Entry #4: Project Loki: Blue [AgosTula]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kwentong huling binasa: Project LOKI: LOCKDOWN ni AkoSiIbarra

Kulay ng damit: Asul

———

Project LOKI: BLUE
Tula ni: LittleMissyMe27

I.
Nagising na lang isang araw na hindi na na-e-enjoy ang bawat araw,

Umaasa't naghihintay na ito'y matuldukan na balang araw,

"The things we used to enjoy?" Sa isang iglap naglaho bigla,

"The things that we took for granted?" 

Ngayo'y nawala mga bagay na binalewala habang tayo'y malaya.

II.
Mahirap hanapin ang mga bagay na tila nakasanayan mo nang gawin,

Ito ang reyalidad na nararapat mong yakapin,

Tunay ngang nakakapagpababago ang lahat ng mga nabago,

Maging ikaw mismo na nagbabasa nito ay kusang binago ng pandemyang ito,

 Maging ang iyong pananaw at estado.

III.
Likas sa tao na unahin ang sarili upang mabuhay sa gitna ng krisis na tulad nito,

Dala ang superyoridad na tuluyang pumagitna na sa bawat tao,

Ganito ko na lang ilarawan ang sangkatuhan habang naiipit kami sa isang school lockdown,

Kung saan dito na nagsimulang umikot nang tuluyan ang buhay naming sanay sa luhong kinagisnan.

IV.
"We have no choice, do we?" tama, wala kaming karapatang magreklamo,

Pareho lang kaming biktima rito't naiipit sa sitwasyong hindi naman namin talaga ginusto,

Ang mga karansan ko ngayo'y tunay na tinuturan ako,

Habang lumilipas ang mga araw sa quarantine ay tila'y may mga bagay na noon ko pa dapat  napagtanto.  

V.
"Maging ako, nagsasawa na rin sa ginagawa namin;" Ganito  nalamang noon ako kung magreklamo,

Ano nalamang sa kasalukuyang sitwasyong ito, na kinakailangang manatili rito?

Ang paulit-ulit na ginagawa mo'y sa isang limitadong paligid lang umiikot? Hindi ba't nakakasawa't nakakayamot?

Hindi tayo nalalayo sa isa't isa; sitwasyon mo't sitwasyon ko'y walang pinagkaiba.

VI.
Nakita mo na? Ganito talaga ang kalabisan ng tao! Ito'y seryoso't sana'y madama mo!

Sa dagok na'to masusukat ang hangganan ng tao,

Lalo pa't ang isipan ng mga narito'y sariling karapatan lang ang ipinaglalaban,

Sinasabi ko sa'yo, nagsisimula palang gumulo at  ang wakas ay hindi pa ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro