CHAPTER 9 Finally, Friends Na

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kanina pa naiinis si Derek kay Shanti. Kanina pa ito nag-iinarte at paulit-ulit siyang tinatanong sa nangyari sa set nang hinila niya si Maggie.

Ayaw niyang sagutin ito. Umu-o lang siya sa dinner dahil nagkasundo ang manager niya at manager nito na bigyan silang date na dalawa.

Nag-excuse siya sandali dito upang magpunta sa CR nang biglang may bumangga sa kanya.

Nagtagpo ang mga kilay niya nang makilala ito.

"Derek?", sabi nito.

Si Maggie. At nagtaka siya kung bakit nandito rin ito.

"Ikaw? What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?", sunud-sunod niyang tanong.

Nabigla ito nang makita siya.

"No way! Hanggang dito ba naman ay bigla ka ring sumusulpot?", kunot-noo nitong tanong.

"What a small world. Sino ang kasama mo dito?", sabi niya.

Ngumuso si Maggie at humalukipkip. "Wala ka na doon"

"Boyfriend?", pangungulit niya.

"Hindi! Wala akong boyfriend. Hmp!"

"I see. Baka naman blind date?", at ngayon ay nang-iinis na siya.

"Ang kulit mo rin ano?"

Ngumisi siya. Mas lalo pa sana niya itong iinisin nang biglang may dumating.

"What took you so long?-", si Shanti.

"Okay ka lang ba?-", si Jason.

Bigla ring natigilan ang dalawa nang makita sila.

Tahimik silang apat. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

Awkward yung mga oras na iyon dahil nasa labas sila ng CR actually.

Si Shanti ang bumasag sa katahimikan ng lahat.

"Jason! You're here pala. At kasama mo si Miss DJ. What's your name again?, sabi nito.

Nakita niyang umismid si Maggie.

Tumango si Jason at nginitian si Shanti. "Yeah. Uhm, Her name is Maggie. Oh bro, so nagdi-date talaga kayo ni Shanti?", tanong nito.

"Sa kagustuhan ng mga managers namin. But anyway, I'll be going home in a few minutes. Tapos na rin kaming kumain", matabang niyang sagot.

"What? Hindi pa tayo tapos kumain nang mag-excuse ka,ah!"
Reklamo ni Shanti.

Biglang nag-excuse si Maggie.

"Ah, guys, excuse me muna ha. Parang I do not belong here. He he he", sabi nito.

Papasok na Sana ito sa loob ng CR nang pinigilan niya ito sa kamay. Hinila at inakbayan.

Napatingin sina Jason at Shanti sa ginawa niya.

"Actually, si Maggie ang gusto Kong maka date", sabi niya. At tiningnan niya ito at nginitian.

Nanlaki ang mga Mata nito.

Natawa si Jason. "Nagbibiro ka ba, bro?"

"No", seryoso niyang sagot. At tumingin siya kay Maggie. "Since, nandito ka na rin lang naman,  why not spend some time with me tonight?", sabi niya.

"What? Ayoko nga! Ano ka, sinuswerte? And hello! May date ka, may date ako!", sagot ni Maggie.

Lumapit na rin si Shanti sa kanya at kumapit sa isang braso niya dahil ang isa niyang kamay ay nakahawak kay Maggie.

"Oo nga naman Derek. Ano ka ba? Tayo ang magkasama, sila ni Jason ang magkasama", sabi nito.

Binitiwan niya si Maggie. At binigyan na naman siya nito ng masamang tingin.

"Teka lang guys, ha, kung ayaw ninyong maka date ang isa't isa, eh labas na ako diyan. Jason, I'm sorry pero I think uuwi na ako", sabi ni Maggie.

"Sure. Okay lang, ihahatid na kita", sagot nito pero kita ang panghihinayang sa mukha.

"No need. Ako na lang. Sige, salamat", at tiningnan siya ulit ni Maggie saka lumakad na palayo.

Ni hindi na ito lumingon sa kanila. Inalis naman niya ang kamay ni Shanti mula sa pagkakahawak sa kanya.

--------------------

Hindi agad sumakay ng taxi si Maggie. Naglakad-lakad muna siya. Medyo sumakit ang paa niya dahil naka heels siya, pero carry pa rin niya ng dahil sa inis.

Naiinis siya kina Derek at Shanti. Medyo nahihiya naman siya kay Jason.

"Aaahhhh! Maloloka ako sa inyo!", sigaw niya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.

Medyo nahihiya rin siya kaya umayos siya. Patuloy siyang naglalakad.

Dati-rati ay big fan pa siya ni Derek. Pinapanood niya lahat ng shows nito sa TV. Pero bakit ngayon, naiinis na siya rito?

Patuloy siyang naglakad nang may bumusina sa likuran niya. Hindi niya iyon pinansin.

Ngunit nang nasa tabi na niya ang sasakyan at ibinaba ang bintana ng kotse ay bigla siyang nagtaka.

"Manigas ka diyan kung sino ka man, hmp!", sabi ng kanyang isipan.

Pero huminto ang sasakyan at nanigas siya ng makita kung sino ang driver nito.

Si Derek na naman!

"Ikaw na naman?!", tanong niya dito.

Pero hindi siya nito sinagot at pinasakay siya nito sa kotse.

"Ano ba?", taking niya ulit.

Pero hindi talaga ito nagsalita hanggang pareho na silang nasa loob ng kotse. At nagsimula itong magdrive.

Naiinis na siya talaga kay Derek.

"Sagutin mo nga ako, nababaliw ka na ba?", tanong niya ulit.

"Hindi pa. At saka, pwede ba, tumahimik ka muna. Ang ingay-ingay mo", sa wakas ay sumagot na rin ito.

"Eh, naiingayan ka pala sa akin, bakit mo pa ako pilit pinasasakay dito sa kotse mo? Akala mo magtatalon ako sa tuwa dahil kasama ko ang sikat na heartthrob ng Pilipinas? Hindi, uy!", at pagkatapos ay inirapan niya ito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina sa restaurant?", tanong nito.

Umiling siya saka humalukipkip.

"Hindi"

"Sabi ko ikaw ang gusto kong i-date"

Napatingin siya dito. "Binobola mo ba ako? Hello! Huwag mo akong itulad sa ibang fans mo na madali lang bilugin ang ulo. Anong akala mo sa akin, cheap? Hindi noh! Yeah, idol kita dati pero hindi na ngayon!"

"Hindi kita binobola,okay! At saka ayaw mo nun, aside sa pwede kang magpapicture sa akin for 1 month, may free date pa! Kesa doon sa Jason mo, ni hindi mo pa nga kilala ng mabuti, sumasama ka na kaagad", sabi nito.

Wow ha! In fairness! Ngayon lang niya narinig ito na nagsasalita ng bonggang bongga.

"Teka lang, nagseselos ka ba kay Jason?", sabi niya.

Napahinto ito sa pagda drive. At lumingon sa kanya.

"Bakit naman ako magseselos?", kunot noo nitong tanong sa kanya.

"Aba! Ewan ko? Eh nagrereklamo ka diyan sa pagsama ko sa kanya, eh!"

"Okay. Mabait nga siyang tingnan dahil palaging nakangiti, pero hindi mo pa masyadong kilala si Jason"

"Bakit? Ikaw ba mapagkakatiwalaan? At saka, ang hirap mong kausap? Palagi ka pang nagsusungit. Para kang babae na may buwanang dalaw", sabi pa niya.

Huminga ng malalim si Derek. Parang kinontrol ang sarili.

"Okay, sorry kung ganyan ang tingin mo sa akin. Ihahatid na kita pauwi since malalim na ang Gabi. Just tell me your address", sabi nito saka pinaandar ang kotse.

Nagtaka tuloy siya. Akala niya ay makikipagtalo pa ito sa kanya pero tumahimik na rin ito.

Sinabi nalang niya kung saan siya nakatira at nang makuwi siya. Sa totoo lang, masakit ang mga paa niya sa kakalakad.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na sila ng bahay nila. Bababa na Sana siya  pero naunahan siya ni Derek. Pinagbuksan siya nito ng pinto.

Napaisip tuloy siya kung nakonsensiya ito sa mga sinabi niya kanina.

"Ah, salamat nga pala sa paghatid. And sorry kung may nasabi akong masama kanina", sabi niya saka kinagat ang labi.

"Wala iyon.", tipid nitong sagot.

"Talaga?", paninigurado niya.

"Oo."

"Weh? Bakit ang tipid mong sumagot?", pangungulit niya.

"Okay sabi,eh. Sige na, pasok ka na. Aalis na rin ako"

Inilahad niya ang kamay. Saka ngumiti. "Friends?"

Tiningnan nito ang kamay niya. At saka tinanggap rin."Friends", sagot nito saka ngumiti.

At last! Nakita na rin niya ang totoong ngiti nito. Pumasok siya sa bahay na may ngiti pa rin sa labi.

+++++++++++++++

Natapos ko rin ang chapter na ito. Hahaha! Sobrang busy sa work kanina.

Special thanks to dyna_dapttaw for supporting my story. :-)

Abangan n'yo pa ang mga susunod na chapters.

Goodnight po sa lahat!

-------megan------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro