamba ng may narinig kaming putok ng baril.

Hindi na ako napigilan ni Reyna Autumn dahil tumakbo na ako palabas kasama si Samuel.

Paglabas namin, sumalubong sa amin  ang nagkakagulong mga kawal habang pinipigilan sina Lita, Prinsipe Inigo, kuya Hayme at si Arateya. 

Naroroon din sina Haring John at Haring Danyel na pilit pinapabalik si prinsipe Inigo sa loob ng simbahan.

"Patawad, Ama pero 'di na 'ko susunod sa mga inuutos mo. Sa ngayon, puso at desisyon ko naman ang uunahin ko." Sabi ni Prinsipe Inigo habang hawak-hawak sa kanang kamay si Lita.

Ramdam ko ang pag-iibigan nilang dalawa. Busilak ang nararamdaman ni Prinsipe Inigo kay Lita.

"Bumalik ka rito, Inigo!" Sumisigaw na sabi ni Haring John kay Prinsipe Inigo na ngayon ay tumatakbo na palayo sa amin.

Hindi makasunod si kuya Hayme sapagkat hawak siya ng mga kawal maski si Arateya. 

"Ako ang sundin mo at hindi ang puso mo! Hindi ka mapapakain ng pag-ibig na 'yan. Kailangan ka ng bayan para pamunuan mo sila!"

Kahit anong sabi ni Haring John kay Prinsipe Inigo ay hindi ito tumigil sa pagtakbo.

Kaya wala silang nagawa kung 'di habulin ang mga ito. Sumunod kami ni Samuel kung sa'n man tumakbo sila.

Kailangan kong matiyak na magiging ligtas sila sa pagtakas nila.

Napatigil kami sa pagtakbo ng may humiyaw na putok ng baril.

Baril?

Sina Prinsipe Inigo?!

Binilisan namin ang pagtakbo ni Samuel. Hindi namin namamalayan na nakatakas pala si kuya Hayme sa mga kawal na nakahawak sa kanya.

Napatigil kami ng makitang nakaluhod sa lupa si Prinsipe Inigo habang hawak ang kanyang tagiliran. Ang kanyang kulay puting barong ay nagiging pula na dahil sa pulang likidong lumalabas sa tagiliran niya.

"Ama, hindi ba p'wedeng ako naman ang masunod sa gusto ko? Hindi ba p'wedeng sarili ko naman? Sa tanang buhay ko, kayo ang sinusunod ko. Kayo ang palaging tama. Kayo ang palaging masusunod," tumayo si Prinsipe Inigo habang nakaalalay si Lita sa kanya. "Hindi ba p'wedeng, ako naman ngayon? Desisyon ko naman. Gusto ko makasama habang buhay si Lita. Simula bata si Lita ang iniibig ko. Si Lita ang nagpatibok ng puso ko," tumingin si Prinsipe Inigo sa'kin, "Patawad, Prinsesa Belle kung naririnig mo 'to ngayon. Minahal kita pero pagmamahal ng isang kapatid lamang. Alam iyon ni Hayme. Si Samuel...siya ang may malalim na pagtingin sayo."

Hindi na 'ko nagulat sa nalaman ko. Alam ko naman nung una palang.

Wala ni-isang nagsalita sa'min. Ramdam namin ang mga binigkas na salita ni Prinsipe Inigo.

"Ama, sana pirmahan mo na ang batas, batas na tungkol sa pag-ibig ng mga maharlika at maralita. Dahil hindi nasusukat sa estado o karangyaan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig."

Hindi umimik si Haring John.

"John," napatingin siya kay Reyna Sella, hindi namin napansin na nandito na rin pala sila pati si Reyna Autumn at iba pang mga maharlika ng bayan.

Tumingin si Haring John kay Reyna Sella at sabay bumuntong hininga ng malalim.

Hinihintay namin lahat ang magiging desisyon ni Haring John kaya ni-isa walang umimik.

Habang hinihintay ang magiging hatol ng huli, napagawi ang tingin ko sa kanang bahagi ko ng may maaninag akong isang bulto na may hawak ng isang mahabang bagay at nakaharap ito sa pwesto nina Inigo at Lita.

"Pumapa---"

Bago pa matapos ni Haring John ang sasabihin niya, tumakbo agad ako sa direksyon nina Inigo at Lita ng maaninagan ko ng mabuti kung ano ang hawak ng isang lalaki.

Isang iskopeta. Isang shotgun.

At, nakatutok ito ngayon sa kanilang dalawa!

Umalingawngaw ang putok ng iskopeta sa buong  paligid at naramdaman ko na lang ang mainit na pakiramdam na lumulukob sa akin katawan. Ang pagbagsak ko sa lupa. At, ang huling nakita ko ay pagbagsak ng mga bulalakaw sa kalangitan kasabay ng hiling ko ay ang pagkawala ng ulirat ko.




- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank you!❤💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro