Chapter 10 Hinahanap ng Puso

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nasa condo si Derek ng mga oras na iyon. Kakauwi lang niya pagkatapos niyang maihatid si Maggie. Maging siya ay nagtataka sa mga ikinikilos niya. Hindi niya masasabi na attracted na siya dito. Ewan niya, pero napapangiti siya sa tuwing nakikita niya ito na naiinis sa kanya. Ang kakulitan nito ay katulad sa kakulitan ng ex niya na si Yna. Namimiss niya ang pagkahilig nito sa selfies.

Tatlong taon na ang lumipas mula ng pumanaw ito. Noong hindi pa siya masyadong sikat ay ito ang palaging sumusuporta sa kanya. Kinuha niya ang maliit na frame na may larawan nito. Nakangiti ito doon. Parang kinukurot ang puso niya sa tuwing naaalala ang mga happy moments nila.

Pumikit siya.

"Help me to move on", sabi niya saka ibinalik ang frame sa lalagyan.

---------------------

"OMG! Stellaaaa! Tyleeerrr!", sigaw ni Maggie sa mga kaibigan sa loob ng booth pagpasok niya.

Biglang napalingon ang dalawang kaibigan.

"Ano?! Nasunugan ka ba?! At ang lakas mong makasigaw", sabi ni Tyler sa kanya.

Nagpaypay siya gamit ang kamay saka nagtatalon na ewan.

"Guess what?", sabi niya saka ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Ano ba kasi iyan, ate Mag? At para kang kiti-kiti diyan", tanong ni Stella na nagtataka.

"Friends na kami ni Derek! Sa wakas, pagkatapos ng ilang araw na para kaming Tom and Gerry, eh nagkaayos na rin kami kagabi... Oooppps!", sabi niya sabay takip sa bibig. Hindi pala alam ng mga ito na lumabas siya with Jason at pagkatapos ay inihatid naman siya ni Derek pauwi kagabi.

"Ano? You mean, nag date kayo kagabi??", shock na tanong ni Stella.

"Ano kasi... Uhm...", at hindi niya alam kung paano simulan ang kwento.

"Sabihin mo na. Andyan ka na, kaya simulan mo at tapusin ang kwento", sabi naman ni Tyler saka umupo at kumuha ng magazine. Naghihintay na magkwento siya.

"Ganito kasi iyon.....", at sinimulan niya ng magkwento.

Habang nagkukwento ay kinikilig naman na nakikinig si Stella. Tango lang ng tango si Tyler.

Feeling niya kinukwento niya ang sarili niyang love story sa mga ito.

"Ay, wait! Anong love story?", tanong ng isip niya. Napangiwi siya.

Napansin iyon ni Stella. "Okay ka lang ate, Mag? Napangiwi ka yata"

"Ha? Wala. Cge tuloy tayo sa nangyari kagabi", sabi niya.

Naputol ang pagsasalaysay niya nang pumasok ang manager nila na si Louie. Tila at malaki ang malaki ang pagkakangiti nito.

"Maggie, you have a visitor", nakangiti nitong sabi sa kanya.

Napalingon silang tatlo sa pintuan ng booth.

"Hi Maggie!", si Jason. May bitbit itong roses and chocolates.

Nabigla siya nang makita ito.

"Jason! What are you doing here? I mean, paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?", sunud-sunod niyang tanong. Siniko naman siya ni Stella.

"I called Tita Rita. I know na kilala ka niya kaya I tried to ask her some Info's about you. Oh, for you nga pala", sagot nito.

"Ah, salamat.", nakangiti niyang tinanggap ang roses at chocolates.

"Ayeeeeee! Kilig much naman. Ate, paupuin mo naman ang bisita mo. Nakakahiya. Artista pa naman", sabi naman ni Stella.

"Ah, upo ka muna , Jason", sabi niya.

"Thanks. Hmmm, busy ka ba? I would like to invite you for an early lunch sana"

"Ano kasi, may programa pa ak-"

Pinutol ni Stella ang sasabihin niya. "Ate, go ka na. Okay na kami na lang muna ni Tyler Magha-handle ng programa mo. Hehehe, 'di ba, Tyler?", sabi nito saka siniko si Tyler na tahimik lang.

Bigla naman itong tumango. "Ha, yeah. Oo. Kami na ni Stella bahala dito"

Pinandilatan niya ang dalawa. Tinawanan lang siya ni Stella.

Natawa din si Jason sa dalawang kasamahan niya.

"Sure kayo ha! Sabi n'yo iyan", sabi niya.

"Oo sabi. Sige na go na kayo. Bye Jason!", sagot ni Stella.

Kinuha niya ang bag niya saka lumabas na sila ni Jason. Nagwave pa ito sa mga kaibigan para magpaalam.

----------------------------

Katatapos lang ng shooting  nina Derek. Kanina pa niya iniikot ang paningin sa buong lugar. Akala niya ay pupunta ngayong araw sa set si Maggie para mangulit sa kanya. Pero hindi niya ito nakita.

Friends na sila 'di ba? Pero nagtataka siya kung bakit hindi ito nagpakita ngayong araw.

"Baka busy", sabi ng kanyang isip.

Pinuntahan niya ang kanyang manager. Nasa isang tent ito at may kausap sa cellphone. Hinintay niyang matapos ito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napalingon ito sa kanya. Tapos na rin itong makipag-usap sa kabilang linya.

"O, Derek. Tapos na ang scenes mo?", tanong ni Rita.

"Yeah. Nasa iyo pa rin ba ang number ni Maggie?"

"Oo. Bakit? You want to get her number?", nagtatakang tanong sa kanya ni Rita.

Tumango siya. Napangiti si Rita.

"Why?", tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. "Wala. Naisip ko lang, pagkatapos ng tatlong taon, ngayon ka lang ulit nagkakainteresado sa isang babae", sagot nito saka hinanap sa phone book ang cellphone number ni Maggie.

Hindi na lang niya ito pinansin. At pagkatapos ay inabot sa kanya ni Rita ang phone nito.

"Here", sabi nito.

Kinuha niya ang cellphone at kinuha ang number ni Maggie.

"Bakit mo nga pala kukunin iyong number niya? Do you need something from her?", tanong ni Rita.

"Nope. May sasabihin lang ako sa kanya", sagot niya saka isinauli ang cellphone kay Rita.

"Ows? Kani-kanina lang ay tinawagan ako ni Jason at tinanong niya kung alam ko kung saan nagtatrabaho si Maggie", balita nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit daw?"

"Ewan ko. Naku, pag nagkataon, si Jason pala ang magiging karibal mo", sabi nito saka mahinang tumawa.

Hindi niya alam kung bakit, pero naiinis siya nang marinig ang balitang iyon.

Malamang ay pinuntahan na nito si Maggie. Gusto Sana niyang tawagan ito ngayon din ngunit baka kung ano pa ang iisipin ni Rita.

Tiningnan niya ang orasan. Malapit na pala ang lunch time. Kinuha niya ang hoodie niya at shades saka nagpaalam kay Rita.

"Sa labas na ako kakain. Babalik ako para sa shooting ng next scene", paalam niya kay Rita.

"Hep! Hep! Hep! Magdidisguise ka? Saan ka na naman pupunta?", tanong ni Rita.

"Diyan sa tabi-tabi", at dumiretso na siya. Hindi na niya hinintay ang mga sasabihin nito.

Tiyak na masesermonan siya nito mamaya.

Pagdating niya sa sasakyan niya, agad niyang tinawagan si Maggie pero hindi nito sinagot ang tawag niya.

Nag-isip siya. Since hindi nito sinasagot ang mga tawag niya ay napagdesisyonan niyang magpunta sa radio station.

---------------------

Pagpasok niya sa loob ng opisina ng Moonlight Radio ay agad niyang hinanap si Maggie. Pero ang manager ng istasyon ang nakita niya na si Louie na may dala-dalang folder.

Tinanggal niya ang shades at agad siya nitong nakilala.

"Derek! What brings you here?", ngiti nitong tanong sa kanya.

"Good morning po, si Maggie?", sabi niya.

"Ah! Si Maggie... Lumabas kasama si Jason. Naku, ano bang nangyayari sa mundo ni Maggie ngayon at parehong artista ang naghahanap?", sabi nito saka napailing.

"Sinabi po ba kung saan sila pupunta?"

"Narinig ko early lunch yata. Upo ka muna", sabi nito.

Umupo siya saka naalala nga wala palang schedule na shooting   sa umaga si Jason. Tiningnan niya ang orasan niya. Hindi naman siguro magtatagal sa pagkain ang dalawa.

"Hihintayin ko na lang po", sabi niya.

Ngumiti lamang si Louie.

Inikot niya ang paningin sa station. May mga pictures doon ng mga DJs. May nakita siyang frame doon na may picture ni Maggie.

Nagwacky  si Maggie sa larawan. Cute itong tingnan. Napangiti siya doon.

Hindi nagtagal ay may narinig siyang mga halakhak. Paglingon niya ay nakita niya sina Maggie at Jason.

Nang mapatingin sa kanya ang dalawa ay biglang napatigil ito sa kakatawa at nabigla pa si Maggie pagkakita sa kanya.

At bigla, ay kumabog ang puso niya.

++++++++++++++++++

Huhay!!!! Pasensiya po sa late update. Medyo nagkamigraine po ako. Hihihi. But heto napo ang chapter 10. Sana ay maenjoy niyo. :-)

-------megan------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro