Chapter 22 - Kathang Isip

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 22

|HER|

"I used to love him in my dreams because in my dreams no one owns him but me."

Naalala ko nung teenager days namin ni Jace mahilig kaming gumawa ng kalokohan. Dati kasi nung highschool kami may mga pagkakataon na absent ang iilan sa mga subject teachers namin. So meaning wala kaming ibang gagawin not unless may iniwan silang pa-activity or quiz.

Sa tuwing nagkakataon na ganoon ang set up, tatapusin muna namin ni Jace ang tasks namin at right after namin magpasa ng mga gawa namin ay lalabas kami ng classroom. Kunwari magpupunta lang kami ng cafeteria pero ang hindi alam ng mga kaklase namin, tatakas kami.

Cutting classes. Hindi naman namin madalas ginagawa 'yon. Siguro madalas na 'yung twice a month. Basta asahan mong hindi matatapos ang isang buwan nang hindi kami nakakatakas sa school.

Para makalabas kailangan muna namin akyatin 'yung malaking pader sa likod ng school building namin at talunin 'yon. Kailangan pa naming dumaan sa malawak na field dahil hindi ganoon karami ang mga taong dumadaan doon.

Paglabas namin maghahanap kami kaagad nang makakainan. Usually, nagpupunta kami sa food court sa hindi kalayuan mula sa school. Kakain kami doon ng mga street foods like fishballs, kikiam, kwek kwek at squid balls.

Pero hindi pa kami nabubusog doon. Pupunta pa kami sa isang tindahan na kilala na kami dahil palagi kaming bumibili doon ng mga maruya, banana cue, kamote cue at turon.

Pagtapos naman namin kumain ay tatambay kami sa may tulay. Nung panahon na 'yon sikat ang 'tulay' na tinatawag ng mga high school students na katulad namin. Maganda kasi ang tanawin mula doon lalo na kapag palubog na ang araw. Uupo lang kaming dalawa doon nang magkatabi habang kumakain ng inihaw na hotdog.

Isa 'yon sa mga bagay na gustong gusto kong ginagawa kasama siya. Ang tumambay sa isang tahimik na lugar, may magandang tanawin, kasama siya. Tapos magkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga random na bagay-bagay. Kung ano lang ang maisipan naming mapagkwentuhan.

Hindi man namin palaging nagagawa, pero every month dumadayo kami doon. Hindi naman kami p'wedeng mag-cutting classes araw-araw dahil baka mapalayas kaming dalawa ng mga magulang at lola namin. Minsan naman kasi hindi na maganda magpunta doon kapag uwian o kapag pasukan pa lang kasi kung hindi maraming tao, mainit naman sobra.

So we have no choice left kundi gumawa ng kalokohan. But that's one of the foolish things we do together na never kong pinagsisihan. Masarap gawin ang mga bagay na 'yon kasama siya. Masarap mag-isip isip. Masarap mangarap at bumuo ng mga hindi mangyayaring bagay sa pagitan naming dalawa.

Kahit kathang isip lang.

Isang beses nung magkayayaan kaming dalawa na dumalaw ulit doon sa tulay na 'yon. Hindi ko makakalimutan na pinauna ako ni Jace na pumunta sa tulay dahil may gagawin lang daw siyang importante. Sandali lang daw 'yon dahil darating din daw siya kaagad.

Umasa ako noon. Dumaan ako sa malaking field ng school mag-isa. Umakyat ako sa mataas na pader sa likod ng school building namin at tumalon doon mag-isa kahit hirap na hirap ako dahil nasanay ako na sinusuportahan at inaalalayan ako palagi ni Jace.

Pagkalabas ko hindi na muna ako kumain at bumili ng mga pagkaing paborito naming kainin dahil gusto kong hintayin siya. Gusto ko kako na sabay kaming kumain at magkwentuhan ulit. Gusto kong gawin ulit namin ang bagay na nagpapabagal sa oras ko at nagtutulak sa akin para gustuhin ko na lang na huminto ang takbo ng oras at manatili kami sa ganoong posisyon.

Nakarating ako sa may tulay. Umupo ako doon. Naghintay. Tumitig sa kawalan at sa magkahalong kulay ng langit na kahel, asul at puti. Mga ilang segundo ang lumipas. Mga ilang minuto ang lumipas hanggang sa mag-iisang oras. Nagsisimula nang lumubog ang araw. Naalala ko na 'yun ang unang beses na masilayan at mapanood ko ang unti-unting paglubog ng araw nang hindi kasama si Jace.

Lumipas ang ilang oras. Kahit alam kong may chance na hindi na siya dumating, naghintay pa rin ako. Nagbabakasali. Ayokong umalis dahil baka sa pag-alis ko, magkasalisi kami. Ayokong umalis dahil sinabi kong maghihintay ako. Ayokong umalis dahil gusto kong magbakasakali at hawakan ang katiting na pag-asang meron ako.

Kahit kathang isip lang.

Hanggang sa umabot na ang gabi. Nakaupo pa rin ako doon. Marami nang mga estudyante ang nagsisi-uwian. 'Yung iba napapatingin sa akin kung bakit ako nakaupo sa tulay at parang naghihintay ng isang bagay na alam kong hindi na darating. Pero kahit ganoon, naghintay pa rin ako. Nagbabakasakali.

Kahit kathang isip lang.

Hanggang sa lumalim na ang gabi ay wala pa rin si Jace. Naisip ko noon na baka nag-aalala na sa akin si lola Delia nang sobra kaya nagsimula na akong tumayo at humakbang palayo sa lugar na 'yon.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako, muli akong napalingon sa tulay at umaasang sa paglingon ko ay makikita ko na siya. Pero sa isa pang pagkakataon, nabigo na naman ako kaya naisipan kong umuwi na lang. Sabi ko mukhang malabo nang magpunta si Jace doon dahil ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin akong nakikita kahit anino niya.

Hanggang sa kinabukasan nalaman ko na lang mula sa kanya na kaya siya hindi natuloy sa pagpunta sa akin ay dahil kay Eliz. Naabutan niya si Eliz na umiiyak sa labas ng school. Tumakas din pala siya nung araw na 'yon. Tapos sinubukan niyang imaneho 'yung kotse nila kaso biglang tumirik sa gitna ng daan.

Kaya simula nung araw na 'yon tumatak sa isip ko na siguro... siguro may taong mas mahalaga para kay Jace na higit pa sa akin. Na siguro si Eliz 'yung taong 'yon. Kaya simula noon, patago akong nagkukulong sa nararamdaman ko para kay Jace. Patago akong nagmamahal kaya patago din akong nasasaktan.

Kahit kathang isip lang.

People have no idea what might happen the next day. They don’t know what their emotions will be, will it be fun again? Will it be sad?

Sa buhay may mga pagkakataon na nalulugmok tayo. Bumabagsak mula sa pagkakalipad. Natatalo mula sa pagkapanalo. Nalulungkot pagkatapos ng kasiyahan. Nasasaktan nang paulit-ulit. But that's how life works. And that's really the way of life to challenge us; it's curse of life.

Napahinga ako nang malalim at napatingin kay Jace. Nananatili pa rin siyang nakatitig sa kawalan at halata sa mukha niya na hindi siya mapakali.

"P-paanong... paano daw nangyari 'yon?" I tried my best not to stutter but I failed. I couldn't pretend to be okay because I'm totally not.

Napalunok si Jace at napayuko. Kitang-kita na naman ng mga mata ko kung paano siya maging miserable sa tuwing si Eliz ang pinag-uusapan. Napahinga siya nang malalim bago magsalita. Mga salitang hindi ko alam kung paano ko tatanggapin.

"Nung araw na tinawagan mo ako at hinimatay ka sa bus, that was also the time na kasama ko si Eliz... h-hindi ko dapat siya iniwan." aniya na may bakas ng pagsisisi sa boses.

Napatigil ako at napatitig lang sa kanya. Pinoproseso ng utak ko kung paano ako magre-react. Napalunok ako nang paulit-ulit at napaiwas ng tingin nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagsikip ng dibdib ko.

"Hindi ko dapat siya iniwan..."

Parang biglang nag-echo sa pandinig ko 'yung mga salitang binitawan ni Jace. And for a moment, parang gustong gumuho ng buong mundo ko dahil sa sobrang sakit ng narinig ko.

Sakit 'e. Masakit. Kasi parang lumalabas na nagsisisi siya. Parang lumalabas na hindi siya naging decided sa desisyon niyang puntahan ako doon sa hospital at iwan si Eliz. And the mere fact na pinakita niya sa aking nag-aalala siya nung time na 'yon, just keeps on smashing my heart piece by piece. Paunti-unti. Paulit-ulit.

Masyadong masakit.

"P-puntahan na natin siya." tanging nasabi ko sa kabila ng mga salitang nagtatalo sa isipan ko at sa kabila ng mga luhang nagpupumilit na kumawala sa mga mata ko.

Sinasabi ba ni Jace na kasama niya si Eliz nung nasa magulong kalagayan ako? Sinasabi niya ba na hindi niya dapat iniwan si Eliz? Pinaparating niya ba sa akin na nagsisisi siyang ako ang inuna niya at hindi si Eliz? Dapat ba hindi ko na siya ginulo?

Napalunok ako ulit kasabay ng pagpatak ng luha ko kaya kaagad akong umiwas ng tingin at pasimpleng pinunasan 'yon. Naramdaman ko rin na pinaandar na ni Jace ang sasakyan.

Sa loob ng mahabang byahe, hindi siya nagsalita. He was driving fast in the car na para bang kaunti na lang ay gusto niya na itong paliparin para lang makarating kami sa hospital.

Sa loob ng mahabang panahon, hanggang ngayon pala, si Eliz pa rin ang gusto niyang piliin. Hanggang ngayon pala, pangalawa pa rin ako.

Pero kailan ba ako nauna?

Kaya pala hindi niya nagawang sagutin ang tawag ko nung mga oras na 'yon dahil si Eliz ang kasama niya. Siguro nga nagsisisi siya ngayon. Siguro nga dapat hindi niya iniwan si Eliz.

Siguro nga dapat hindi na rin ako umasang may magbabago pa...

***

MAG-ISA akong nakaupo sa waiting longue habang nakatingin sa mga taong pabalik-balik sa paglalakad. May mga doktor at nurse ang nag-uusap. May mga taong naglalakad papasok at paalis. Maraming tao sa paligid pero pakiramdam ko mag-isa ako.

Napahinga ako nang malalim at napatingala. I'm really trying my best to prevent my tears from falling down. I'm really trying and god knows that.

I once again breathe out deeply. Thinking what will happen next. Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming tumatakbo. Tahimik lang ako at walang binibigkas na mga salita pero 'yung utak ko parang nagtatalo na. There are chaos raging in my head. At hindi sila matigil.

Hanggang kailan ko kailangan maramdaman 'to?

I know that life is challenging. I know that it's complicated. At alam ko din na sa buhay ay paulit-ulit kang bibigyan ng mga hakbang para matuto ka. Para maging matatag ka at lumakas. Binibigay sa'yo ang mga problema hindi para malugmok ka at mas lalong mabaon sa kinalulugaran mo. Binibigay 'yon sa'yo dahil gusto ng diyos na maging matapang ka. Na mas lumakas ka.

Pero sandali... hanggang kailan ko kailangan maging matapang? Hanggang kailan ko kailangan maging malakas para hindi ko na kailangan pang maranasan ang ganito? Hanggang kailan ko kailangan na maramdaman 'tong paulit-ulit na sakit para masabi kong matapang na ako? Para masabi kong kaya ko na?

Hanggang kailan ako magiging ganito?

I've never been this selfish before.

I have no idea sa kung anong nangyari kay Eliz. Ang sabi lang ni Jace ay naaksidente siya. At simula noon hindi na makaimik si Jace. Hindi na siya nanggugulo at nagsasalita. Kaya naman wala akong ideya kung saan kami patungo kanina. Namalayan ko na lang na ito pala 'yung hospital na pupuntahan namin.

Napayuko ako at napatakip sa mukha ko.

Nandito ako ngayon sa waiting longue ng hospital. Si Jace dumiretso at kinausap kaagad ang mommy ni Eliz. Habang ako naman, naiwan lang dito. Naiwan ako. Hindi namalayan ni Jace na nahuhuli na ako sa paglalakad ko at naiiwan niya na ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro kasi there's the fact na 'yung taong mahalaga sa kanya, nasa hindi magandang kalagayan. Kaya nakalimutan niyang may kasama siya. Kaya nakalimutan niya ako.

Siguro ang selfish-selfish ko sa thought na sumisikip ang dibdib ko dahil naiisip ko kung ano kayang naging reaskyon ni Jace nung ako ang nasa hospital? Ganito din kaya siya kalala mag-alala? Ganito rin ba? O hindi?

Eliz was run over by a car at ayon sa nakasagasa ay sinadya daw talaga ni Eliz na tumawid nang makita niyang may padaan na sasakyan. So she mean it. She really wanted to be hit by a car. At dahil sa nangyari, Eliz is not in a good condition. We also learned that Eliz has nasopharyngeal cancer ayon sa doctor niya. And Jace knowing the thought of that thing, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Nakita ko kung paano siya maapektuhan.

Nakasunod lang ako sa kanya kanina. Hindi ako nagsasalita pero nasasaktan na ako nang sobra. Parang for a moment, si Eliz na lang ang nasa utak ni Jace at wala nang iba. Parang bigla akong nawala. Nakalimutan niya yatang kasama niya ako.

Nawala ako bigla sa kanya.

At every time, every single time na naalala ko ang expression ng mukha niya parang may tumutusok-tusok sa puso ko. Nakakainis.

Nakakaselos 'yung ganito. Nung ako 'yung naaksidenteng nawalan ng malay sa gitna ng daan, wala siya. Pero nung humingi si Eliz ng tulong sa kanya nung na-stock siya sa kalsada ang bilis niyang magpunta. Ngayon naman na tumawag ang mommy ni Eliz sa kanya to let him know what happened, ang bilis niyang kumilos. Sobra ang kaba niya. Nung ako ba 'yung sinugod sa hospital, nag-alala din siya?

At mas lalo akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko dapat nararamdaman 'to. Hindi 'to tama dahil hindi dapat ito ang inuuna ko. Nasa delikadong kalagayan ngayon si Eliz at ito pa ang iniisip ko. Masyado akong makasarili.

Why do I feel so selfish?

I stayed there for a little while. Kinokondisyon ko pa ang isip ko. Inaayos ko pa 'yung sarili ko. Pero after a few minutes, I decided to leave because from the first place, all I wanted is to leave.

***

"ANO ba kasing nangyari? Bakit biglang nangyari 'to? Okay naman siya nung huli natin siyang makita ah? Though, matagal na rin 'yon. Pero kasi 'di ba bakit niya maiisipang magpasagasa? Bakit niya ginawa 'yon?"

Napatingin ako kay Nikki habang tuloy-tuloy lang siya sa pagtatanong dahil pati siya, hindi rin makapaniwala sa nangyari. Nandito kami ngayon sa full-service cafeteria ng hospital sa may lobby kasama sina Hugo, Atlas at Akiro. Hindi ko alam ang gagawin kanina kaya tinawagan ko si Nikki pero hindi ko alam na sasabihin niya rin pala sa tatlo ang nangyari.

Napahinga na lang ako nang malalim at nagkibit balikat. Ni hindi ko magawang galawin ang pagkain na nasa harapan ko.

"Siguro may pinagdadaanan si Eliz." Hugo commented. Lahat kami ngayon, parang mga lantang-gulay at apektado sa nangyari kay Eliz. Kahit hindi namin siya kaibigan, nakasama pa rin namin siya dati and all of us couldn't help but to feel this way.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Atlas. "Let's just pray for her recovery."

Even Atlas seems to have lost his life because Eliz is close to him.

Lahat kami ngayon, walang idea o kahit na anong balita sa kung anong nangyari kay Eliz dahil dumating sila dito sa hospital nang hindi ko pa nakakausap si Jace kung ano na bang update.

"Pero bakit siya magpapasagasa? Why the hell on earth would she do that?" anas ulit ni Nikki. Napatingin naman sa kanya si Akiro. "Nikki, it's not the time for you judge her. Alam naming lahat dito na hindi mo siya gusto pero hindi rin ito ang tamang panahon para husgahan natin siya dahil wala naman tayong alam." he told her dahilan para mapabuntong hininga na lamang si Eliz.

I took another deep breath before standing up. They all looked at me and there were surprises on their faces as if each of them was asking where I was going.

"Magbabanyo lang ako," I lied.

"Pero hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." sabi naman ni Nikki kaya napatingin ako sa isang platong puno ng mga pagkain na hindi ko man lang nagalaw.

"Busog pa ako." I justified before stepping away.

Hindi ko alam kung saan magpupunta. I go for a walk without thinking about where my feet will take me. Until I just found myself patungo sa isang mini chapel ng hospital but what's struck me the most is the mere fact na nandoon si Jace.

Nakaupo siya at nakatingin sa altar sa harap. Hindi ko man malinaw na nakikita ang mukha niya dahil nasa gilid lang ako, I knew he was quietly asking for god’s guidance.

Hindi ko alam kung bakit pero namalayan ko na lang na naupo ako sa pinaka dulong bahagi ng upuan and stared at him from afar, at the same time as I asked god why I couldn’t get out of this situation.

Habang patagal nang patagal, unti-unti kong nalalaman na mas gugustuhin kong ako ang masaktan kaysa masaktan ang mga taong pinapahalagahan at mahal ko sa buhay. I can’t bear to see Jace hurt. I can't bear to see him like this. Nasasaktan ako. Piece by piece, nasasaktan ako.

Gusto ko siyang mahalin... kahit alam kong hindi dapat.

I want to approach him, stand beside him and tell him that everything will be fine too kahit pa I know in myself na sa mga oras na 'to, I can’t believe that everything will be fine one day.

Gusto kong tabihan siya... kahit kathang isip lang.


**************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=8esTDvE1QaU

Play "Kathang isip" by ben&ben. Thanks for reading!

Probably, from now on, every Monday and Thursday ang updates ko sa WTALWFU story, ayun lang, just wanna say, thankiess! And happy valentine's day to all! Hope you're happy with the update <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro