IX.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 9: The Queen's Injunction

It is my end?

Nakarinig naman ako ng hagalpak na tawa, kaya agad akong napalingon kay Caspian.

What the heck?

“Your reaction is priceless!” He laughed as hard as he can. “Huwag kang mag-alala, tatanggalin lang natin ‘yong mga wyrm serpent sa paa mo, at gagaling ka na! It is just a level one creature, afterall!” he added. Hindi pa rin siya tumitigil sa kaniyang pagtawa kaya masama ko siyang tinitigan.

Umuusok naman ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Kanina pa ‘tong lalaking ‘to e!

Walang pasabi ko namang hinablot ko ang buhok nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

“Aray naman binibini! Nakakarami ka na talaga sa ‘kin a!” Caspian complained trying to get rid of my hands out of his hair, but he failed. Hindi ko ito binitawan. Bahala siya riyan.

Binitawan ko naman ito nang ma-satisfied na ako. Namumula na rin kasi ang mukha nito kaya naawa na ako ng kaunti.

Sus! If only I have power just like them, siguro kanina ko pa siya pinaulanan ng ball of fires or something na masakit na kapangyarihan. Tsk!

“Anong gagawin ko rito!” sigaw ko sa kan’ya habang nandidiring tiningnan ang may sugat kong paa. May mga uod kasing gumigitaw at pumapasok sa loob ng sugat ko. Hindi ko alam, pero ang sakit-sakit nitong titigan ngunit hindi ko ito nararamdaman. Bakit ba ito na mamanhid?

“Sasakit ito mamaya, kaya huwag kang pakampante r’yan,” biglang saad nito at naglakad patungo sa aking direksiyon.

Hinubad naman ni Caspian ang kan’yang jacket ‘tsaka itinali ito sa aking paa. Napangiwi naman ako sa sakit nang naramdaman kong dumampi ang tela nito sa ‘king paa.

Sasakit mamaya? E, ang sakit na nga no'ng dinampian niya ng jacket niya e!

Tiningnan ko nalang siya habang ginagawa niya iyon.

“What are you doing?” I asked him, he looked at me, and then smiled sweetly. Napaiwas naman ako ng tingin nang dahil doon. It is not a playful smile that I always see if he’s teasing me. That’s why it is really awkward to stare at.

“I am sorry for bringing you there, and having fun while you’re suffering...” he apologized. Tumayo naman na ito at pinagpagan ang kaniyang sarili. Hindi na rin ako nagsalita, at tinitigan lang ang jacket na ginamit niyang tela para takpan ang sugat ko.

“Let’s go?” he offered his hands to me, and I didn't take it. Kaya ko pa namang tumayo mag-isa, hindi pa ako lumpo.

I manage to stand, and looked at him like a proud child who's now- can stand.

Napailing nalang ako sa naisip ko.

Anong proud child pinagsasabi mo, Fiamiolle? Nasisiraan ka na siguro ng bait. Tsk.

I was shocked when he carried me.

I was very surprised when he suddenly picked me up. “What the heck do you think you’re doing?!” I shouted, while darting him a deadly glare.

“Huwag kang mag-alala, kinarga rin kita no’ng pumunta tayo rito kanina, kaya tumahimik ka nalang, okay?” he gushed teasingly, and held me tightly.

Hindi ko alam pero parang sumunod ‘yong katawan ko sa mga sinabi niya. Did he use his power to make me act like this?

“Good, mabait ka naman palang mortal e,” he teased me again. I did not waste more time just to answer him. Tahimik nalang ako habang karga-karga niya pa rin. I didn’t move so he wouldn’t have any more trouble.

He took his place in front, and said something I couldn’t even understand, and in an instant, we were in front of the Hearthstone building already.

I looked at him with a gaping mouth, and widened eyes. What the hell did he just do?

Gan’yan ba kadali kapag nag-te-teleporting? Then he should have just use it earlier when we were in danger! Silly a*s immortal!

I did not think twice, and strike his nape using my left hand. “You should have used that when the wolves were chasing us!” I angrily said to him making his face look in awe.

“Napakasakit mo naman alagaan, Fia!” reklamo na naman niya habang namilipit sa sakit dahil sa pagbatok ko sa kan’ya. Hindi niya ito mahimas dahil karga-karga niya pa rin ako.

Nagreklama pa siya, at papadyak-padyak na naglakad patungo sa pintuan. Pfft...

Pumasok na kami sa loob, at pinahiga niya na ako sa couch. Tatawagin lang daw niya si Rhenouis dahil siya ‘yong may kakayahang magheal through herbs kasi nga Earth Manipulator daw ito.

Hindi ko nalang siya pinansin at tiningnan ang paa ko. Nakakaramdam na rin ako ng parang may gumagapang sa loob-looban nito, at sa hindi malamang dahilan ay hindi pa rin ito sumasakit hanggang ngayon.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ako ng yabag ng paa sa itaas.

Napatingin naman ako sa nagdadabog na si Caspian na kasalukuyang bumababa sa hagdan. Ano na naman bang problema nito?

“Ang sasama talaga ng ugali! Ayaw ka niyang gamutin kasi ako raw nagdala sayo roon kaya ako raw aako ng responsibilidad sa paggagamot sayo!” Parang bata niyang sumbong sa ‘kin habang ngumunguso. Inirapan ko nga ang eng-eng.

May point naman si Rhenouis, kaya maghirap siya riyan.

“Ano nang gagawin ko rito?” tanong ko sa kaniya dahilan para tingnan niya ang paa ko. Lumapit naman ito sa ‘kin, at lumuhod sa aking harapan.

Napaupo naman ako ng tuwid ng wala sa oras dahil sa ginawa niya.

Hinay-hinay naman niyang kinuha ‘yong jacket na nakapulupot sa aking paa, kasabay no’n ang hinay-hinay ring paghulog ng mga uod dito. Napaiwas naman ako ng tingin ng makita kong nag-iitim na ito.

“Ginamit ko kanina ang kapangyarihan ko para hindi masyadong lumalala, at maibsan ng sakit na nararamdaman mo,” aniya habang hindi pa rin nililihis ang tingin sa aking paa.

And that’s the answer to the question of why it is not causing any pain right now.

“I can use my water manipulation ability to heal these wounds, but I don’t think I can do it,” he added. Tiningnan ko naman siya nang dahil sa kaniyang mga sinabi.

Hindi ako nagsalita, at itinuon lang ang tingin ko sa aking sugat.

Nakita ko naman kung paano niya ako titigan ng mga ilang segundo bago siya tumingin ulit sa aking paa.

“Well, I think I can!” he blurted out. I suddenly looked at him because of that.

Nagsimula naman niyang ginalaw ang kaniyang kamay habang pokus na pokus ang atensiyon niya sa aking paa.

“I remember my mother teaching me this... She said that water users have the ability to heal wounds by absorbing water molecules and transferring medicine within the body. The water molecules assist in repairing and regenerating damaged cells from within.” Nakikinig ako sa kan’yang pagpapaliwanag, at habang nagsasalita siya ay ginagamit niya ang kan’yang kapangyarihan.

May nakita naman akong isang maliit na nilalang na lumabas sa kaniyang dalawang kamay. Ang cute nito, kulay berde at hugis droplets. Wala itong mga paa’t kamay, ngunit meron naman itong mukha. Tumalon naman ito papalayo sa kamay ni Caspian, saka pumasok sa sugat ng aking paa. Nakaramdam din ako ng lamig nang dumampi na ito sa aking sugat.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nasaksihan ngayon, ngunit habang pinapalabas niya ang kan’yang kapangyarihan sa aking sugat ay unti-unti namang bumabalik ang dating kulay at porma ng aking paa, hanggang sa lahat ng mga gumagapang na uod dito ay nawawala na para bang nagiging abo ito at sumasabay sa ihip ng hangin.

Nakita ko naman kung paano manginig ang kamay ni Caspian no’ng natapos niya ang paggagamot sa ‘kin. Tiningnan ko nang maayos ang paa ko. Wala ni anong bahid ng sugat, bumalik ito sa dati nitong anyo. Kung kanina nakakadiring tignan ang aking paa, ngayon ay hindi na.

“You healed me!” I shouted, cheerfully.

I looked at Caspian who is now smiling faintly at me. Wait a minute, why does he look so weak?

“And it requires a lot of energy!” he suddenly said, and forces himself to stand up.

Napatayo naman ako nang bigla siyang mawalan ng balanse. Akmang matutumba na sana ito, buti nalang talaga, at nahawakan ko siya ng mabilis.

Inalalayan ko naman siyang mapaupo sa coach na inuupan ko.

Wow, I can also walk properly now. He totally freakin' healed my feet!

“I used all my energy just to save you, so you owe me one,” mahinag usal pa niya, at isinandal ang kan’yang ulo sa balikat ko. Ako pa may kasalanan nito? E, siya nga ‘yong ayaw mag-teleport dahil gusto niyang makipaglaro. Tsk!

Umirap naman ako. Hindi nalang ako nagreklamo, at hinayaan siyang magpahinga roon.

“Kasalanan mo rin naman kasi dinala mo ako roon,” sagot ko sa kan’ya dahilan para mapatawa siya.

Napatingin naman ako sa kamay ko na nilalaro niya gamit ang kaniyang kamay. Hindi ko ‘to nagustuhan kaya binawi ko agad ang aking kamay, saka inilagay sa ibang puwesto.

“Bakit ka nga pala napunta rito?” he asked out of nowhere. Natigilan naman ako sandali sa kaniyang tinanong.

“I accidentally went here. Well, so-so. I want to go here, and accidentally can't go back to my place.” Parang ako naman ang nalito sa mga sinabi ko.

“The moment I came here, I thought it could be a wonderful place just like in the fairytales,” I added, looking at the gorgeous scenery outside the window.

“Fairytales?” nagtatakang tanong nito sa ‘kin. Hindi niya ba ‘yon alam?

“Oh, stories of princesses and princes. A magical place where supernatural abilities exist and a happy land where everything is impossible,” I answered making him laugh again. Bakit ang hilig nitong tumawa?

“Nakakatawa naman sa mundo ninyo. Kaya pala mukhang hindi ka nagulat nang nagpunta ka rito alam mo na pala na may kapangyarihan dito,” usal niya at ang buhok ko na naman ang pinag-tripan niya. He runs his fingers through my hair. Nakiliti ako ro’n kaya agad kong winaksi ang kamay niya saka siya tiningnan ng masama.

Ngumisi naman ito, kaya napairap na nalang ako.

“Kayo nga alam ninyo na wala kaming kakayahan,” naiinis kong sagot sa kaniya. Bakit ba kasi ang kulit-kulit ng mga kamay nito?!

“Syempre dapat alam namin, kayo ang tinitingalang kalaban dito sa ‘min e. Gusto ko ngang patayin ka dahil sa nabasa ko sa mga history book namin dito pero mukhang may nakita akong kakaiba sa ‘yo kaya napag-isipan namin na iligtas ang iyong buhay!” masayang pang buwelta nito sa akin sabay winasiwas ang kaniyang mga kamay sa harapan ko.

“At kung hindi niyo ako kailangan?” kinakabahan na tanong ko sa kaniya.

“E ‘di pinatay ka na namin!” diritsahang sagot nito sa ‘kin kaya napatulala nalang ako sa kawalan.


So, kung hindi na nila ako magagamit sa sinasabi nilang misyon ibig sabihin... Papatayin nila ako?

Tumayo naman na si Caspian kaya sinundan ko ito ng tingin. Uminat-inat ito sa ‘king harapan, saka ini-offer na naman ang kaniyang kamay sa ‘kin ngunit hindi ko pa rin ito tinanggap, at tumayo ng mag-isa ko.

“Alam mo ba sa mundo namin, may ibang taong gustong-gusto pumunta sa mundo ninyo kasi akala nila napakaganda rito?” I suddenly bragged. He looked at me with his knitted brows. Tila naguguluhan siya sa aking mga sinabi.

“Sa lugar kasi namin ang tanging pinagtutuonan lang nila ng pansin ay iyong magagaling at may mga talento, ngunit ‘yong sa palagay nila na walang kuwenta ay isinasawalang bahala lang nila...” napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko ang aking ama at ina na kahit kailangan ay hindi ako ipinagmalaki bilang anak nila.

That’s right, even if I go back to our world, it’s useless because no one needs me there either. Even if I die here, no one will care to look for me.

“Pumunta ako rito, nagbabaka sakaling iba ang pagtingin nila sa mga kagaya kong walang silbi, pero lahat ng iyon ay guni-guni ko lang pala. Well, whether here or in our world, I am still an outcast.” Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga sinabi ko. Ang dami ko naman yatang sinabi sa kaniya! May lason ba ‘yong tubig na kaniyang ginamot sa akin kaya nasasabi ko ito sa mokong na 'to?

Akmang magsasalita na sana si Caspian ngunit napatigil siya nang may pumasok sa loob ng Hearthstone.

“Engrid!” bati nito kay Engrid at naglakad na patungo rito. Sinundan ko nalang ito ng tingin at umupo na sa couch.

Ang seryoso ng pinag-uusapan nila habang pasulyap-sulyap sila na tumitingin sa akin.

Kunot noo ko naman silang tinitigan ng mga ilang minuto. Ang weird naman nilang mag-usap, dapat may tinitigang iba. Tsk.

Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Caspian kaya napagdisesiyonan kong maglakad papalit sa kanila para marinig ng maigi ang kanilang pinag-uusapan.

“Hindi!” Caspian howled making Engrid look so shocked.

“We can’t kill her, Engrid!” Caspian added while looking at my direction.

Napahinto naman ako nang marinig ko iyon.

“It is the Queen’s order, Caspian and you know there is nothing we can do,” Engrid said coldly while looking at me.

Bakit ba laging ako nalang napagti-tripan ng tadhana ha?

“We need to execute her right now.”

fin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro