Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ilang sandaling hindi magawang kumilos ni Anastasha. A feverish shiver spread across her body. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang kahit anong tinig ang lumabas. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa kamay ng binata, dahilan upang manlumo ito nang kaunti.

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit maraming beses itong umiwas nang magtanong siya tungkol sa pagkatao nito. Noon ay madalas niyang iniisip kung gaano kasarap at kaluho ang buhay ng mga mayayaman. Na lahat ay kayang makuha ng mga ito. Mula sa babae hanggang sa mga materyal na bagay. Noon ay inakala niyang matiwasay ang buhay ng mga taong katulad ni Wilder, ngunit nagkamali siya.

Palaging may kaakibat na panganib ang ginagawa nito. Kung noon ay hindi niya ramdam na malaya siya, paano pa kaya ito? Ang bawat kilos nito ay dapat maingat, dahil kung hindi ay buhay nito ang magiging kapalit.

She knew how the mafia handled their sick, dirty schemes. Yoon ang palagi niyang naririnig sa Sta. Monica at ang mga taong nagsasalita tungkol doon ay natatagpuang walang buhay kinabukasan.

"Tanggap ko kung ano ka." She raised her hands to gently stroke his cheeks, her fingers tracing the chiseled curve of his lips. He stiffened, not expecting her to do that.

"Hindi man ako katulad ng mga bodyguards mo, kaya pa rin kitang protektahan sa paraang alam ko..." Her arms curled around his neck, pulling him much closer. "Kung sa oras na 'to, may magtangka sa buhay ko dahil kasama kita, walang problema. Dahil ikaw ang huling taong makikita ko."

His ice blue eyes locked onto her, caressing every part of her face, devouring her beauty. His unrelenting stare wouldn't leave her, as if she was the most breathtakingly beautiful woman his eyes had ever laid on.

"I wouldn't let that happen. If through my life or death I can protect you, I will." His voice was like a rising storm, makamandag at mapanganib, but at the same time, it was like a melting honey.

She touched his cheek, stroking his skin, feeling his warmth. Wilder's eyes softened, as if hypnotized by her touch. Bumaba ang kanyang kamay sa leeg nito, tempting him. She slowly leaned forward, his scent and ragged breathing sent her heart thumping fast. She closed the distance and kissed him.

Pumaikot ang isang braso nito sa kanyang baywang, tugging her petite body against his, dahilan upang sumayad ang mga paa niya sa lupa. Maingat at masuyo ang halik nito, iniingatang huwag siyang masaktan.

Ang isang kamay ng binata ay dinala nito sa likod ng ulo niya, kung kaya't mas lalo pang lumalim ang halik nito. She could feel his throbbing groin against her belly and there was an aching desire between her thighs.

Napaungol siya nang kagatin nito ang labi niya at ipinasok ang dila sa kanyang bibig, tasting the sweet, tender flesh inside her mouth. Bahagya itong humiwalay nang maramdamang kinakapos na siya sa hininga.

They were both breathing heavily when he pulled away. Nakatitig lamang sila sa isa't isa, giving themselves to the sheer magic of it. "Believe me, you're so beautiful," bulong nito malapit sa tainga niya, at ang mga labi nito ay hinahagkan ang kanyang sentido.

Kusang pumikit ang mga mata niya, savoring the moment. How she wished they could stay there forever. She wouldn't mind staying in his arms for as long as eternity.

Isang busina ang nagpahiwalay sa kanila. Nang lingunin niya iyon ay nakilala niya kaagad ang nasa loob ng sasakyan: si Carter. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan at lumalim ang guhit sa noo nito nang matanaw siya, ngunit mabilis din nitong iniwas ang tingin.

"How could you run off like that! Someone could have fucking blown a hole through your head!" singhal nito kay Wilder at ang huli ay natawa lang.

Siya naman ay napangiwi sa kagaspangan nito. Sa nakikita niya ay hindi lang boss-subordinate ang ugnayan ng dalawa. Their relationship, or should she say friendship, was deeper than that.

"Sorry. I thought you were following me," palusot ng binata, halatang nanunudyo. Nakita rin niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

"I'm not your dog!" Huminga ito nang malalim at seryosong tumingin sa kanilang dalawa. "We spotted some mysterious guys roaming the building. They could be his men. Mas mabuti pang tumuloy ka muna sa Tagaytay. Susunod ako sa kotse mo," he surmised in a disgruntled tone.

Tumindig nang matuwid si Wilder at muling binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Mabilis na hinila siya ng binata at inakay papasok sa kotse nito. Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa. Ramdam niya ang pag-ahon ng galit nito.

Nang binuhay nito ang makina ay kaagad nitong pinatakbo nang mabilis ang sasakyan. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya alintana ang sakit sa kanyang binti. Ang mahalaga ay makaalis sila sa lugar na ‘yon, ngunit parang papanawan siya ng ulirat sa bilis ng takbo nila.

“Wilder… baka maaksidente tayo,” pagpapaalala niya sa binata. Sandaling tinapunan siya nito ng tingin bago binagalan ang pagpapatakbo. With his fingers anxiously tapping the steering wheel, he peered out the windshield to check on Carter.

“I can’t get you involved any further into this. I can just tell Carter to accompany you to Tagaytay and I’ll go back to my unit to manage the situation.”

She looked at him in disbelief. Umawang ang kanyang bibig, wanting to reproach him, but she decided not to. Sinisikap niyang maging kalmado, ngunit mas lalo pa siyang pinakakaba nito.

“Hindi ka babalik doon na mag-isa!” pagmamatigas niya. Hinding-hindi siya papayag sa gusto nito.

His mouth curled cruelly. She detected anger and contempt from his expression, and his eyes were deadly and fierce. She could perceive the throbbing veins in his neck as he constantly released exasperated sighs.

"You're right," he agreed. His eyes, however, were at odds.

Anastasha reached for his trembling hand, squeezing it soothingly. He wasn't quaking because of fear, kun'di dahil sa galit. He shifted his gaze towards her, giving her an appreciative look and granting her a tender and gentle kiss on her hand. Pagkatapos ay muli nitong binalik ang tingin sa kalsada, now calm and silent.

Hindi niya gustong basagin ang katahimikan ngunit nag-uunahan ang mga tanong na pumapasok sa isip niya. So much of the mystery surrounding him had been revealed that day. Sapat na sa kanya ang sinabi nito upang magkaroon ng ideya kung ano ang naging nakaraan nito.

Sumapit na ang dilim at nasa highway pa rin sila. Isang oras na silang bumabyahe at sumasakit na ang tainga niya sa nakakabinging katahimikan.

Nang bumaling siya sa binata ay tila kaylalim ng iniisip nito. His eyes were focused and fixed on the road, but she doubted na iyon ang nasa isip nito. She felt the urge to comfort him, to say something that could lighten up his mood, to detach his mind from the muddled situation.

Ang kamay nitong kanina pa hawak ang sa kanya ay pinaglaruan niya. Mahahaba ang mga daliri nito. His hand was calloused, rough and warm. She loved the sensation that his hands brought her everytime she was embraced in his muscular arms.

Animo'y nanumbalik ito sa realidad nang dahil sa salat niya. "Are you hungry? You haven't eaten anything yet." Nasa boses nito ang pag-aalala sa kalusugan niya. "And your leg..." He groaned and his voice diminished in distress.

His expression implied that he had been lost in thought and distracted by all the mess. He was being inattentive to her needs, at nabasa niya ang dumaan sa isip nito.

A soft chuckle escaped her lips, amused at the vexed sight of him. His forehead furrowed at nagsalubong ang mga kilay nito. "What's funny?" tanong nito at may bahid na pagkaasar ang tinig.

"Okay lang ako, kaya 'wag kang mag-alala," she reassured him. "Medyo nagugutom nga lang ako..." nahihiyang pagpapatuloy niya. Baka isipin nitong malakas siyang kumain.

This time, it was his eyes that twinkled with amusement. "I'm hungry too." Binagalan nito ang pagpapatakbo at sa hindi inaasahan ay hinigit siya nito palapit at hinagkan ang kanyang mga labi. It was intended to be a fleeting kiss, ngunit tumagal pa iyon ng ilang segundo.

Nang bitawan siya nito ay hindi siya makahuma. Parang nag-aapoy ang kanyang kabuuan dahil sa init na hatid ng halik na iyon. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito nang makita ang naging reaksyon niya.

"Now I'm full." Bakas sa tinig nito ang pagkaaliw. Tila siya nagising nang marinig ang tinig nito. Isinara niya ang nakaawang na bibig at umayos ng upo.

"A-ako hindi pa," sambit niya. Kasabay noon ay ang tunog ng malakas na pag-ungol ng kanyang tiyan. Sa mga sandaling iyon ay parang gusto na lamang niyang mawala na parang bula dahil sa kahihiyan.

Mahina itong natawa at sa tingin niya'y parang gumaan ang pakiramdam nito. Nagpapasalamat siyang makitang nagagawa pa rin nitong ngumiti bagamat may kinakaharap na problema.

"Fine. We'll pull over the moment we spot another restaurant," anito habang naka-focus muli sa daan.

"Ilang oras pa?" pag-uusisa niya. Hindi niya gustong mabalot na naman ng katahimikan ang sasakyan.

"Fourty six minutes or so."

Sandali siyang tumahimik, pinagmamasdan ito. Honestly, she had pondered a lot about his identity. Lahat ng worse possible scenarios ay naisip na niya. He could be a notorious murderer, a drug addict, a rapist or perhaps, just a simply vile magnate.

Napailing na lang siya. Despite the odds of him being wicked, hindi nakinig ang puso niya.

"There it is." Narinig niyang pahayag nito nang matanaw ang isang Starbucks drive-thru. Napaigtad pa siya nang biglang bumusina si Carter sa kanila, a sign that the guy was most likely seething.

"Huwag na kaya? Baka mas lalo pang magalit." Nag-aalala siyang masamain na naman nito ang ginagawa niya. Masama at maruming babae ang tingin nito sa kanya, at hindi niya gustong magpatuloy iyon.

Nagkibit-balikat lamang ito. "He must be hungry as well." Afterwards, he cranked down the car window to place our orders.

Marami itong in-order, at noon lamang niya narinig ang mga pangalang iyon: Chicken Caprese, Tomato & Mozzarella and Egg Salad Sandwich. Para sa drinks ay umorder ito ng Iced Tea.

"Sa akin lahat 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya nang makuha nito ang mga pagkain. Isang simpleng tango lang ang naging sagot nito. "Salamat," ang kanyang naging tugon.

Hindi na siya muling nagtanong at sa buong byahe, pinuno niya ang tiyan. She evidently didn't finish everything. Nakalahati niya lang ang Iced Tea at ang sandwich lang ang nakain niya.

"Gusto mo?" alok niya rito habang nakaunat ang kamay na hawak-hawak ang isa pang pagkain.

Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang tumanaw siya sa labas ay napaawang ang kanyang bibig nang masilayan ang isang marikit at eleganteng bahay.

They had arrived at the destination.

However, her eyes retraced their path to Wilder when she felt his rugged hand wrap around her wrist, the food travelling towards his mouth. Nakakagat na ito ngunit dahil nabigla siya, nalagyan ng mozzarella ang gilid ng labi nito.

"Sorry!" Nag-aatubiling pinunasan niya iyon gamit ang kanyang hinlalaki, ngunit muli na namang nahuli ng binata ang kanyang kamay.

"Don't move."

He took her hand, pulled it up to his mouth, and started licking and sucking on her finger. As a result, her pulse started to race like a freight train. He looked so devastatingly seductive that something below her stomach ached.

She closed her eyes for a fleeting second, gasping for breathe. She was having a hard time breathing.

Nang huminto ito ay gusto niyang madismaya. Ramdam niya ang pagbalot ng init sa kanyang mukha, at sa kaibuturan ng kanyang katawan. She would have given herself to him right then and there.

As if magic, tila nabasa nito ang nasa isip niya. "Not here, sweetheart." There was a flash of wickedness in his eyes as he surveyed her.

She blinked once, twice and as a reflex action, binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at naunang bumaba. Nakahinga lamang siya nang maluwag at maayos nang sinalubong siya ng sariwang hangin. Ilang segundo lang ay nakababa na rin ang binata.

Pinagmasdan niya ang magandang bahay. Tila isa itong mansyon sa gitna ng mga matatayog na puno at mga halaman. Napapaligiran iyon ng mga puno ng buko na bagama't hindi pantay-pantay ay maayos na nakalinya.

It was a breathaking, tranquil paradise. There was an ancient but hale walkway. Sa magkabilang gilid ay may iilang mga light poles na tila hinahatid ang sino mang naglalakad sa wooden pathway patungo sa pinaka-entrance ng bahay.
Sa ilalim ay may isang maliit na pond at pinalilibutan din iyon ng mga bato at samu't saring bulaklak.

The benign blanched walls complemented the soft brown of the wooden post and doors. The house was a timeless piece of architecture that had a rich blend of intricate materials and landscape design. Ang buong bahay ay puno ng glass walls--halos kapareho ng sa unit ni Wilder. Sa ilalim ng ceiling ay maliliit na bulb na mas lalong nagpaganda sa lugar.

Dalawang palapag ang taas nito at sa kanyang kinatatayuan, she could see that it extended further.

"Ang ganda!" bulalas niya habang magkadaup ang palad, her eyes shimmering with awe.

Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Wilder. Tumayo ito sa tabi niya at bahagyang sumandig sa kotse.

"I made a promise to myself that the only woman I'd bring here would be the one I'd spend the rest of my life with."

Tumingin siya rito. Napawi ang kanyang kagalakan. "M-may isinama ka na ba rito?" nag-aalalang tanong niya.

Si Paula...?

"Yes," sagot nito at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng trousers nito.

Bigla siyang natahimik. She swallowed down the tightening in her chest. Hindi niya gustong masaktan, hindi niya gustong magtanong, ngunit iyon pa rin ang ginawa niya.

"Sino?" Ang kanyang boses ay mas malakas lamang ng kaunti kumpara sa isang bulong.

"She's here, standing beside me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro