CHAPTER 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 3

"WHERE are we going, Xyrex?" I asked.

Oh my, what if dalhin niya ako sa isang warehouse tapos doon ako pagsamantalahan?!

"Can you stop that?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko siyang nagsalita.

"Huh?" I blinked, twice.

"I said, can you stop that?" Bahagya pa siyang lumingon sa akin kaya muling nagtama ang aming mga mata.

Oh, such sparkly green eyes. My hazel eyes are envious of them.

"Stop what?" I asked, clueless about what he is pertaining to.

"That," he said, "You are overthinking." He stopped, so I stopped too.

"Eh?" Lutang na tanong ko.

I was mesmerized by his sparkly green eyes and I didn't even understand what he was saying. I was just here...standing like an innocent child while staring at him.

My mouth parted when I heard him chuckle. It feels like I am seeing an angel.

Wait, what?! What am I saying?!

"Stop overthinking, I'm not gonna hurt you, 'kay? Gusto ko lang makuha ang bayad ng utang mo sa akin, " He slowly said, like he is explaining to a kid. Napasimangot ako dahil sa ginawa niya.

Abnormal ba 'to? Do I look like a kid? I mean, yeah, I look young but I am already a teenager! A 16 years old girl to be exact!

"Oh...kay." Tumikhim ako bago siya hinila papunta sa isang stall na nagtitinda ng mga street foods.

Hindi naman siguro siya mapili, ano?

"Magandang hapon sa inyo, hija," bati ni Manong tindero. Lumipat ang paningin nito sa lalaki. "Oh, Luther, hijo! Mabuti naman at nadalaw ka muli dito sa pwesto ko!" Masayang saad ni Manong, bakas sa mukha nito ang galak na makita ang lalaking katabi ko.

Magkakilala pala sila? Edi wow.

Mula sa gilid ng aking mata, I saw Xyrex raised his hand. "Oo naman po, 'Tay! Aba ako kaya ang favorite suki mo! Isang apir nga d'yan!" He exclaimed. Kaagad namang itinaas ni Manong ang kamay nito't nakipag-apir.

Malakas na napahalakhak si Manong. "Oo, paboritong suki kita. Minsan hindi nagbabayad, madalas kuripot." I almost laughed when Manong said that.

"Manong! Huwag mo naman akong binubuking!" Reklamo ni Xyrex. I even saw his ears and cheeks reddened. I bit my lower lip to suppress my smile.

Cute...pero baka rapist.

"Oh, sino pala itong kasama mo, hijo?" Baling sa akin ni Manong. "Pasensya ka na, hija, na-miss ko lang itong batang ito dahil halos dalawang linggo ko na itong hindi nakikita."

"Ah, no worries po. It's fine, take your time to talk po." I flashed him a small smile. My mouth parted when I realized something.

"O-Oh my, how rude of me. I forgot to introduce my name." I giggled. "I am-" before I could say my name, Xyrex butt in.

"Ah, Manong Gab, ito pala si Selennia Iccen Coftia, you can call her Selenn." Nakangising sabi niya. Napansin ko din na bawat pangalan ko ay parang madiin niyang binibigkas, it was like he was emphasizing my name.

Gulat akong napatingin sa kanya. My mouth formed an 'O' after hearing him say my full name.

How did he...I can't even remember that I said my full name to him!

"How did you know my full name?" Kunot noo na tanong ko but he just gave me a wink.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang pumalakpak si Manong at may malawak ngisi. "Masaya akong makilala ka, hija! Ako nga pala si Gabriell Jacinto, tawagin mo na lamang akong Tatay Gab." He extended his hand, offering a handshake. It would be rude kung hindi ko tanggapin ang kamay, so I reached his hands.

"Nice meeting you po, Tatay Gab," I said with a smile.

"Oh siya, siya, kumuha na kayo ng pagkain ninyo baka nagugutom na kayo. Magluluto muna ako," paalam ni Tatay Gab.

Kumuha ako ng isang large cup at pumili sa mga naka-display na pagkain. I took some kikiam, fishball, squidball, and kwek-kwek.

I miss this!

Nang matapos kong kumuha, tinignan ko saglit ang cup ko na puno na. Napanguso ako at napaisip.

Puno na agad. Sayang gusto ko pa naman kumuha ng siomai at sausage, balak ko pa dagdagan 'yong kwek-kwek. Kaso...baka hindi ko maubos.

Nakasimangot akong kumukuha ng sauce at paulit-ulit na sumusulyap sa pagkaing naka-display. Hindi ko napansin ang kasama ko kanina dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga pagkain.

Maybe next time na lang.

Kumuha din kami ng maiinom. I ordered gulaman while Xyrex ordered pandan.

"Magkano po lahat? Kasama na po 'yong sa kanya." Matamlay na tanong ko.

"Ah, bali 150 lahat, hija."

Napatunghay ako dahil sa narinig. "Wow! It's so cheap!" Rinig kong napatawa ang dalawang lalaki na kasama ko dahil sa tinuran ko.

Xyrex messed my hair before pinching my cheeks. "Ang cute mo!" Hindi naman madiin ang pagkakapisil niya sa pisngi ko pero hindi ko maiwasang mapangiwi.

Mukha ba akong aso para maging cute?

I took out my wallet. Mangiyak-ngiyak akong nagbayad kay Manong dahil pakiramdam ko hindi ko nasulit ang street foods na nabili ko dahil hindi kon nakuha 'yong gusto ko.

After I paid, we went to a small Park. Tumambay kami doon habang kumakain. Hindi ko maiwasang mapaulit-ulit na sumulyap sa kanya dahil baka mamaya gawan niya ako ng masama.

Mahirap na, dapat laging ready.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil seryoso ang mukha nito. Gone the good boy and happy-go-lucky aura.

Nataranta ako nang lumingon siya sa akin, he offered his food to me. "Gusto mo?" Pasimple kong tinignan 'yon. Kuminang ang mga mata ko nang makita ang laman no'n.

OMG! Siomai and sausage!

"Napansin ko kasi kanina na paulit-ulit kang tumitingin sa naka-display na siomai at sausage so I took some." He smiled a bit. Malawak akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Kumuha ako ng kaunti at masayang kumain. "Salamat!" I exclaimed.

"Okay lang, pera mo naman 'yan, eh." Napahinto ako sa sinabi niya at nabilaukan kaya ang magaling na lalaki ay tawa ng tawa.

Why did I even forgot that I paid for his food?!

Sinamaan ko siya ng tingin at sumimsim sa gulaman ko.

He's so...Argh!

Matapos 'yon ay wala nang nagsalita sa aming dalawa. We just...ate. After that, we went home.

Sinundo ako ni Daddy and good thing hindi niya naabutan si Xyrex baka mamaya may maisip na kung ano si Daddy.

NIGHT came and I am currently talking to my friends through video call. Napasimangot ako nang maalala ko ang ginawa nilang pang-iiwan sa akin.

"Sorry, sis! Si Diancia kasi! Hinila ako bigla nang matapos sabihin ni Luther na siya na maghahatid sa'yo!" Kiara said.

"Well, I'm sorry! He's so scary kaya! I almost lost my balance when he spoke! Para siyang nagbabanta" Diancia said, cupping her cheeks.

Napapitik naman si Kiara sa ere. "Ay true, ramdam ko kanina, sis! Ang skeri. Ang cold niya, girl!"

I blinked at them. "Parang hindi naman..." Mabait naman siya sa akin...parang.

Diancia rolled her eyes. "Gaga, anong hindi?! Eh, isang badboy 'yon! A rebel to be exact! And oh, he's a playboy too! I even heard that he has a lot of girls. Marami na ring na-ospital dahil sa kanya and most of them are bugbog sarado and bali-bali ang ibang part ng katawan." Namutla ako dahil sa sinabi niya.

Oh my! He's really a baddie!

Kiara gasped dramatically. "Hala! OMG! Girl, iwasan mo 'yan! Selenn, I'm telling you baka mapahamak ka!" Dala ng takot ay sunod-sunod akong tumango sa kanya.

I should really avoid him.

SA sumunod na araw ay ginawa ko nga ang payo ng mga kaibigan ko. Sa lumipas na unang araw ay wala naman ako gaanong naging problema dahil walang pakalat-kalat na Xyrex sa school but the second day he came back and he saw me! It's a good thing na medyo crowded ang Canteen noon kaya nakaiwas ako sa kanya.

Naging gano'n ang routine ko sa isang linggo. Tuwing magkikita kami o magkakasalubong ay iiwas ako o kakausap ng ibang students kahit hindi ko kakilala sabay magpapalaalam tapos diretso karipas ng takbo.

Akala ko ay diretso nang magiging gano'n ang routine ko sa araw-araw but I'm wrong. I didn't expect that May 10 would be the end of me.

After our first afternoon class, nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta muna sa washroom.

"Are you sure kaya mo?" Kiara asked, worried of me.

"Samahan ka na namin! Baka mamaya bigla na naman siyang sumulpot!" Diancia suggested pero tinanggihan ko.

"Its fine, guys. Kaya ko ang sarili ko."

I went to the washroom and did my thing. Hindi ako gaano nagtagal sa C.R. dahil baka dumating na ang next subject teacher namin. Matapos ko maghugas ng kamay ay lumabas na ako.

"Oh my God!" Napasigaw ako nang malakas nang biglang sumulpot si Xyrex sa harapan ko na may seryosong mukha Namutla ako at napalunok.

What am I gonna do?

"Iccen..."

Napaatras ako nang humakbang siya sa akin palapit. Atras ako nang atras at siya nama'y lapit ng lapit hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na pader.

He placed his arms on the wall, caging me.

"W-What are y-you doing?" I stuttered because of nervous and fear. Halos maiyak na ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Ramdam ko ang mainit at amoy mentol na hininga niya na tumatama sa mukha ko. Hindi ko napansin na naiyak na pala ako. Napayuko ako at napakagat ng aking ibabang labi para pigilan ang malakas na hikbi.

He's scary!

"Hey..." malambing na aniya. "Hush, I won't hurt you..." Gamit ang isa niyang kamay, held my chin at itinaas niya ang mukha ko.

He brushed my tears away while murmuring, "I won't hurt you."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako nito. I felt him embracing his arms on my waist. Siya na rin mismo ang nagbaon ng aking ulo sa leeg nito kaya malaya kong naamoy ang mabango nitong amoy.

Instead of feeling scared, I felt safe and comfort in his arms.

What is happening to you, Selenn?

Lumipas ang ilang minuto kaming gano'n hanggang sa siya na mismo ang kumalas sa yakap. He slowly cupped my cheeks and wiped all my dried tears using his thumbs.

"Are you okay now, hmm?" Malumanay na tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango bilang sagot, tulala lamang ako sa kanya.

"I have a question for you...bakit ang uhugin mo?"

What the...is he even serious?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro