Seven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Isang linggo na kaming magkasama rito ni Dwarren at minsan ay 'di talaga kami magkasundo. Ang lakas kasi mantrip at nakakainis minsan, eh!



Nagwawalis ako ng kwarto dahil nakakahiya naman sa kanya. "Ayan tama 'yang ginagawa mo," natatawang sabi niya. Nakasandal siya sa gilid ng pinto dahil naka-open 'yon. Tinalikuran ko lang siya at nagpatuloy sa pagwawalis. "Misty.." pagtawag niya sa pangalan ko.



"Hmm?" sagot ko habang 'di siya nililingon.



"Y-You have.." bitin na sabi niya.



Taka ko siyang nilingon, "Anong 'You have' ba 'yang sinasabi mo. Pabitin ka pa." inis na sambit ko at muli siyang tinalikuran.



"You have a stain on your back," sabi niya. Hindi ko agad naabsorb ang sinabi niya.



Stain? Sinilip ko ang likod ko at natanaw ko ang blood stain sa may pwetan ko. Shucks! Nakakahiya! Wala akong dala! Kababaeng tao mo, M, wala kang dala! Hindi ko rin expect dahil irregular ako pero ang laki kong tanga sa part na wala akong dala.



Bigla ko siyang nilingon at tumakbo papunta sa kanya. "Labas ka muna," pantataboy ko at biglang sinarado ang pinto ng bedroom. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pagkahiya! Normal lang naman 'to sa babae pero 'yung si Dwarren ang makakita at nasa isang bubong pa kami nakatira! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napabuntong hininga. "Ang tanga mo, M." sambit ko sa sarili ko.



Tinawagan ko sila kuya kaya lang 'di sumasagot. Paniguradong busy iyong mga 'yon. Tatawagan ko sana si Bench dahil nangyari ito dati ay siya ang bumili sa akin ng feminine pad nung lunch time noong highschool kami. Nung una sobrang hiya ko sa kaniya at akala ko ay pagtatawanan ako nilang tatlo pero hindi naman pala. Hindi ako mapakali! Inalis ko ang comforter at tinignan kung namantsaan ba ang bedsheet at nakahinga naman ako nang maluwag nung makita kong wala.



Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nilabas ko ang ulo ko at sumilip ako at kita ko siyang nakaupo, nanonood ng tv. "Pst!" tawag ko. Nilingon naman niya ako, "W-Wala akong dalang ano.." hindi ko maituloy. Mariin kong pinikit ang mata ko. "Walaakongdalangsanitarypad," mabilis na sabi ko.



Mahina naman siyang natawa. "Seryoso ka?" 'di makapaniwalang tanong niya. Narito lang ako nakalabas ang ulo at nakatago ang katawan sa may pader. "Saan ako makakabili?" tanong niya bago in-off ang tv.




Dali ko siyang sinagot, "Sa pinakamalapit na convenience store."




"Sige. Bibilisan ko," kinuha niya ang wallet na nasa table, "With or without wings?" aniya.



Uminit naman ang pisngi ko. "Ah.. W-With w-wings," nahihiyang sabi ko at tumango naman siya bago dumiretso palabas. Alam niya 'yung ganoon? Sinarado ko ang pinto at iniuntog ang ulo. "Nakakahiya.." bulong ko sa sarili ko.



Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong nagbukas na ang main door ng kanyang unit at kumatok siya. "M.. Ito na," dali kong inopen ang pinto at hinablot agad ang sanitary pad na binili niya.



"Salamat!" padabog kong sinarado ang pinto sa sobrang pagmamadali. Color purple na Whisper 16 pads at 2 packs pa! Pumunta agad ako sa cr at nagbihis. Kumuha ako ng maliit na planggana at binabaran iyon. Nilabhan ang mga nalagyan ng stain sa pajama. Ini-spin dryer iyon na nasa loob ng bathroom at sinampay ko iyon sa foldable laundry drying rack sa may balcony. Umidlip muna ako saglit at nagising dahil sa kumakalam na tiyan.



Pagkalabas ko ng bedroom ay naroon siya patapos na kumain. Bumaling siya sa akin, "Kain na. Kumakatok ako kanina kaso 'di ka sumasagot," aniya.



Napakamot ako sa ulo, "Nakatulog kasi ako." tipid akong ngumiti bago umupo. Hindi ako umiimik habang kumakain dahil nahihiya ako.



"Tahimik mo," komento niya. Tapos na siyang kumain at ngayon ay nakatingin siya sa 'kin kaya mas lalo akong nahihiya!



"T-Tahimik naman talaga ako," giit ko habang ngumunguya.



Tinawanan niya lang ang sagot ko. "Nahihiya ka 'no?" paninigurado niya. Inismiran ko lang siya at nagpatuloy kumain. Nagsalin siya ng tubig sa baso at nilapag malapit sa plato ko.



"Salamat," tipid na sabi ko.



"By the way, mag-gogrocery ako mamaya." paalam niya.



Nilingon ko siya, "Ikaw lang? Sama ako," pamimilit ko



Umiling siya, "Hindi na. Magpahinga ka na lang dito," aniya.



Umiling ako, "Nabo-bored na 'ko rito." Pagmamaktol ko bago uminom ng tubig dahil tapos na kumain.



Tumayo siya at kinuha ang pinagkainan namin. "Maghugas ka nalang ng plato," natatawang sabi niya.



Ngumuso naman ako. Pagkalapag niya sa lababo ng mga plato ay dumiretso na rin siya sa kwarto at naligo samantalang ako ay naghuhugas habang nagpapatugtog ng kanta ng Ben&Ben. "Matang magkakilala.. Sa unang pagtagpo.." pagsabay ko sa kanta. "Paano dahan-dahang sinuyo ang puso?" mas feel ko maghugas nang may music. "Kay tagal ko nang nag-iisa. Andiyan ka lang pala.."



Natapos na akong maghugas at umupo sa sofa dahil sa sumasakit ang balakang ko. Lumabas na rin si Dwarren at nakabihis na. Naalala ko tuloy nung nakita ko siya na naka-tuwalya lang! Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin. Naka-shirt siya at pants. "Aalis na ako," pagpapaalam niya. Tinanguan ko lang siya. "Wala bang goodbye kiss or ingat man lang?" agad ko siyang nilingon at nakitang nakangisi.



"Alis ka na nga," umirap ako at humalukipkip.



"Sungit ng malapangasawa ko," rinig kong bulong niya bago diretsong lumabas.



Napasinghal ako, "Nakakairita." napailing ako.



Gusto kong manood ng movies kaya nagtungo ako sa tv stand at in-open ang drawer doon. May nakita akong iilang mga movies na 'di naman pamilyar. Binasa ko iyon. Uminit ang pisngi ko nang matantong 'di 'to dapat pinapanood! Binalik ko nalang iyon at naghanap ng ibang makakalkal. Wala siyang masyadong gamit kaya in-on ko nalang ang tv at laking pasasalamat ko nang may Netflix naman pala.



Nanood nalang ako ng mga series doon kahit na 'di ko naman iyon alam dahil 'di ko 'yun hilig. Nalibang din ako kahit papaano kaya lang ginutom na rin ako. Naghanap ako ng makakain sa ref at nakita kong may hotdog doon. Niluto ko iyong limang piraso. Baka sabihin niyang ninanakawan ko siya ng pagkain niya.



Naubos ko rin 'yun agad. 'Di ko namalayang andiyan na pala siya. Naririnig ko ang tunog ng susi. Pagkapasok niya ay 'di ko siya dinapuan ng tingin dahil kunwari busy ako manood. May dala siyang dalawang plastic bag. Bigla nalang siyang nagsalita, "Binilhan kita ng chicken sandwich and fries." aniya na nagpangiti sa akin.



Tumayo ako at lumapit, "Walang iced coffee?" nakangusong tanong ko.



Natawa siya nang bahagya, "Caffeinated beverage 'yon. 'Di ata pwede sayo." aniya habang inaayos ang mga pinamili. May nakita akong mga pancit canton. Natuwa na naman ako sa mga nakita ko. "Oh, dahan dahan 'yang mata mo luluwa na." natatawang sambit niya.



Natawa rin ako, "Salamat pala rito," pagtukoy sa binili niyang pagkain. "Bait natin ngayon, ah," pinapak ko na iyong fries. Nagpasya akong tumulong mag-ayos pero 'wag na raw. Habang nagliligpit siya ng pinamili sa pantry ay lumapit ako at nilahadan iyong chicken sandwich para kumain siya. Umiling naman siya, "'Wag ka ngang maarte, wala pa 'tong kagat 'no." inis na sabi ko. Tumitingin pa siya sa akin nang matagal at nagdadalawang isip kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Ah.." sabi ko para ibuka niya ang kanyang bibig. Kumagat din naman siya at may naiwang mayonnaise sa gilid ng labi niya. Lumapit ako sa mukha niya para tanggalin 'yun gamit ang thumb ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko na tinatanggal ang mayonnaise na nasa gilid ng labi niya. Kumunot ang noo ko at bumaling sa kanya, "Bakit?" tanong ko.



Napansin ko namang nakatitig siya kaya pinitik ko ang noo niya at napapikit naman siya sa sakit. "Grabe ka, ikaw na 'tong binilhan ng pagkain!" bulyaw niya.



Pilya ko siyang tinawanan. "Nakatitig ka kasi masyado sa akin. Alam ko namang maganda ako pero 'wag mo naman akong titigan," sabag hawi ng buhok ko at ngumisi.


"Woah."



"Mahilig ka ba pumunta sa amusement park?" curious na tanong ko habang nag-vavacuum. After four days ay wala na akong dalaw kaya pwede na 'kong magsplit split o mag-tumbling



"Depende sa kasama," simpleng sagot niya habang nagtutupi ng kanyang mga damit.



"Mm.." tumango na lamang ako.



Kinabukasan ay nagising ako dahil may umaalog sa aking balikat. "Misis, gising na.." pilyong tinig ni Dwarren habang inaalog ang braso ko.



"Hmm?" inis na sabi ko. Tinalikuran ko siya at sumiksik sa unan na yakap ko.



"Punta tayong amusement park," pag-aaya niya. Kung kailan naman inaantok pa ako!



"Hmm.." tamad na tugon ko.



"M, sige na. Bangon na," pagpupumilit niya.



Inis akong umupo at hinilamos ang mukha, "Aish! Oo na," sambit ko habang nakapikit na hinawi ang comforter. Minulat ko na rin ang mata ko at nakita kong nakaupo siya sa side ng kama. "Tignan mo nag-aaya ka 'di ka pala naligo!" bulyaw ko.



Piningot niya ang ilong ko, "Mabilis lang naman ako maligo." natatawang saad niya. Inis kong hinawi ang kamay niya sa ilong ko. "Meron ng breakfast doon. Kain ka na, nauna na ako. Tagal mo kasi magising," pagkatapos ay ngumiti siya.



Nauna siyang maligo habang ako ay kumakain naman. Hinugasan ko na rin iyong pinag-platuhan ko at pinunasan ang mesa. Pagkalabas niya ay pumasok na rin ako at naligo. Nagbihis ako at nagpaulan ng pabango. 'Di ko alam sumagi sa isip ko kung bakit ko 'yon ginawa.



Pagkalabas ko ng bedroom ay napansin kong napadapo siya ng tingin sa akin. Nakasuot ako ng longsleeve polo na naka-open lahat ng butones habang naka-tuck in ang inner shirt sa highwaisted shorts, sneakers, naka-bucket hat at tote bag.



Tinaasan ko siya ng kilay, "Hoy, tusukin ko 'yang mata mo diyan." Pagbabanta ko. Tinawanan niya lang ako at naunang naglakad patungong pintuan at binuksan iyon. Nilahad niya ang daan at nauna na ako. First time niya akong pagbuksan, ah. Sumakay kami ng elevator at kami lang ang tao.



Tumikhim siya kaya nilingon ko siya, Naligo ka ba or nagpaulan lang ng pabango?" natatawang tanong niya.


"Excuse me, naligo ako 'no! Mabango talaga ako!" bulyaw ko.


"Weh? Paamoy nga," pilyo siyang tumawa at nilapit ang mukha sa leeg ko. Kinabahan ako bigla. Hinampas ko siya agad dahil baka marinig niya ang kabog ng puso ko. Umayos na rin siya nang tumunog ang elevator at nasa pinakababang floor na kami. Dumiretso na kami sa parking at sumakay sa sasakyan niya.


"Manyakis ka talaga kahit kailan."



Free parking at may binili na palang ticket si Dwarren through online. Naglakad lakad muna kami at nilibot ang amusement park. Maraming rides at iba't ibang booth ng pagkain. Meron kaming suot na wristband para pass para sa unlimited admission sa lahat ng rides dito. "Bili tayong ice cream," sabi ko habang ginuguyod ang braso niya papunta sa booth ng ice cream-an. Bumili kami ng sarili naming ice cream na nakalagay sa cup pati na rin tubig. Rocky road sa akin at sa kanya naman ay cookies and cream. Umupo muna kami aa bench para kumain.


Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya, "Gusto mo ba 'to?" pagtukoy niya sa ice cream niya. Umiling naman ako, "Sige na. Ah.." sabi niya at akmang susubuan ako.



"Dwarren, meron naman ako," inis na sabi ko.



"Eh, nakatingin ka kasi. Oh, nganga.." aniya. Kunot noo ko 'yong sinubo at umiwas ng tingin pagkatapos. "Patikim naman ng sayo."



Inis ko siyang binalinhan, "Hindi ka pa ba nakakatikim ng rocky road?" inis na sambit ko. Inis akong kumuha ng ice cream sa cup ko at sinubuan siya. "Oh," Nakangisi naman niya iyong sinubo at napairap nalang ako. "'Yung ice cream ba talaga gusto mo o 'yung laway ko sa kutsara?" sarcastic na sabi ko.



Natawa naman siya sa sinabi ko. "Ewan ko. Parehas?" patanong na saad niya. Nagtingin tingin kami ng pwede naming rides. "Carousel, gusto mo?" natatawang sabi niya.




Inis ko siyang hinampas sa braso at napadaing naman siya. "Pambata naman!" bulyaw ko.



"Tignan mo sila ang cute naman ng magjowang 'yan," dinig kong sabi ng ibang dumadaan sa amin.



"Magjowa raw tayo. 'Di nila alam ikakasal na tayo," natatawang sambit niya at inismiran ko siya. "Roller coaster tayo," aniya.



"Sige ba," mayabang na saad ko.



Nagtungo na kami roon. Pinakita ang wristband at umupo sa medyo likuran. "Kinakabahan ka 'no?" nakangising tanong ni Dwarren sa akin.



Umiling ako agad, "Hindi, ah." Pagtanggi ko.



"'Wag kang kabahan andito lang naman ako."




Marami-rami na rin ang nakaupo. Makalipas ang ilang minuto ay mag in-announce ang operator. "Stay seated and keep your arms and legs inside the vehicle." nagsuot na rin kami ng belts at inayos ang bar na pagkakapitan.



Unti-unti na iyong gumalaw at mabagal pa sa umpisa at mahigpit ang kapit ko sa bar. Kapag may pababang part ay parang nakikiliti ang tiyan ko. Sumisigaw kaming lahat dito dahil ang bilis na! Biglang hinawakan ni Dwarren ang kamay ko nang unti na iyong tumataas at mukhang pababa na kami galing sa mataas na parte. Nang bumaba na ay mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Gusto ko siyang tanungin kung natatakot ba siya kaso baka 'di niya marinig. Nag-enjoy din ako dahil nakaka-thrill pala.



Pagkababa namin ay hinawakan ko ang balikat niya at hinarap sa akin. "Natakot ka ba?" nakangising tanong ko.


"Hindi," aniya. "Baka ikaw?" nagtaas siya ng kilay.



"Hindi ako natakot. Ikaw nga diyan may pahawak-hawak pa ng kamay ko," natatawang sambit ko. "Chancing ka 'no?" biro ko.



"Feeling ko kasi natakot ka. Kaya hinawakan ko kamay mo," natatawang sabi niya.



"Halika na nga. Kain tayo. Ginutom ako," sambit ko at naunang naglakad. Bumili kami ng fries at softdrinks. "Hoy, nakikisipsip 'to," inis na sabi nang sumipsip siya sa straw ng softdrinks ko.



Nag-bump car din kami ni Dwarren. "Mas magaling ako sayong bumangga. Bleh," pang aasar ko. Maluwang ang area at kaonti lang ang narito. Inikot ikot ko iyong akin at nakita kong akma niya akong babanggain at naiwas ko pero naibangga ko naman sa harang.


"Okay ka lang?" dinig kong tanong niya.


"Oo, ayos lang!" sigaw ko. Natapos din agad iyon at ngumuso ako dahil kahit ten minutes ay parang three minutes lang. "Kakabitin," inayos ko ang pagkakasabit ng tote bag ko sa balikat.


Inabot kami ng lunch time at kumain na rin sa food court nila rito sa amusement park. "Did you enjoy?" aniya habang kumakain.


Tumango naman ako agad. "Sarap mo palang kasama," sabi ko habang ngumunguya.


"Kaya nga swerte ka tapos... Masarap pa ak-" bigla akong nabulunan at nataranta naman siya. Pinainom niya ako ng tubig at nawala rin naman agad. Actually, acting lang 'yun para 'di niya ituloy ang sasabihin. Nakakaloka kasi. After maglunch ay nagpahinga naman kami saglit bago nag-games. Naglaro ako ng balloon pop at sinamahan lang ako ni Dwarren, nanonood. Kapag marami akong natamaang balloon ay makakakuha akk ng prize. Kaso 'di yata para sa akin itong laro na 'to. Palipat lipat kami ng laro at hindi na namalayan ang oras. Hapon na rin at nalaman kong mayroon pa lang event ngayon. May banda na kumakanta sa may stage. Tumatanggap din sila ng request songs. "Gusto mo ba magrequest ng song?" tanong niya sa akin.


Umiling naman ako, "Hindi na." Nanood kami saglit at nang medyo dumilim na ay inaya niya akong mag-ferris wheel. "Sige, tara." pagpayag ko.


Pagkasakay namin ay nag-antay pa ng ibang mga sasakay pa. May mga directions din na sinasabi ang operator. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang mabagal na pag-andar paakyat. Tahimik lang kaming dalawa at nakatanaw sa lugar. "Mahigawa.. Pipiliin ka sa araw araw," pagsabay ko sa kanta.


Bigla niya akong tinawag, "M..


Bumalimg ako sa kanya, "Hmm? Ano 'yon?" takang tanong ko.


"Paano kung may feelings na 'ko sayo?" aniya bago ngumiti.


<3


04/19/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro