X.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 10: Facing the Queen

I was frozen in my spot when I heard those words from Engrid.

Lumapit naman siya sa ‘kin habang may pinapalabas na kung ano sa kaniyang kanang kamay.

Her fist is surrounded by an unusual wind that’s circling her hands. The moment her ability shows it made the whole room colder.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko habang nakatitig sa walang emosyong mga mata ni Engrid. I don’t know, but for some unknown reason, I can’t move my legs. Wari ba’y may pandikit na nilagay rito upang hindi ko ito magalaw ng basta-basta. Nangangatog na rin ako, ewan ko. Gustong-gusto ko na rin namang mam*tay, ngunit bakit sa tuwing kaharap ko na ito ay natatakot ako? Gusto ko ba talaga?

“What are you doing?” Napatigil naman si Engrid sa kaniyang balak gawin sa ‘kin at napatingin ng makahulugan kay Aideniel. Bigla kasi itong sumulpot sa kung saan.

“I will kill her,” she answered without hesitation. Napalunok nalang ako ng sarili kong mga laway nang marinig ko ‘yon.

Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Caspian patungo sa aking puwesto. Napatingin naman ako sa kan’ya nang hinawakan niya ang aking kaliwang braso.

“Huwag mo siyang patayin!” protesta pa ni Caspian. “Aakohin ko lahat ng responsibilidad kung sakaling may parusa mang ipaparatang ang reyna kung hindi mo nakitiil ang buhay ni Fia,” ani pa niya dahilan para kumunot ang aking noo. What is he doing?

Pinagmasda ko ang ekspresiyon nito. Napakaseryoso niyang pinanliliitan ng mga mata si Engrid na halatang nagulat sa mga ikinikilos ni Caspian. Miski ako nga’y hindi makapaniwala sa kaniyang mga sinabi.

“May gusto ka ba sa kanya?” Kunot din ang noo ni Engrid na nakatingin kay Caspian.

“No, and I will never,” matigas nitong sagot. Well, same.

“She’s an outcast, and I felt that before. Gusto ko lang maranasan na may pinagkakatuwaang iba maliban sa ‘kin.” Hindi ako makapaniwala sa sagot nito. Ang akala ko pa naman ay ipinagtatanggol na niya ako, ‘yon pala’y ginagawa lang akong clown ng isang ‘to. “Also, the map. We can still use her,” dagdag naman ni Caspian habang nakangising nakatingin kay Engrid.

“I am not a clown,” I said out of nowhere. Walang pasabi ko namang winaksi ang kamay ni Caspian na nakakapit sa aking braso. Halatang nagulat ito sa ginawa ko ngunit hindi ko siya pinagtuonan ng pansin.

I return my gaze to Engrid who is standing in front of me. “Also, if you want to kill me, then do it. Just like Caspian said; I am an outcast, and you will not gain anything from killing me,” I added without taking away my eyes on her.

How brave of me to say those words. Nais ko pang mabuhay, ngunit dahil sa pagsasagot ko sa kanila ngayon... mukhang malabo nang mangyari iyon.

Malakas ang tibok ng puso ko habang nakikipag-staring contest kay Engrid ngayon. Natahimik din ang tatlong lalaki, at taimting naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

“Fine.” Nakita ko namang unti-unting nawawala ang kapangyarihan ni Engrid.

Pasimple naman akong huminga ng malalim saka bumuga ng hangin. Sa wakas, nakahinga na rin ng maluwag.

“I will trust you, just like how that naughty guy beside you trusted you,” she muttered, after bitting her lowered lips.

My eyes are twitching as Caspian smiling at me like an idiot. What the hell is he doing? Dati ba siyang pasyente sa mental hospital?

“And if you broke that trust. I will never hesitate to end your life.” I just fakely smiled at Engrid as she walks upstairs, and did not bother to look back at us.

Agad naman akong napatingin sa tatlong lalaki na para bang nabunutan ng tinik ng mawala sa harapan nila si Engrid. Gano’n ba sila katakot sa babaing ‘yon?

“You’re lucky because Caspian saved you.” I tilted my gaze to Aideniel who is now back on his frigid aura. Mas nakakatakot pa pala si Engrid kaysa sa kan’ya. Tinaasan ko naman siya ng kilay, kaya inirapan niya ako. Hala! Umiirap pala ang mokong!

“You owe me two!” I suddenly felt a ticklish sensation on my ears when Caspian whispered those words to me. Para naman siyang abnormal na nagtatalon-talon naglakad sa itaas. Well, hindi talaga parang— abnormal talaga. Tsk.

“What happened?” Lumapit naman sa ‘kin si Rhenouis, at nagtatakang tumingin sa ‘ming dalawa ni Aideniel.

Hindi ba niya rinig kanina? E, kanina pa siya nakatayo riyan e.

“The Queen wants Fiamiolle to be dead,” sagot naman ni Aideniel sa kaniya ‘tsaka inilagay ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa. Bakit ba ang hilig niya sa ganito?

“By the way, tell Caspian to prepare the Queen also want us to go to the palace this afternoon,” dagdag pa nito kaya agad akong napatingin sa kanila.

“Kasali ba—” Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ngunit bigla na silang sumabat dalawa.

“No,” sabay na usal nina Aideniel at Rhenouis. Sabay na sabay nga rin silang lumingon sa akin e. Kulang nalang mag-standing ovation ako dahil sa synchronization nilang dalawa. Tsk.

“Okay,” tanging sagot ko nalang, at nagpakalumbaba na nakatingin sa kawalan.

Umalis naman sila sa aking harapan, kaya naiwan na akong mag-isa rito sa sala. Halos matumba naman ako nang makita kong nawala na lang sila ng parang bola sa ‘king paningin.

Muntik na ako ro’n a?’ usal ko sa ‘king sarili, at napahawak sa tuhod ko. Nakarinig naman ako ng pagkulo sa tiyan ko kaya agad ko itong hinawakan.

God. Dalawang araw na pala akong hindi kumakain! How come I didn’t feel hungry for two days? Ay, siguro dahil sa kay rami-raming kababalaghan, at nakaka-stress na pangyayari sa akin these past few days.

I walked towards the kitchen.

Hindi ko alam kung ano bang lulutoin dito dahil hindi ko naman alam kung meron bang parehas na mga ingredients dito sa bahay namin sa mundo ko.

Normal naman din ang desenyo. May lamesa’t mga upuan, drawers, at sink. Okay naman, mala-victorian style nga lang ang design. May chandelier kasi sa ibabaw ng malaki at mahabang mesa.

Naglakad naman ako patungo sa isang drawer. Kukuha na sana ako ng kung ano ang nasa loob nito ngunit napatigil ako nang makita ko sila Engrid sa maliit na siwang ng pintuan na nagmamadaling lumabas sa dorm.

I rashly hid, and tiptoed in their direction.

Sumulip naman ako sa kanila. Napaawang nalang ang bibig ko nang makita kong may arcane circle na nakapalibot sa kanilang lahat, kasabay no’n ang paglabas ng hugis bilog na lagusan. Lumalakas ang hangin sa loob dahil dito.

I saw how they entered there. It’s like they just passed by. No’ng makita ko namang nawala na silang apat ay agad akong nagpunta roon, at ignoranteng hinawakan ito.

Dinadaloy ko ang aking kamay kasama sa mga pumapalibot na mumunting mga kislap-kislap na naroroon.

Ang ganda nitong pagmasdan. Parang hinihigop ka nito habang patuloy pa rin ito sa pag-iil— wait... Hinihigop ako!

Napasigaw naman ako ng malakas ng hinigop ako ng butas. Hindi ko alam ang aking gagawin, sinubukan kong hawakan ang sahig upang makakuha ng buwelo para maka-alis ako sa butas ngunit dumudulas lang ito.

Hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon nito...

“Aray!” angal ko nang ma-mudmud ang aking mukha sa isang matigas na bagay.

What the heck? That hurts so bad!

Tumayo na ako habang hinahawakan ang aking ilong. Feeling ko nga dudugo ito sa lakas ng pagkakabagsak ko sa lupa. Bakit ba kasi may pahigop-higop pang nalalaman ‘yong butas na iyon?!

Inis ko namang pinagpagan ang aking sarili habang pinipilit kong tumayo. Habang ginagawa ko ‘yon ay hinay-hinay ko namang pinagmasdan ang kapaligiran.

Na-estatwa naman ako sa ‘king kinatatayuan nang makita ko kung anong lugar ang napuntahan ko.

Agad ko namang tiningnan ang portal na hinay-hinay na naglalaho sa aking harapan, kaya akmang tatalon na sana ako pabalik dito ngunit bigla nalang itong nawala.

Napamura nalang ako, saka sinabunutan ang aking sarili ng dahil sa frustration.

“Now what?” I muttered, and rolled my eyes irritatedly.

I wander around the palace. Yes, it is a palace. Isa ’tong palasyo dahil sa laki ng lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit pumunta sila rito pero ang tanging alam ko lang ay kailangan kong bumalik sa paaralan dahil gusto akong patayin ng Reyna!

I am digging my own grave for Pete’s sake!

Bakit ba kasi lumapit pa ako sa portal na ‘yon?! Ayan tuloy! Tsk.

Mabilis naman akong naglakad habang tinitignan at pinapamilyar ang lugar na ‘to sa akin. Mahirap na baka nagpabalik-balik na pala ako rito ng hindi ko nalalaman.

Napakaganda ng lugar na ‘to, at gusto ko mang tingnan ang bawat detalye ng lugar ay hindi ko magawa dahil natatakot ako baka makita ako ng isa sa mga kawal ng reyna, at saka papatayin. Diyos ko po! Ayaw ko pang mangyari ‘yon!

“Fiamiolle?” I halted when I heard a familiar voice. Nilingon ko naman kung sino ito. Nagulat ako nang makita ko kung sino siya, ngunit agad ko naman itong binawi.

“Caspian!” Nag-fake smile naman ako nang batiin ko ang pangalan niya.

Mabilis siyang lumapit sa direksiyon ko kaya medyo napaatras ako ng kunti. Napa-aray naman ako nang higitin niya ako patungo sa isang kuwarto.

“What are you doing here?” he asked, and finally get rid of his hands out of me. Napahawak naman ako rito dahil sa sakit. Hindi ba uso sa kaniya ang be gentle? I darted him a death glare, and he also did the same. Aba?

“I was absorbed by the portal,” I honestly answered, and looked at him. Napahimalos naman siya sa kaniyang mukha kahit na walang sabon plus tubig doon.

“Alam mo bang galit na galit ang reyna dahil hindi ka namin pinatay?” aniya, at seryosong nakatingin sa aking mga mata.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang dahil sa sinabi niya.

“I don’t know, why she wanted to kill me,” usal ko, habang nakayuko.

“Because you’re just a lowly mortal, and your ancestors made ours suffer to death,” he replied. Napatingin naman ako sa kaniya.

Lah. Kasali ba ako ro’n? Hindi naman a? Mga eng-eng talaga ang mga nakatira rito. Tsk.

Umirap nalang ako sa aking kaloob-looban, saka tumikhim muna bago nagsaliya.

“Then what should I do? Should I die?” walang ganang tanong ko sa kaniya kaya medyo nagulat siya roon, ngunit agad niya naman itong binawi.

“No,”

Hinigit niya naman ako papalabas sa kuwarto, at nagmadaling naglakad sa hindi ko alam kung anong direksyon.

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin, at naglakad lang ng para bang hindi niya ako hinihigit. 

Huminto kami sa isang napalaking pinto. Kunot noo at magkadikit ang kilay kong pinagmasdan ang pintuan na ito.

Napa-awang naman ang bibig ko sa sakit nang mas humigpit ang hawak ni Caspian sa aking wrist.

Tiningnan ko naman siya, at nakita kong naka-pokus lang ang tiningin niya sa pintuan. Pinagpapawisan ito, at hindi mo mawari kung kinakabahan ba siya o ganiyan lang talaga ang mukha niya.

Isang malakas na tunog ang nalikha ng pagbukas ng pinto ni Caspian, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao— ay este, imortal sa loob.

“Just follow me, and don’t you ever open your mouth,” he ordered, seriously. Nalunok ko naman ang sarili kong laway ng makita ko kung saan niya ako dinala.

“Dinala mo ang mababang nilalang. Nagbago na ba ang isip mo, Caspian?” Now I know kung saan nagmana si Engrid. Kung nakakatakot ang presenya niya, puwes mas nakakatakot ang kaniyang ina...

Napakaganda ng reyna. The way she sitted on her throne like no one is above her is making me look down to her. Halatang maraming resemblance si Engrid sa mukha nito. They both have white bouncy hairs. Ang mga cold na titig niya ay kuhang-kuha rin ni Engrid. Para kang i-fe-freeze to death nang dahil sa lamig ng titig nito.

“We’re here because I ask for her exception. Hindi ko hahayaang mamatay ang isang malaking pyesa sa aking obra, para lang sa walang kuwenta at makalumang kasaysayan ng ating kaharian.” Halos lumuwa naman ang mga mata ng mga kaibigan niya nang sabihin ito ni Caspian sa harapan ng reyna. Kahit ako ay nagulat nang dahil sa sinabi niya. Eng-eng ba siya? Gusto niya bang mamatay?

“Anong sabi mo?” the queen stood firmly while walking in our direction. I quickly diverted my sight, when our eyes met.

“What the hell is he doing?” rinig kong bulong ni Rhenouis kay Aideniel na kasalukuyang walang pakealam sa nangyayari ngayon.

“I ask for your exception, your majesty!” Caspian said, and wears the brightest smile I‘d ever seen. I saw the queen’s eyes are twitching. She seems not convinced by Caspian’s charming smiles.

Napailing-iling nalang sina Engrid sa gilid, habang yumuyuko sa kahihiyan, dahil ginagawang katarant*duhan ng kaibigan nila.

“And what will I gain from that exception, Mr. Sarmiento?” The queen stopped in front of us while fixing her ring, looking so elegant. Para siyang unbothered queen na ewan.

“The freedom of our kingdom,” Caspian replied. Napahinto naman ang reyna nang dahil doon.

Seryoso naman niyang tinitigan si Caspian, gano’n din ang lalaking katabi ko ngayon.

“So, are you willing to end the curse, and sacrifice your life just for a mere mortal?” the queen answered, and looked at Caspian in dismay.

Oo nga ‘no? Bakit parang eager na eager si Caspian na iligtas ako? Why would a stranger save me from the bridge of death?

Wait? Nahulog ba siya sa akin? I won’t toot my own horn ha? But, I happen to possess a fair amount of charm. So, no wonder he fell for me the moment they rescued me from those wicked immortals.

“Hindi ako nagsasakripisiyo ng buhay nang dahil sa kaniya... I am willing to sacrifice myself to unveil the mystery of my mother’s disappearance, and the curse it brought when she leave.” I saw how Caspian’s eyes twinkling while saying those. The taste of mystery must boost his energy.

“I like Fiamiolle because she wears so much mystery in her sleeves,” he added while smirking. My forehead wrinkled when I heard those. Pinagsasasabi ng eng-eng na ‘to?

Napatingin naman ako nang tumawa ng malakas ang reyna. And while she’s laughing her white teeth glowed, and the jewelry she’s wearing creates an unusual sounds.

“I like how brave you are, Caspi!” Nagulat naman ako nang bigla niyang kurotin ang pisngi ni Caspian na siya naman nagpangiti rin sa lalaking ‘to.

Binitawan naman ako ni Caspian kaya napakapit ako sa ‘king kamay para hilotin ito. Ang sakit kasi... parang namanhid na nga ito dahil hindi ko na napansin na kanina pa pala niya hindi binibitawan ito.

I looked the queen who is now enjoying the moment. The cold image of the queen just vanished!

“Yes, naman, ako pa! By the way, ang cool niyo kanina! So much charisma!” Caspian replied, and they laughed together. Nakita ko naman kung paano napabuntong hininga si Engrid nang dahil doon.

“Lucky you— what’s your name again?” the queen asked looking at me with knitted brows.

“F-Fiamiolle...” I answered while stuttering. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang namamaga kong kamay.

“Lucky you, Fiamiolle! That Caspian stood by your side. Dahil kung hindi, ako mismo papatay sa ‘yo,” diritsahang sabi nito sabay kurot sa ilong ko. Pasimple naman akong napasinghot nang dahil sa ginawa niya. Buti nalang at hindi ako sinisipon, dahil kung oo, may sasali talagang malagkit na bagay sa kaniyang kamay.

Ngumiti naman ito sa aking harapan, bago siya rumampa na parang model patungo sa kaniyang trono.

Lumapit naman sila Engrid sa ‘min, at taimting napatingin sa harapan.

Nagulat naman ako nang may biglang lumabas na napakalaking hourglass sa harapan ng reyna. It was surrounded by sparkling glitters. May parang small wave lengths ang makikita mo sa ibaba nito habang ito ay lumulutang sa ere. Parang kinokontrol ito ng reyna para hindi ito mahulog sa baba, at mabasag.

“You know the deadline, right?” the queen muttered, while playing with the hourglass.

Tumango naman sila Engrid nang dahil doon, habang ako naman ay naguguluhan sa kanilang pinagsasabi. Deadline sa ano? May proyekto ba silang ginagawa nang hindi ko nalalaman?

Nasindak naman ako sa lakas nang tunog na likha ng pagkakabasag ng hourglass. Agad naman akong napatingin sa sahig, ngunit sa hindi malamang dahilan ay wala akong nakitang hourglass na nabasag.

Lah? Ano ‘yon? Guni-guni ko lang? Napailing-iling nalang ako sa aking isipan, saka itinuon ang pansin sa harapan.

“So, it settled. Engrid, and troops, the quest will start the moment you step outside this palace,” the queen announced as she put her hands on the sides of her chair.

Quest for what?


fin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro