Chapter 24 - Teardrops On My Guitar

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 24

"Keeping my distance because I know I can't have you."

|HER|

“Dapat nag-stay lang ako sa tabi niya.”

By some means, 'yung mga binitawang salita ni Jace, biglang tumambay sa utak ko. Hindi siya mawala-wala. Hindi umaalis. The whole week 'yun lang ang panay na tumatakbo sa utak ko. Parang paulit-ulit kong naririnig. Paulit-ulit na may nagsasabi at nagpapaalala hanggang sa marindi na ako.

Sabi nila kapag may salita daw na nabitawan ang taong importante sa'yo, masakit man o hindi, magkakaroon 'yon ng malaking impact sa pagkatao mo.

And yeah, I must admit, Jace's words had a big impact on my whole being. Pakiramdam ko nayanig ang buong mundo ko dahil sa sinabi niya.

“Kaya pala kahapon pa ako kinakabahan. Pakiramdam ko... pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko dapat siya hinayaan na umalis. Siguro dapat pinigilan ko siya. Dapat nag-stay lang ako sa tabi niya.”

The moment he let those words out, was also the moment I could feel a lump on my throat. Masakit syempre. Pero ano bang magagawa ko?

Wala.

Time flies easily. Isang linggo kaagad ang lumipas. Isang linggo. Sa one week na 'yon ay kalimitan na lang kaming nagkakakitaan ni Jace. Madalas na siguro 'yung dalawang beses sa isang araw. Kapag lalabas ako ng bahay, nagkakataon na lalabas din siya. At kapag papasok naman na ako, saktong darating din siya para umuwi. 'Yun lang ang halos naging pagkikita naming dalawa sa loob ng isang araw.

Kung mag-uusap naman kaming dalawa, palagi lang siyang magtatanong ng;

“Kumain ka na?”

“Oo,”

“Papasok ka na?”

“Oo,”

“Ingat ka sa trabaho mo,”

“Ingat ka din,”

Sa isang linggong 'yon, paminsan na lang kaming nakakapag-usap. Minsan, kung hindi siya pagod, ako naman ang walang gana. Kung hindi naman kami pagod pareho, wala kaming oras dahil pareho kaming may mga ginagawa sa buhay. Sa loob ng isang linggo, hindi na rin muna nagyayaya sina Atlas na umalis dahil alam nila na hindi maayos ang sitwasyon namin ngayon.

Well, naiintindihan ko naman. Intinding-intindi ko. Kuhang-kuha ko. Gets ko naman. Gets ko naman 'e kaso... parang ang puso ko ang palaging nagiging sablay.

Hirap pala nito. Ang hirap pala kapag naiintindihan mo ang isang bagay, nauunawaan ng utak mo pero hindi magawang makuha ng puso mo kasi nga---isa siyang malaking tanga.

Isang malaking tanga na kahit paulit-ulit-ulit-ulit mong ipaintindi sa kanya, hindi niya talaga makuha. Parang ang laking bobo. Hindi nakakatuwa. Hindi rin nakakainis kasi nakakagalit na.

Bakit ba kasi may mga bagay sa mundo na gusto naman nating gawin pero hindi natin malaman kung paano magsimula? Bakit ba naman kasi kapag sinabi mo sa sarili at puso mo na ayaw mo na, hindi ka pa rin niya titigilan, sa halip, ibabaon ka pa nang ibabaon hanggang sa maramdaman mong sobrang lalim na nang hukay at tila hindi ka na makaahon dahil nalunod ka na nang sobra.

Si Jace... Nami-miss ko siya. Pero magulo ang lahat kasi sa tuwing nakikita ko siya, mas lalong sumasakit. Parang may kung ano sa puso ko ang pumipilipit. Paulit-ulit itong pinipilipit hanggang sa mahirapan akong huminga habang nakatitig sa kanya mula sa malayo. Paulit-ulit hanggang sa piliin ko na lang na 'wag siyang tignan kasi masyadong mabigat.

Masyadong masikip sa dibdib.

Si Jace---palagi siyang nasa hospital, nagbabantay kay Eliz. Araw-araw. Palagi siyang umaasa na sa pagpunta niya sa hospital, gumising na si Eliz. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya nitong mga nakaraang araw pero sa tuwing iniisip ko 'yon, nasasaktan ako.

Alam kong hindi dapat ako magselos dahil wala ako sa lugar. Wala ako sa lugar na magselos dahil hindi tama. Bakit ko uunahin ang nararamdaman ko kung may isang tao naman talaga ang nangangailangan ng tulong niya?

Wala ako sa lugar magselos kasi... sino nga ulit ako? Si Juls na kaibigan niya. Si Juls na hanggang dito lang. Si Juls na takbuhan kapag may problema. Si Juls na hindi napapansin. Si Juls na hindi sapat. Pero sandali... kailan ba ako naging sapat?

Hindi ba ako sapat para mapansin niya?

Kahit anong gawin ko, kahit anong sabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako makaramdam ng pesteng pagseselos, hindi ko pa rin magawa. Hindi ko pa rin alam kung paano gagawin. Hindi naman ako bobong tao pero bakit pagdating dito nawawalan ako ng talino? Pakiramdam ko ang laki-laki kong tanga. Ang bobo. Ang bobo-bobo ko.

"Hindi ko dapat siya hinayaan na umalis. Siguro dapat pinigilan ko siya. Dapat nag-stay lang ako sa tabi niya..."

Napapikit ako.

Nung mga oras na sinasabi ni Jace ang bagay na 'yon, pakiramdam ko parang may kung anong pumupunit sa puso ko. I felt like as if my heart was being shattered into pieces. Unti-unti. Dahan-dahan. Parang may kung anong pumupunit nang paunti-unti sa puso ko para maramdam ko 'yon ng maigi at masaktan ako ng matindi.

Hindi sa lahat ng oras pinipili ako ni Jace. Sinasabi niya palagi na ako daw ang inuuna niya. Araw-araw. Walang mintis. Pero kadalasan hindi ko maramdaman. Hindi ko siya maramdaman. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya maramdaman.

May mga ilang beses nang nakaligtaan ako ni Jace. May mga ilang beses nang nakalimutan niya 'yung mga lakad namin o 'yung mismong ako kapag may pupuntahan kami. Ang dahilan? May nangangailangan sa kanya. May taong mas kailangan siya.

Si Eliz.

Sa aming dalawa ni Eliz, never ko pa naramdaman na angat ako. Palaging siya ang mas maganda. Palaging siya ang mas charming. Palaging siya ang mas mabait. Palaging siya ang mas gusto ng lahat. Palaging siya ang pinipili ni Jace.

Palaging siya ang inuuna ni Jace.

Kunsabagay, sino nga ba ako? Never naman ako naging angat sa tuwing si Eliz ang usapan.

"Hindi ko dapat siya hinayaan na umalis. Siguro dapat pinigilan ko siya. Dapat nag-stay lang ako sa tabi niya..."

Napahinga ako nang malalim.

Sa tuwing naririnig ko ang boses niya na sinasabi ang mga salitang 'yon, gusto ko na lang umalis. Gusto ko na lang maglahong parang bula. Sa unang beses, sa unang pagkakataon, nasabi niyang nagsisisi siyang ako ang pinili niya.

Si Eliz na kausap niya nung araw na 'yon at ako na nasa gitna ng aksidente, sino ba dapat ang unahin?

Siguro para sa kanya, ako ang dapat unahin, kahit pa si Eliz ang gusto niyang unahin. Siguro tingin niya sa akin, isa akong obligasyon na kailangan niyang saluhin kapag nasa bingit ng kalungkutan at kapahamakan. Kaya siguro naisip niya akong unahin. Kaya siguro...

Masakit lang. Hanggang ngayon masakit lang kasi lumabas mismo 'yung mga salitang 'yon sa bibig niya. Did he mean it? 'Yun ba talaga ang nararamdaman niya? 'Yun ba talaga ang iniisip niya?

I closed my eyes again. I can feel a lump on my throat na para bang any moment, may tutulong luha mula sa mga mata ko.

Napahinga ako ng malalim. Napatitig ako sa cellphone ko na nakapatong lang sa desk at naka-power off, naghihintay sa isang bagay na alam kong hindi darating. I was just having a moment with myself until someone just snapped me back to reality.

Monday. Usual day and day for work. Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang sabay-sabay na pagbati ng teammates ko. Nakita kong may kasama si sir Eric pumasok na isang lalaki.

At first look aakalain mong simple at bagong empleyado lang din ng publishing house. But as I look at his physical appearance firmly, I was stunned that I know this guy.

Si Zane.

Halos mapanganga ako sa nakita ko. He was standing in front and took all of our attentions. Nakita kong napatingin din ang mga kapwa ko employee. They look like as if they saw something dashing. Probably, because they're being caught by Zane's good looks.

Naalala ko bigla yung nangyari nung nasa hospital pa ako. Nung araw na makita kong magkasama sila ni Jace sa may fire exit at may pasa siya sa mukha. Bigla na lang akong hinila ni Jace palayo sa lugar na 'yon habang nakatayo lang siya sa dulo at tila hinihintay ang pag-alis namin.

Sa tabi ni Zane ay nakatayo si Sir Eric na editor-in-chief at ang boss na naghahawak sa team namin. He smiled at us and said something that stopped all of us.

“Good day everyone. Now that all of your attention are on us, I know that you are all in awe because of the sudden event like this. But it's all about sa sinabi ko sa inyo a week ago about sa pag-alis ko sa trabaho.” he smiled again. Nakarinig ako ng mga singhal mula sa co-workers ko. Ang iba sa kanila ay parang tunog natutuwa.

Sir Eric gave us a polite smile again. “So about nga iyon sa pag-alis ko bilang editor-in-chief ng team ng ito.” panimula niya. He cleared his throat before continuing.

“This guy standing next to me is a friend of mine and he's also the son of the owner of this publishing company, and now he's finally going to take the place for him. I would like all of you to accept wholeheartedly the new editor-in-chief and the boss of this team, Mr. Zane Collymore!”

Zane step in and smiled. Nahuli niya ang tingin ko at mukhang hindi na rin siya nagulat na nandito ako. Bago pa man ako makaiwas ng tingin ay inunahan niya na ako. Nagpalakpakan ang mga kasama ko habang ako ay hindi pa rin makapaniwala.

“Good day to all. I'm glad that finally at the right time, nakilala ko na rin kayo. Palagi kayong naikukwento sa akin ni sir Eric. I hope that we can all come to an agreement and have a good relationship as workers. I promise to the best of my ability, I will do my very best to make our relationship go smoothly.” Zane stated.

Nagsingitian silang lahat habang patuloy na iniiwasan ni Zane ang tingin ko. Hanggang ngayon ay malabo pa rin sa akin kung bakit tila magkakilala sila ni Jace at para bang may pinagtalunan sila nung araw na 'yon.

Maya-maya pa lumabas na sila ng office at mukhang may pag-uusapan pa sila. The moment na makalabas sila, was also the moment na umingay ang loob ng opisina. Napuno ng mga boses na nanghihinayang dahil bago na ang boss at ang iba naman ay may bahid ng tuwa sa mga boses.

I heave a sigh at bumalik sa cubicle ko para ipagpatuloy ang naudlot kong trabaho. Akmang magtitipa na sa laptop sa harap ko nang marinig ko si Alpha na nagsalita---co-worker ko din at ang pinaka malapit sa akin dito sa trabaho.

“Jusko, te! Struggle is real. Bakit pa papalitan si sir Eric 'e ang galing-galing niya na mag-handle sa team natin?” sabi niya na may bakas ng panghihinayang sa mukha.

“Wala tayong magagawa,” walang ganang sagot ko na para bang pinapayo ko na rin sa sarili ko.

But after a few moments, her face lit up. “Pero hindi na rin lugi 'no! Ang gwapo ni sir Zane. Kunsabagay, anak daw ng may-ari ng kumpanya 'e.”

Maya-maya pa biglang sumabat si Cherrie---one of my co-workers too. “Ayan ka na naman sa kalandian mo 'te. Magtrabaho ka na lang!”

“Jusko, bakla! Aminin nagwapuhan ka rin kay sir Zane, ano? 'Wag kang magmalinis d'yan dahil pareho tayong madumi dito.” she blurted out at sabay silang tumawa.

***

THE whole day has been a not so-great time for me. Panay lang ako tipa sa laptop na nasa harapan ko habang pilit na pinapakalma ang magulo kong isip.

Pagkatapos magp-proofread na ako. Pagkatapos magpapahinga ako. Pagkatapos hihinga ulit ako ng malalim because at some point, hindi maganda ang pakiramdam ko. Ganoon lang ang naging takbo ng trabaho ko the whole time.

Napatingala ako nang mapansin kong may tumutulo mula sa langit. And yeah, it's raining. Umuulan na naman. Mukhang sumasabay talaga palagi ang nararamdaman ko sa kondisyon ng panahon.

Buti na lang talaga may dala akong payong. Hindi na rin ako nag-overtime knowing na matagal pa naman ang due date ng mga kailangan kong i-proofread.

Nilabas ko ang payong na dala ko mula sa bag. I opened it up and started walking. Medyo mahirap nga lang maglakad dahil basa ang kalsada at medyo malakas lakas ang ulan.

Naalala ko kaninang lunch break nilibre ni sir Zane ang lunch namin. It's still weird to feel na from now on kailangan ko na siyang tawaging 'sir Zane.'

He's a great boss at mukhang makakasundo niya nga ang buong team. Kumain kami sa pinaka malapit na restaurant mula sa building. That went well dahil magaling siyang magdala ng tao. There's an aura with him that makes people feel comfortable when he's around. Meron din siyang klase ng vibe na mapapasabay ka na lang at hindi mahihiya 'pag kasama siya.

But the whole lunch time, sa buong team namin, ako lang ang hindi nagsasalita. Si Cherrie at Alpha halatang natutuwa din kay sir Zane. Habang ako, hindi pa ma-proseso ng utak ko na siya na ang bago naming boss. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na siya ang bago kong boss.

Akala ko kanina he will just ignore me at magpapanggap na hindi kami magkakilala dahil nga iniiwasan niya rin ang tingin ko.

Pero hindi. He smiled at me every time napapalingon siya sa direksyon ko. Well, I actually don't know if I can finally call him an acquaintance. Kilala ko nga siya noong highschool days but he didn't know about me. Nagkakilala kami in a very awkward way nung isang beses na umuwi ako ng sobrang late na at walang sasakyan. Nasundan 'yon nung nakita ko siya last time sa hospital na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung anong ginagawa niya doon. Nagkataon lang ba?

While walking, marami akong mga taong nakikita na sumisilong. Sa harap ng isang coffee shop, may dalawang mga teenager. They look like a highschool student. Isang babae at lalaki. Napangiti ako. Parang kami lang ni Jace nung high school. Kapag kasi umuulan din dati, magtatambay muna kami sa café at doon magpapalipas ng oras hanggang sa tumila ang ulan.

I'm on my way to the bus stop when suddenly, may narinig akong busina ng isang sasakyan. Napatingin ako sa kanang bahagi ko. And right then and there, I saw Zane's car again. Ganitong ganito din 'yung scenario nung unang beses kaming makapag-usap.

Nakita kong binaba niya ang window ng sasakyan. He smiled at me, genuinely before speaking.

“Julia, sumabay ka na. Masyado nang malakas ang ulan, baka mabasa ka.” panimula niya na ikinagulat ko.

This was the fist time he called me by my name. Hindi ko alam kung paano ako tatanggi sa kanya dahil mas pipiliin ko pang mabasa ng ulan kesa lumapit ulit sa kanya. Lalo na dahil pakiramdam ko, may kakaiba sa kanila ni Jace na para bang kilala nila ang isa't-isa.

Magsasalita na sana ako para tumanggi nang bigla kong marinig ang pagtunog ng cellphone na nasa loob ng bag ko. Dahan-dahan kong binuksan 'yon at binuksan ang phone until I read the message from the person who was stuck in my head the whole day.

Jacekalbo:

Juls, p'wede mo ba akong puntahan pagkatapos ng shift mo?

Eliz is awake.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang message niya. Hindi ko na rin nahawakan pa ng maayos ang payong na dala ko dahilan para mahulog 'yon sa kalsada. Maging si Zane ay nagulat dahil sa naging reaksyon ko.

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng tubig-ulan sa katawan ko. Ni hindi ako napapikit o gumalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Zane na palabas na sana ng kotse kaya bago pa siya makalabas ay nagsalita na ako.

“P-p'wede bang sa hospital mo na lang ako ihatid?”

***

THE whole ride went silent. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa ni isa na para bang naputulan kami ng dila. Buong byahe papuntang hospital, nakatitig lang ako sa bintana habang pinapanood ang pag-usad ng mga sasakyan, ang makukulay at makikinang na ilaw sa gabi at ang patuloy na pagpatak pa rin ng ulan.

Mabilis na lumipas ang oras. Zane and I were heading towards the hospital room kung saan naka-admit si Eliz. Sinabi ko sa kanya na 'wag na siyang sumama dahil hindi na kailangan pero nag-insist siya.

Ilang hakbang na lang ay nasa harap na kami ng pinto ng mismong kwarto nila. Isang hakbang. Dalawang hakbang. Until I opened it. I took a step inside at huminga ng malalim bago pumasok. Pero natigilan ako sa nakita ko.

Para akong naistatuwa at nabuhusan ng matamig na tubig na para bang may nag-uutos sa akin na wala akong karapatang gumalaw at agawin ang pagkakataon na ito sa kanilang dalawa.

Napalunok ako habang titig na titig akong nakasulyap sa kanila. I saw something that just made my heart broke. Si Jace... si Eliz... 'yung mga kamay nila...

Napatigil ako sa paglalakad at napatahimik. I started to feel a tight knot on my stomach. 'Yung pinaghalong saya at kaba na nararamdaman ko kanina, biglang naglaho. Napalitan kaagad ng ganito. Hanep. Bilis. Ang bilis ng pangyayari.

Ang bilis kong masaktan.

I gulped hard as I saw how they held each other's hand. Magkahawak ang mga kamay nila ng mahigpit. Mahigpit na para bang wala na silang balak bitawan 'yon.

Sa loob ng ilang segundo o minutong pagtayo doon, sa mga kamay lang nila ako nakatingin. At sa bawat oras na lumilipas, sa patuloy na pagpatak ng tubig-ulan, parang may pumipilipit na naman sa puso ko. Bakit ba ganito? Bakit ba parang masakit?

Wala ako ni katiting na ideya kung gaano katagal nakapako ang tingin ko sa mga kamay nilang magkahawak.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kahit wala akong karapatang masaktan?

Maya-maya pa napaangat ang tingin ko kay Jace. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o kung peke lang 'yun pero nakita kong nakatingin siya sa akin ng kuno't-noo. He looks at me as if I have done something wrong.

I looked back at him. I forced myself to smile. I forced a smile but as I do it, parang mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. Parang may tumutusok. Paulit-ulit. Dahan-dahan. Sobrang lalim. Hanggang sa sobrang sakit na. Hanggang sa nararamdaman ko nang para bang gusto ko na lang maiyak dahil hindi ko na kaya.

Gusto kong umiyak.

I forced a smile, and that's when my heart shattered into pieces. Minsan, isa sa pinaka mahirap gawin ang pagpapanggap. Parang nakakagago.

And yeah I'm keeping my distance because I know very well that I can't have him.


***************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=McYXrhwilmI

Play "Teardrops on my guitar" by Taylor Swift for better reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro