Chapter 25: Problem Unsolved

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Matapos na ang lahat ng dapat kong gawin sabay na umuwi sa akin si Jay. Hindi kami nag-usap halos ang tahimik ng atmosphere namin ngayon.

"Eu-eunice..." tawag niya sakin kaya lumingon ako sa kanya at itinaas ang kilay ko.

"K-kasi..." tugon nito.

"Ano ba kasi yun?" inis kong tanong sa kanya habang napakrus ang mga braso ko.

"Si Keira... N-nag confess saken may gusto daw siya sakin." Napatawa nalang ako nang malakas na halos manakit na ang tiyan ko sa kakatawa.

"Eh, kailangan bang matakot?" asar ko sa kanya.

"Ayoko kasi. Tulungan moko." makaawa niya.

Ako? Tutulongan siya? May maitutulong nga ba ako? Ang super matalinong Jay ay walang alam sa mga bagay kagaya nito?

Tsh.

"Don't worry. Magaling ako sa mga bagay tungkol diyan." seryosong sabi ko.

Jay's POV

Bagong araw na naman at nagpasalamat ako kay Lord sa panibagong araw na ibinigay niya sa akin.

Handa narin kami ni Eunice papuntang paaralan. Humingi ako ng tulong ni Eunice sa bagay na saan wala along alam.

Ano kaya ang gagawin niya? May tiwala ako sa kanya.

Dumating na kami sa paaralan at si Eunice nakikipag-ingayan na naman siya sa lahat. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko ng ingay. Gusto ko lang ang magbasa ng magbasa ng walang halong disturbo.

Nagleksyon na ang first subject at nakinig ako ng mabuti at kalaunan nakita kong natutulog lang si Eunice at tumutulo pa laway nito.

Siguro oras narin na turuan ang babaeng ito ng disiplina.

"Sir, this student over here is just sleeping in your class." at itinuro ko si Eunice.

"Who's the president? Ilista mo ang pangalan dahil I will deduct scores. Sino president niyo?" at tinuro lahat ng klase ang natutulog na si Eunice habang tumutulo laway nito.

"Haaaays." at humiyaw pa ito. "Ha? Bakit nyoko tinuturo?" tanong niya.

"President, I'd like to see you on my office." at bahagya akong napatawa at tinitingnan ako ni Eunice na parang handa ng manuklaw sakin.

---

Dismissal na at dumeretso ako patungong bahay pero sa gate palang nakita ko na si Keira at umiwas ako pero nakita niya parin ako at lumapit siya sakin.

Ito na naman.

"Hello, Jay." sabi niya. I think I should act normal, right? There's no need to be afraid and nervous.

"H-hi." Bihirang bibig bakit ganun ang pagkasabi ko? Nasan ka na ba Eunice?

"Eunice!" tinawag ko siya pero tiningnan niya lang ako na nakasimangot pero maya-maya ay lumapit rin to sa akin.

Salamat!

"Kagaya ng sinabi ko Jay tutulongan kita. Magtiwala ka lang sakin!" at tinapik pa Ang likod ko.

"Keira! Hoy, Keira!" una niya.

Ano kaya na naman ito, Eunice? Relax, mag tiwala ka lang.

"May gusto ka ba sa kanya? Kung ako pa sa iyo itigil mo na ang pagkagusto mo kay Jay dahil alam mo bang umiihi pa yan sa shorts hanggang ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko. Anong kasinungalingan iyan Eunice?

"T-tama na, Eunice." mahinahong sabi ko pero tinapik niya lang likod ko at sinabing "Tiwala. Magtiwala ka lang sakin Jay at ang babaeng ito ay hindi narin lalapit sayo."

"Itigil mo na Keira dahil si Jay tumatae sa diaper at hindi pa nga siya mabuhay kong hindi ito makapagdiaper araw-araw."

"Eehh?" nagulat na usal ni Keira.

Tama na Eunice! Ano ba?!

"Kaya Keira kung ayaw kang masaktan dahil kay Jay l, itigil mona." sabi ni Eunice at malungkot na padabog umalis si Keira.

"Eunice ano bang ginawa mo?"

"Tinulungan ka! Diba ang galing ko? Sabi ko sayo eh mapagkatiwalaan ako! Tatantanan kana rin ni Keira niyan." aniya at yumuko ako sa pagkadismaya habang ang lakas ng tawa ni Eunice.

"Okay na Jay. Problem solved!" natatawang aabi niya.

Hays.

~~~

Next Chapter:

Chapter 26: Forgetful Eunice



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro