Twenty-six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Nasaan ka na ba?" I whispered to myself, stomping my feet while crossing my arms impatiently here in dressing room.

As I was preparing for myself before the fashion show, Matmat didn't reply to my texts. Nakakainis na alam ko pa rin ang number niya kahit na matagal ko na iyong dinelete.

Naka-silver dress ako, mataas nang kaonti sa tuhod ang taas at naka-pointed black heels, mga three inches ang taas no'n. Ang buhok ko naman ay nakaipit nang mataas, leaving some strands near my ears. I just wore a light makeup. May simpleng interview pa kasi 'yon after ng fashion show about what's our inspiration with the design, something like that.

Nakaplantsa na 'yong susuotin ni Matmat at siya na lang ang wala pa. Kinakabahan tuloy ako dahil 'yun iba mukhang ready na. May one hour and a half pa naman pero siyempre, mas maganda kung narito na siya para prepared na kami at makita ko ulit sa kanya 'yong imo-model niyang gawa ko.

Was I wrong from trusting him again this time? Dapat ba humanap na lang ako ng iba? Pero hindi rin naman pwede 'yon dahil siya na ang nai-submit ko. Mukha na niya ang naroon.

Paano kung... hindi talaga siya pupunta? No way. Paano na mga pangarap ko? Napatingala ako, pinipigilang maluha.

Maybe, he was just busy because he's graduating? Wrong timing ba ako ngayon? I don't know what to do.

An hour has passed but he I haven't seen him. Even his soul. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na pumatak mula sa aking mata. Nilibot ko ang event venue dahil baka sakaling makita ko siya pero 'di ko siya nahagilap. Lumabas na rin ako at nagbabakasakali pero wala. Wala siya.

"Girl, saan na si Matmat?" Lumapit sa akin si Millie, nag-aalala. She held my shoulder when I was about to cry. "Inhale... Aemour," she told me and I did it. Sinamahan niya akong pumasok ulit sa loob.

"W-Wala p-pa siya, Millie. Paano na?" wika ko nang kumalma. Napansin ko na tinatawag na ang mga model.

"Don't tell me, he's going to hurt you again," she uttered, almost a whisper. Her eyes grew bigger when she realized she said them with her mouth.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang nasa backstage na ako. Lahat ng models nila, narito, ako... ako lang ang wala pa.

"Babasagin ko mukha no'n kapag hindi 'yon pumunta. Lintik!" naiinis na saad ni Amara na tumabi sa akin. I was so anxious and nervous. Upon hearing my phone beeped, I quickly looked at it. But it was my sister's text. She said that she will come and see our fashion show.

Bahagyang nabawasan ang naramdaman kong pag-aalala pero nang nagsalita na ang emcee ay parang nadurog na ang puso ko.

Pero may mas idudurog pa pala ito nang kakapasok lang ni Leona... with my model. With him. Ang suot niya... ay ang gawa ni Leona. Hindi dumapo ang tingin nito sa akin at si Leona ay may maliit na ngisi sa labi. "We can do this, baby," she uttered to Matmat and kissed him in his cheek as if no one-- as if I can't see them.

Amara and Millie's jaw dropped. My heart wrecked in pieces. Susugurin na sana ng magpinsan ang dalawa ngunut pinigilan ko sila. Ayaw kong masira ang event... Pero paano naman ako na sinira niya?

Naglakad ako palabas, pabalik sa dressing room at umupo. Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

Galit na sumunod sa akin ang magpinsan. "Hindi naman tama 'yung iba ang imo-model niya! Siya ang pinasa mo sa portfolio kaya bakit papayag ka na aagawin siya?" Mabilis ang pagkakasabi ni Amara  no'n kaya habol niya ngayon ang kanyang hininga. She then, hugged me for a while and caressed my back to comfort me.

Millie nodded and exhaled sharply. "Ipa-move na lang natin! Sabihin natin kay Ma'am na he's your original model. Bawal ang kuhanan ng model dito!" Tumaas ang boses niya.

I shook my head. "M-May mga tao at judges n-na..." Nanginig ang boses ko. And as my eyes landed to Matmat's outfit, I could feel my heart tightening. Na-imagine ko na ngang nilalakad niya iyong gawa ko sa runway, eh. Ang daya niya.

"A-Ang unfair niya," parang bata kong wika at humagulgol na. Dinaluhan ako nilang dalawa at subukang pinapatahan. "N-Napakadaya!" I bawled.

May kumatok sa pinto at binuksan ito. It was one of my classmates. Pinapatawag na raw kami roon. Nag-aalala akong tinignan ng magpinsan at mukhang ayaw ako iwanan. "S-Sige n-na... H-Hinahanap n-na k-kayo..." I stiffened.

"How can we go there if you are crying here?" Millie's voice broke and caressed my hair.

"I-I c-can h-handle myself. K-kinakaya k-ko naman lagi 'di b-ba?" I faked a laugh despite it was hard for me to inhale and exhale. Ang sakit na... sobrang sakit na nitong ginagwa sa akin ni Matmat. Para niya akong pinaglalaruan.

"Aemour..." Amara called me hopelessly.

Dahil sa ayaw nilang lumabas ay ako na ang lumabas kahig mabigat ang dibdib ko. Dinadaga ito ng sakit. Habang nasa gilid ng stage, kita ko ang mga model ay naglalakad na sa runway, suot ang mga designs ng kanilang designer.

Mas hirap akong huminga nang makita si Matmat na suot ang gawa ng iba. Ang mga manonood ay hanga sa kanilang nakikita.

Napansin ko na habang busy sila, nilapitan ako ng host at itinanong sa akin nito kung nasaan daw ba ang model ko.

Pucha, 'yung model ko... kinuha na naman ng iba, eh. Nagpakuha naman siya. Kagat labi akong umiling, nagpipigil na namang umiyak. I know that I look messed up but what can I do? Ano bang gagawin sa ganitong sitwasyon? Inalalayan ako ng magpinsan ngunit sinabihan ko sila na babalik na ako sa dressing room. Sasama pa sana sila ulit kaya lang, hindi ako pumayag at nais mapag-isa. I want to isolate myself.

I found a scissor and I grabbed the outfit that I made for him anf cut it. Walang kwenta! Sayang efforts! Sayang kami. Sayang 'yung grade kasi wala akong nai-present. Sayang. Nakakapanghina. Nalulunod na ako sa sakit. Tinatanagay na ako ng alon.

With a heavy heart, I walked out the venue and started walking outside, on the side of the road, looking hopeless and messed up. It was broad daylight yet my eyes were raining tears, and my heart is now flooded with pain and self-doubt. It took me, maybe, more than thirty minutes walking here... at a place that I don't know.

Mayroong humawak ng braso ko at iniharap ako nitl sa kanya. I sarcastically laughed when our eyes met. "Oh, ba't narito ka at wala sa girlfriend mo?"

"No... She's not-" I cut him off and grabbed my arms from him.

"Kaya ka ba naging mabait sa akin at niligawan ako dahil naaawa ka lang?" mapait na tanong ko at nakita ko ang patuloy niyang pag-iling. "Ah, kaya mo ako niligawan kasi nga naaawa ka!" Peke akong tumawa habang umaagos ang luha. He started crying but nothing came out on his mouth.

"Hindi mo ako iiwanan dahil 'di mo ako kayang bitawan at saktan..." I scoffed in bitterness, remembering those words of affirmation from him. "Hindi mo pinanindigan 'yong mga salita mo, Matmat!" I whined like a hurt child that can't do anything.

He tried to reach for my hand but I stepped back. "Aemour... Kasi..." He trailed off.

"See?" I faked a laugh. "You can't even explain now!" Hindi ko mapigilang mapataas ang tono ng pananalita. "Ang sakit na, Matmat." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Ang sakit na rito." I pointed my chest, sobbing.

Napahilamos ako sa mukha. "Alam mo... Okay lang naman lahat sa akin, eh... 'Yung video... ayaw ko mang maniwala roon... pero wala kang mabigay na paliwanag..." Napailing ako. "Kahit anong rason, tatanggapin ko. Mahal kita, eh," mapaklang sabi ko. Napasinghap ako nang kumirot ang dibdib.

"Aemour, h-hindi k-ko i-ito g-ginusto... na mangyari sa atin..." Hirap siya magsalita at patuloy ang pagtaas-baba ng dibdib sa kakaiyak.

Napapikit ako nang mariin. "Ano?" di makapaniwalang sabi ko. "Inuunti-unti mo ba talaga akong saktan?" Nagmulat ako. My heart sank when he lowered his head, couldn't say anything.

Suminghap ako. "Dati ikaw ang gumagamot ng sugat ko... Kapag nakikita, naririnig kita..." Napailing ako habang pinagmamasdan siyang umiiyak na rin. "All of my worries vanished... Pero ngayon, ikaw na mismo ang sugat... Dati ay saya, ngiti at pagmamahal ang lagi mong binibigay sa'kin, pero ngayon, puro na lang luha at sakit ang natatanggap ko..."

"W-Winasak mo ako... Matmat, ta-tama na... P-Pagod na a-ako..." garalgal kong pakiusap. Para akong bata na umiiyak ngayon sa kanyang harapan.

Time flies so fast. Tama nga si Taylor Swift. It's supposed to be fun, turning 21... I didn't celebrate my birthday. All I wanted was to be alone... in my room, whining like a wounded child.

My path were full of obstacles. After what happened, I was facing a crisis in my study. It wasn't easy. It was hell.

"You have to drop your subject kapag ganyan ka, Aemour," our professor said in dismayed. "Anong year ka na sa college at ang design mo ay dull at pababa nang pababa ang grades mo." She sighed. "I was impressed at your works before... pero kapag patuloy kang ganito... how could you enter the fashion industry?" Nanuyo ang aking lalamunan. "Wala kang nai-present no'ng fashion show tapos ganito... You're grades are failing." She sighed again.

I lost my passion in fashion designing. I lost my interest in my study. Parang ang hirap na ulit ibalik ang dating ako. Maski ako, 'di ko na kilala ang sarili ko.

Napalunok ako nang mariin. "But, Ma'am... Hindi po ba ako ang unang nakapag-present ng portfolio... para sa fashion show..." maingat kong sabi at kita ko ang mata niyang inip, naghihintay sa gusto kong sabihin. "A-Alam niyo po n-na si Mr. Escobar n-naman po talaga 'yung model ko, 'di ba at hindi k-kay Leona?" Tears started to pool on my eyes, remembering what happened that day.

She crossed her arms, getting annoyed. "Ms. Raquel, was it my fault, then?" My lips parted. "Choosing your model was your responsibility and he should be responsible on his decisions. Hindi ba kayo nakapag-usap nang maayos?" She slightly cleared her throat. "Hmm, ano? May ihahabol ka pa ba?" casual na tanong niya.

Importante ang pangarap kong ito. Ito na lang ang tanging paraan para maalis ko na sa ganitong buhay sila Ate at Mama. I cleared my throat. "Ma'am, babawi po ako sa next presentation. Aayusin ko po," desidiong sabi ko.

She pressed her lips into a thin line, thinking. "One chance. One last chance."

I tried so hard. Andami kong itinapong papel na puro sketches ko. I stayed up until midnight just to design a runaway dress. I searched and listened to music to hype myself... but I ended up with nothing. Ilang araw akong gumagawa ng isang outfit na hindi ko alam kung mabibigyan ba talaga ako ng pag-asa. Sobrang blanko ng isipan ko. There was no any ideas running in my head.

Dumating na ang araw ng deadline. Kabado, sobrang-sobra. Natatakot ako. Lahat ng emosyon ay nararamdmaan ko ngayon habang bitbit ang mannequin. I presented my portfolio to my professors in designing and presented the dress I made. It was a strapless versace apricot, features a v-neck line with beaded belt runway gown.

"I gave you a chance, Ms. Raquel, because I believed that you can do more! You could've design more than this! It looks plain and boring," she frankly said. With that, I could feel my face paled. Plain and boring?

"P-Pero-" She halted me.

"Akala ko ba babawi ka through this chance?" my prof uttered again in disappointment. "You said it's a runway dress..." She was reading what's on the portfolio, then, she closed the folder. I couldn't utter any words. Everything that happened was too much to handle.

Masakit. Sinayang ko ang chance na binigay nila sa 'kin. I was such an idiot.

Pakiramdam ko lumulutang na ang kaluluwa ko lalo na sa balitang natanggap ko pag-uwi.

"N-Nanakawan t-tayo..." Parang batang sumbong ni Ate sa akin.

Sobrang daming nangyari. Parang sinusukuan na ako ng mundo... pero ayaw ko pang sumuko. Kahit mahirap, pinipilit kong tumayo. Kahit nakakapagod, pinili kong hindi magpatangay sa alon.

Nahuli rin ang mga mokong na nagnakaw sa pera namin sa loob ng bahay. Maliit na halaga lang naman ang mayroon kami.

Habang nagwawalis sa labas ay may kumatok sa gate. Itinabi ko muna ang walis tingting bago ito pinagbuksan. "Eleazar... anong mayroon?" pagod kong tanong bago napabuntong-hininga at napansing may dala siyang pa-rectangle na box, yakap niya.

Nakapalumbaba niya itong inabot sa 'kin. "Kahit ito lang sana tanggapin mo..." halos pabulong na aniya. "Hindi alam ni insan 'to... Basta tanggapin mo lang sana."

I breathed before accepting it without looking on what's inside. "Kung ano man 'tong sa loob, itatapon ko rin 'to kapag may kinalaman sa kanya," malamig kong sambit bago siya sinarhan ng gate at dumiretso sa bahay, sa aking kwarto, binuksan iyon.

Bumigat ang aking paghinga nang bumungad sa akin ang isang drawing na makulay na nakalagay sa frame. Napakagandang drawing. It was our picture on our monthsary, on the beach. I was extending my arms for a selfie with him, he kissed my right cheek... we're so in love....

Hindi ko na naman namalayan na umiiyak na naman ako... Dahil na naman sa kanya... Humagulgol ako habang pinagpapasdan ito. Itinaas ko ito para basagin at humugot na ng hininga pero hindi alam kung bakit hindi ko magawa.

Nanghihina akong napaupo sa sahig. I used my other hand for support to make myself stood up before going on my study desk. I opened a drawer and placed the drawing inside before locking it and throwed the key on the toilet bow.

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang kinausap ako sa office ng dean at sa katagang sinabi nito sa akin. Why does misery wants to be with me? Why does it always have to be with me? Did I do a huge mistake for something?

"You failed your major subjects, Ms. Raquel. I think... you're not really fit into this program."

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro