6: Love?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Love?

JB

Nagising ako ng makarinig ako ng tilaok ng manok. Kinuha ko ang cellphone ko. Sabado na pala ngayon. Ang bilis ng araw. 6am palang kaya tulog pa si Garnet. Hindi muna ako gumising at naka yakap pa rin sa kanya.

Inaamin ko, kahit ako, natatakot akong may mangyaring masama sa kanya, natatakot ako sa posibleng gawin ni Jeff sa kanya. Kaya kagabi habang nagbibihis siya, tinawagaan ko ang guard at pina-ban siya sa village.

Tumayo ako at nagpunta sa banyo dala ang mga damit ko para maligo. Maliligo na ako para paggising ko si Garnet na lang ang maliligo.

Garnet

Nagising ako dahil may naramdaman akong basa na tumalsik sa'kin. Medyo mainit na din kaya gumisng na ako. Tumingin ako sa direksyon ni JB at nakita ko siyang naka-upo at nag pupunas ng buhok at naka black na shirt at black na pantalon. Itim at puti naman ang kulay ng sapatos niya.

"Oh gising ka na pala. Maligo ka na sa banyo ko. Sa baba tayo kakain."sabi niya at binigay sakin yung black na t-shirt at pajama ko. Binigay niya din sakin yung black na rubber shoes na binili namin. Sa cr niya ako naligo.

*~~~~*~~~~*

Dinala niya ako sa dance studio niya sa likod ng bahay nila. Nakapunta na ako dito pero hanggang labas lang. Malaki ito at halos puro salamin.

Sinaksak niya yung speaker sa phone niya at may kinakalitkot siya sa phone niya.

"Anong gagawin natin dito?"tanong ko habang naka-upo

"Baka magluluto."pang-aasar niya "Alam mo yung Teenager ng Got7?"

"Oo. Bakit? Sasayawin natin?! Alam ko sayaw nun!" I started to be hyper

"Hindi. Ako lang sasayaw." Sabi niya at inumpisahan ang tugtog at nagsimula din magsayaw. Napa pout naman ako.

Playing: Got7 Teenager (paki play o mas magandang panoorin niyo yung na sa multimedia)

Ang galing niyang sumayaw. Hangang-hanga ako sa pagsayaw niya. Halos isang linggo ko kayang prinaktis yan, eh mostly pag nagsasayaw ako ilang araw lang. Ang galing talaga! Pero kabisado ko rin yung kanta kaya napapakanta ako habang pinapanuod siya.

"Wow! Ang galing mong sumayaw ah!" Puri ko sa kanya pagkatapos niyang magsayaw

"Ikaw. Sayaw ka din." Sabi niya. Tumayo ako at plinay yung Teenager at nagsayaw. This is one of my favorite song.

*~~~~*~~~~*

JB

Nagpaalam ako na kukuha lang ng makakain sa ref. Paano ba naman kasi si Garnet ang dami nang sinayaw, wala yatang balak tumigil. Kaya ayun, kinaladkad ko papuntang kwarto ko, pero hanggang ngayon, nagsasayaw pa rin. Pasaway na mukhang bata.

Habang kumukuha ako ng mga chichirya sa kusina, nakita kong bukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto ni yaya Maria at yaya Crisan, narinig ko rin ang pinag-uusapan nila na dahilan para magpanting ang tenga ko.

"Naiinis na ko diyan kay Garnet. Masyadong pa epal! Masyadong close kay sir. Masyadong mukhang pera." Sabi ni yaya Maria at kumulo ang dugo ko

"Kaya nga eh. Akala mo kung sinong ano. Eh katulong lang din naman siya. Tsaka ganun na lang din mag-alala si sir sa kanya. Bakit kaya?" Yaya Crisan

"Because she also cares for me." Pagpasok ko sa usapan nila dahilan para mapahinto sila "Sa lahat ng naging maid dito, siya lang ang ganito trumato sa'kin. So please, stop talking about her. Or else," and I gave them an intense glare

Umalis na ako dala ang mga miryenda na kakainin namin ni Garnet.

*~~~~*~~~~*

Gabi na at tulog na si Garnet. I hugged her tight. I don't know pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. I protected her too much and care her too much. Why? Kahit sa ex ko, hindi ako ganito. Why am I doing this at her?

I feel like I can kill someone whoever tries to hurts her. What's happening?

Do I love her already?

But, no. I can't.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro