Chapter 4 - Tenth Grade

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 4

"I was scared to lost you then..."

|HIM|

Tenth Grade. Naalala ko nung unang beses ko siyang makita. Naglalakad siya sa may corridor at nagmamadali. May mga dala siyang libro at folders at sobrang bilis niyang maglakad. Nakita ko siya na papadaan sa harapan ko at sa sobrang pagmamadali niya nabunggo niya ako at tumilapon ang mga dala niyang libro at folders.

Nagulat siya at napatingin sa akin but she didn't say any words. Natataranta siyang lumuhod sa harapan ko at kinuha isa-isa ang mga papel. And it was enough for me to snap back to reality and help her. I quickly picked up the folders and books that had fallen on the floor.

Nung makatayo ako, nakita ko siyang takot na takot na nakatingin sa akin.

“I'm s-sorry,” she apologizes.

“Okay ka lang?” I asked, confusingly. Pero hindi niya ako sinagot, she runaway instead without answering my questions.

That was our first conversation.

Since that day, she has never left my mind. I was curious about her. There's a different glow in her eyes that keeps me thinking about her.

Ewan. Hindi ko alam. Pero nahuli niya ang curiosity ko.

She's tiny and cute.

Days turn into weeks. Weeks turn into months. Palagi kaming magkasama ni Julia so I asked her about the girl I was curious about.

“Bakit? Type mo ba?”

Pero hindi ako nakakuha ng kahit na anong sagot mula sa kanya. Instead, puro pang-aasar lang.

Never ko na ulit nakita 'yung girl after a month or two. But all of a sudden, the universe allow us to meet again. Nakita ko ulit siya nung time na tumatambay kami ni Julia sa park sa loob ng subdivision na tinitirahan namin.

I saw her sitting on one of the bench there. Kumakain siya ng ice cream and there's a little bit of tears coming from her eyes. Tuloy-tuloy 'yung pagtulo ng luha niya. Para siyang bata na pinagalitan ng nanay niya.

Unknowingly, namalayan ko na lang 'yung sarili ko na naglalakad towards her. She really caught my attention, huh? It's not easy for others to get my attention not unless it's Julia. Kaya nga, honestly, hindi ko alam kung bakit gano'n 'yung nararamdaman ko sa kanya. She's different.

I found myself sitting next to her. She's still tearing up pero nung mapansin niya na may tumabi sa kanya, she immediately wiped it out.

One seconds. Two seconds. Three seconds. Tahimik lang kaming dalawa. Tanging ingay lang ng mga bata na naglalaro sa park ang naririnig namin. Julia isn't there because she's buying her smoothie.

After a while, napatingin siya sa akin. Napansin niya siguro na ako 'yung nabunggo niya last time.

“Uh, hello. Ikaw 'yung last time 'di ba?” she asked, out of the blue. Hindi ako kaagad nakasagot. I was starstruck at how beautiful she was.

Mahaba ang pilik-mata niya. Her eyes are puffy. Rosy cheeks. Pointed nose. Red lips. Nakabagsak lang ang mahaba niyang buhok that time kaya hinahangin hangin ang iilang hibla no'n. 'Yung iilang hibla pa sa buhok niya tumatakip sa mukha niya because of the blowing wind making her face look more attractive.

“Excuse me? Ikaw 'yun 'di ba?” pag-uulit niya. I snapped back.

“Uh, y-yeah. Ako nga 'yon,” I stuttered.

She smiles.

At doon na talaga ako nagulat. She is so gorgeous. Ang lovely lang ng mukha niya. She has a sweet aura that brings people comfortable with her. She looks kind.

Grabe. Ang ganda niya.

“I see. Sorry pala nung nakaraan ah? I was dumbfounded that moment. Medyo preoccupied din ang isip ko kaya hindi kita napansin. Tsaka isa pa, tinakbuhan kita. Nahihiya lang ako. I am not into socializing. Nung tinanong mo ako kung ayos lang ba ako. Uh, anyways, sorry ang daldal ko na.” sabi niya.

She has a nice speaking voice. I notice that while she's talking to me. Medyo may pagka sense of humor.

Napatawa ako at iniwas 'yung tingin ko. Na-conscious ako sa itsura ko kasi nakasuot lang ako ng simpleng gray round T-shirt at khaki shorts.

Kapag kasi umaalis kami ni Julia o nagkakayayaan na gumala palaging simple lang ang pormahan namin. Total sa loob lang din naman kami ng subdivision maggagala.

Pero nung time na 'yon I was conscious of how I look. Siguro ang dugyot ko na tignan.

Napatawa ako sa reaksyon niya.

“Hindi. Ayos lang. Tsaka nung last time, wala lang 'yon. Mukha ngang mahiyain ka.” I say.

Napadako ang tingin ko sa kanya and to my surprise, she's smiling at me. That almost makes my heart flutter. Nakakatunaw 'yung ganda niya.

Hanggang sa she introduced herself to me.

“Anyway, I'm Eliz. Grade 10 student ako.” pagpapakilala niya.

“Oh I see. Ako din. Grade 10 student din ako pero I guess hindi tayo sa same building kasi isang beses lang kita nakita.” sabi ko.

Napansin ko sa sarili na medyo dumadami 'yung mga salita ko. I'm starting to feel comfortable. Hindi naman kasi siya intimidating. Hindi siya 'yung tipo ng babae na matatakot ka kasi baka pag-isipan ka ng masama.

Eliz is friendly. Isa din 'yon sa mga napansin ko.

“Oo nga 'e. Medyo malayo 'yung building ng classroom na pinapasukan ko kaya siguro we just saw each other once.”

After that wala na akong masabi. Iniiwasan ko siyang tignan. Just look straight, Jace. Baka mamaya n'yan titigan mo na lang siya the whole time.

“Pero uy, hindi mo pa sinasabi 'yung pangalan mo. Thoughtful boy na lang ba itatawag ko sa'yo?” and then she laughs.

She looks so pretty even when she's laughing.

How can this girl look so good in every things she do?

Nagulat ako sa sinabi niya. Thoughtful boy? How cute. Napatawa ako and asked her, “Bakit naman thoughtful boy?”

“Because you're thoughtful. Nung mabunggo kita you asked me if I'm fine. So I think, you're thoughtful.” she smiles so bright that makes me smile too.

Nakakahawa 'yung masiyahin niyang aura. Kahit nahihiya at na-co-conscious ako that time, hindi ko na maiwasan na mapangiti. Ang gaan niya sa loob kasama.

“Wow. You notice, huh? Pero thank you for giving me nickname.” I cracked a joke.

“Mukhang wala ka ng balak sabihin ang pangalan mo, thoughtful boy?”

“Ay oo nga pala,” nahihiya akong tumawa at kumamot sa likod ng ulo ko. “Jace. My name's Jace,”

Nagulat ako nang magpakita siya kung gaano siya ka-amaze sa pangalan ko. Kahit parang sa akin ang simple lang naman. “Hi, Jace! It's nice to see you again.” ngumiti siya. I smiled back. “Ako din... Eliz,”

Kahit nakaka panibago sa pakiramdam tawagin siya sa pangalan niya.

Eliz has an aura that makes people feel comfortable. Hindi lang siya mukhang mabait. She is really kind. Bumagay sa kanya 'yung pangalan na Eliz because based from how it sounds, it sounds so cool but sweet. At gano'n din si Eliz.

Eliz intrigued me.

Nararamdaman ko na parang she will make a big role in my life.

Petite si Eliz. She's just a tiny girl. Hindi siya masyadong matangkad pero hindi rin naman siya kaliitan. Sakto lang.

After that moment palagi na kaming nagkikita sa school—accidentally. Ewan ko kung kagustuhan ba ni universe na magkita kami o talagang hindi lang sinasadya.

Minsan kapag nagkikita kami nililibre ko siya. Para akong pasikat sa kanya. Dati kay Julia lang ako gano'n pero starting the moment I met her, hindi na lang ako kay Julia nagc-care kundi sa kanya na rin.

We became friends. We became closer than before.

Minsan inaaya ko din siya mag lunch kapag kasama ko si Julia. Pumapayag naman siya kaso si Julia ang humihindi. Kesyo may gagawin pa daw siya. Kesyo may tatapusin pa daw siya o may pupuntahan.

Alam ko naman na nangangatwiran lang 'yon. Kasi never siyang sumasabay sa akin kapag kasama ko si Eliz.

Since then, palagi ko ng kasama si Eliz. Magkasabay kami papasok ni Julia sa school pero magkikita kami ni Eliz bago siya pumasok. Mag-uusap lang kami. Magtatawanan.

Naging tila malayo si Julia sa akin pero hindi ko masyadong napapansin.

Until the very moment, I told myself that I already like Eliz. Hindi na lang basta kaibigan ang turing ko sa kanya. Nagugustuhan ko na si Eliz.

Simula nung ma-confirm ko sa sarili ko na gusto ko na si Eliz, nakakaramdam na ako ng hiya sa kanya. So I went to Julia and asked her kung ano ba ang mga gusto ng babae. I want Eliz to be my girlfriend.

“Ewan ko sa'yo. Ba't ako tinatanong mo?” sabi ni Julia nung isang beses na kulitin ko siya sa bahay nila para tanungin kung anong p'wede kong ibigay kay Eliz na magugustuhan niya.

“Eh ikaw babae sa ating dalawa 'e. Malay ko ba kung anong mga gusto ninyong mga babae. Kayo pa naman ang gugulo ng isip niyo.” bigla niya akong hinampas sa balikat. “Aray! Masakit 'yun ah!”

“Hihingi ka na nga lang ng tulong mang-bu-bully ka pa!”

“Eh ayaw mo akong tulungan 'e!”

“Bakit ba kasi?” yamot niyang tanong. She even raised one of her eyebrows.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. “Ganito kasi 'yan, Juls. Pakiramdam ko tinamaan na ako 'e. Ang ganda ganda kasi ni Eliz. 'Di ba sinabi ko sa'yo 'yan? Alam mo naman 'yon. Sinong lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya? Hindi lang siya maganda. Ang bait niya pa! Ang bait niya sa akin—teka kinikilig ako ano ba 'yan.”

Maya-maya nagulat na lang ako nang bigla niyang alisin 'yung kamay ko sa balikat niya. “Gago ka ba? Ikaw 'tong nagkakagusto sa kanya tapos ako peperwesyuhin mo? Aba ayos ka din ah!”

“Eh kasi... natotorpe ako,” napakamot ako sa likod ng ulo ko.

“Problema mo na 'yan! Umalis ka na nga dito!”

Nung una nahirapan akong papayagin si Julia na tulungan ako. Pero alam ko naman na hindi ako matitiis no'n. Kaya hindi katagalan tinulungan niya na rin ako.

Palagi kaming nagpupunta sa mall para bumili ng iba't-ibang mga gamit na p'wede ko ibigay kay Eliz. Meron pa na isang beses na naisipan kong bilihan si Eliz ng damit. Si Julia ang nagsukat ng damit. Laugh trip nga kasi hindi niya naman thing 'yung pagsusuot ng mga ganoong damit.

As time passed by, I confessed to Eliz. It went well. At first medyo hesitated siya na magpaligaw pero hindi rin naman kalaunan ay pumayag siya.

I noticed that Julia distance herself simula nung manligaw ako kay Eliz. Kung dati kami ni Julia ang magkasama pagpasok at pag-uwi, simula nung ligawan ko si Eliz ay nag-iba ang set-up.

Si Eliz na palagi ang kasama ko. Sa tuwing lunch time. Pasukan man o uwian. Hatid-sundo ko siya. Hanep nga si Julia. Nakakatuwa kasi suportado talaga niya ako.

Hanggang sa dumating 'yung araw na Eliz has finally said yes. At ang unang tao na nakaalam na kami na ni Eliz? Si Julia. 'Yung bespren kong 'yun lang naman ang sumusuporta sa akin.

Tumagal kami ni Eliz ng four years. We were filled with love. Nag-aaway kami pero nagbabati din naman. Naging cycle ang buhay namin together 'tulad ng ibang mga relationship.

Our relationship went well. We made it until college. Akala ko pang matagalan na. Akala ko siya na 'yung end game ko kaso hindi.

We graduated a year ago. Magdadalawang taon na rin. Akala ko masaya. Akala ko maayos ang lahat... pero akala ko lang pala.

After the graduation day hindi nagparamdam si Eliz. Wala akong naramdaman na kahit anong presensya ni Eliz. Ilang beses ko siyang tinawagan. Kahit saan-saan ko siya hinanahap. Nagpunta pa ako sa bahay nila pero nalaman ko lang na they had already migrated to Europe.

Parang gumuho ang mundo ko no'n. Hindi ko ma-imagine. Para akong nawasak. Ayokong lumabas ng kwarto. Hindi ako kumakain. Wala akong kinakausap. Ayokong maghanap ng trabaho.

It seems like my whole world crashes into pieces. Parang paulit-ulit ulit ulit ulit na sinasaksak ang puso ko.

Hanggang sa isang araw Julia went to my room. She sat beside me at sinabing, “Bumangon ka na d'yan. Hindi mo p'wedeng sirain ang buhay mo dahil lang sa iniwanan ka. Isang tao lang ang nang-iwan sa'yo, marami pang natira. Don't act like you've lost everything you have. Nandito pa rin ako. ”

Since then, natauhan ako. I build myself again. I brace up myself to go on with my life. Julia's always with me hanggang sa maging okay na ako.

That's why I am thinking kung siya ba talaga 'yung nakita ko.

“Eliz...?”

Naramdaman kong hinawakan ni Julia ang balikat ko. “Jace... okay ka lang?”

Hindi kaagad ako nakasagot.

Nakatingin pa rin ako sa isang babae sa hindi kalayuan. Sa kahabaan at karamihan ng mga tao sa paligid, I keep on chasing her kahit meron namang tao na nandito lang palagi sa tabi ko.

Napatingin ako kay Julia. She's also looking at me, she seems worried like hell.

“Is there something bothering you?” she asked. Siguro narinig niya 'yung nabigkas kong pangalan.

Napailing iling naman ako.

“Uh, wala. Wala naman.” then I look at the band who's performing in front of us.

Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng mayro'n sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman...”

As they perform, napatingin ako kay Julia sa tabi ko. There's an innocent look on her face while she's watching the band. Ang gentle and genuine ng expression na pinapakita ng mukha niya ngayon.

Naka-bun ang buhok niya at may iilang strands ang nakabagsak. Napaiwas ako ng tingin. She looks stunning as the neon lights strobe hits her face.

I wonder what's inside her head habang napapakinggan namin ang kanta. Is she... thinking of someone?



***************

#LifetimeWP

A/N:

Hello! Thank you for all of your support. Marami akong natatanggap na pagsuporta mula sa mga kapwa ko aspiring writers. Salamat po sa inyo!

At sa mga nagbabasa naman po ng story na ito, i just want to apologize kung paminsan man na may mga cussed words/mura dito. 'Yun po kasi ang way ko para ipakita at ipahayag sa inyo ang mga characters, as well as gano'n naman talaga ang mga magkakaibigan 'di ba? Komportable na sila sa isa't isa kaya whether they will say cussed words, okay lang. That's how they are :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro