8: Promise

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Promise

Garnet

4 months later

Nandito kami ngayon ni JB sa kwarto niya, naglalaro ng car game at kaming dalawa ang magkalaban.

"AAAHHHH JOHN BENEDICT!!!" Sigaw ko ng talunin niya ako. Binangga niya ang kotse ko at nahulog ako sa tubig. Walang hiya 'tong lalaking 'to!

"Hahahahaha!" Walang tigil na tawa ang naging sagot niya sa'kin. Kinuha ko ang isang bowl ng popcorn sa mini table niya at sinolo ito.

"Hoy! Bakit mo sinosolo yan?" Tanong niya

"Panalo ka nanaman eh, kaya akin na 'to. Hihi." Sabi ko at tumakbo. Ngunit hindi ko pa napipihit ang doorknob ay niyakap niya ako sa aking likuran at hinatak ako pabalik. Tumapon ang bowl ng popcorn at napasigaw ako. Nabagsakan pa yung paa ko. Bad! Napahiga ako sa higaan niya habang nakasalubong ang aking mga kilay. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako sabay halik sa aking pisngi.

"Ang pangit mo." Sabi niya at tumawa habang nakatitig sa'kin. Napaharap naman ako sa kanya ng naka-ngisi.

"Ang pangit mo too." Sabi ko at ngumiti ng malawak

"Movie marathon? What?" Tanong niya. Hmm. Hinatak ko siya palabas ng bahay.

*~~~~*~~~~*

"Ang init naman! Bakit hindi ka nagdala ng pamaypay?!" Reklamo ko kay JB

"Aba! Ikaw 'tong nag-aya eh! Tsaka bigla-bigla kang nanghahatak. Tsaka hapon na naman, mawawala na ng konti ang init mamaya." Depensa niya at inakbayan ako

Ang tanga namin kasi ni isa sa'min walang naka-isip na magdala ng pamaypay. Tatanga!

"Lika sa rooftop." Aya ko sa kanya

"Rooftop?" Takang tanong niya

"Ayun oh!" Tinuro ko sa kanya ang rooftop na napaka taas. Ito ay naka-locate sa may dulong bahagi ng park at ito ay rooftop ng isang abandonadong building.

"Eh abandonado na yan eh. Pwede ba tayo diyan?" Tanong niya habang naka-akbay pa rin sa'kin

"Pwede yan!" Sabi ko at hinatak siya papuntang rooftop. Hindi ko man alam ang lugar na ito at nakakatakot ang building, I'm with him, and that's what matters.

Pagdating namin sa rooftop, isang preskong hangin ang nalasap namin. Sumilip ako at tiningnan ang mga batang naglalaro, nagtatakbuhan, nag-slide, nag-swing at kung ano-ano ang nilalaro.

"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong niya

"Magpapahangin." Sagot ko at umupo sa upuang na sa rooftop at tumabi siya sa'kin. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Ilang minutong ganoon ang posisyon namin, bago siya nagsalita.

"Anong balak mo bruha?" Tanong niya

"Wala." Tipid konh sagot

"Ala-sinko na oh. Gagabihin tayo dito eh." Pagmamaktol niya

"Sana lagi tayong ganito 'no?" Biglang sambit ko

"Huh?" Siya. Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Sana wag na tayong magkaroon ng problema at sana lagi na lang tayong masaya." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa kawalan

"Walang makakahadlang sa'tin. Akong bahala." Sabi niya

"Eh paano kung tadhana ang pumigil sa'tin?"

"Hindi natin siya hahayaang manalo." Sambit niya "Garnet," Tawag niya at nagtama ang aming mga tingin "Mangako ka sa'kin na hindi mo ko iiwan. Walang iwanan ha!" Sabi niya at itinaas ang kanyang pinky finger

"Promise." Sabi ko habang may ngiti sa aking mga labi at isinabit ang pinky finger ko sa pinky finger niya

We promised not to leave each other. But, promises are just words. Magkakamali ka din, kahit isang beses.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro