Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

She remained speechless. She could also feel the warmth of the blush as it crawled up her neck. She gulped. Hindi niya masalubong ang mga mata nito. Iyon ang pangalawang pagkakataong nagpahiwatig itong gusto siyang... pakasalan.

Sa huli ay nagawa rin niyang sumagot, "Hindi mo naman ako dadalhin dito kung walang problema." Sa gilid ng kanyang mata ay natanaw niya ang paparating na si Carter.

Hinawakan siya ni Wilder sa baywang at iginaya papunta sa pathway. Muli ay hindi niya mapigilang humanga sa kakisigan nito. Tila siya isang kuting sa tabi ng isang leon.

"This is not the only house I own in Tagaytay," he informed her. Habang tumatawid sa maikling pathway ay rinig niya ang pagyagitgit ng kahoy.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, gusto na naman niya itong purihin. Sa kabila ng mga kinakaharap nito ay naging successful pa rin ito sa buhay.

"Ilan pa?" she queried as she anchored her attention on the small fish pond. May mga maliliit at makukulay na isdang lumalangoy roon.

"I can't tell for sure. I don't count them."

"About 50 or more," si Carter na sumingit sa usapan.

Nabaling ang atensyon niya rito. She forced a smile on her lips nang tumingin din ito sa kanya. Ngayon ay alam na niya kung bakit noon ay lagi niya rin itong nakikita kasama si Wilder. Ito naman ay sinamaan siya ng tingin.

"Ang dami pala," maikling komento niya. Habang naglalakad ay medyo umiika siya sanhi ng pagkakadapa kanina.

Habang papalapit sa entrada ay nasilip niya nang bahagya ang loob ng kabahayan dahil sa glass wall. The moment Wilder pushed the door open, an exquisite and opulent interior greeted her sight. Kung marangya na itong tingnan sa labas ay mas dumoble pa iyon sa loob.

Nahiya siyang pumasok dahil animo'y hindi siya bagay sa lugar na iyon. Ang una niyang napansin ay ang mamahaling crafted wood floors. Sa sobrang linis niyon ay tila kumikinang ito sa kanyang paningin.

Sa gawing kanan ay naroon ang living room. May malaki at puting fluffy carpet kung saan naroon ang isang L-shaped na white couch. Nakaayos din ang mga throw pillows sa ibabaw nito.

There was also a flat panel TV mounted on the wall. Under it was a solid oak and natural slate CD rack filled with a variety of DVDs and CD albums. On each side of the television were lamps positioned in a sophisticated manner, accentuating the majestic grandeur of the whole place.

Sa dingding kung saan nakalapat ang couch ay puno ng iba't ibang paintings, at ang maliit na center table ay kinalalagyan lamang ng isang vase.

Sa gawing kaliwa ay napagmasdan niya ang malawak na kitchen bar. Napakalinis niyon and it seemed as though it had never been used before. Mayroon ding kitchen island kung saan may nakapalibot na ilang mga upuan.

Sa gilid nito ay ang lamesang gawa sa isang matibay na uri ng kahoy. Nakapalibot naman doon ay mga morgana tufted parson chairs.

Parang gustong lumuwa ng kanyang mga mata sa nasisilayan. Kung nabubusog lang ang mga iyon ay tiyak busog na busog na ang sa kanya.

Hindi niya namalayang nakapasok na pala siya sa loob. Kusang gumalaw ang kanyang mga paa dahil sa kagustuhang ilibot ang paningin sa paligid.

"Hindi ba't napakalaki naman nito para sa 'yo? Nag-iisa ka lang naman." Nang balingan niya ito ay nahuli niyang nakatitig na ito sa kanya.

"I told you earlier. I don't plan to live here alone. This is where I want to build my own family," sagot nito at pagkuwan ay makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kanya.

Nag-iwas siya ng mata. Natutuliro ang isip at damdamin niya tuwing binabanggit nito ang tungkol sa bagay na iyon, ngunit hindi niya maitatangging nagagalak ang puso niya.

"S-sana nga matupad 'yon..." she muttered and her eyes crinkled at the corners.

Nagsimula itong lumapit sa kanya. Akala niya'y aalalayan siya nitong maglakad ngunit natilihan siya sa sumunod na ginawa nito. He brushed her hair out of the way, leaned down, touched her waist  and kissed her neck.

Nadama niya ang init ng labi nito sa kanyang balat. Napahawak siya sa mga balikat ni Wilder nang magsimulang maglakbay ang mga labi nito pababa sa kanyang balikat.

"It will. In fact, it already has. You're here already," he whispered in between kisses, and it was more like a declaration.

Natigil ang paghagkan nito sa kanya nang may tumikhim sa hindi kalayuan, drawing both of their attention. Kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya kung sino ito.

"Don't forget that we need to talk," he nagged with a peeved tone. Pagkatapos ay tumalikod na ito at lumabas sa patio habang dala-dala ang dalawang  snifters at isang bote ng whisky.

Tumingin siya kay Wilder at tinapik ang pisngi nito. "Sundan mo na. Puwede naman tayong mag-usap mamaya," aniya, sa mga mata'y naroon ang pang-unawa.

Napabuntong-hininga ang binata. "Let me take you upstairs first." Bago pa man siya makaimik ay napangko na siya nito at tinungo nila ang hagdan papanik. Kahit ilang beses na siya nitong binubuhat ay hindi siya masanay-sanay sa sensasyong hatid nito sa kanya.

Sa bawat pagkakataong magdadaiti ang kanilang katawan ay gusto na lamang niyang manatili sa ganoong posisyon, like two pieces of clothing sewn together. As he carried her in his arms, her hands surrounded his neck softly and naturally.

Ipinikit niya ang mga mata dahil nararamdaman na niya ang pagkalat ng pagod at antok sa kanyang sistema. Mukhang napansin iyon ni Wilder dahil mas hinawakan siya nito nang mahigpit. Pagkaraan ng ilang segundo ay nasa tapat na sila ng isang pinto.

Wilder kicked the door open and an unexptedly tranquil, pleasant sensation welcomed her. He then nudged the door closed behind him, carried her to bed and laid her down.

"Sleep, sweetheart. I'll be back. If you need clothes, they're in the closet."

Tumango siya rito at nagpasalamat.  Kinintalan nito ng halik ang kanyang noo bago tuluyang lumabas ng silid.
Siya naman ay naiwang nakamasid sa kisame, ramdam ang kagalakan na pumupuno sa kanyang dibdib.

Balak niyang hintayin ang binata hanggang sa bumalik ito. Having him beside her could light her up inside and it would always give her a serenity that could calm her even in the middle of the fiercest storm.

Tumayo siya at tinungo ang closet. Balak niya munang mag-shower bago malayang humiga sa kama. Ngunit habang naghahanap ng maisusuot ay may isang maliit na box na kumuha ng kanyang atensyon. It was in the farthest and darkest corner of the closet.

Out of curiosity, she bent down and reached for it. Nang buksan niya ito ay lumantad sa kanya ang iba't ibang larawan. Litrato iyon ng isang lalaking sa tingin niya'y nasa early forties palang nito. The photos were out of date, kung kaya't halatang luma na ang mga iyon.

Napalunok siya. Hindi na kailangan pang magtanong kung sino iyon. It was Wilder's father. Magkahawig ang dalawa at hindi ikakailang mag-ama ang mga ito. Hindi niya maatim na tingnan ang mga litrato dahil iyon ang taong nagtatangka sa buhay ng binata, ngunit may isang litratong tumawag ng atensyon niya.

Kinuha niya iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtanto at makilala ang batang babaeng akay ng ama ni Wilder.

Bigla ay nabitawan niya ang larawan. Her hand flew to her mouth as she gasped aloud in terror. Napahakbang siya patalikod. Her muscles became tensed and her whole body started to quiver. Her eyes widened in dread and they transformed into dark pools of fear.

The little girl in the photo was her.

FLASHBACK

Nagbabasa siya ng isang libro habang kumakagat sa mansanas na hawak niya sa kabilang kamay. It was a book written by John Dewey, Democracy and Education.

Sa murang edad ay kaagad na namulat siya sa realidad ng lipunang kanyang kinabibilangan. His deceased father was the one who taught her about the basic principles of justice, education and many more.

Palagi siya nitong sinasama sa mga charity works nito. Marami na rin siyang nadaluhang social gatherings kasama ang mga magulang.

Habang nagbabasa ay naulinigan niya ang pagdating ng isang sasakyan. Ang maid ang nagbukas niyon, at mula sa second floor ay nakita niyang pababa sa hagdan ang kanyang ina, nakabihis nang marangya.

"Come here, Althea. I want you to meet somebody," yakag nito sa kanya.

She peeled herself off the couch out of sheer curiosity. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang bihis ng ina. Tila ito dadalo ng isang party, samantalang siya ay nakapangbahay lang.

"Who?" tanong niya habang papalapit dito.

Matamis siya nitong nginitian at hinagkan ang ibabaw ng kanyang ulo nang makalapit siya rito. "It's a surprise!" wika nito sa masayang tinig.

Simula nang pumanaw ang kanyang ama ay noon niya lamang nakitang muling ngumiti nang abot sa mata ang ina. That radiant smile was surely better than the forced ones.

Inakay siya nito papalapit sa nakaawang na pinto. Tuluyang binuksan iyon ng maid at humantad sa kanyang paningin ang pigura ng isang ginoo na nakasuot ng coat.

Sa unang pagkakataon palang na makita niya ito ay kinutuban na siya nang hindi maganda.

"Althea, meet your Tito Alessio. He's a good friend of mine and of your father's," nakangiting sambit ng kanyang ina. Ang lalaki naman ay matiim siyang pinagmasdan bago pormal na nagpakilala.

Ayon dito ay nakilala na siya nito noong mas maliit pa lamang siya. Pinili niyang hindi umimik dahil hindi niya kaagad nagustuhan ang aura nito.

Simula nang dumating ito sa kanilang buhay ay nawalan na ng oras ang ina para sa kanya. Ayos lang sana kung nag-eenjoy ito, ngunit ayon sa kanyang naririnig ay maraming requests si Alessio sa kanyang ina tungkol sa business matters.

Hindi niya pa masyadong maintindihan ang mga iyon dahil sa murang gulang. Ilang araw na niyang nakikitang stressed ang ina. Natutuwa naman ito tuwing ikukuha niya ito ng baso gatas at ihahanda ang bathtub para sa pagligo.

Sa paglipas ng araw ay mas lalo niyang napapansing pagod at nahahapo ang ina. Minsan din ay nakikita niya si Alessio na dumadalaw at nagdadala ng mga prutas at bulaklak. At sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya na lang niya pinapansin.

"Mom, I think you should stop meeting with that person. Hindi ko siya gusto," aniya isang araw sa ina.

"My dear daughter..." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Don't worry, he's a nice guy."

Natahimik na lamang siya. Habang tumatagal ay mas lalo siyang napopoot kay Alessio sa hindi malamang dahilan...

Isang gabi ay nagising siya at natagpuan ang sarili na nasa loob ng isang sasakyan. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya at binalot ng kaba ang dibdib.

Napabalikwas siya ng bangon at nakita ang driver na nakatakip ang mukha. Sa katabing upuan ay mayroon pang isang lalaki na kagaya ng nasa kaliwa ay nakakubli rin ang mukha.

"W-where am I!" she asked in dread as fear started to engulf her. Nailibot niya ang tingin sa paligid. Tinted ang mga binatana at walang makakita o makakarinig man lang kung magtatangka siyang humiyaw. Idagdag pang gabi na at umuulan.

"Relax lang. Nautusan lang kami," bored na sagot ng driver.

"Ibaba niyo 'ko!" Sa pinaghalong galit at kaba ay dinaluhong niya ang driver at kinagat ito sa balikat. She was willing to try every means para makaalis at makalaya sa sitwasyong kinasusukdulan.

"Aba't tarantado!" Napatili siya nang sabunutan siya ng isang lalaki at pabalyang binalibag pabalik sa upuan. Sa lakas ng puwersa nito ay tumama ang kanyang ulo sa tinted na bintana.

"Huwag kang magulo riyan at baka mabaril kita! Tangina, ang sakit! Hayop!" asik ng driver sa kanya.

Humalinghing siya sa sakit. Ang likod naman niya ay tumama sa lever ng pintuan. Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata. She was only 15 years old.

"I don't want to die..." she mumbled between constant sobs. Masakit ang ulo niya at tila umiikot ang kanyang paningin. Para ring hinahalukay ang tiyan niya sa takot.

Iniisip niya kung bakit siya naroon. Ang huling pagkakatanda niya ay natutulog siya sa silid. Hindi rin niya mawari kung sino ang magbabalak na ipa-kidnap siya. She had done nothing wrong to punished that way.

Ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyan. Pumapalahaw siya nang marahas at sapilitan siyang ibaba ng dalawang lalaki. Pilit siyang nagpupumiglas upang tumakas.

"Bitiwan niyo 'ko! Bitiwan niyo 'ko!"

Dumaing na naman siya nang isang suntok ang natanggap niya mula sa isang lalaki. Nalasahan niya ang dugo sa kanyang mga labi. Mas lalo pa iyong humapdi nang dahil sa mga luhang patuloy ang pag-agos.

"So the Alatorre Princess is here."

Alessio...

Hindi siya puwedeng magkamali. Ito amg nagmamay-ari ng tinig na iyon. Bago tuluyang manlabo ang kanyang paningin ay narinig pa niya ang huling mga kataga nito.

"Welcome to your new home, Althea. Welcome to Sta. Monica."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro