Chapter 23 - Mundo

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 23

"I no longer knows what's killing me more. If it's talking to you or not talking to you."

|HIM|

Eliz is in coma.

Sabi ng doctor wala pa daw kaming assurance kung kailan siya magigising. She also intentionally ran over the oncoming vehicle. She has nasopharyngeal cancer. She's lying down on the hospital cot. She needs me.

'Yun ang mga bagay na pinaalam sa akin ng mommy ni Eliz. While talking with her, ramdam ko ang kaba sa puso niya na baka hindi magising pa ang anak niya o matagalan pa. 'Yung pag-aalala. 'Yung thought na gumugulo sa isip niya kaya hindi siya mapakali, nararamdaman ko rin.

Nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Eliz.

“Madami akong pagkukulang sa anak ko, Jace.” I heard tita speak.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya. We're now in the mini chapel of the hospital. Bigla na lang napadaan si tita dito habang nakaupo ako at taimtim na nagdadasal. Si tita Mae, nasa tabi ko sa kanang bahagi. Kanina pa siya hindi matigil sa pag-iyak. Sinisisi niya ang sarili niya at paulit-ulit na sinasabi na kasalanan niya kung bakit nagkaganito si Eliz.

“I know that you just wanted the best for Eliz, tita. Lahat naman tayo nagkakamali. It doesn't mean na kapag magulang ka, hindi ka na magkakamali. Tao pa rin po tayong lahat, and we commit mistakes.” I responded

“Salamat, Jace.” dinig kong sabi niya sa kabila ng pag-iyak niya.

Muling tumingin si tita sa harap ng maliit na simbahan. I know she's praying. I know she's hoping na sana magising na si Eliz nang mas maaga. I let silence envelop us. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lamang ng mga yapak ng tao sa likod namin ang naririnig ko. Hinayaan ko muna si tita na tumahimik at magdasal hanggang sa muli siyang magsalita. Mga salitang nagpatigil sa akin. Mga salitang hindi ko alam kung paano ko ba masasagot.

I don't know why her words just stricken me.

“Alam mo, Jace noong kayo pa ng anak ko, hindi talaga kita gusto para sa kanya. Ayoko na magkaroon siya ng boyfriend noong mga panahon na 'yon. All I want for her is to spend her all time with her studies. Pakiramdam ko walang lalaki ang nababagay para sa anak ko. You may not understand me pero kapag naging magulang ka na, maiintindihan mo rin kung ano ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko talaga ay 'yung lalaking makikita ko na aalagaan ang anak ko. Mamahalin. Ayoko siyang nasasaktan kahit alam ko, hindi naman 'yon maiiwasan.” she stopped. Huminga siya ng malalim at napayuko.

Hanggang sa magsalita siya ulit. “Jace, would you mind if I asked a favor?”

“Ano po 'yon, tita?” tanong ko kahit na I feel in some way na kinakabahan ako.

“Naalala ko dati nung kayo pa ng anak ko noon, kahit gaano ko ipagpilitan na maghiwalay kayo ay hindi siya nagpapatinag. Hindi siya naaapektuhan. Hindi ka niya hinihiwalayan. Nakikita ko kung gaano siya ka-saya kapag kasama ka niya. She became different but in a beautiful way when she's with you. Pero nang maghiwalay na kayo at maputol na ang koneksyon ninyong dalawa, I saw it. I can feel it. I can feel my daughter's pain. I can perceived her emotions at alam kong nasasaktan siya.” napatigil si tita sa pagsasalita as she broke into tears.

I placed my hand on her back. Wala akong sinabi. Pilit ko lang siyang pinapatahan. I don't know what to react. May dapat ba akong gawin? May magagawa ba ako para mapagaan ang loob niya?

“I saw how happy she was when you were there. At gusto ko sanang makita ulit 'yon sa mga mata ng anak ko. Gusto ko sana ulit siyang makitang masaya. Siguro napaka pathetic kong pakinggan, ano? Pero wala na akong magawa. All I want is to see her happy again. Mahal mo pa din naman siya hanggang ngayon, hindi ba? P'wede mo bang ibigay ulit 'yon sa kanya, iho?”

Napatahimik ako at kusang napatigil ang kamay ko sa pagtapik sa likod ni tita. Halos matigilan ako dahil sa sinabi niya. I didn't expect something like this.

Napatitig ako sa kawalan hanggang sa mapadako ang tingin ko sa sahig. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita o magre-respond. Ang tanging alam ko lang ay ang katotohanang ayoko siyang pagbigyan.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Parang for a moment, naputulan ako ng dila.

***

|HER|

UMUWI na sina Atlas, Akito, Hugo at Nikki dahil maaga pa ang pasok nila bukas. Balak sana nilang hintayin si Jace at tanungin kung anong update pero mukhang malabo na bumalik kaagad si Jace nang maaga kaya naisipan na lang nila na umuwi muna.

Sabi ko, ako na lang ang bahalang mag-update sa kanila once na makausap ko na si Jace. Pero hanggang ngayon, hanggang ngayon wala pa rin siya.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko habang binabasa ang huling text message na meron ako kay Jace. Ang huli kong text sa kanya ay nung umatake pa yung trauma ko at pagkatapos noon ay wala na dahil sa mga sumunod na araw, magkasama na kami.

Tinitigan ko lang  'yon nang matagal habang tinatanong ko sa sarili ko kung nasaan na ba siya at kung bakit hindi pa rin siya nag-a-update. Tinago ko na lang ulit ang phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko rin ang earphones ko at pagkatapos ay pinasak 'yon sa tenga ko.

I played a music. I turned up the volume. I played a band song. I hear a lot of noise of instruments.

Sinadya ko talaga na lakasan ang volume kahit pa halos mabingi na ako sa sobrang lakas. Mas pipiliin ko pa 'to kaysa sa masira ang ulo ko kakaisip sa mga sudden na nangyari.

Mas pipiliin ko pa 'to kesa isipin si Jace.

Pagkatapos ay muli akong humarap sa tanawin sa harap ko. Magkahalong kulang kahel, asul at puti ang kulay ng langit senyales na kaunting oras na lang ay lulubog na ang araw.

Naalala ko palagi namin ginagawa noon ni Jace na panoorin nang magkasama ang paglubog ng araw. Isa sa mga masasayang alaala na hindi ko gustong makalimutan. Gusto kong manatili lang ang mga alaalang 'yon sa isipan ko.

Pero habang tumatagal, napapansin ko na halos ako na lang palagi ang nanonood ng dapithapon mag-isa. Na parang habang tumatagal, nagkakaroon na kami ng sari-sarili naming mundo at nagsisimula na kaming sanayin ang mga sarili namin nang malayo sa isa't-isa.

Napahinga ako nang malalim.

I'm locally at this place again. Here at my favorite hangout somewhere. Sa rooftop ng hospital. Sabi ko kanina, tutal hindi ko naman alam kung saan ako magpupunta why not dito na lang kung saan tahimik.

Tahimik nga dito pero parang hindi naman gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi rin nababawasan ang bigat na nararamdaman ko. Mabigat pa rin sa loob. So I just let it go. Hinayaan ko na lang na for a moment, makulong ako sa kalungkutan. With a usual saying of mine, sanay naman na ako.

Medyo nagdidilim na rin. The sky is starting to turn dark. Nakikita ko na rin mula dito sa kinatatayuan ko ang mga city lights na nagsisimula na rin magbukas.

I was just staring at nowhere. Keeping up with the song I hear. Cherishing the gloom I feel. Letting this feeling of mine to break free. Huminga ako ng malalim.

“Sa'n darating ang mga salita

Na nanggagaling sa aming dalawa?

Kung lumisan ka, 'wag naman sana

Ika'y kumapit na, nang hindi makawala...”

The song began to play. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan kahit ba para akong tanga dahil kahit mabigat ang loob ko, nakukuha ko pa ring ngumiti. Baliw na nga siguro ako.

Pero dahil naalala ko na isa 'to sa mga theme song na ipinatugtog nung prom night namin nung highschool kami ni Jace kung saan si Eliz ang date niya.

Eliz and I don't talk that much. Minsan lang kami nagkakaroon ng conversation. Siguro madalas na 'yon kung magtatanong siya sa akin kung nasaan si Jace. Kung ano'ng ginagawa ni Jace. Kung okay lang ba si Jace. Kung kumusta na daw ba si gago kapag absent. Eliz is polite to me. She's nice. She's kind. Kaya nga siya nagustuhan ni Jace 'e.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw...”

I remembered our prom night again. 'Yung time na nakita ko si Jace na may ibang kasayaw. 'Yun 'yung time na kasayaw niya si Eliz. I can see how happy he was. Ramdam kong nagiging masaya ang kaibigan ko. Paano ba namang hindi? E, ngiting tagumpay si gago nung gabing 'yon. Makikita mo na umaabot ang ngiti niya hanggang sa mga mata niya. Makikita mo 'yung glow. 'Yung spark kuno na tinatawag ng karamihan.

They were dancing that night. They were smiling from ear to ear while staring at each other's eyes. Habang ako, nakasulyap lang sa kanila mula sa malayo habang paulit-ulit kong sinasaksak sa isip ko na hindi ko na dapat sila pinapanood dahil para ko lang nililibing ng buhay ang sarili ko.

Nakaakbay ang mga kamay ni Eliz sa balikat ni Jace, habang nakahawak naman si Jace sa baywang ni Eliz. That scenery made my heart congested. They were both smiling.

They look good together.

Halos lahat ng atensyon noon nasa kanilang dalawa. Ang ganda-ganda kasi ni Eliz nung mga oras na 'yon. She looks like an angel. Si Jace? Given na 'yung kilala siya sa school. Given na 'yung gwapo siya. Pero that night, I was stunned when I saw him. He looks different. Hindi 'yun 'yung Jace na parang dugyutin sa paningin ko. Hindi siya 'yung Jace na usual nang nakabagsak ang buhok sa noo at natatakpan na ang mga mata ng iilang hibla ng buhok niya.

He's wearing a tuxedo that night. Ang gwapo-gwapo niya tignan. He even brushed his hair up and it was also gelled. Ang manly niya tignan. Ang neat. In other words, ang gwapo ng kaibigan ko.

Bagay na bagay sila ni Eliz 'e, kahit ako rin, kung hindi ko sila kilala maiisip ko na sobrang bagay sila sa isa't-isa. Halos lahat ng atensyon ay napupunta sa kanilang dalawa. Maganda. Gwapo. Parehong na-mi-meet ang standards ng isa't-isa.

Minsan nakakainggit. Minsan masakit. Minsan tinatanggap ko na lang.

Nakakainggit 'yung thought na buti pa si Eliz nagawa niya nang maisayaw ni Jace. Samantalang ako, never ko pang nasubukan na maisayaw ni Jace kaya naiinggit ako.

“Limutin na ang mundo

Nang magkasama tayo

Sunod sa bawat galaw

Hindi na maliligaw...”

Hindi rin kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na maisayaw ni Jace nung mga oras na 'yon. 'Yung isa kong classmate 'yung partner at ka-date ko that moment. Pinilit ko na lang na hindi sila isipin. Nakikipagkwentuhan ako kay Vent nung mga oras na 'yon para kahit saglit lang, mawala sila sa isipan ko. Para kahit panandalian lang, makalimutan ko na magkasayaw silang dalawa habang masayang nakatitig sa isa't-isa.

Pero kahit ano pa lang pilit natin sa isang bagay na halata namang hindi natin mapigilan, hindi natin magagawa. Wala 'e. Mahirap. Komplikado. Magulo. Masyadong masakit sa puso.

I forced myself to smile. I forced myself to laugh dahil may kinukwento si Vent sa akin na nakakatuwa. Pero hindi ko pala talaga kayang maging masaya. Ang peke masyado ng nararamdaman ko kung magpapanggap ako. Masakit talaga. Kada ngiti na ipinapakita ko, parang may kung anong tumutusok tusok sa puso ko.

“Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo (mundo'y magiging ikaw)

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo (mundo'y magiging ikaw)...”

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na hangin na dumadampi at humahaplos sa balat ko. That's when I felt as if someone was holding my shoulder. I can feel Jace's presence beside me. Pero hindi. Pinilig ko ang ulo ko. Hanggang dito ba naman, siya pa rin ang laman ng isip ko?

Parang in a snap pumasok na naman sa isip ko 'yung nangyari kagabi. 'Yung holding hands namin. 'Yung mga panandaliang nangyari noong gabing 'yon. 'Yung oras na hindi ko na sana gustong tapusin dahil gusto ko lang na hawakan niya ang kamay ko nang ganoon ka-higpit.

“Aking sinta (limutin na ang mundo)

Ikaw na ang tahanan at mundo (nang magkasama tayo)

Mundo'y magiging ikaw

Sa pagbalik (sunod sa bawat galaw)

Mananatili na sa piling mo (hindi na maliligaw)

Mundo'y magiging ikaw”

Huminga ako ng malalim. Muli kong naramdaman ang pagdampi ng palad sa braso ko na para bang hanggang dito, sinusundan pa rin ako ng mga bagay na nagtutulak sa akin para isipin siya. No. Please, Julia don't think of him. Don't think about him. Just this moment. Kahit ngayon lang, 'wag ka naman maging tanga.

I took a deep breathe. There's no way that the actions Jace showed me are real and genuine. Huminga ulit ako ng malalim para sana lumuwag ang dibdib ko. Pero nagkamali ako kasi kada gagawin ko 'yon, mas lalo lang sumisikip, mas lalo lang bumibigat.

I was about to cry. I was about to shed tears.

“Limutin na ang mundo

Nang magkasama tayo

Sunod sa bawat galaw

Hindi na maliligaw

Mundo'y magiging ikaw...”

Once again, naramdaman ko na naman na may humahawak sa balikat ko. Hindi ko 'yon inintindi. It just feels like Jace's presence. Ganitong ganito din ang pakiramdam ko sa tuwing dumadampi ang mga kamay niya sa balat ko.

Pakshet. Please. Ayoko ng ganito.

Maya-maya pa naramdaman ko na lang na may kumuha ng isang piece ng earphone ko. Pagharap ko sa kaliwang bahagi ko, nakita ko si Jace.

Napakurap ako ng dalawang beses at gulat na napatingin sa kanya. “U-uy... anong ginagawa mo dito?”

Napatingin siya sa akin sabay ngiti. “Sabi ko na nga ba nandito ka lang 'e.” sagot niya without really answering my question.

Napatigil ako nang maaninagan ko ng maigi ang mukha niya. He was just vibing with the same music played which is Mundo pa rin 'tulad ng pinapakinggan ko kanina. Mula sa kanang bahagi niya ay kitang kita ko ang matangos niyang ilong. Nakabagsak pa rin as usual 'yung iilang strands ng buhok niya. And I must say... his side profile looks exquisite.

“Bakit ka umalis doon sa waiting longue?” tanong niya. Napatingin din siya sa direksyon ko kaya napaiwas ako kaagad ng tingin. Sa tuwing ganito kami kalapit sa isa't-isa, hindi ko maiwasang kabahan. It feels somewhat thrilling.

Napahinga ako ng malalim. “Uh ano w-wala. Wala lang. Na-boring lang ako.” bobo. Ang bobo ng reason ko.

Sandali kaming napatahimik ni Jace doon nang walang pinag-uusapan. Inoobserbahan ko ang mga kinikilos niya. Pilit kong inuusisa kung okay na ba siya o hindi pa. Kung hanggang ngayon, sobra pa rin ba siyang apektado at nag-aalala sa nangyari kay Eliz.

Pero hindi ko siya mabasa. Nakatitig lang siya sa tanawin sa harapan namin na para bang umaarte siya na walang nangyari. At ito ang nakakainis sa kanya. Nakakainis sa tuwing pinipilit niya ang sarili niya na okay lang ang lahat kahit hindi naman talaga.

Tahimik lang kaming dalawa habang pareho kaming nakikinig sa pagtugtog ng musika sa earphones na suot namin. Hanggang sa mamaya-maya ay may tinanong siya. Tanong na para bang inulit niya lang dahil 'yon rin naman ang tinanong niya sa akin kanina.

“Bakit bigla ka na lang umalis kanina? Bakit hindi mo ako hinintay?”

'Bakit bigla mo na lang akong iniwan kanina?', gusto ko rin itanong sa kanya pabalik. Kaya lang naisip ko na 'wag na lang. It will just make no sense. Magmumukha lang akong tangang nagtatanong ng isang tanong na obvious naman ang sagot.

“Uh, kasi... gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Kaya naisip ko na magpunta dito.” pagsisinungaling ko. I can see from my peripheral view that he's nodding his head.

A moment of silence...

Hindi kami nagsasalita ni Jace. At dahil naka-ulit lang naman ang music na pinatutugtog ko, dumaang muli ang chorus nito.

“Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw...”

Ramdam ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Pareho lang kaming tahimik ni Jace habang nakikinig sa musika na patuloy lang sa pagtugtog. Maya-maya pa ay naramdaman kong napasulyap siya sa direksyon ko pero mabilis lang. Sa sobrang bilis nga hindi ko na naabutan. Pero para matigil na 'tong kalintikang nararamdaman ko, nagtanong na lang ako kay Jace.

“Kumusta naman daw si Eliz?” I asked. And with that, nakuha ko 'agad ang atensyon niya.

Napabuntong hininga muna siya bago magsalita. “Hindi maganda ang kalagayan niya pero sabi ng doctor makakaasa naman daw kami na sooner or later, gigising din si Eliz.” sagot niya na nagpakunot sa noo ko.

“Gigising? Bakit anong nangyari ba sa kanya?” tanong ko na may halong pagtataka. Muli siyang napahinga nang malalim saka tumingin sa akin. He looks worried and bothered.

“Eliz is in coma.” dire-diretso niyang sagot na halos magpatigil sa mundo ko.

Natahimik ako bigla. That... that just rendered me speechless. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Pero nakakagulat.

All this time iniisip ko lang ang nararamdaman ko. Iniisip ko lang 'yung pagseselos na nararamdaman ko pero... pero may isang tao pa lang nangangailangan ng tulong. Kaya pala ganoon na lang mag-alala si Jace. Masyado akong makasarili.

Nakaka-guilty.

“A-anong lagay niya? Malala daw ba?” I stuttered.

Napahinga siya ng malalim. “I don't know. Ang sabi ng doctor 'wag daw kami mag-alala dahil stable naman na daw siya.” sagot niya. Napatahimik siya. Nakita kong nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon na suot niya saka tumingin sa tanawin sa harapan na puno ng mga ilaw.

Madilim na rin ang paligid at pa-lamig na nang pa-lamig ang simoy ng hangin. Narinig ko ang muling paghugot ng hininga ni Jace.

“Kaya pala kahapon pa ako kinakabahan. Pakiramdam ko... pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko dapat siya hinayaan na umalis. Siguro dapat pinigilan ko siya. Dapat nag-stay lang ako sa tabi niya.”

“Limutin na ang mundo...



******************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=j17o4UkWEYI

Play "Mundo" by IV of spades.

Hi! I hope nag-enjoy kayo sa update ngayon. Anyways, para iwas lito lang, I will explain everything. Yung mga quotes above bago magsimula ang chapter, yun po ay lyrics ng main theme song ng story na 'to which is "Lifetime" by Ben&Ben. Pero since naubos ko na ang mga lyrics dahil nga marami na ang chapters, I decided na quotes from somewhere na lang ang ilagay na related sa bawat event every page. Yun lang po, salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro