Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Humagalpak ako sa tawa, "Jusko ka," natatawang sabi ko. "Napaka-imposible naman niyan," napailing ako. "Ikaw? Magkaka-feelings sa 'kin. Anong feelings ba, feeling of anger?" natatawang sabi ko.



"Ilegal bang magkagusto sayo, ha?" aniya.



"Hmm.." nag-isip ako kunware, "Oo, ilegal." nakangising sagot ko.



"Handa akong maging kriminal kung ganoon," aniya at biglang lumapit sa akin na naging dahilan ng pag-alog ng sinasakyan namin.



"Corny mo," napairap ako. "Hoy, ano ba." inis ko siyang tinutulak pero 'di ko magawa. "Ang dikit mo masiyado!" reklamo ko.



"May iba ka bang nagugusutuhan?" biglang tanong niya na nagpatigil sa akin. Ano bang nangyayari rito sa lalakeng 'to?



Weird.



"Ah. Oo, siyempre," nakangising sambit ko.



"Sino?" nakakunot noong tanong niya. Bakas ang pagiging curious.



Humalukipkip ako at lumingon sa ibang direksyon. Muli kaming dahan dahan na bumababa ngayon. "Siyempre secret 'yon." sagot ko pero wala naman talaga.. Siguro.



"Eh, ikaw? May nagugustuhan ka bang babae?" balik na tanong ko at bumaling sa kanya.



"Yup." aniya. Hmp. Sino naman?!



Teka, M, bakit ganito ang reaction mo?!



"Edi bakit pumayag ka pa rin sa engagement na 'to? Sayang naman, dapat ang kasama mo ngayon 'yung babaeng gusto mo. Hindi ako," napailing ako. Mahina lang siyang tumawa at 'di na umimik. Pareho kaming tahimik na nakatingin sa buong tanawin mula sa itaas ng ferris wheel. Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Bahagya ko siyang tinapik, "Inaantok ka na ba?" tanong ko.



"Hindi pa naman.." hinayaan ko nalang siya sa ganung pwesto.



Naramdaman ko nalang na may kumakalampag sa bakal. "Hoy, gising na kayo. Kanina pa natapos ang ride," sabi ng kung sino. Nananaginip ba ako?



Minulat ko ang mata ko. Nagulat ako nang may dalawang lalaki. Mukhang operator yata ito bg ferris wheel at may hawak na stick. Ito 'yung gamit sa pagkalampag ng bakal na harang sa seat ng ferris wheel para magising kami.



Si Dwarren ay nakasandal pa rin sa balikat ko. Dahan-dahan ko siyang tinapik tapik. "Hoy, gising.." sambit ko. Nakatulog kami sa ganoong pwesto?! Patagilid pa siyang nakayakap sa akin! Nakaramdam tuloy ako ng hiya!



Kalaunan ay nagising na rin siya, "Hmm.." inaantok na sabi niya.



"Alis ka," mahina kong tinulak ang ulo niya sa balikat ko.



"Ah, sir. Kailangan niyo na pong bumaba. May mga sasakay din po kasing bagong batch." paliwanag ng operator at inopen na ang harang na bakal.



"Yeah. Yeah," sambit niya bago minulat ang mata at mahinang ginulo. "Let's go," aniya. Nauna siyang bumaba at naglahad ng kamay para alalayan ako. Tinanggap ko naman 'yun kaso bahagya akong nadulas. Inaantok pa ang lola niyo. Naramdaman ko nalang na may brasong nakapulupot sa baywang ko.



"Ah. Ehem," tumikhim ang operator.



"Ah, s-sorry po," nahihiyang sabi ko at bumaba nang maayos. Inalis ko na rin ang pagkakapulupot ng braso ni Dwarren sa baywang ko. Nauna na rin akong naglakad at hinawakan nang mahigpit ang tote bag ko na nakasabit sa balikat ko.



"Gutom ka na ba?" aniya nang nahabol ako sa paglalakad.



"Ah. Medyo," sambit ko bago tinignan ang relo. Ala-sais na ng gabi.



"Kain nalang tayo sa mall. Gusto mo?"



Tumango ako at ngumiti, "Sige. Kaso wala akong pambayad," sambit ko.



Lumapit siya at inakbayan ako. "Ako na bahala." aniya. Nilagay ko ang dila ko sa pisngi.



Pagkarating sa mall ay dumiretso kami sa Mang Inasal. "Wow, ha." natatawang sabi ko.



"Para pwede kang mag-unli rice," natatawa ring saad niya. "Ano sayo?" tanong niya habang nasa pila kami.



"PM1. Unli rice siyempre," sabi ko at mahinang sinuntok ang braso niya. Tumawa naman siya at sinabihan ako na mauna na para makahanap ng mauupuan. Nang makanahap ng upuan ay marami akong biglang naalala.



Maraming beses na pala kaming nag-indirect kiss!



Uminit ang pisngi ko. "Shyeteng malagkit," mahinang bulong ko sa sarili ko. May bigla akong namukhaang pamilyar sa 'di kalayuan. "Tonyo?" sabi ko sa sarili ko. "Berna?" gulat kong saad. Inayos ko ang pagkakalagay ng bucket hat ko para 'di nila ako makilala at yumuko. "Anong ginagawa nila rito?" takang tanong ko.



Bahagya ko silang nilingon at kita kong naglalandian silang dalawa! Nagtatawanan sila at may pa-hampas pa si Berna kapag natatawa. Aba, aba! Mukhang kakarating lang din nila dahil may table number na sila pero wala pa 'yung order.



Dumating na rin si Dwarren at nilapag niya iyong mga kubyertos, tissues pati na rin ang table number at resibo. "Kumuha ka pa ng kutsara't tinidor, mas masarap magkamay!" giit ko.



Bahagya siyang tumawa. Anong nakakatawa?! "Kapag gutom ka na talaga, nagsusungit ka," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Saglit lang. May bibilhin lang ako." paalam niya at umalis.



"Saan naman 'yun pupunta?" takang tanong ko. Habang naghihintay ay hinawakan ko ang engagement ring sa necklace ko. "Nag-enjoy ako.." sambit ko. Bigla ulit siyang sumulpot sa harap ko, "Saan ka galing?" bigla niyang inalis ang bucket hat ko at pinalitan ng hair clip. "A-Ano 'to?"



Umupo na siya sa harap ko, "Para sa buhok mo." simpleng saad niya.



"Alam kong para sa buhok. Pero bakit?"



"Mas bagay mo. Kaysa palagi kang naka-cap or hat," aniya. "Para kang nagtatago," natatawang sabi niya at inirapan ko lang.



Dumating na ang order at kinuha na ang table number. "Hugas lang ako.." paalam ko bago tumayo.



Pagakarating ko sa washing area ay nagulat ako nang andito si Berna! Napabaling siya sa gulat kong mukha. "Uy, M!" maligayang sabi niya. "Mukhang gulat ka, ah." natatawang sambit niya.



Napailing ako agad, "Hindi naman. Ah, sino kasama mo?" kunware ay 'di ko alam. Lumapit na rin ako sa faucet at nagsimulang naghugas.



Ngumiti siya at humarap sa salamin habang nagbabanlaw ng kamay. "Iyong Martino Esperanza, 'yung nakilala ko sa dating app." aniya.



Napatango naman ako, "Matagal na kayong nagdi-date?" tanong kong muli.



"Ngayon lang. Gusto raw talaga niya akong ma-meet in person," kinikilig na sabi niya at natapos nang maghugas. "Gusto mo bang makilala siya?" sabi niya habang nagpapa-dry ng kamay. Tapos na rin akong magsabon ng kamay at nagbabanlaw na lang.



"Next time nalang," sabi ko at ngumiti. Big boy na si Tonyo.



Nagpaalam at nauna na ring umalis si Berna. Nag-dry na rin ako ng kamay at bumalik. Hindi pa siya kumakain at inantay ako. "Hindi ka maghuhugas? Kahit na magkukutsara ka, maghugas ka pa rin, oy!" bulyaw ko.



"Okay, fine." natatawang sabi niya bago umalis at maghugas. Buti at busy si Tonyo roon at 'di ako napapansin. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila. Pagkarating niya ay nagsimula na kaming kumain. Binudburan ko ng chicken oil ang kanin ko. Kumain lang kami nang kumain at nagkukuwentuhan minsan. Nang maubos na ang kanin ko ay nag pa additional rice pa 'ko. "Takaw.." dinig kong bulong niya.



Nang matapos na ay inubos ko na ang iced tea, naghugas at nagpa-digest muna. Nakita kong paalis na sila Tonyo kaya umiwas ako ng tingin.



Habang naglalakad kami sa mall ay nakita ko ang arcade area. "Mahilig ka mag-arcade?" curious na tanong ko. Nilingon ko siya na nakapamulsa.



"Gusto mo ba? Tara." aniya at hinila ang braso ko patungo sa direksyon ng arcade.



"One hundred pesos, twenty pieces lang na token?" inis na sabi ko habang nakatingin sa mga token na nasa kamay ko.



"'Wag ka ng magreklamo. Mag-enjoy nalang tayo," ngumiti siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin, "Aaysuin ko. 'Wag kang malikot," natatawang sabi niya bago inayos ang hairclip ko sa buhok. Para niya akong anak na inaayusan. Nakatago na sa bag ko iyong bucket hat ko. May pa-clip pa kasi ang lolo niyo.




Pero 'di ko maintindihan kung bakit ako kinabahan at bumilis ang pintig ng puso ko nang ginagawa niya iyon. Nakangiti siya habang kini-clipan ako.



Humiwalay ako kay Dwarren para 'di kami mapagkamalan na magjowa ng mga tao. Habang nilalagay niya kasi 'yung clip ay may mga babaeng nagbubulungan na 'sana all' daw. Anong sana all doon?



Naglaro ako ng claw machine at nainis lang ako dahil wala namang na-catch. "Niloloko lang tayo ng claw na 'to," inis na bulong ko. Lumipat ako sa may drive drive na pang bata at sakto ay naroon din siya.



"Lalaro ka rin?" nakangiting tanong niya. Tumango naman ako at umiwas ng tingin.



Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, iyong bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam ko.



Normal pa ba ako?



"Ayos ka lang?" akmang lalapit siya para i-check ako pero lumayo ako bigla.



"Hindi!" napasigaw ako na kinagulat niya. "I-I m-mean HINDI ko gusto 'yung laro." sabi ko sabay kamot ng batok. Inemphasize ko talaga iyong 'hindi'.



"Sige. Saan mo ba gusto?" tanong niya at luminga sa paligid.



Luminga ako sa paligid, "Doon na lang sa may basketball," turo ko.



"Contest tayo," hamon niya.



Ngumuso ako, "Magaling ka yata, eh." sambit ko.



"Hindi, ah." natatawang sambit niya. "Wala ka pang napapanalunan na ticket?" gulat niyang tanong.



Dumukot ako sa bulsa ko, "Meron kaya," sabay pakita ng forty mahigit na piraso na napanalo ko sa isda isda na laro. Tinawanan naman niya ako, "Nakakainis ka." inis na sabi ko. Nagmartsa ako papunta sa may basketball. Napansin ko namang may mga girls na kinikilig sa kanya. "Tss.." bulong ko. May nakita akong minion na stufftoy kanina at kailangan ng 2,040 na ticket. Napansin ko namang nakarami na siya. Nang nakalapit na siya ay tumikhim ako ng malakas. "Sana may mabait na taong magbibigay ng ticket diyan." parinig ko bago pinindot ang start button sa basketball.



"Talunin mo muna 'ko kung kaya mo." aniya at nagsimula na ring maglaro. Iyong ibang babae nakikilaro rin sa tabing basketball na pinaglalaruan ni Dwarren. Aish! Nakailang token na ang naihulog ko pero 'di ko maipanalo ang score ni Dwarren. "Wala kang additional ticket," pang-aasar niya.



"Edi wow, saksak mo sa baga mo 'yang ticket mo," inis na sabi ko.



"Ito naman. Ano bang gusto mong makuha?" tanong niya.



"Halika.." sabi ko at hinila ang braso niya. "Iyon, oh," turo ko sa may cashier area na pag-eexchange from tickets to item.



"Bibilhan nalang kita." aniya.



Umiling ako agad, "Hindi, ayaw ko. Iyon ang gusto ko." sabay nguso sa item na minion stufftoy.



"Sana all gusto.." rinig kong bulong niya.



"Ha?" taka kong tanong.



"W-Wala," bigla siyang kinabahan. Anong meron?



"Hayaan mo nalang. Gamit lang naman 'yun," sabay angkla ko sa braso niya. Napansin kong napadapo ang tingin niya roon. Pati ako ay nagtaka sa kinikilos ko. Bumitas ako, "S-Sorry." awkward na sabi ko.



Naka eight hundred fifty-one lang kami na ticket kaya maliit lang na kotse-kotseng laruan ang item na nakuha namin. "'Di ka pa ba pagod, M?" aniya. Umiling ako.



Parang gusto ko pa siyang makasama kahit na araw araw na kaming nagkikita sa unit niya. "Punta lang tayo saglit sa department store." sambit ko. "Ikot ikot lang.." sambit ko.



Pagkapasok namin ay naglalakad lakad lang kami sa loob ng department store. "May gusto ka bang bilhin?" tanong niya. Mayroon akong nakitang mga dress na nakadisplay. Ewan ko ba bakit parang gusto ko iyong bilhin kahit 'di naman ako mahilig sa ganun.



May lumapit na sales lady sa amin. Maganda, matangkad, at fitted ang damit kaya halata ang kurba ng katawan.



Edi wow.



"Good evening, Sir. Ano pong hinahanap nila?" si Dwarren lang talaga, ha? Napabuntong hininga ako.



"Bigyan niyo siya ng damit na babagay sa kanya," sagot naman ni Dwarren at ngumiti. Bunutin ko 'yang mga ngipin mo! Ngumiti at tumango rin naman iyong babae at naglakad paalis para hanapan ako ng damit.



"Anong 'damit na babagay sa kanya' na sinasabi mo?!" inis na sabi ko, "Pangit ba akong manamit, ha?" bulyaw ko, napairap ako at humalukipkip.




"Wala akong sinasabi, ah. Gusto lang kitang makita sa ibang style," aniya at ngumuso.



"Humaba sana nguso mo.." bulong ko sa sarili ko. May inabot sa aking apat na dress na nakahanger. Napasinghal ako, "Ayaw ko nito!" reklamo ko.



"Just try on," nangingiting sabi ni Dwarren. Nakakainis 'tong ngiti niya. Pinagpipiyestahan tuloy ng mga ibang babae.



Tinuro sa akin ang fitting room at pumasok na ako. Nagsimula na akong magsukat. 'Di ako komportable pero bagay naman pala sa akin. Ganda ko lang. In-unlock ko ang door ng fitting room at lalabas sana para ipakita sa kanya ang sarili ko na suot ang dress na 'to.



Pagkalabas ko ay kita ko sa 'di kalayuan na nagkukuwentuhan sila Dwarren at iyong sales lady na magkausap. Inis kong sinarado ang pinto at napasandal. Parang kung may ano sa lalamunan ko.



Ah, Misty! Bakit ka naiiyak?!



Bumuntong hininga ako nang malakas at mahinang sinuntok suntok ang dibdib ko.



Inis kong binalik ang suot ko kanina at padabog na binuksan ang pinto ng fitting room. Nagmartsa ako papunta kay Dwarren. "Oh, tapos ka n-" inis kong hinagis ang mga dress na nakahanger sa kanyang mukha at naputol ang pag-uusap nila. Nilagpasan ko siya. "Wait lang!" dinig kong sigaw niya at nagsorry pa sa babaeng iyon.



Kalma, M! Bakit ka ba ganyan?!



Dali dali akong lumabas ng mall at nagmamadaling magpara sa may labasan. "Bwisit bakit ba ayaw niyong magpasakay?" inis na sabi ko. Bigla namang kumulog nang malakas hudyat ng paparating na ulan.



"M!!" dinig kong tawag ni Dwarren na papalapit na sa akin. Hindi ko siya nilingon at bigla nalang niyang hinablot ang braso ko.



Inis kong hinawi 'yun, "Ano ba?!" sigaw ko. Kita ko ang gulat sa reaksiyon niya. Marami na palang luha ang tumutulo sa pisngi ko.



"M-May nagawa ba ako?" aniya at sinusubukang iharap ang mukha ko sa kanya. Bigla namang nagsimulang umambon. "Tara na. Umuulan na, uwi na tayo." pinipilit niyang makuha ang braso ko.



"Nakakainis ka!" sabi ko habang umiiyak. Pinupunasan ko iyong mga luha ko pero bigla niya akong niyakap.



"Anong nagawa ko, M. Please let me know."



Bahagya ko siyang tinulak at humiwalay naman siya. Humugot ako ng hininga. "Naiinis ako sayo," panimula ko.



"Naiinis ka, because?" kasi nagseselos nga ako!



Unti-unting lumakas ang pag-ulan kasabay ng pag-iyak ko. "N-Nagseselos ako." mahinang sabi ko.



Heck. Nagseselos ako.



"A-Ano?" natatarantang tanong niya.



Napapikit ako nang mariin, "Nagseselos ako! Roon sa kausap mong babae! Nagseselos ako, naiinis ako sayo! Kasi dapat hindi ko 'to nararamdaman!" sunod sunod na sigaw ko bago nanlabo ang paningin.



"M!"




<3




04/22/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro