Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 6: Eyes

Hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha ni Arch nang makita niyang natataranta ako. It felt like he had a glimpse of my soul. It felt like he saw who this girl really is. No one ever made me feel like that... like he knew me... like he knew my pain.

"Thanks," I uttered at Rich when he gave me a glass of water.

Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko. Andito pa rin kami sa kwarto ni Arch na ngayon ay nakatayo lang sa gilid ng pinto at nakamasid sa amin. Hindi ko magawang lingunin siya. Natatakot akong makita ang kanyang mukha... ang mukhang nagtataka.

Nung hindi ako nakasagot kanina kay Arch nang tanungin niya ako kung ayos lang ba ako ay bigla itong tumakbo pababa, pagbalik niya ay kasama na niya si Rich. He really rushed just to pull Rich here and to talk to me.

"How is your feeling?" Rich asked me again. Kinuha niya sa akin ang baso nang maubos ko ang tubig no'n.

"I-I just overacted," I answered.

Yes. That's just what happened.

"Okay, but I am asking you, how is your feeling now?" he repeated his question.

"I'm good." Ngumiti pa ako para gawing kapani-paniwala ang sagot ko.

Mukhang nakuntento naman si Rich sa sagot ko dahil tumango ito at hindi na nagtanong pa. Nilingon niya si Arch na nanatiling nasa tabi ng pinto. Kapag lumilingon ako kay Arch ay sa paa niya lang ang bagsak ng tingin ko.

"What have you done this time, Kuya?" I could sense a bit of annoyance in Rich's voice.

I wanted to stop him because he was about to blame Arch but I couldn't utter anything. I've been trying my best to avoid eye contact with Arch but this time I failed. Nahuli niya ang tingin ko. His blank expression started to send a shiver on my body.

What are you thinking, Archeon?

"Kuya..."

Tila natauhan naman si Arch mula sa malalim niyang inisisip. "What?"

"What have you done?"

"Nothing that could make her overact like that," sagot ni Arch. Nanlamig ang mga katawan ko nang kumunot ang noo niya at nagtanong, "You looked terrified as hell when I touched you. Who really are you, Amira?"

Nanuyo ang lalamunan ko kahit na kaiinom ko lang ng tubig. Wala akong naisagot. Alam kong mas maghihinala siya dahil sa pagtahimik ko pero wala talaga akong maisip na sagot.

"You touched her?" tanong ni Rich. "That's enough reason to terrify a girl, Kuya. You scared her!" Bahagyang tumaas ang boses ni Rich.

"No. It seemed like she was think-"

"You shouldn't touch girls without their consents," Rich cut him out.

Nakita kong napalitan ng inis ang mukha ni Arch. "Then she should have not gone in my room without my consent in the first place, too!" I could sense how frustrated he was that the blame was on him. "It was just a freaking touch, Rich."

"Kahit n-"

"I'm sorry," I interrupted the commotion. Ayoko nang palakihin pa ang gulo dahil ako lang ang maiipit. "Arch is right. Hindi dapat ako pumasok sa ibang kwarto. This is my fault. I'm sorry, Arch."

"Stop," Rich shook his head on me. "Gusto mo na bang bumaba? Pumunta ka muna sa likod ng bahay. Malakas ang hangin doon kaya mas kakalma ka."

Hindi ako tumutol. Ihahatid sana ako ni Rich pero ang sabi ko ay ako na lang. Dumaan ako sa harapan ni Arch dahil nakatayo siya sa gilid ng pinto. Hindi ako lumingon hanggang sa makalabas ako ng bahay at makalanghap ng sariwang hangin.

Umupo ako sa favorite spot ni Rich, sa bench sa ibaba ng lilim ng puno. Ipinahinga ko ang likod ko sa sandalan. I closed my eyes and let the fresh air touch my bare skin. It was all dark... until Arch's eyes appeared out of nowhere.

Napadilat ako ng mga mata. "The fuck?" I cursed under my breath.

I shook my head. Kulang na lang ay iumpog ko ang ulo ko sa bench dahil hindi ko maalis ang mata niya. It brings memories I loathe the most. It brings the pain I thought I have already forgotten a long time ago.

Why now? Why here?

Tumayo ako at naglakad papunta sa likod ng puno. Tinahak ko ang hagdan papunta sa tree house. Pumwesto ako sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang ilog sa malayo.

I don't think staying here is a good idea anymore. It actually was. Better than the last time. But... I should be the one causing trouble and not the one having trouble. This is not so me. I'm scared that I might bring back the old vulnerable girl again.

Right. My stay with the Cheon Brothers will end tonight. I can't take risks anymore.

"Do you want to try it?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Rich. Tumabi siya sa akin at tumingin din sa ilog sa malayo. "It will be a bit shaky at first but after a few moments, you will also get used to it. In that case, you will not be afraid the next time you try it again. It is all at first."

He was referring to the boats on the lake.

"What if it sinks?" I asked. "I can't swim."

Natawa siya sa tanong ko. "It will only sink if the boat has a hole... or it is bad weather... or you do something to make the boat sink. I will be with you, don't worry. I'll make sure our boat won't sink in the depth of the lake."

Napatingin ako sa kanya... nakatingin din pala siya sa akin.

"You can't tell when accidents will occur, Rich. The boat could get a hole while you are in the middle of the lake... or the weather could get worse... or I suddenly think of jumping over the water and measure how deep the lake is." I chuckled.

He laughed, too. "You missed something. I am with you, Amira."

"You can swim?'

Natigilan siya.

Natawa ako nang malakas. "Naks naman, Mr. Harden. E 'di pareho pala tayong malulunod kung sakali?"

"I can swim." Natigilan ako nang biglang sumulpot si Arch. Nakatayo siya sa pinto ng kubo at nakasandal doon. "I won't ride your boat but I will be watching you two from afar. As long as you're with my brother, you have my eyes."

"Oh! May tagapaglipas na tayo!" Tumawa si Rich bago tumingin sa Kuya Arch niya. "Don't you want to ride with us? That would be fun!"

Pakiramdam ko ay mahuhulog ako rito nang bumalik sa akin ang tingin ni Arch. Umiling lang ito bago bumaba uli.

Nang magising si Tita Minerva ay hindi binanggit nila Arch at Rich ang nangyari, mas pabor 'yon sa akin. Nagluto lang ng panghapunan si Tita Minerva bago ito uli umalis para bumalik sa trabaho. Hindi siya uli pinansin ni Arch hanggang sa makaalis ang sasakyan nito.

Nanunuod kami ni Rich sa sala nang biglang bumaba si Arch at hinila ako palabas. Wala akong nagawa kung hindi ang sumama.

"What's the plan?" he asked.

I'm leaving tonight.

"Pretend you like me in front of Cams," I said instead. "If she really loves you, she will get jealous. She won't wait for you to approach her first anymore. Siya na ang gagawa ng paraan para makausap ka. At kapag nangyari 'yon, that's your chance to fix things. Say sorry... that's it, Arch."

Bahagyang bumali ang leeg niya. "I will pretend that I like you?"

I nodded.

"Elaborate, please. I don't get it," he winced.

Napabuntong-hininga ako.

"We will do the girlfriend/boyfriend thingy," seryoso kong sabi. "We will pretend. Whatever happens, we should make her feel jealous."

He gulped. "W-what if she didn't-"

"Then, she doesn't love you." I rolled my eyes.

"She loves me," madiin na sabi ni Arch.

Whatever!

"So, let's do this?" I asked.

Tumango siya bago ngumiti. "Sure, babe."

But the only problem is... how will we manage to go without Rich noticing it.

Napansin ata ni Arch na may iniisip akong iba kaya sinabi niyang, "If you were thinking about Rich, don't worry about it. Alam na niyang aalis tayo ngayong gabi at pumayag siya."

Kumunot ang noo ko. "Sinabi mo sa kanya?"

He nodded. "I just told him that we are going out and we will be back after an hour. Hindi ba 'yon ang sabi mo sa akin? You can fix this within an hour?"

That's right. I can fix his problem within an hour... but I am not going back here anymore.

Nag-ayos na rin ako ng sarili. Binalik ko sa ayos ang mga damit ni Tita Minerva, maging ang kanyang mga damit at cell phone. Muli kong sinuot ang damit ko nung dumating ako rito. Pinabanguhan ko na lang dahil medyo nangangamoy na rin.

"Oh? Ba't suot mo uli ang damit na 'yan?" puna sa akin ni Rich pagkabalik ko sa sala. Wala pa si Arch, malamang na nag-aayos pa ng sarili.

"Ah? Mas kumportable kase ako sa damit na 'to eh," paggawa ko ng dahilan. "Saka sandali lang naman kami." Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang libro. "Bago na naman? Nakakailang libro ka sa isang buwan?"

Tumawa ito. "I can read an entire novel in just one sitting but usually, it takes days."

Namilog ang mga mata ko. "Ang sipag mo naman!"

"It's fun." He shrugged his shoulders. "Bumalik din kayo agad ah? Kapag lumipas ang isang oras na wala pa rin kayo, susunod na ako."

"It won't take an hour actually."

"Better."

Mayamaya ay bumaba na rin si Arch. Napalunok ako nang makita ang ayos niya. It was just a freaking gray shirt and black shorts but he was damn fine. I could picture him wearing a black tuxedo – Guwapo. Whatever!

Bumagsak ang tingin niya sa suot ko. "Binilhan ka ni Mommy ng mga bagong damit ah? You don't like them?"

"Mas kumportable ako rito. Tara na?" aya ko sa kanya.

Sabay kaming lumabas. Hinintay ko siyang mailabas ang mga bisikleta at ibinigay sa akin ang isa. Napansin ko pa rin ang pasimple niyang pagtingin sa suot ko.

He's maybe thinking how mess I am for him.

"Mag-iingat kayo ah?" paalala pa ni Rich na kumakaway sa amin. "Take care of her, Kuya!"

Nang makalayo ay pinabagal ni Arch ang pagpadyak sa bisikleta niya. Ang akala ko ay gusto niya akong mauna kaya binilisan ko pero pinantayan niya lang pala ang takbo ko. Wala pa naman kami sa makitid na daan kaya maluwag pa.

"Baka nasa perya si Cams, doon na lang tayo diretso," aniya.

Tumango lang ako.

Mayamaya ay narinig ko ang mahina nitong pagtikhim. "You sure about this? Ang tahimik mo. Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nangyari kanina? Napipilitan ka lang bang tulungan ako?"

"Stop asking," inis kong suway. "I'm here to help you. Just don't ask questions."

"Okay."

Napatingin ako sa kanya, diretso na ang tingin nito sa daan. Nang nasa makipot na daan na namin ay ako ang pinauna niya para raw nakikita niya ako. Hindi ko alam kung bakit parang nag-iba ang trato niya sa akin. Maybe because I am helping him win his girl back again.

Nang makalabas kami sa makipot na daan ay bumaba na kami sa bisikleta at hinawakan na lang ang mga bisikleta. Napatingin ako kay Arch. He looked nervous. Nakikita ko pa ang bahagyang pagbuksa ng bibig niya na parang hinahanda na ang sarili sa mga sasabihin.

"Calm down, dude." I patted his shoulder.

Pagalit na lumingon siya. "Why would I? I am not nervous in the first place."

"Yeah. Whatever."

Pagdating namin sa perya ay itinabi namin ang mga bisikleta. Hinila ako ni Arch papunta sa kumpol ng mga tao. Ang akala ko ay may gulo pero hindi, pinagkakaguluhan pala nila ang isang laro dito. May boteng nakatumba sa isang pa-slant na platfrom. Kailangan mong maitayo ito gamit ang stick na may palawit na magagamit para maitayo ang bote.

I watched how they tried to win the game but end up failed. It should be easy but the platform was in a slant form. But... why here?

Magtatanong sana ako kay Arch kung bakit dito kung hindi ko lang napansin ang isang babaeng tumawa nang gumulong pababa ang bote.

"Muntik na 'yon, Sir!" ani Cams sa isang lalaki.

"Madaya naman kasi. Bakit hindi pantay ang lapag?"

"Ayun na nga po, Sir. Hindi pa-stable ang pagkakatayo mo pero binitawan mo na agad. Better luck next time," tuwang-tuwang sabi naman ni Cams.

Siya pala ang nagbabantay sa larong ito. Mabait naman pala siya. She seems very friendly, too. Kitang-kita mo ang saya sa kanya habang kausap ang mga customer niya. Well... she's pretty, too. Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko sa kanya nung isang gabi. She's not that bad.

"What the fuck should we do?" pabulong na tanong sa akin ni Arch.

Gusto kong matawa dahil natataranta talaga siya. He couldn't deny it now.

Tumikhim ako bago pumalad sa kanya. "Pera?"

Kinapa niya ang bulsa niya at kinuha ang kanyang wallet. Inabutan niya ako ng one hundred pesos.

Nang nasa akin na ang pera ay humarap ako kay Cams na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami napapansin. Busy ito sa ibang naglalaro. She's giving them tips on how to win the game. She also tried the game and the hell... she did it effortlessly. Not shocking though.

"Ah, Miss?" tawag ko sa kanya.

Nakangiting humarap ito na mabilis din na naglaho nang mapatingin kay Arch. Nag-alangan pa itong lumapit pero dahil customer din naman kami ay wala siyang nagawa. Now... let's start the game. I should fix this before I go. Pambawi man lang sa ilang araw na pagtanggap nila sa akin.

"Oh, Amira. Gusto mong i-try?" tanong sa akin ni Cams. Hindi ito makatingin kay Arch.

"Yes. We want to try it," sagot ko. Bumaling ako kay Arch. "Help me, please. Matagal ka na rito kaya malamang na mas may chance na manalo tayo kapag tinuruan mo ako."

"I-I haven't played it before."

"Please..." Kumapit ako sa kanyang braso. Bahagya siyang napaigtad dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya binitawan.

"H-huh?"

Pasimple kong kinurot ang kanyang tagiliran na ikinangiwi ng kanyang labi.

"Y-yeah, sure..." pagbawi niya. Tumikhim ito bago inabot ang stick mula kay Cams. Tumingin muna siya sa akin. "Watch me, babe. This is how you do it."

After a few moments... he failed. Gumulong pababa ang bote.

Hindi ko napigilang matawa nang malakas. Namula naman ang mukha ni Arch na halos hilahin na ako palayo dahil sa sobrang hiya.

"Nice one, babe. That's how you do it... to fail!" I teased him.

That's what you get when you are overconfident of yourself, you tend to underestimate others.

"Shut up," he whispered.

Napatingin ako kay Cams, nakangiti ito.

Tumikhim ako bago bumaling kay Arch, kinuha ko sa kanya ang stick at ako naman ang naglaro. Pinasok ko sa ulo ng bote ang pabilog na palawit bago dahan-dahang itinayo. Gently... that I could almost taste the victory.

"You are almost there..." bulong ni Arch na halatang excited din na maitayo ko ang bote. "You are doing good. Huwag mo munang bitawan."

I bit my bottom lip when the bottle rolled down and... I failed, too.

I looked at Arch, frustrated. "Ang malas mo kasi!" singhal ko sa kanya.

"Muntik na!" masayang sabi ni Cams. "You are good for a first timer!"

Napatikhim si Arch at inagaw sa akin ang stick. He tried again. Nakailang try na siya pero hindi pa rin siya nananalo. Ayaw naman niyang ibigay sa akin ang stick, mukhang determinado talaga siyang manalo. Nagpatuloy ang pagsubok niya hanggang sa lumapit na sa kanya si Cams.

"Gently..." Hinawakan ni Cams ang kamay ni Arch na may hawak sa stick. "Huwag mong biglain kasing itaas. Dapat hindi na gumagalaw ang bote bago mo bitawan. Pa-slant ang form, isang maling galaw lang ay gugulong ang bote."

Bahagya akong dumistansya palayo. I did it, right? They are good now.

"I know," pagsusungit ni Arch.

Cams just chuckled.

Napangiti ako nang maitayo ni Arch ang bote. Pumalakpak si Cams at binati si Arch.

Hindi mapagsiglan ang tuwa ni Arch na hanggang ngayon ay tulala pa rin.

You did it, jerk. You won two games tonight.

"Nice one, Arch!" Cams greeted him. "Ikaw pa lang ang nananalo ngayong gabi!"

I smiled. That's it. My business here is done.

Tatalikod na sana ako nang biglang lumapit sa akin si Arch at niyakap ako. "I did it!" masaya niyang sabi.

Natigilan sa pagpalakpak si Cams... maging ako.

"W-what are you doing?" I asked him. I was running out of air.

"Pretending..." he whispered on my ears with a slight chuckled.

I gulped. "She's good now, Arch."

"What?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi na siya galit sa 'yo. Kausapin mo na. You should give her a hug instead of me, idiot!"

"Wait... you really think this is for her?" He chuckled again. "Foolish girl. This is for you, Amira. I want to say sorry to you. Mailap ka sa 'kin sa bahay, hindi kita mahuli. I'm sorry for everything I said. I know I hurt you."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sandaling ito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa lugar na 'yon. Masyado akong nablangko sa nangyari. Basta ang alam ko lang ay nakasakay kami sa perris wheel at kasalukuyang nasa pinakatuktok kung saan kitang-kita ang buong lugar.

This is my favorite spot... but I can't appreciate it.

"D-don't do your plan tonight," Arch whispered. Nanatili sa malayo ang tingin ko. "Kung galit ka sa 'kin, sorry. Babawi ako sa mga nagawa ko sa 'yo. Rich needs you. Sakit ako sa ulo sa kanya. You are the reason why he's happy now."

But...

Hinila niya ako palapit sa kanya at tinitigan sa mata.

His eyes...

"I want to know you more, Amira. But I'll stop where I am and be contented with what I know," he sincerely said. "Just stay here."

He smiled.

For the second time, he made me feel like he knew me... that we are the same... that I am not alone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#life