CHAPTER 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 4

"WHAT?!" Malakas na singhal ko sa kanya.

Buong pwersa ko siyang tinulak sa dibdib. Malakas itong napahalakhak. Pinaghahampas ko siya sa kanyang balikat ng buong lakas. Wala na akong pakielam kung masaktan man siya.

Nakakainis talaga itong lalaking 'to! Ako? Uhugin?! How dare he!

"I was just kidding!" He exclaimed. Imbes na pigilan ako kakahampas sa kanya, umiiwas lang siya..

Kidding my face!

Out of irritation and frustration, I shrieked at him then walked out. Binuksan ko ang pinto ng C.R. ngunit bago pa man ako lumabas ay liningon ko siya na sana ay hindi ko na ginawa pa.

I saw him there, lying down on that cold floor and laughing his butt out. Pagulong-gulong siya sa sahig habang hawak ang tiyan nito. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa itsura nito ngayon.

Badboy ba talaga ito? Bakit mas papasa pa siya bilang abnormal?

I pursed my lips before leaving the washroom. Balak ko na sanang bumalik sa classroom nang bigla akong harangin ng dalawang lalaki kaya wala sa sariling naihakbang ko paatras ang paa ko dahil sa gulat.

"Miss! Nakita mo ba si Luther?" Tanong sa akin ng isang lalaking may ash grey eyes at buhok na kulot at kulay orange.

Weird but he looks cute. Para siyang ginger man.

"Luther? Ah...yes. He's in the..." Ngumiwi ako bago itinuro ang pintuan ng C.R.

Napanganga naman ang dalawa nang makita ang sign na girls C.R 'yon. "Ha? Anong ginagawa niya doon?" Takhang tanong ng isa pang lalaki na may kulay brown na buhok at kulay asul na mata.

Tumikhim ako bago sumagot. "He's uh..." umiwas ako ng tingin at binulungan sila. "Nilalampaso niya ang sarili sa sahig."

"Ha?" They looked clueless and confused on what I said so I let out a sigh before signaling them to follow me, sumunod naman sila sa akin.

Bumalik ako sa C.R at hinawakan ang sedura ng pinto saka ito pinihit. Bumungad sa amin ang nakahigang Xyrex sa malamig na sahig habang nagpipigil ng ngiti. Nilapitan namin siya.

"What the fuck, bro?!"

"What the...what happened to you?!"

I saw how Xyrex's green eyes widened because of shock. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo.

"Holy shit!" Mura niya sabay tayo ngunit sadyang minamalas 'ata siya ngayon. Nadulas siya at sakto namang hindi naka-lock ang isang cubicle kaya bumukas iyon at napaupo siya sa inidoro.

Napahagalpak kaming tatlo dahil sa nangyari. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin si Xyrex at bakas sa mukha nito ang kahihiyan.

"Sis! Selenn! Where are-holy mother of God! What the hell happened here?!" Sabay-sabay kaming napalingon sa nakaawang na pinto ng C.R.

We saw my friends, Kiara and Diancia there, standing while covering their mouths.

"Holy hell! Totoo ba itong nakikita ko?" Hindi makapaniwalang saad ni Diancia. "Ang sikat na badboy ay nandito sa C.R. ng mga babae at nakaupo sa toilet?" Pigil tawa niyang saad.

Linapitan ko si Xyrex habang nagpipigil pa rin ako ng ngiti. I can hear him muttering some bad words at mula sa pwesto ko ay kita ko ang pamumula ng tainga niya.

"A-Are you...okay?" Hindi ko na maiwasang pumiyok dahil sa pagpipigil ko ng tawa.

"Don't l-laugh!" He hissed.

I shook my head. "I-I'm not!" I made a small 'pft' sound and ended up laughing as well.

"Shit, shit, shit!" Mura pa ni Xyrex.

"A-Ang clumsy mo!" I exclaimed.

"N-No! H-Hindi ako lampa!" Kasabay ng pagsigaw niyang 'yon ay tumakbo siya palabas ng C.R.

We even saw him almost tripped while running which made us laugh even more.

Ilang minuto rin ang lumipas bago kami kumalma. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Uh, so..." I trailed off.

"Ah, I forgot to introduce myself. I am Saggittarius Xecandro Romano, you can call me Tarius." The orange man extended his hand. Tinanggap namin iyon ni Kiara but Diancia didn't.

"I am Wence Vios Gazen." The man with the blue hair also offered his hand. I accepted him hand same as Kiara but Diancia didn't.

"Yeah, yeah. Whatever, no one asked anyway," maarteng saad nito. Pasimple naman siyang siniko ni Kiara.

"Hindi naman kasi kami sa'yo nagpakilala, sa kanila kaya." Turan naman ni Tarius.

Tumaas ang kilay ni Diancia sabay sabing, "Tinatanong ko ba?"

"Hey, hey, tone that spicy attitude a bit, Ma'am." Wence interjected.

"Excuse me? Do I looked like a teacher for you to call me Ma'am?! I have a name, Mister I-don't-care-whoever-you-are and it's Diancia! God!" She flipped her hair then walked out.

Kiara looked at them. "Na'ko, pasensya na kayo sa ugali ng babaeng 'yon." She said chuckling. "By the way, I am Kiara and this is my friend Selenn."

I wave at them then flashed a small smile.

"Hi! Nice to meet you both!" I said. "What if we hang out a bit later? Maybe after class? If you're not busy though."

Napapalakpak naman si Kiara dahil sa sinabi ko. "OMG! That's a great idea!" Masayang aniya.

"Sure," Tarius said.

"Sige, kitakits na lang sa Oval mamaya!" Ani Wence.

After the short conversation, we bid goodbyes. Bumalik kami sa classroom, medyo pinagsabihan kami dahil 15 minutes na pala kaming late. Mabuti na lang si Ma'am Yena ang teacher namin, kagaya ni Sir Tery, mabait din si Ma'am Yena.

CLASSES have just ended. Nagpaiwan ako saglit at pinauna na sina Kiara dahil cleaners ako. Mag-isa lamang akong naglilinis dahil tumakas ang mga dapat na kasama ko.

Medyo nakakainis but it's fine. I can handle this.

Matapos kong maglinis, mabilis akong kumilos at kinuha ang mga gamit ko. Lakad-takbo na ang ginawa ko para mas mapabilis ang pagpunta ko sa Oval.

Nakakahiya naman. Ako ang nagsabi na magkita-kita pero ako pa itong late.

"Guys! Sorry for being late!" Bungad ko sa kanila ngunit hindi ko nakuha ang atensyon nila dahil mukhang nag-aaway-away sila.

Napatingin ako sa dalawa; kina Tarius at Diancia na nagsisigawan.

"Ang kapal ng apog mo, Miss!" Tarius pointed at her but Diancia slapped his hand.

"Me?!" Diancia snorted. "Ako pa talaga? Sige nga, define apog!"

Napahinto naman si Tarius at napaisip. "Mukha na lang pala."

"Then define mukha!" Diancia smirked.

"Mukha mo..."

Diancia blinked. "Ha? What's with my face?"

"Pangit." Tarius laughed.

Dinampot ni Diancia ang sling bag niya saka ito ibinalibag kay Tarius na tawa ng tawa. "Tangina mo, gago! Fuck you! Maubusan ka sana ng hininga!"

Wence and Kiara on the other hand are chasing each other endlessly.

Umatras ako ng kaunti nang muntik na nila akong masagi. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin ni Kiara ang sapatos niya at walang sabi-sabing ibinato ito kay Wence. Tinamaan naman ang lalaki sa likod.

Oh my...what a disaster!

"Gago! Ang init! Aray! Aray!" Patalon-talon si Kiara.

Paniguradong mainit talaga 'yan. Nasa Oval kami, eh. Maghapong babad ang araw d'yan.

Tumawa ng malakas si Wence, halatang inaasar si Kiara. "Deserve! Karma hits-Aray!" Napahawak si Wence sa tagiliran niya nang matamaan siya ng maliit na batong inihagis ni Kiara.

Napapangiti na lang ako dahil sa mga pinaggagawa nila pero hindi ko rin maiwasang mapangiwi.

I am expecting a good circle of friendship but it turns out...they're all Takas Mental.

Napakamot ako sa ulo ko bago lumapit sa kanila at sinubukan silamg awatin.

Ladies and gentlemen, I am introducing to all of you the Takas Mental Squad! Where bardagulan can happen any time and any place.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro