7: Confession

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Confession

Garnet

Dalawang buwan na ko kela JB, pero bigla siyang nagbago nitong buwan. Isang buwan niya na kong hindi pinapansin. Pero sa tuwing mapapahamak ako, nandiyan pa rin siya. Pag Sabado, Linggo at walang pasok lang ako na sa kanila, hindi gaya dati. Kapag na sa kanila ako, hahatiran ko lang siya ng pagkain at maglilinis ng bahay, syempre binabantayan ko din.

Sobrang cold niya sakin ngayong buwan na 'to. Kahit nga yung ibang kasambahay at si tita Isabelle nagtataka eh kung bakit sobrang cold niya daw sakin. Pero bakit ba ko magtataka? Baka all this times pina-plastik niya lang ako at napagtanto niya na mukha siyang tanga kaya bumalik siya pagiging cold, which is truly his ugali.

"Hoy. Nakiinig ka ba?" Tanong ni Snow. Na sa dorm niya kasi ako ngayon, wala yung dorm mate niya, kumain daw sa labas.

"Sorry. Ano ulit yun?" Ako

"Hay nako. Si JB nanaman ba?" Tanong niya

"Pwede ba wag natin siyang pag-usapan." Ako

"Eh iniisip mo panong hindi natin pag-uusapan. Baka naman puro JB ang laman ng bibig mo sa report natin sa Monday. Bawal absent ha. Nakamamatay." Sabi niya

"Oo na ang dami mong satsat. Alas-onse na kasi ng gabi oh. Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas para mapuntahan ko si JB." Sabi ko "Oh, ano na yung sinasabi ko."

"Eh bes, uwi ka na lang kaya ngayon. Alam mo namang hindi ka nakapagpaalam ng maayos kay JB, kahit naman hindi ka pinapansin yun pinoprotektahan ka pa rin niya 'no." Ani niya

"Eh masyado nang gabi, saan ako sasakay?" Tanong ko

"Nagpasundo ako sa tito ko, aalis kasi kami kaya andiyan na siya naka tricycle de motor. Hatid ka na namin." Aya niya at pumayag ako

*~~~~*~~~~*

Nandito na ako sa labas ng bahay nila JB, pinag-iisipan kung tama ba 'tong pinaggagawa ko. Baka kasi sigawan ako ni JB.

Pero ba't niya ko sisigawan? May pake ba siya sakin? Wala diba? Wala wala wala wala. Hindi na kami nagpapansinan. He don't care. I also shouldn't care.

Pinindot ko ang doorbell at may nag bukas ng pinto. Unlucky, it's JB. Pinapasok niya ako, pero pagpasok ko sa gate ay binulyawan niya na agad ako.

"Gabing-gabi na ah. Saan ka galing?" Tanong niya habang nakatayo sa may gate. Hinarap ko naman siya.

"Wag kang mag-alala, kasama ko si Snow, hinatid niya din ako."sagot ko

"Bakit hindi ka nag text?" Tanong niya ulit

"Bakit? May pake ka pa ba sakin?" Tanong ko pabalik

"Alam mo bang alalang-alala ako sa'yo! Kanina pa ako hindi makatulog!" Napataas ng konti yung boses niya

"Totoo bang may pakialam ka pa ba o nagpapanggap ka na lang?" Sarcastic kong tanong "Pwede ba! Wag mo nang gawin sakin yan! Wag mo na akong pakialaman! Please."

Pumanik na ako sa taas, sa kwarto niya syempre. Nagpalit ako sa banyo niya at naabutan ko siyang nakahiga paglabas ko. At ako, humiga na rin upang matulog. Mag a-ala-una na ri kasi ng madaling araw.

Well, tabi pa rin kaming matulog, pero magkatalikod na. Hindi niya na ako inaakap at malayo kamk sa isa't-isa. Kulang na lang lagyan ng wall ang gitna namin at mag ala North and South Korea eh.

*~~~~*~~~~*

Nagising ako ng maramdaman kong bumangon siya. Hinintay ko munang makalabas siya at isara ang pinto tsaka ako bumangon at inayos ang aking sabog-sabog na buhok dahil sa pagtulog. Dali-dali ko itong sinuklayan at dali-daling bumaba. Nakita ko siya sa may pool at umiinok ng alak. Alam niya naman sigurong bawal siya niyan! Tsk.

Nilapitan ko siya at tinapon ang lata ng beer na iniinom niya.

"Tsk." Sambit niya at tumayo sa upuan

"JB." Tawag ko sakanya dahilan para huminto siya, pero hindi siya humarap sakin.

JB

"Kausapin mo naman ako. Bakit ba ang cold mo sakin? Alam mo bang hindi ko na ma-contact si ate at hindi niya ako madalas maka-usap. Si Snow naman masyado ding nagpapaka-busy sa school. Wala na akong makaka-usap, JB. Please tell me, may nagawa ba akong masama? May nasabi ba akong masama? Babaguhin ko lahat ng gusto mong baguhin sakin. Basta please, pansinin mo ko ulit." Pangungulit niya

"Wala kang nagawang mali." Sabi ko pero habang nakatalikod pa rin

"Then why?" Siya

Ako yung mali, Garnet. Sorry.

"Garnet..." Hindi ko alam ang sasabihin ng mga panahong yun, kaya hindi ko siya kayang harapin. Nahihiya ako, natatakot, na baka madulas ako. Nakakatakot magmahal at magtiwala ulit.

"JB, I love you." Nagulat ako sa sinabi niya. Is it a joke? Baka pinagtitripan lang ako ng babaeng 'to. "I really do, JB. Sorry."

Ramdam ko siya na naiyak. Shit. Do I make her cry?

"But--" I cut her words

"I'm sorry, Garnet. I doesn't feel the same way."

I'm very sorry.

*~~~~*~~~~*

Garnet

Today is Monday and uwian na. Magkasabay kami ni Snow sa pag-uwi dahil pupuntahan niya daw yung tito niya sa ospital. Eh si JB, hindi pumasok. Puyat kalalaro ng psp. Tsk tsk. Pero hindi niya pa rin ako kinaka-usap.

"Buti na survive ko yung report! Bes thank you sa paggawa ah." Sabi ni Snow at napaka lawak ng ngiti

"Your welcome. Thank you din kasi hindi ako yung nag report." Sabi ko sabay fake smile at sinimangutan niya ako sabay tawa

Well, ako gumawa ng project namin kasi umalis sila. Dapat kaming dalawa magre-report, eh sabi ni ma'am, isa lang, eh since ako gumawa, siya nag report.

"Siya nga pala bessy. Bakit kanina ka pa masaya? Anong meron? Bati na ba kayo ni JB?" Tanong niya

"Uhm, hindi pa. Pero sinusubukan kong maging masaya kahit nalulungkot ako." Sagot ko

"Don't worry. I'm always here for you" sabi niya at ngumiti

"Wow. English ah." Sabi ko sabay tawa ng mahina

"Loko." Tanging na sambit niya at ngumiti. Ngunit nakita ko namang lumungkot din ang mukha niya.

"Bakit ka lumungkot bigla?" Tanong ko

"Naalala ko lang kasi si tito. Sobrang close niya kasi sa'kin." Sabi niya habang naka simangot pa rin

Nakalabas na kami ni Snow sa gate ng school.

"Sama ako sa'yo. Kakamustahin ko na rin si tito." Sabi ko

"H-huh? W-wag na. A-ako na m-magsasabi. Una na ko. Bye!" Utal niyang sabi sabay takbo ng mabilis

Anyare dun? Tsaka si tito magkakasakit? Eh ang laki ng katawan nun at health conscious. Baka na sa lahi na din ;(

"How are you, Garnet?"

Gulat akong lumingon sa likod ko. Kinabahan ako ng makita ko kung sino ang lalaking yun.

"Je-jeff?" Tanging nasambit ko. Humahakbang ako papalayo habang siya naman ang hakbang niya papalapit. Gaya ng inaasahan, hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at hinatak papalapit sa kanya.

"Like what I said, babalik ako." Sabi niya at hinatak ako, ngunit bago pa man ako maka-sigaw, may nagligtas sa'kin. My savior, JB.

Gaya ng inaasahan, nag palitan sila ng suntok.

"Bakit ka ba lagi kang sagabal sa'kin?!" Sigaw ni Jeff at sinuntok si JB

Tanging ngisi ang sagot ni JB at nagpaulan ng sunod-sunod na malalakas na suntok sa mukha ni Jeff hanggang hindi na ito makalaban. Hinatak ako ni JB papasok sa kotse. Pumasok siya at sinimulang mag-drive.

"Bakit ka nandun?" Tanong ko ng medyo makalayo na kami

"Seriously?! Kung wala ako dun edi kung ano na ang ginawa sa'yo nung gagong yon!" Galit niyang sigaw

"You doesn't care about me right?" I asked

"Siguro nga hindi kaya nililigtas kita." Sabi niya. Halata pa rin sa mukha niya ang galit.

"Pinaplastik mo lang naman ako diba?" Ako

"Talaga? Hindi kita pinaplastik Garnet! I'm doing this because I love you!"

Snow

Nandito ako sa ospital ngayon, hinihintay ang turn ko para magpa check-up.

Yung totoo kasi, ako yung may sakit at hindi si tito, nag sinungaling lang ako para hindi mag-alala sa'kin si Garnet.

Aaminin ko na may gusto ako kay JB, pero feeling ko, nagkaka-developan na ang dalawa at wala na akong intensyong guluhin sila.

"Kapag mahal mo ang isang tao, kung saan o kanino siya masaya, ipapaubaya mo na lang, kahit hindi ikaw ang mahal niya."

Yan ang bilin sa'kin ni Garnet, kaya dapat gawin ko.

Para akong tanga na ngumiti ng kaunti, pero napawi ito sa sinabi ng doktor.

"Hija, kailangan mo nang magpa-chemo. Stage 3 na ang cancer mo. Kung kinakailangang mag-absent ka minsan sa school, or should I say, tumigil ka muna sa pag-aaral."

-------
Save Snow!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro