Six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

na-lss na ako sa still into you ng Paramore. skl
--




"Manyakis ka!" sabi ko at akmang hahampasin siya pero nakailag. Hindi lang ako makagalaw nang maayos dahil wala akong suot! "Sabi ko na nga ba, eh. May ganyang ugali ka! Manyak!" sigaw ko.



Tumatawa naman siya habang umiilag. "Joke lang naman," aniya. Huminahon din naman ako, "Magbihis kana baka lamigin ka." bigla siyang naging seryoso nang sinabi niya iyon. Bahagya siyang ngumiti bago lumabas ng bedroom.



Nagbihis na ako at napansin ang electric guitar sa gilid. Binuksan ko ang pinto at sinilip siya. Nakailaw pa rin ang sala. Nakahiga sa sofa habang ang braso ay pinang-unan niya. Seryoso nga siya sa 'di kami tabi sa pagtulog.



Lumabas ako at sinarado ang pinto. "Hoy.." tawag ko sa kanya habang nakasandal sa pinto ng kwarto at humalukipkip.



Bahagya siyang lumingon sa akin bago nagsalita, "Bakit?" tanong niya at muling pumikit.



"Sayo 'yung electric guitar doon?" obvious na tanong ko.



"Malamang.." natatawang sabi niya.



Napairap ako, "Pakitaan mo nga ako," hamon ko kay Dwarren.



Umayos siya ng upo at ginulo ang buhok. Nakasuot siya ng navy blue na sando at pajama na may cheeta print. Napatawa naman ako dahil ang laking tao ay ganun ang suot niya. "Tinatawanan mo ba suot ko?" natatawa pa rin ako nang bigla nalang siyang tumayo at nilapitan ako kaya tumigil ako sa pagtawa. Bahagya siyang yumuko dahil sa liit ko at lumapit sa mukha ko kaya bigla nalang akong napaiwas ng tingin. "Tignan mo, nilapitan lang kita bigla ka ng nahiya," ako naman ang tinawanan niya ngayon. Napalunok tuloy ako dahil sa bango ng hininga niya. "Tabi.." sambit niya.



Tumingala ako sa kanya, "H-Ha?" nauutal kong sambit.



"Tabi ka, kukunin ko 'yung electric guitar." ngumisi siya. Bigla naman akong tumabi. Nakaharang nga pala ako sa pintuan. Nang makapasok siya sa loob ay mahina kong sinampal ang sarili ko. Nakakainis!



Umupo ako sa sofa na hinigaan niya. Pagkalabas niya ay nakita kong lumingon siya sa akin bago sinara ang pinto. May ginawa pa siyang mga keme keme bago naupo sa sofa katabi ko.



Masyado naman siyang malapit at umurong ako ng konti. "Ang dikit mo naman masiyado," komento ko.



"Arte." rinig kong bulong niya.



Napasinghal lamang ako, "Sama mo." sabi ko naman. "Patugtog kana," paalala ko nang makitang nakatingin lang siya sa akin. Naiilang tuloy ako.



Inabot niya ang phone sa may coffee table at may pinagpipindot. May music siyang plinay bago nagstart na galawin ang mga daliri sa paglipat lipat ng chords.



Can't count the years on one hand that we've been together.

I need the other one to hold you, make you feel, make
you feel better.

It's not a walk in the park to love each other

But when our fingers interlock, can't deny, can't deny, you're worth it.



Seryoso siyang nagp-play habang bahagyang nakiki-beat din ang ulo. Ang swabe niya tignan at parang sanay na siya gawin ito.



'Cause after all this time
I'm still into you



Pamilyar ang kanta, naririnig ko itong kanta palagi, "I should be over all the butterflies.." pagsabay ko sa kanta nung nag-chorus na. Bigla naman siyang tumigil sa pagstrum habang ang music sa phone niya ay patuloy pa rin. "Bakit mo tinigil?" inis na sabi ko. Nag-eenjoy na 'ko, eh!



Lumingon siya, "Ganda ng boses mo," ngumiti siya.



"Matagal na," umirap ako.



"Irap ka ng irap. Tusukin ko 'yang mata mo." pagbabanta niya.



"Ituloy mo na nga lang," sumandal ako sa sofa at humalukipkip habang nag-aantay.



Lumingon siya sa wall clock, "Gabi na masyado. Matulog ka na." tumayo siya at nagsimulang ayusin ang gamit. Hininto na rin niya ang music sa phone niya.



"Hindi pa naman," giit ko.



"Sige na, M. Tulog na tayo," pumasok siya sa kwarto habang ako nakaupo pa rin sa sofa, nakanguso.



"Hindi man lang pinatapos 'yung chorus," inis na bulong ko.



Lumabas na rin siya, "Alis ka na diyan. Doon kana sa kwarto," pagtataboy niya at nagpamaywang sa harap ko. Umiling ako, "Sige na, Misty." umiling pa rin ako. "Isa.." pagbibilang niya, ngunit nanatili pa rin ako sa ganoon pwesto at umiiling. "Ang kulit, ha." bigla siyang lumapit at binuhat ako mula sa sofa.



Napatili naman ako at hinampas siya, "Ibaba mo nga ako!" reklamo ko habang kumakawala. Pumasok siya sa kwarto at hinagis ako sa kama! "Kung maka-hagis naman 'to!" kumuha ako ng unan at ibinato 'yon sa kanya kaya lang hindi tumama.



Nagsisi rin naman ako dahil kinuha niya 'yun! Tumatawa siya at yumuko para kunin ang unan na ibinato ko. "Salamat sa unan," natatawang sabi niya. Isasara na sana niya ang pinto pero may sinabi pa siya sa akin. "Goodnight, misis.." ngumisi siya bago tuluyang pinatay ang ilaw at sinarado ang pinto.



"Aish!" sigaw ko. Padarag akong nahiga at yumakap ng unan. Mayroon pang tatlo na unan dito sa kama. Pinipilit kong makatulog pero 'di ko magawa kahit na madilim naman ang kwarto. Siguro dahil namamahay pa ako. Bumangon nalang ako at isinuot ang slippers na bigay ni Dwarren. Ini-on ko ang ilaw at kinuha ang maleta ko. Bumungad sa aking ang minion stufftoy "Buti nadala kita," at nilapag sa kama, tinabi sa mga unan. Inilabas ko rin ang mga gamit at nilapag rin 'yon sa kama. Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyong left part. Bumungad sa akin ang mga damit niya. Sinarado ko iyon at inopen naman ang right side na bakante. "Ito siguro space ko," sabi ko sa sarili ko.



Inayos ko ang paglalagay sa mga damit ko. Konting hindi maayos na pagkakatupi ay naiinis ako agad. Umupo ako at hinila ang pang-itaas na drawer para lagayan ng mga undergarments. Napalunok naman ako nang bumungad sa akin ang mga brief at boxers niya. May 'di pa gamit dahil naka-pack pa iyon.



Calvin Klein. Size L.



Uminit ang pisngi ko sa nakita ko sa nakita at daling sinarado ang drawer. Binuksan ko naman ang pang-ibaba na drawer at 'yun ang bakante. Nag-indian seat ako at inayos ang mga undergarments ko roon. Natapos din naman ako kaya ginilid ko nalang ang maletang dala ko. Pati ang ibang mga gamit ko ay iniayos ko na rin dahil 'di pa ako nakakaramdam ng antok.



Humiga na ako at pinagmasdan kong muli ang kwarto. Bakit kaya ganito ang theme at colors na napili niya? Color teal and yellow. Matanong ko nga bukas.



Naalala ko na wala nga pala siyang kumot doon, baka ginawin 'yun at kawawa naman. Mayroon akong dalang extra kumot. Tumayo ako at kinuha iyon, ini-on ang ilaw ng room bago dahan-dahang binuksan ang pinto at sinilip si Dwarren. Nakita kong tulog na siya. Lumapit ako sa kanya, yumuko at kinumutan siya nang biglang hinila niya ang braso ko kaya napalapit ang mukha ko sa kanya. "Ang sweet naman ng misis ko," rinig kong sabi niya habang nakapikit. Tanging ang ilaw na nagmumula sa kwarto ang nagsisilbing liwanag.



Hinampas ko siya at lumayo na. "Sweet mo mukha mo," inis na sambit ko at bumalik na sa kwarto.



Nagising ako sa tunog ng pagsara ng pintuan.. ng banyo?! Bahagya kong binaba ang comforter na nakatakip sa mukha ko. Sumilip ako at nakita kong nakatuwalya si Dwarren, kakalabas ng banyo, bagong ligo, basa ang buhok, at papuntang cabinet! Pinikit ko agad ang mata ko at dahan dahang tinaas ang comforter para takpan ang mukha ko. Hindi ba siya pwedeng sa loob nalang magbihis?! Bakit... Bakit ang ganda ng katawan niya!? Narinig kong muli ang pagsarado ng pinto ng banyo kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Kumuha lang pala ng pagbibihisan. Mahina kong tinampal tampal ang mukha kong nakatabon sa comforter.



Muli ulit iyong bumukas at sinara. Naramdaman kong may kinuha pa siya sa side table. Nang nakalabas na siya ng tuluyan sa bedroom ay inalis ko na ang comforter na nakatakip sa buong mukha at katawan ko. Hinanap ng mata ko si minion at niyakap. "Goodmorning, minion." maligayang bati ko sa kanya. Naging maganda ang gising ko sa 'di malamang dahilan.



Hindi pa ako lumabas agad dahil hinihigop pa ako ng kama. Nakaidlip ako at nagising sa ingay na naririnig ko mula sa labas, kalampag ng plato at mga kutsara. Nagluto na siya?



Kumatok siya sa pinto bago iyon buksan, "Goodmorning, misis.." maligayang sambit niya.



"'Wag mo nga akong tawaging misis. Bwisit ka." inaantok na sabi ko. Tamad akong bumangon, "Susunod ako," kumuha ako ng turban bagi nagtungo sa banyo upang maghilamos. Mayroon pa akong muta, bwisit. Lumabas ako at dumiretso sa dining. Hindi pa siya kumakain at mukhang inantay pa ako. "Oh, ba't 'di ka pa kumain?" takang tanong ko.



"Inantay lang kita," sagot niya at napangiwi naman ako. Ang plato namin ay may kanin na, sinandukan na ako.



Umupo na ako sa tapat niya. Actually, maliit na pa-square lang 'yung table at dalawang magkatapat na upuan. Ang niluto niyang ulam ay tocino at egg. Kumuha na ako ng ulam at tahimik na kumain nang maalala ang itatanong sa kanya. "Bakit pala puros yellow at teal ang color ng bedroom?" tanong ko bago sumubo at nilingon siya.



Nilunok niya ang nginunguya at lumingon din sa akin. "Kasi mahilig ka sa minions," sagot niya at muling kumain. Tumango nalang ako at kumain na rin. "For you to be comfy kapag matutulog ka since you like minions. 'Di ba color yellow sila?" dagdag niya.



Napainom ako ng tubig. Para raw komportable ako? Atsaka kasi hilig ko raw ang minions. I bit the inside of my cheeks. Mas iniisip pa niya 'yung kung saan ako komportable. "Eh, 'yung teal naman?" tanong kong muli.



"Bagay sila ipag-pair," tumango naman ako.



Ngumuso ako, "Kung ganun, ano ang dating color nitong unit mo?"



"Blue.. and brown. Dark colors," aniya at nilingon ako nang may ngiti.



"Mahilig ka pala sa dark," komento ko. Ngayon ang liwanag na ng paligid dahil light colors na. "Sana 'di mo nalang pinapalit ng kulay. Eh, hilig mo 'yung kulay dati." sambit ko.



"Okay lang naman," natatawang sambit niya. "Naa-appreciate ko na rin naman ang ganito and na-realize ko na bagay din sa unit ko ang ganitong colors." tumango nalang ako, "Lagi kasing nakabusangot ang makakasama ko kaya I think sa ganitong pamamaraan mababawasan ang pagiging ganun niya. Pumapangit ang taong laging nakabusangot." natatawang dagdag niya.



Napaawang naman ang labi ko, "Nakakainis ka talaga."



Pagkatapos kumain ay umalis na rin ako at nagtungo sa hotel. Ihahatid sana ako ni Dwarren pero tumanggi ako at nagtaxi nalang. Tumawag si kulangot habang nasa loob ako ng taxi. "Oh?" inis na bungad ko.



[Maka-oh ka diyan, parang 'di mo ako kuya, ah!] bulyaw niya sa akin.



"Tatawag tawag kayo matapos niyo akong paalisin sa bahay," sambit ko.



[Hoy, pumayag ka naman na, eh. Anyways kamusta pala?] tanong niya.



"Buhay pa naman. Buti nagawa mo akong kamustahin, ano?" sarcastic na sabi ko. "Si kuya Chandler, kamusta?"



[Ayon buhay na niya ang hotel.] natatawang sabi niya.



"Papunta na rin ako roon. Traffic lang dito," lumingon ako sa labas at medyo umuusad naman na rin.



Nag-usap din kami saglit bago nagpaalam sa isa't isa. Nakarating na rin ako at binati ko ang security guard bago pumasok. Naabutan ko naman si kuya na may kinakausap. Bumaling siya sa akin at nagpaalam sa kausap. "Goodmorning, li'l sis. You're a bit late," nilingon niya ang kanyang Rolex gold na relo. Taray naman. "But I'm glad you're working today," nakangiting sabi niya.



"Pumasok talaga ako para 'di ko makasama ang Dwarren na 'yun." inis na sabi ko.



Maraming nagcheck-out na mga guests at marami ring nagcheck-in. Nang bandang hapon ay 'di na rin gaanong busy. Nilingon ko si Berna na ngumingiti mag-isa habang hawak ang phone. Nandito lang kami sa front desk at nag-aantay ng mga guests. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Nilapitan ko siya, "Nginingiti mo diyan, Berna?" takang tanong ko.



Sumilip naman ako sa phone niya, "Nasa dating app ako, Misty. May nakausap akong Martino raw ang pangalan," kinikilig na sambit niya. Martino?



"Akala ko pag ganyan dapat 'di binibigay ang totoong name?" tanong ko ulit.



"Ewan ko nga rito sa lalakeng 'to," humagikhik siya. "Binigay ko rin ang name ko para kapag hahanapin niya ako sa Facebook edi bongga!"



Napangiwi naman ako habang binabasa ang pag-uusap nila. Nagtatanungan kung may jowa ba sila or taga-saan ganun. "Ito, oh. Martino.." nagscroll siya para ma-backread ang usapan nila. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan ng lalake. "Ito, Martino Esperanza." nakangiting saad niya. Sinabi ni Tonyo ang real name niya! Full name pa, ah!



"Is that related to your work, Ms. Berna and Ms. Misty?" biglang sumulpot si kuya.



Sabay kaming yumuko ni Berna. "Sorry po kuya--Sir pala," sambit ko.



"Sorry po, sir Chandler. 'Di na po mauulit." saad ni Berna.



Bago ako umuwi sa unit ni Dwarren ay dumaan muna ako kanila Tonyo. Naroon din si Raul at wala si Bench. "Nasaan si Bench?" tanong ko.



"Ayun, busy ang future engineer natin. Malapit na raw kasi ang board exam niya." pagkuwento ni Tonyo.



Tumango naman ako, "Raulando.." tumabi ako sa kanya.



"'Wag mo nga akong tinatawag na Raulando," napakamot siya sa ulo.



"Hindi, kasi may ikkuwento kasi ako," panimula ko. Napansin ko namang busy si Tonyo kaka-phone. "Hoy, Tonyo. Ikaw tigil-tigilan mo si Berna, ha. Akala mo-" pinutol ako ni Raul.



"Alam mo?" gulat na tanong ni Raul.



"Ikaw pa talaga ang nagulat, ha." sabay na sambit namin ni Tonyo kaya napatawa naman kami.



"Berna Ynezaco, kasama kong intern sa hotel." sabi ko. "Nahuli ko kasi siyang busy sa phone." nagkibit balikat ako.



"Eh, dinadamay pa nga ako ni Tonyo na magtry daw," sabi ni Raul at umiling. "Ayaw ko ng sa online online lang," aniya. "Tapos nakita ko nalang may kausap na siya. Kinikili pa yata, amp." natatawang saad niya.



"Si Berna.. Mabait ba 'yun?" biglang tanong ni Tonyo.



Tinusok tusok ni Raul ang tagiliran ni Tonyo. "Uy uy. Love at first chat," pang-aasar niya at natawa ako.



"Tigilan niyo nga ako. Nagtatanong lang naman. Nung nakakausap ko kasi siya. Parang mabait naman," pagkuwento ni Tonyo.



"Mabait siya, tsaka masiyahin din 'yun." sabi ko.



"'Di pa raw siya nagkakaboyfriend. Totoo ba 'yun?" tanong ulit ni Tonyo.



"'Di ko rin alam. Pero mukhang wala pa siguro. Mas bagets pa 'yon sa 'kin, eh." sagot ko.



"Naku naku. Mukhang interesado.." nang-aasar ulit si Raul.



Umuwi rin ako sa unit ni Dwarren. 'Di ako sinundo, ah. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang may hinahanda sa mesa. "Ano 'yan?" takang tanong ko. Bago pa siya makasagot ay naunahan ko na siya. "Hala! Maja blanca!" excited na sabi ko at dumiretso sa mesa at umupo.



"Maghugas ka muna ng kamay mo," nakangiting sabi ni Dwarren. Ngumuso ako bago tumayo. Naghugas ako ng kamay at pagkaupo ay inabutan ako ng kutsara at platito. Kumuha na rin ako, "'Di mo man lang ba ako babatiin ng good evening?" nilingon ko siya at ngumiwi.



"Good evening," bored na sabi ko bago sumubo. Pero bago ko pa iyon masubo ay pinigilan niya ako. "Ano?" inis na tanong ko.



"Ayusin mo ang pagsabi ng good evening or 'di ka makakakain?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.



Napasinghal ako at ngumiti ng matamis sa kanya. Peke lang 'yon. For the sake of maja blanca! "Good evening.." kunwareng sweet na tinig ko. "Mister ko.." dagdag ko at mas pinalawak ang ngiti.



Humagalpak siya sa tawa at binitawan na ako. Nagtaka naman ako bigla. "Uto uto ka!" dinuro niya ako at pinagtawanan.



Napaawang naman ang labi ko at nakaramdam ng hiya. Nakakahiya! Aish! Padabog akong tumayo at napatigil siya. Hingal na hingal pa siya nang lingunin ako dahil sa pagkakatawa. "Masaya ka riyan?" matabang na sabi ko. "Nakakainis ka!" aalis na sana ako kaso hinawakan niya ulit ang braso ko.



"Sorry. Joke lang naman," animo'y tuta na sabi niya. "Pwede ka ng kumain ng maja blanca roon. I won't disturb you. Gusto mo kahit sayo na 'yun lahat. Meron na ring dinner." aniya. Inalis ko ang pagkakahawak niya at inirapan siya. Bumalik na rin ako sa mesa at umupo. 'Di pa ako nakakasubo, eh! Inis akong kumakain at 'di siya pinapansin. "Masarap ba?" biglang tanong niya.



Bored ko siyang sinagot, "Mm." tanging sagot ko.



"Anong 'Mm'?" pangungulit niya.



"Mm.. Masarap," sabi ko.



Nilingon ko siya at nakitang nakangisi. "Swerte mo, ako magiging asawa mo. Masarap na nga ako, masarap pa akong magluto."


A/N: Raulando is pronounced as Rolando.

<3



04/13/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro