Chapter 3 - Balang Araw

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 3

"And the sight of you..

Oh you were a good dream..."

|HER|

“Yes po, tita. Ako bahala,” sabi ko. I overheard tita's laughed.

“Sige, basta mag-enjoy lang kayo d'yan. Matatanda na kayo. Kaya niyo nang i-handle ang mga sarili ninyo pero don't be too reckless, okay? Si Jace ite-text ko mamaya. Pasensya ka na, Julia ha? Sa'yo ko pa talaga ibinilin si Jace imbis na dapat siya ang mag-ingat sa'yo. Alam mo naman kasi ang batang 'yon. Napakatigas ng ulo.” sagot ni tita mula sa kabilang linya.

Napatawa ako ng bahagya, “Nako 'wag po kayo mag-alala, tita. Kapag nagpakalunod 'tong si Jace sa alak iiwan ko siya sa kalsada.” pagbibiro ko. “Sige, ate Juls! I-ganti mo na lang ako kay kuya!” pagsabat naman ni Giro from the other line.

“Sige sige, sagot na kita, Giro.” paggatong ko. Maya-maya pa narinig ko nang sinaway siya ni tita mula sa kabilang linya. And then after a minute or two, she bid goodbye to me and so I did.

Nang maibaba ko ang phone ko ay napaharap ako kay Nikki who's ranting.

“Wala pa ba sila? Ang tatagal amputa. Sila 'tong mga lalaki tapos kung makakilos akala mo mga binibini sa sinaunang panahon. Hmp!” anas niya.

I went in with a VIP round table and sat down next to Nikki. “Hindi kaya na-aksidente 'yung mga 'yon?” sabi niya, we both know that she's just implying a joke but it's more like she's concern or what.

Weekend. Nandito kami sa Recreation Club sa may downtown. I am with Nikki dahil nauna kaming pumunta dito. Jace isn't here yet. Sasabay daw siya kako sa mga boys para wala ng hintayan kaya ang ending, kami ni Nikki ang naghintay sa kanilang apat.

Recreation club is a known night club in downtown. Ilang beses nang nagpunta dito si Jace kasama ang mga kaibigan namin but it's my first time in here with Nikki. We don't go to a bar not unless may live band na magpe-perform.

At ngayon nahatak kami ng apat na sumama sa kanila. Sabi nila this serves as our reunion as friends dahil matagal tagal na rin kaming hindi nagkita simula nung maka-graduate kami dahil nga nagkaroon na kami ng mga sari-sarili naming buhay.

The place are wide. Medyo maingay na din dahil may iilan ilan ng mga music na ipinapatugtog. May pangilan ngilang tao na rin ang nagsisipasok but still, the boys aren't here. Ano bang mga pinaggagagawa no'n at sobrang tagal?

Nakaupo kami ni Nikki sa may itaas na part ng bar. Sa may VIP booth to be exact. Dito na namin napili na pumwesto dahil mamaya panigurado dudumugin ng mga tao sa ibaba.

Maya-maya pa nakita na namin sina Jace na papalapit. Hindi naman sila nakatakas sa pagbubunganga ni Nikki.

“Ay really? May balak pa pala kayong magpunta akala ko kasi kailangan na namin umuwi kasi hindi niyo kami sisiputin.” she rolled her eyes at pumanewang.

Napatawa naman sila, and it's Atlas time to reply, “Sorry na, boss. Tagal kasi nitong si Hugo 'e.”

“Hoy anong ako? Si Akiro 'yon gago ka! Maninisi ka pa.”

Napakamot naman si Akiro sa likod ng ulo niya, “Pinagalitan pa ako ng nanay ko 'e.” pagdadahilan niya. I don't know is he's stating the fact o nagsisinungaling lang siya.

“Ewan ko sa inyo! Tulakan lang kayo 'e.”

Habang ako naman, napangiti lang sa gilid while looking at them. It's been one year since we last talked and bonded like this.

Si Atlas 'yung pinaka mapang-asar sa aming lahat. Si Hugo 'yung palaging sabog at mahilig magmura kapag tinitira ng pang-aasar ni Atlas. Si Akiro naman 'yung matino tino, siya din ang pinaka close ni Jace sa lahat ng boys. At si Jace naman ang pinaka tahimik kapag magkakasama kaming lahat. Paminsan minsan siyang sumasama sa usapan pero kadalasan tahimik lang.

Minsan talaga nagtataka ako kasi kapag ako ang kasama niya, sobrang mapang-asar. Like as in hindi ko matiis 'yung sarili ko na hindi siya sakalin kapag nambubwiset siya.

Pero kapapg magkakasama kaming anim, siya 'yung pinaka formal na maloko.

Nikki—on the other hand is my girl best friend. Kaming tatlo ni Jace at Nikki ay magkakaibigan na since highschool pa lang. But unfortunately, Nikki and Jace are best enemies. Palagi silang hindi nagkakasundo.

The same goes with other boys. Hindi rin naman palaging nakakasundo ni Nikki sila Atlas dahil lagi din siyang inaasar.

Atlas, Hugo, and Akiro, they became our best buddies in college. Naging close sila ni Jace dahil pareho sila ng department na pinapasukan nung second year college. They took the course of Bachelor of Science in Education major in English.

Maya-maya pa nagsimula ng dumami ang mga tao. The surroundings started to get noisy. The color of the ambient light has also started to become neon strobe lights.

'Yung ingay sa baba naghalo-halo na. May malakas na ingay mula sa background music na pinapatugtog ng DJ together with the loud noise of people chatting.

Nag-order sina Atlas at Hugo ng maiinom namin and some chips. Nagulat ako nung bumalik sila dahil may dala na silang bottle of alcohol.

“Hoy teka, bakit may alak?” I asked, confused.

“Juls, nasa recreation club tayo. Ano ine-expect mo na inumin natin dito? Kape? Malamang iinom tayo!” napangiwi ako when Hugo spat it out sarcastically.

“No. I don't drink.” I say.

“Minsan lang naman 'to. 'Di ba Jace?” si Atlas. Napunta ang atensyon ko kay Jace. He has a serious look, “Uh actually, hindi p'wedeng uminom ng alak si Julia. Juice na lang sa kanya.”

“No! You're kill joy, Juls! Inom ka naman kahit ilang shots lang.” dinig kong sabi ni Nikki sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. I saw her blinking her eyes na parang nagpapa-cute. Napailing-iling na lang ako.

“Fine! Basta konti lang ah!”

“Yun oh!” it's Akiro who says that.

Nagsimula na kaming uminom. Nakakailang shots pa lang ako pero pakiramdam ko parang nagiging dalawa na 'yung every single object na nakikita ko.

Patuloy lang sila sa pag-uusap. After a while I feel the need to go to the bathroom. Pakiramdam ko bumabagliktad ang sikmura ko sa mga nainom ko. Ganito ba talaga kapag umiinom ng alak?

“Pips, punta lang ako sa restroom.” paalam ko and they let me.

Dali-dali akong dumiretso sa girls' restroom and the moment na makapasok ako sa isa sa mga cubicle sa loob, hindi ko na napigilan na masuka sa bowl. It feels strange. Nakakahilo na nakakasuka na ang asim sa lalamunan na ewan. Hindi ko ma-explain 'yung pakiramdam.

Kung kaya ko lang talaga na tanggihan sila Hugo, ginawa ko na. Drinking alcohol is not my forte. Never pa akong nainom ng kahit na anong alak. Isa pa, Jace don't let me drink alcohol. Base from him, pangit daw tignan na umiinom ang mga babae. And I was like, bakit naman? That's normal lalo na sa panahon ngayon.

Pero nakakayamot.

May pa-gano'n gano'n pa siyang nalalaman 'e hindi niya naman ako pinigilan I-take 'yung shot kanina. Umaasa pa naman ako na katulad sa mga teleserye and novels na nababasa ko sa libro na pipigilan ng lalaki uminom 'yung babae and he will take shot instead.

Pero nakakainis. Hindi niya naman ginawa.

Pagkatapos kong maglinis ay lumabas na ako ng restroom. But to my surprise, Jace is there. Hindi ko alam kung hinihintay niya ba ako o naisipan niya lang magtambay dito.

“Uy anong ginagawa mo d'yan?” tanong ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin—ng masama. “Anong tingin 'yan? Bakit parang mangangain ka?”

“Inom pa!” he annoyingly said. Problema nito?

“Huh?”

“Sinabi ko na sa kanila kanina na hindi ka p'wede uminom. May pasabi sabi ka pa na you don't drink pero bibigay ka din naman pala. E 'di sana nung una pa lang hindi ka na tumanggi.”

“Okay...? Oh 'e anong problema mo?” tanong ko sa kanya. Napaiwas lang siya ng tingin sa akin na para bang naiinis. Ano bang pinuputok ng butsi ng isang 'to?

“Hindi ka na p'wedeng uminom. 'Wag ka na makinig do'n kila Hugo at Atlas. Mga walang magawa 'yun sa buhay.” sabi niya and he was about to drag me kaya iniwas ko ang kamay ko. “'E bakit si Nikki p'wede?” I asked like a childish one. Pakiramdam ko lasing na talaga ako.

“Because Nikki's used to drinking alcohol. E ikaw hindi ka naman sanay. 'Wag ka na makulit. Basta hindi ka na p'wede uminom.”

“Kaya ko naman sarili ko,”

“Kapag lasing ka? 'E never ka pa nga nalalasing.”

“Pero hindi ako bata. Alam ko gagawin ko. Kaya ko 'yung sarili ko.”

“Okay fine. Kaya mo na ang sarili mo. Tara na.” sabi niya lang. Hihilahin na sana ulit ang kamay ko pero iniwas ko ulit 'yon. “Uuwi na tayo?” tanong ko.

“Not yet. Pagkatapos na lang ng performance ng live band. 'Di ba gusto mo mapanood 'yon?” he asked at para akong bata na tatango tango. Teka... lasing na ba talaga ako?

Bumalik na kami ni Jace sa pwesto namin. Magkasabay kaming bumalik kaya napatingin silang apat sa amin. “Bakit... sabay kayo nag-CR?” tanong ni Nikki habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Jace.

“Hinintay ko lang siya sa labas.” sagot ni Jace and smiled at her. They began to talk again. Kami ni Nikki, we're talking about the band na magp-perform ngayon. Kung sino ba sila. Kung sikat ba 'yung banda na tutugtog.

Ang nakalagay lang kasi sa banner na nasa labas ay may tutugtog na isang banda na hinihintay ng marami. Ina-idolize ng karamihan. We're both expecting na isa sa mga sikat nga ang magp-perform ngayon. Ben&ben ba? December Avenue? I belong to the zoo?

Nasa kalagitnaan kami ng excitement ni Nikki sa usapan namin nang marinig ko ang pinag-uusapan nila at 'yung strange na tanong ni Atlas.

“Wala ka na bang balak magturo, Jace? Pagkatapos mong mag-aral ng teaching degree, nag-aral ka ulit ng culinary. Curious lang ako, dude. Bakit hindi na lang pagtuturo pinili mo kung 'yun naman 'yung una mong inaral?”

Napatingin ako sa reaksyon ni Jace. Natigilan siya at parang hindi siya prepared sa naging tanong ni Atlas. But then eventually, Hugo butt in. “'E, dude 'di mo ba nabalitaan na nagtayo ng food restaurant si Jace? Malamang nando'n na ang focus niya. Alangan naman magturo pa siya ng mga estudyante.”

“Kung sa bagay,” the latter replied.

Here I am, still waiting for Jace's answer. I am also curious. Kahit ako never kong tinanong kay Jace ang tungkol sa bagay na 'yon. Kahit na kasi mag best friend kami, nag-iingat pa rin ako sa mga words ko. Iniingatan ko lang 'yung mga masasabi ko dahil baka hindi ready si Jace na mag-open up about doon.

Kasi I know Jace. Siya 'yung tipo ng tao at best friend na hindi mo na kailangan tanungin sa mga bagay-bagay at ganap sa buhay niya. Siya na 'yung magkukusa na magsabi. Isa pa, iniisip ko na baka wala naman talagang big reason kung bakit siya nag-aral ulit ng panibagong course. Baka talagang nagkaroon lang siya ng change of heart.

Or may mas big deal pa doon?

Akiro immediately changed the topic. Hindi na rin sinagot ni Jace 'yung tanong at sinabing busy kasi siya sa business niya. They continued what they were talking about hanggang sa mapunta 'yon sa usapan about girls.

“Tignan mo 'tong mga malalanding 'to. Babae na pinag-uusapan. Ni hindi man lang tayo sinama sa chikahan nila.” sabi ni Nikki mula sa tabi ko. Napatawa ako sa sinabi niya. “Ganyan talaga kapag mga lalaki. Hindi mawawala sa usapan nila ang mga babae. Boys' things.”

I heard Hugo. “Ito si Jace! I-reto kaya natin sa kanya 'yung isang teacher doon sa school na pinapasukan natin?”

It's time for Akiro to join them, “Uy oo nga 'no? Jace, chikababes 'yon!”

“Uy gago teacher 'yon, Akiro. Ayusin mo 'yang bibig mo.” si Atlas. Nagtawanan naman sila including Jace.

“'Yan na naman kayo 'e. Kung sino-sino na lang nirereto niyo sa akin. Bakit ba hindi na lang kayo ang mag girlfriend?” si Jace. Nagtawanan na naman 'yung mga ugok na hindi kami sinasama sa usapan.

“Dude, ikaw na lang single sa ating apat. Kaya nga hinahanapan ka na namin 'e. Tagal mo na rin single oh.” sabi ni Hugo at pagtapos ay uminom ng alak.

“Oo nga, pare. Galaw-galaw. Mamaya maubusan ka ng babae n'yan sa mundo.” si Akiro.

“O baka naman may nagugustuhan ka na?” tanong ni Atlas.

At panandalian... 'yung tenga ko kusang nakinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko na pinakinggan 'yung sinasabi sa akin ni Nikki.

Para kasing for a moment nakuha kaagad 'yung atensyon ko. Dahil lang sa word na 'may ibang gusto na si Jace'.

Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig 'yung sagot o hindi. Pero ang alam ko lang, curious ako. May babae ba siyang nagugustuhan? Maganda ba? Sexy ba? May nililigawan na ba siya na hindi ko alam? Is he already admiring someone? Teka bakit ba ganito ako mag-isip?

Ano naman sa akin kung meron nga?

Best friend niya ako. Hindi ko alam kung deserve ko bang malaman o mas gusto kong sarilihin niya na lang 'yon. Badtrip.

Napatingin ako kay Jace dahil hindi ko na mapigilan na mapunta sa kanila ang atensyon ko.

And then in a snap... pakiramdam ko 'yung puso ko nahulog sa sahig at tinapak-tapakan ng ilang beses.

“May gusto akong babae—no. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa kanya.” sagot ni Jace, and that makes my heart smash into pieces.

So hindi pa pala siya nakaka move on?

Aray. Masakit.

Napa-whoa sila Atlas, Hugo, Akiro at si Nikki na din. Hindi ko alam na nakikinig na rin pala si Nikki. Wow. Gano'n niya lang kadaling nasabi 'yon.

Kung sino man ang babaeng 'yon, napakaswerte niya. Nagugustuhan siya ng lalaking pinapangarap ko? Wow. Kahit sana ako na lang.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap nila at pagtatawanan. For no apparent reason, nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng gana na makinig sa usapan nila so I excuse myself.

Bumaba ako sa kung saan may maraming tao. I tried to divert my thoughts. Kahit saan lang, ayoko lang sanang maalala 'yung sinabi ni Jace.

Nakita ko na mag-uumpisa na pala 'yung live band na magp-perform. For a moment, pinilit ko 'yung sarili ko na i-lift up ang isip ko at mag focus sa ibang bagay. Na mag focus sa bandang tutugtog ngayon kasi isa 'to sa pangarap ko.

Pero pakshet. Ramdam na ramdam ko 'yung pagkirot ng puso ko. Everytime na maalala ko ang sinabi ni Jace, parang merong tinik na bumabaon sa lalamunan ko. Masakit na ngang tanggapin na nahulog ako sa best friend ko, ngayon malalaman ko pa na nagkakagusto siya sa iba.

Wow. Parang hindi pa ako nasanay. Para namang bago pa sa akin 'to.

Ang sarap umiyak.

Hindi ko namalayan na naka-stand by na pala 'yung banda sa stage. Hindi ko sila kilala. Hindi ko pa sila nakikita. Pero kilala sila ng mga tao dito sa club. At sa pagkakarinig ko, EA band ang tawag nila dito. Enormous Avenue ba? I don't remember it exactly.

At ang nakakatawa, pang heartbroken pa 'yung kakantahin nila ngayon. Nananadya ba si tadhana? Parang nang-aasar siya 'e. Badtrip.

“Magandang gabi po sa lahat! Kami ang bandang Enormous Avenue. EA band for short. And our first song for tonight is Balang araw by I belong to the zoo.” sabi nung isang lalaki na may hawak ng gitara.

Medyo jam-packed ang buong club ngayon. Magandang opportunity para sa kanila na makilala at mas sumikat.

Nagsimula na silang tumugtog. Pinilit kong libangin ang sarili ko at kalimutan 'yung narinig ko kanina. Pero kahit anong gawin ko bumabalik at bumabalik pa rin sa isip ko 'yung sinabi niya.

“May gusto akong babae—no. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa kanya.”

Ganito na ba ako ka-hulog na hulog kay Jace?

Maya-maya pa nagsimula nang tumugtog ang banda.

“Baka pwede lang kahit isang saglit?
Masabi lang na mayro'ng konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring?
Sa sarili ko'y magsisinungaling”

Naka straight lang ang tingin ko sa bandang tumutugtog sa harap ko. I didn't even made a mistake to took a glance at them—kung saan nakapwesto sila Jace. Ayokong makita ang pagmumukha niya pero...

“This one's a good song but a heartbreaking one. Nag-e-enjoy ka ba, Juls?”

Parang gusto kong balatan ng buhay ang isang 'to. Lumalayo na nga ako sa kanya tapos susunod sunod siya?

“Anong ginagawa mo dito?” napakunot ang noo ko. Epal talaga siya kahit kailan. Pasulpot sulpot na lang bigla. Sandali lang naman hinihingi ng puso ko. Sandali lang naman hinihingi ng isip ko dahil napapagod na siya kakaisip kay Jace tapos ngayon nandito siya?

Ang sarap manapak.

“Wala lang. Gusto ko lang mapanood 'yung banda ng mas malapit.” tapos ngumiti siya. 'Yung mapang-asar na ngiti. Bwiset.

Iniwas ko na ang tingin ko pero wow. Saktong sakto sa akin 'yung lyrics. Tamang tama lang?

“Kailan ba makakatulog nang mahimbing?
Kahit ilang minuto lang na 'di ikaw ang nasa isip
Baka pupwede lang naman, huwag ka munang magparamdam?
Dahil sawang-sawa na akong marinig na ako'y kaibigan lang...”

Oo. Sawa na talaga akong marinig na kaibigan lang ako.

“'Tangina, ba't ba walang mali sa 'yo?
'Di magawang umiwas at tuluyan nang lumayo
Kahit na ano'ng gawin, sinusuway ko pa rin
Umaasang...”

Maya-maya pa narinig ko si Jace na may binanggit na pangalan. At parang biglang bumalik lahat sa isip ko 'yung nangyari dati.

"Eliz...?"



*************

#LifetimeWP

https://www.youtube.com/watch?v=dC5txyuhA2g

Please listen to “Balang araw” by I belong to the zoo. Thank you!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro