5: Jeff

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Jeff

Garnet

Uminat ako at napadilat ng malaki ng makarinig ng tilaok ng manok at maramdaman kong may nakayakap sa'kin. Teka anong oras na ba? Nakayakap pa rin sa'kin si JB?

Humarap ako kay JB at nakita ko yung mukha niyang mala-angel. Sana tulog na lang siya palagi para ganyan yung itsura niya.

Pero teka, anon oras na ba?

"JB. Gising." Ginising ko siya at agad naman siyang nagising pero nakayakap pa rin siya

"Bakit?" Tanong niya habang nakahiga at naningkit pa rin ang mga mata

"Anong oras na? May pasok pa." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakadilat pero sobrang singkit

"Seven na yata."sagot niya habang ganun pa rin ang posisyon. Napadilat ako ng napakalaki at napa-upo.

"JB gumising ka nga! May pasok pa! Hindi tayo makakapasok sa ginagawa mo eh!" Sigaw ko sa kanya at niyuyugyog siya. Pero dahil mas malakas siya sa'kin dahil lalaki siya, hindi ko siya mahulog sa higaan niya. At imbes na matulak siya, hinatak niya ako at napahiga ulit sa tabi niya sabay yakap sa'kin.

"Matulog ka. Aalis tayo pagkatapos nating kumain ng almusal." Sabi niya at natulog

*~~~~*~~~~*

Nandito na ako sa kwarto ko, nag me-make-up. Paano ba naman kasi, aalis daw kaming dalawa at pinasuot sa'kin yun blue na off-shoulder na dress na lagpas ng konti sa tuhod ko. Pinag make-up niya ako at pina kulot pa ang buhok ko kay manang loleng na kasambahay din nila. Ano bang trip nitong lalaking 'to?

"Hoy babae bilisan mo diyan nagugutom na ko! Mahaba ang biyahe kaya bilisan mo!" Paulit-ulit niyang sigaw

"Teka ito na!" Sigaw ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko naman siyang naka tuxedo na black. Bagay sa kanya yung suot niya. Nakita ko namang napa nganga siya paglabas ko.

"JB baka may makapasok na langaw diyan sa bunganga mo." Sabi ko at agad niya naman itong isinara at pareho kaming natawa

JB

"Teka ito na!" Sigaw niya at binuksan ang pinto ng kwarto. Is she Garnet? Grabe she loks gorgeous and beautiful. I can't believe it's her.

"JB baka may makapasok na langaw diyan sa bunganga mo." Sabi niya at agad ko naman itong isinara at pareho kaming natawa. Hindi ko namalayan na napa nganga na pala ako.

"Ha-halika n-na s-sa kotse." Utal kong sabi at hinawakan ang kamay niya papuntang kotse. Teka, bakit ba ako nauutal? Eh diba si Garnet lang naman 'to? Nothing's special. Sinama ko lang siyang kumain sa labas dahil alam kong pupunta si mama para pagalitan kaming dalawa kung bakit hindi kami pumasok.

Nagsimula na akong mag drive papunta sa restaurant na kakainan namin.

"JB, saan tayo pupunta?" Tanong ni Garnet na nasa tabi ko naka-upo

"Sa restaurant. Dun muna tayo kakain. Nag pa reserve ako kanina." Sagot ko ng nakatingin lang sa daan. Ayokong tumingin sa kanya. Baka ma-distract ako, at lalo na baka masagasaan kami.

"Bakit ba ang tagal mo? Alam mo bang isa't kalahating oras ang biyahe papunta dun?" Pagputol ko sa katahimikan

"Pinag make-up mo pa kasi ako eh hindi naman ako mabilis mag make-up. At tsaka pwede naman kasi tayong kumain sa bahay bakit aalis pa tayo. Akala mo ikaw lang ang gutom? Ginutom ako dahil ilang beses namali yung make-up ko." Sabi niya

"Edi kung ganon ilang beses ka palang nag mukhang annabelle at penny wise?" Pang-aasar ko sa kanya sabay tawa. Sinuntok niya naman ang kanang braso ko dahil sa inis niya.

"Pero bakit ba tayo aalis sa bahay niyo?" Seryoso niyang tanong

"Sigurado akong susugurin tayo ni mama dahil hindi tayo pumasok." Sagot ko at natahimik siya. Awkward.

Garnet

Nang makarating kami sa restaurant, agad kaming pina-upo sa may dulo dahil iyon ang naka reserve para sa'min.

"Bakit ba ito pina-suot mo sa'kin? Eh pwede namang hindi." Reklamo ko sa kanya

"Paki mo?" Pag susungit niya dahilan para irapan ko siya

"Punta lang ako sa cr." Pagpapalam ko at nag punta sa banyo. Nag-ayos ako ng sarili ko at naghugas ng kamay.

Paglabas ko may nabunggo akong lalaki, mabuti na lang at nasapo niya ako. Pero mas mabuti palang hindi na lang.

"Garnet. Is that you?" Tanong niya

"J-jeff?" Utal kong tanong "Ma-una na ko." Sabi ko. Akmang tatakbo na ako ng hatakin niya ang balikat ko dahilan para mapaharap ako ulit sa kanya.

"J-jeff!" Sigaw ko. No, not again. Please.

"You're going with me." Sabi niya at hinatak ako

"JEFF!" Sigaw ko. Medyo malayo ang kinatatayuan ko sa lamesa namin ni JB. Marami mang nakatingin sa'min, wala ni isa ang tumulong. Siguro akala nila, away mag jowa. Tss.

"Tulong!" Sigaw ko pero wala pa rin talagang tumutulong, kahit pa staffs.

"JB!! JB!!!" Paulit-ulit kong sigaw

Sa sobrang lakas ni Jeff, natangay niya ako. Pero nasa may gitna kami ng restaurant ng may biglang humatak sa kanya at sinuntok siya.

"JB." Mahina kong sabi

Lumapit si JB sakin at hinarangan ako. Sinuntok siya ni Jeff at nagpalitan sila ng suntok. Napalayo ako sa kanilang dalawa pero hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko silang pigilan pero malakas silang dalawa at parehong matatangkad, baka ako ang masapak, sira ang make-up ko.

Sinuntok ng napakalaka ni JB si Jeff dahilan para mapahiga ito at hindi na makalaban. Nilapitan ako ni JB at tinanong kung okay lang. Tumango ako bilang sagot.

"Who the hell are you?!" Galit na sigaw ni Jeff kay JB

"I'm the son of the freakin' owner of this restaurant!" Pasigaw na sagot ni JB

"Ah. So you must be JB." Sabi ni Jeff at dahan-dahang tumayo "Hindi pa tayo tapos."

"Guard! Paalisin niyo nga yang tarantado na yan!" Sigaw ni JB at tinulungan ng guard na umalis si Jeff

"Hoy. Eto na bayad ko. Keep the change." Sabi ni JB sa babaeng staff

"Pero--" hindi pinatapos ni JB yung babae

"Wala akong pake sa pagkain na nakahain sa lamesa namin. Kung gusto mo, kainin mo." Sabi ni JB at hinatak ako palabas sa restaurant

"Ayos ka lang?" Tanong niya paglabas namin at hinawakan ang magkabila kong pisngi

"O-okay lang." Sagot ko habang napakalakas ng tibok ng dibdib ko

"Sino ba yung lalaking yun? Bakit ka niya hinahatak? Magkakilala ba kayo?" Tanong niya habang nakapamulsa

"Ah-eh. Wa-wala yun. Wag n-na natin siyang pa-pag-usapan." Utal kong sabi

"Sabihin mo sa'kin. Bakit ayaw mo siyang pag-usapan?"

"JB..." Hindi ko napigilang maiyak dahil sa nakaraan. Ayoko nang bumalik dito. Ayoko na. Ayoko. Ayoko sa kanya. No.

Niyakap ako ni JB at pinatahan.

"Mu-muntikan n-niya na k-kong i-rape." Utal kong sabi habang umiiyak. Ramdam kong nagulat siya at nagalit dahil humigpit ang pagyakap niya sa'kin.

"Shh. Don't be afraid. Remember, hangga't humihinga pa ko, walang pwedeng manakit sa'yo, dahil akong bahala sa'yo."

*~~~~*~~~~*

Na sa kotse na kami at nag da-drive siya. Traffic kaya mga ilang oras kami dito. Binili niya ako ng tubig at tinapay kaya medyo nahimasmasan na ako. Pero hanggang ngayon, napaka seryoso ng mukha niya at mukhang galit pa. Kanina pa din kami hindi nag-uusap kaya napaka awkward.

"Pag-aari ni tita Isabelle yung restaurant?" Tanong ko

"No. Sa tarantado kong ama yun." Sagot niya pero nakatingin pa rin siya sa daan

"Ah." Tanging nasambit ko "Ano pangalan ng papa mo?"

"He's freakin' name is Isaac Bernardo Reezzer."

Isaac Bernardo Reezzer? Pangalan yun ng tatay ni Jeff ah.

"Ba't parang takang-taka ka?" Tanong niya

"Eh kasi, pangalan yung ng tatay ni Jeff." Sagot ko pero hindi siya nagulat

"Siya siguro yung anak ni Isaac Reezzer na walang kwenta na yun." Sabi niya. Napakalaki ng galit niya sa papa niya, and now, pati kay Jeff.

"Tabi tayong matutulog." Nagulat ako sa sinabi niya

"H-huh?"

"Ayokong iwan ka, baka kung anong mangyari sa'yo. Knowing my father, he will consider his son kahit pa alam niyang mali. Baka tanungin ni Jeff si Isaac kung saan yung bahay natin at puntahan ka sa kwarto mo. I'll need to make sure that you're safe." Sabi niya

"Hindi na ka---"

"Garnet!" Sigaw niya dahilan para mapatahimik ako. He's so smart. I'm thankful to have him. Kahit pa nakaka bwiset yung pagmumukha niya. Lol.

*~~~~*~~~~*

Dumaan kami sa Jollibee kanina para sa hapunan kaya 8pm na kami naka-uwi. Pag-uwi namin, nakita namin si tita Isabelle na mainit ang ulo at halatang hinihintay kami. Napatayo si tita at hinarap kaming dalawa.

"Kayong dalawa! Bakit hindi kayo pumasok?! Gumawa pa kayo ng eksena sa restaurant ni Isaac! At sa anak niya pa! Ikaw Garnet! Sabi ko bantayan mo si JB pe--" pinutol ni JB ang sasabihin ni tita

"Pwede ba ma!" Umalingawngaw ang boses ni JB sa buong bahay "This is all my fault ma! Wag na wag mong pagtataasan ng boses o utusan si Garnet! Ako lang ang pwedeng gumawa nun sa kanya. Aakyat na kami ma." Sabi ni JB habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko

"And ma, from now on, tabi na kami matulog." Sabi niya at umakyat na kami. Pumasok kami sa kwarto at chineck niya ang buong kwarto pati ang banyo.

"Magpalit ka ng damit sa banyo mo, aantayin kita dito." Sabi niya at humiga

Nagpunta ako sa banyo at nagpalit ng light blue na t-shirt at pajama. Todo hilamos naman ako sa mukha ko para matanggal yung make-up sa mukha ko.

*~~~~*~~~~*

Nandito ako sa kwarto ni JB, kaliligo at kabibihis niya lang kasi kaya naka-upo pa kami pareho. Biglang tumunog ang hawak kong cellphone nang tumawag si ate.

"Hello?" Ako

[Hoy! Nagpunta si Jeff dito kanina, hinahanap ka.]

"A-anong sabi mo?"

[Sabi ko nandun ka sa isang kaibigan mo. Kaya lang nakalimutan ko pangalan eh. Hehe. Geh panget. Bye! Good night!]

Pinatay ko na ang cp ko at nilapag ito sa side table ni JB kung saan andun ang lampshade niya.

"Sino yun?"

"Ate ko" sagot ko

"Ano sabi?" Tanong niya at humiga

"Hinahanap daw ako ni Jeff kanina. Sabi ni ate wala daw ako nasa bahay daw ng kaibigan ko pero hindi niya sinabi pangalan mo." Sagot ko "Pero kinakabahan pa rin ako."

Hinatak niya ako dahilan para mapahiga ako at magkaharap kami. Nagtama ang mang mga mata at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wag kang matakot. Hinding-hindi kita pababayaan. Ikaw man ang magbabantay sakin, ako naman ang magbabantay sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro