Chapter 26: Forgetful Eunice

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jay's POV

Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi ko parin malilimutan ang ginawa sakin ni Eunice at nakakahiya 'yun sobra!

Nagkamali ako ng nagtiwala ako sa kanya, pinahiya niya lang ako sa harap ni Keira. Akala ko naman matino ang plano niya.

Nakita ko si Keira lumalakad sa lobby at dahan dahan ko siyang sinundan.

"K-keira." sabi ko nang tinapik ko ang balikat niya.

"Ehh!? J-jay?" gulat niya akong hinarap habang tinatabunan niya ang kalahati sa mukha niya.

"A-ano.." hindi ako tumingin sa kanya ng diretso at napakumot ako sa ulo sa sobrang hiya.

"K-keira pasensya kana sa sinabi ni Eunice. H-hindi yun totoo a-at s-sorry." sabi ko at pilit ngumiti.

Nagulat ako ng lumapit siya sa mukha, "Okay lang, alam ko naman." bulong niya at tumawa ng mahinhin at umalis na din.

Huminga ako ng malalim pagkatapos namin mag-usap. Halos hindi ako makahinga nung nag-usap kami at sa wakas nakahinga na ako ng maluwag.

Pagpasok ko sa classroom, as usual
maingay at marumi! Tsh. Hindi ko nalang pinansin at dumeretso ako sa upuan ko ng hindi sila kinakausap.

Tabi kami ng upuan ni Eunice at sama ng tingin nito sakin parang galit. Dapat nga ako yung magalit dahil sa ginawa niya.

Buong oras nagfocus nalang ako sa diniscuss ng guro. Nung oras na ng dismissal pinatawag kami ni Sir sa office niya. Naglakad kami ni Eunice na parang ang init ng atmosphere at nasusunog na kami sa galit naming dalawa.

Phew!

"Jay at Eunice. Mabuti at hindi kayo late. Gusto ko lang iparemind ang darating na contest. Nakabili na kayo ng ingredients, president?"

Nagulat ako pero hindi ko ito pinakita.

"Oo, naman po Sir." kalmadong sagot ni Eunice napanganga nalang ako sa kanya. So siya lang isa bumili nun?

Once in a blue moon ko siyang nakitang ganun. Mabuti naman alam na niya ang responsibilidad niya.

Pagkatapos naming magusap kay Sir hinila ako ni Eunice at dama ko ang init ng palad niya.

"Bilisan mo!" sigaw niya.

Eunice's POV

"Jay at Eunice. Mabuti at hindi kayo late. Gusto ko lang iparemind ang darating na contest. Nakabili na kayo ng ingredients, president?"

Nang marinig ko iyun parang echo itong paulit-ulit na pumasok sa tenga.

Lagot!

Ang sarap na umalis. Ang sarap na tumakbo. Ano ba ang gagawin ko?!

Kung hindi kami pinatawag ni Sir, sobrang lagot na talaga dahil nakalimutan ko :yun. A-anong flavor ngayong napili namin?

Pati plinano namin, nakalimutan ko! Nakalimutan ko lahat!

"Oo, naman po sir." pilit kong kinalma sarili ko. And it turns out , maganda ang resulta. Napaniwala ko naman si Sir na parang handang-handa na ang plano namin.

Lumingon ako saglit kay Jay at ngumiti siya saken pero hindi ko siya pinansin.

Mabuti at kumalma na ako dahil madali lang natapos ang usapan namin kay Sir at chance ko ito. Hinahawakan ko ang kamay ni Jay at hinila.

Ang bagal tumakbo!

"Bilisan mo!" sigaw ko ngunit mas lumuwag ang ngiti niya sakin. Aba baliw!

"Hoy!" sigaw ko sa kaniya. "Alam mo ang dami kong problema! Nagsinungaling ako kay sir. At sa totoo , nakalimutan ko na lahat ang plano natin tungkol sa contest." napahiya kong sabi sa kanya at dinaan ko nalang sa mahinhing tawa para di gaano maintense ang atmosphere.

"Huh?!" gulat na usal niya.

Walang emosyon itong humarap sakin at inilagay niya ang kamay niya sa mga bulsa niya at inirapan ako.

Aba!

"Hoy! Anong ibig sabihin nun?" tanong ko.

"Tsh." usal niya.

"Kaya nga! Ngayon na tayo bumili!" sigaw ko.

"Tumahimik ka." sagot niya sakin.

...

Nasa mall na kami ni Jay. Hindi na sumama ang iba kahit inimbitahan ko sila.

Ewan ko ba.

"Hello, sir. This gift is a perfect gift for your girlfriend." tugon ng saleslady kay Jay at napanguso naman ako sa inis at napakrus ako sa braso.

"Kaibigan ko po sya!" sigaw ko.

"P-pasensya na po maam." nahihiyang sagot nito sakin at tiningnan ko si Jay at parang wala namang pakialam.

"Hello, maam." at may iniabot sakin na flyer at binasa ko agad.

"Ayan po maam para sure ang plano sa wedding niyo maam." sabi ng nag-abot ng flyer nito sakin.

Ganyan naba talaga ako katanda tingnan para mapagkamalan kami ni Jay na magjowa o mag-asawa?

Tsk!

"Ala—" hindi ko na napatuloy dahil tinakpan na ni Jay ang bibig ko at hinila palayo at walang sigla ang kanyang mga mata na nakatingin sakin

...

Sa maraming oras na ang nakalipas at sa wakas nabili na namin ang dapat bilhin! Nakahinga na sa wakas ako ng maluwag.

"Woah." usal ko habang humikab.

Salamat at nagawa ko narin ang daoat kong gawin at tiningnan ko si Jay pero tiningnan niya lang ako ng masama.

~~~

Next Chapter:

Chapter 27: School Cooking Festival

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro