Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ano?!" gulat kong sigaw kaya napahinto rin siya.



Hinarap niya ako, "Titira tayo sa condo ko, Misty." pag-uulit niya.



"Paano ako rerelax?! Sige nga!" napasapo ako sa noo. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko pero 'di ko magawa! "Anong.." huminga ako nang malalim, "Anong titira sa isang condo, Dwarren?" nahampas ko ang kamay ko sa upuan. "Ni hindi ko kayang makasama ka nang matagal tapos sa condo mo.." tinuro ko siya, "Tayo titira? Sa isang condo.. Yuck!" napailing ako.



Sa sobrang inis ko ay binuksan ko ang pinto ng shotgun seat at kinuha ang paper bag na lagayan ng stufftoy ko. Bago pa man ako makababa ay nahablot niya ang braso ko, "Teka lang, Misty, naman." hinawi ko iyon at diretsong bumaba. Padabog ko ring sinarado at nagmartsa paalis. Naglalakad ako ngayon dito sa gilid ng kalsada. Narinig ko rin ang pagsarado ng pintuan ng kotse, meaning ay hinabol niya ako. "Misty, teka lang muna," hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko para humarap ako sa kanya. Bored ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "H-Hindi naman ako tatabi sayo sa pagtulog, eh. S-Sa couch ako," kinakabahan siya habang nagpapaliwanag.



"Dapat lang! Dalaga pa ako kaya hindi ako pwedeng makitabi sa lalake!" sigaw ko. "At isa pa, ano na naman 'tong pakulo mo na 'to?" inis akong napakamot sa ulo, "Kanina sa date date na 'yan pumayag ako pero ngayon ibang usapan na 'yung sa isang condo mags-stay, Dwarren." hinihingal ako dahil sa galit.



Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Wala pa man din akong dala na inhaler! "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Umayos na rin ang paghinga ko at kumalma na.



Napairap naman ako, "Iuwi mo nga ako. 'Di ako goods sa trip mo." nilagpasan ko siya at bumalik sa kotse niya. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit.



Hindi ko siya pinansin hanggang sa makauwi na ako. Padabog kong sinara ang pintuan ng kotse niya at pumasok na sa bahay nang 'di siya nililingon. Pagkapasok ko ng kwarto ay tinaas ko ang bitbit kong paperbag at inilabas ang minions. Kinuha ko iyon at humiga sa kama. Pinikit ko ang mata ko at niyakap ang stufftoy. Kinagabihan ay late nakauwi ang dalawa kong kuya. Sinumbong ko sa kanila kung ano ang trip ni Dwarren at tinawanan ako ni Choule-angot samantalang si kuya naman ay sinamaan lang ako ng tingin.



"It's either sa condo ka niya mag-stay or dito siya mag-stay." napaawang ang labi ko sa sinabi ni kuya Chandler. Seryoso?! Bwisit naman!



"Hahayaan niyo lang akong kasama sa iisang lugar 'yang Dwarren na 'yan, kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.



"Kaya nga mamili ka. Dito siya o roon ka?" tanong ni kulangot. "This is for the both of you. Para mas magkakilala kayo."



"Ano ba naman 'to!" sigaw ko. Nasapo ko nalang ang noo ko sa inis. "Nakakainis kayo," 'di ko mapigilang maging emosyonal. "Hindi ba kayo natatakot para sa bunso niyo?" tanong ko, "Paano kung masama pala siya tapos may gawin siya sa akin!" naghi-hysterical na ako rito! "Kuya-"



Biglang napatayo si kuya Chandler, "Para 'to sa kinabuksan ng kompanya, M." napasuklay siya sa buhok niya. "Para rin 'to sayo. Kapag bumalik na sa dating sigla ang hotel natin tataas ang kita, pwede na kayong maghiwalay-" pinutol ko rin siya.



"Kinabukasan ko?" mapakla akong tumawa, "Kinabukasan lang naman yata ng hotel iniisip niyo, eh." nagkibit balikat ako, "Lagi nalang akong sunod sunuran sa inyo." napailing ako, "Kayo kaya ang ipa-engage sa taong 'di mo mahal?" peke akong natawa at nagwalk out.



"M!" tawag ni kuya ngunit narinig kong pinakalma siya ni kulangot.



Humiga ako ng kama, napatitig sa ceiling at napabuntong hininga. "Hay," bulong ko sa sarili ko. Hinanap ng paningin ko ang stufftoy ko. "Andito ka lang pala." nang makita ko siya, "Nakakainis sila kuya.." niyakap ko siya. Kalaunan nakatulog din ako. Pagkagising ko ay bigla kong naalala ang singsing. Nilagay ko 'yon sa drawer ng side table ko. Tinitigan ko iyon at kinuha bago pumasok ng banyo. Itatapon ko sana sa bowl ngunit hindi ko tinuloy. Kapag doon ako titira sa condo ni Dwarren ay hindi lang ako magiging komportable.



Pero kung 'yun lang ang paraan para makalayo kila kuya ay siguro pwede naman. Lumabas ako ng kwarto at nakita sa kusina si kulangot nagbe-breakfast. "M, kagabi sana magsorry ka sa inasal mo. Nagwalk out ka bigla habang kinakausap ka ni kuya." aniya, "Konting tiis lang, M."



"Ikaw kaya magtiis, ano?" sabi ko at kumuha ng pagkain sa mesa. "Kapag pinaghiwalay kayo ni ate Anais tapos ipapakasal ka sa 'di mo mahal hindi ka ba malulungkot or maiinis?" matabang sabi ko.



"M, last na 'tong pakiusap namin." nilingon ko siya habang ngumunguya, "Pagkatapos nito kahit anong gusto mo susuportahan ka namin," aniya.



Nag-isip naman ako saglit. "Kapag ba roon ako kay Dwarren magstay saglit lang 'yon?" tanong ko. "Isang buwan?"



Tumigil siya sa pagkain, "Isang buwan lang?" gulat niyang tanong.



"Oo!" tumaas ang boses ko. "Ikaw kayang magstay sa ibang tao na 'di kayo goods." napairap ako.



"Irap ka ng irap. Mamaya matanggal mata mo niyan." tumawa naman siya.



"Ha ha.." pekeng tawa ko.



Nagulat naman kami nang may bigla kaming narinig na tunog ng heels na naglalakad. "Where's Chandler?" nakakairitang boses ni Matilda.



"Hindi mo ba alam kung saan siya nagtatrabaho?" inis kong sabi. Totoo naman, jowa niya tapos 'di niya alam, eh, pumupunta pa nga siya roon minsan.



"He's not answering my call," reklamo niya.



"Busy siya.." sabat ni kulangot.



"Oh, fine." hinawi niya ang buhok niya, "Pupuntahan ko nalang siya. Bye," sabi niya at tinalikuran kami.



"Nagsayang lang siya ng oras pumunta rito," tumawa ako. "Pupuntahan din pala niya," tumawa rin si kulangot.



"So.. you agreed but just for one month?" tanong ni kuya kinabukasan nang maabutan ko siyang paalis na.



Tumango ako, "Para 'di ko na makita 'yung mga pangit niyong mukha." napairap ako.



"Your eyes keep on rolling, M. 'Di 'yan maganda." suway niya sa akin.



"Siya nga pala, 'yung girlfriend mo nagpunta sa bahay kahapon 'di ko na nasabi kagabi kasi hindi ko naman alam anong oras ka nakauwi." sabi ko.



"Mm. Pumunta rin sa hotel," tumango ako. "By the way bakit 'di ka na pumapasok sa hotel?" tanong niya. "Hinanap kita kay Berna sabi niya madalas kang wala." seryosong sabi niya.



"Tinatamad ako, eh." sagot ko, "Alis kana. Bye!" pagtataboy ko.



Sa mga sumunod pa na araw ay 'di nagparamdam si Dwarren. Nagpunta ako sa vulcanizing shop nila Tonyo para magtambay at saktong naroon si Raul. "Oy, Misty!" tawag sa akin ni Raul. "Naks napolo.. ulit!" tumawa siya.



"Tseh!" bulyaw ko sa kanya, "Usog ka nga." tinulak ko siya para makaupo. Rito kami nakaupo sa waiting area ng mga nagpapaayos ng gulong. Unti lang ang nagpapaayos at halos motor lang din ang pinapaayos. Lumingon sa direksyon namin si Tonyo at ngumiti naman siya nang makita ako.



May biglang tumapik sa braso ko at nilingon ko iyon. "Andito ka pala, galing ako roon sa tindahan, bilhan kita?" sabay taas ni Ben ng Sprite na nasa plastic.



"Kanina mo pa ako kasama pero 'di mo ako bibilhan?" pagda-drama ni Raul. Hinawakan pa niya ang kanyang dibdib at umaaktong nasaktan.



"Ang oa mo naman," komento ko kay Raul. Bumaling ako kay Ben at ngumiti bago tumango.



Ginulo niya ang buhok ko, "Sige.." sambit ko at umalis na siya.



"Ang daya." ngumuso si Raul.



Kumabog ang dibdib ko nang matanaw ang isang pamilyar na kotseng papunta rito. Hindi! Bakit dito pa?! "Anong gagawin ko?" bulong ko sa sarili ko.



"Ha?" takang tanong niya.



"Hambaho ng hininga mo," biro ko habang kitang papalapit na ng papalapit.



"Grabe ka!" pinisil niya ang ilong ko at inis ko namang hinawi 'yon.



"'Yang kamay mo!" inis kong hinawi iyon. Bigla kong itinago ang mukha ko sa likod ni Raul nang magpapark na siya.



"Inaamoy mo ba pwet ko?" natatawang saad niya.



"Magpaparepair ng gulong, boss." dinig kong sabi ni Dwarren sa tatay ni Tonyo.



"Nasi-cr ako, Raul." bulong ko para makatakas. Tabi lang ng vulcanizing shop nila Tonyo ang bahay nila.



"Ano?" bahagya siyang tumawa. "Tonyo!" dinig kong tawag niya. Kinagat ko ang labi ko dahil baka lilingon din si Dwarren sa amin!



"Bakit, par?" tanong ni Tonyo.



"Makiki-cr sa inyo 'to!" natatawang sabi ni Raul. Mabuti at 'di niya binanggit ang pangalan ko. Narinig ko namang pumayag siya at mabilis akong naglakad paalis habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang buhok.



Muli akong lumingon ako sa pwesto nila Tonyo at hindi ako napansin ni Dwarren. May biglang humawak ng balikat ko at gulat akong napalingon, "Ba't parang may tinatakasan kang krimen, ha. Anong ginagawa mo rito?" ngumiti si Ben, "Ito na 'yung softdrinks mo. Natalagan," nagkamot siya ng batok niya.



"Ah. Kasi makiki-cr ako kila Tonyo," pilit akong ngumiti.



"Ah, ganun ba. Sige," hinayaan din naman niya ako at tumungo na ako sa bahay nila Tonyo. Sumilip ako mula sa screen door at nakita kong walang tao kaya pumasok na ako. Dumiretso na ako sa cr nila. Alam ko kung saan 'yon dahil nakakapunta na kami rito.



Hindi ako mapakali sa loob, naiinis ako, "Bwisit. Sa dinami dami ng shop dito pa talaga!" bulong ko sa sarili ko.



Hindi na rin ako makatagal sa loob dahil mainit. Paglabas ko ay nakita pababa ng hagdan ang lola ni Tonyo. Mabilis ko siyang nilapitan, "La, dahan dahan po." pag-alalay ko sa kanya.



Tumigil siya at inaninag ako, "Misty?" natuwa siya bigla.



"Opo, la," nginitian ko rin siya. "Naki-cr po ako kaya andito ako." paliwanag ko.



"Nakow salamat sa pag-alalay," sinabayan ko siya hanggang sa makababa. "Malakas pa naman ako, eh." tumawa siya.



Ngumuso naman ako, "Kahit na, la. Dapat mag-iingat ka pa rin lalo na sa pagbaba ng hagdan." sinamahan ko rin siyang makaupo. Tinuro niya ang tv, "Pwede ba 'yon paki-on?" pakiusap ni lola.



"Sige po," lumapit ako sa tv at nagkwentuhan din kami saglit. Sinabi niya na sobrang bilis lang daw ng panahon at malalaki na kami. Parang kailan lang daw nung mga highschool pa kami. Tuwang tuwa rin siya habang nagkukuwento.



Kalaunan ay nanood na rin siya ng tv at nagpaalam na ako na lalabas na. Pagkalabas ko ay sumilip muna ako sa pwesto nila at nakitang wala na ang kotse ni Dwarren. Nakahinga naman ako ng maluwag. Naglakad na ako at umupo sa tabi nila. "Ang tagal mo. Tumae ka ba?" natatawang sabi ni Raul. "Inubos ko na 'yung softdrinks mo. Tagal mo kasing tumae," sabay halakhak.



"Hoy. FYI 'di ako tumae!" napalakas ang boses ko at napansin kong natawa ang ibang mga customer nila. "Nagkwentuhan lang kami ng lola ni Tonyo." paliwanag ko.



"Binigay ko na kay Raul. Ang kulit kasi," napakamot sa batok si Ben.



Ngumiti naman ako, "Ayos lang naman." sagot ko.



"Mukhang bigtime 'yung customer kanina nila Tonyo." pagkukuwento ni Raul.



Tumango si Ben, "Binigyan sila ng malaking tip. Mabait lang din siguro 'yung tao." pagtukoy kay Dwarren. "Pero parang pamilyar 'yung kotse niya..." Napatahimik naman ako dahil baka nakita niya iyong kotse ni Dwarren noong nag-antay siya sa akin sa labasan ng subdivision.



Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil papasok ako ngayon sa hotel. Sinabay ako ni kuya sa kanya dahil sabag kami papasok. "So are you okay to be with your fiance in one place?" tanong niya.



"Wala naman akong choice. Kaysa roon siya sa atin titira, andami kong mga gamit na ayaw kong ipakialam sa iba." nakakainis naman kasi ang choices! Doon ako magsi-stay or siya ang magsi-stay sa amin!



Pagka-uwian ay nagulat ako nang bumungad ang mukha ni Dwarren. "Bakit ka andito?" luminga ako sa paligid para maghanap ng taxi.



"Sinusundo ka," bores na sagot niya habang nakapamulsa. "Hindi mo na naman suot ang singsing."



"Ayaw kong ipaalam sa tao na may fiance na ako na 'di ko naman mahal," bulong ko sa kanya.



Hindi na ako nakipagtalo pa at umupo na sa shotgun seat. Tinext ako ni kuya na mag-ayos na raw dahil simula ngayong gabi ay roon na ako. "Pinapaalis na talaga ako," bulong ko sa sarili ko.



Narinig ko namang tumawa ang impakto, "Ayaw na nila sayo." napairap naman ako sa sinabi niya. "Did you already eat?"



"Mm," bored na sagot ko.



Pagkatigil sa tapat ng bahay ay padabog kong binuksan at sinara ang pinto ng sasakyan niya. "Dahan dahan naman!" sigaw niya mula sa loob. "Mag-aantay lang ako rito!" habol niya.



Pagkapasok ko ay kumuha ako ng bag kaya lang mukhang 'di kakasya 'yun dahil madami akong gamit. Inabot ako ng oras at nalimutan ng maligo. Wala naman sigurong masama kung doon ako sa kaniya maki-ligo. Kinuha ko na rin ang singsing at ginawa iyong pendant ng necklace ko. Tinlungan naman ako ng ilan sa mga kasama ko sa bahay. "Ingat po kayo, ma'am." sabi ng isa.



"Salamat," sagot ko naman. Talagang kailangan kong mag-ingat!



Tumulong naman sa paglagay ng gamit ko si Dwarren sa compartment area ng sasakyan. Tahimik lang ako hanggang sa makarating na kami sa sinasabing condo niya. Siya ang nagbuhat ng iba sa mga gamit ko. Sabi ko ay 'wag na pero ang kulit niya kaya 'di na ako nakatanggi. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at pagkatapos ay napatingin ako sa kanya pero saktong nagkatinginan naman kami kaya agad akong umiwas. Inopen na niya ang pinto at bumungad sa akin ang simple at maaliwalas na living room at dining. Pa-letter L na sofang color teal with lime yellow na may coffee table sa gitna. Tropical ang style at nakaka-komportable tignan. Halos din sa mga furniture ay gawa sa wood at rattan.



"Slippers.." sabay nguso ng tsinelas na nasa gilid. Havaianas na may printed minions.



Napanguso naman ako, "Salamat." ang tanging nasabi ko bago iyon sinuot. Ni hindi ko naalalang magdala ng sariling slippers.



"Baka nagugutom ka ulit. Pwede akong umorder." aniya.



"Hindi na," sagot ko. "Liligo lang ako." at tinalikuran siya.



"Feel at home agad," bulong niya pero rinig ko naman. "'Wag ka mag-aksaya ng tubig!" dinig kong sigaw niya bago ako pumasok sa bedroom habang dala ang maleta at bag. Queen-sized bed na may headboard na gawa sa solihiya at ang side tables naman ay gawa sa abaca.






these photos are from Google



Ginilid ko ang maleta at kumuha ng tuwalya at bathing essentials. Saktong pagkatapos maligo ay natanto kong isa akong malaking tanga! Nakalimutan kong kumuha ng damit. Nagsuot ako ng bathrobe at lumabas ng banyo pero laking gulat ko nang naroon din siya, nagbibihis at nang sinara na niya ang cabinet ay napalingon siya sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang roba ko bago siya nilampasan. Ang awkward tuloy dahil wala man lang akong kasuot suot sa loob!



Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. "'Di mo namang sinabi mapapaaga pala ang honeymoon natin."



<3

04/07/21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro