Four

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Bea

"Here.Magpunas ka muna."sabi ko sabay bato ng towel kay Chase.Nakangiti niya naman itong sinalo bago inilibot muli ang tingin sa loob ng bahay.

Pinatuloy ko muna kasi si Chase dito sa loob.Tutal ako lang naman 'yung tao.Wala pa 'yung kambal.Lumalakas din kasi 'yung ulan at nakakaawa naman kung pagdadrivin ko siya ng ganyan.Tapos basa pa siya.

Hindi naman siguro ako gagawan ng masama niyan diba?Mukha naman siyang mabait.At saka takot lang niya.

Pero kung sakali naman na masamang tao pala talaga siya,may laban pa rin ako.Oo nga,malaki nga siya.Lalaki nga siya.Pero marunong ako ng self defence,marunong akong makipaglaban.

The perks of growing up with three brutal boys.

"Ano gusto mong inumin?Kainin?"

"Ah anything nalang."

"Sure ka?"

Nginitian niya nanaman ako.Napakamot tuloy ako sa ilong ng hindi oras. "Yep."

"Alright.Feel at home nalang habang nagluluto ako."at tinalikuran ko na siya. "Saka ano.Paalala mo nga pala 'yung wallet mo later bago ka umalis.Baka makalimutan ko."

Ayan nanaman 'yung makalaglag panty niyang ngiti. "Ako bahala."

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang pakiramdaman si Chase nasa sala.

Connected lang kasi 'yung sala sa kitchen na kinalalagyan ng dining kaya talagang rinig na rinig ang mga ginagawa ng bawat isa.

Maliit lang kasi 'tong apartment.Bale binili siya ng mga magulang nila Tamaki para sa aming magpipinsan.Dito kami tumutuloy kapag may pasok at umuuwi lang kami sa totoo naming mga bahay every vacation.

Nasa process ako ng paghahalo ng hot chocolate habang hinihintay maluto 'yung pasta nung naramdaman kong may lumapit sa akin.

Paglingon ko ay kusang nanlaki ang mata ko nung nakita na sobrang lapit pala ni Chase sa akin.

Damn.Damn.Damn.

Hindi sinasadya,natabig ko ang cup ng tsokolate.At putcha.Ang init!Bumuhos ata sa kamay ko 'yung laman.

Kingina.

Mukhang nakaramdam si Chase dahil humakbang siya papalayo sa akin.Inilipat niya ang atensyon sa kamay kong ngayon ay nakatapat na sa bibig ko.

"Hey okay lang?"nag-aalala niyang tanong.Napangiwi tuloy ako.

"Mukha ba kong okay?"

He sighed. "Let me see."

Nagdalawang-isip pa ako pero sa huli ay bumigay din at ipinakita ang namamagang kamay sa kanya.

Naiiling,hinila ako ni Chase papunta sa sink.Hindi na ako umalma dahil mukhang alam niya naman ang ginagawa niya.Itinapat niya sa tumutulong tubig 'yung kamay ko na napaso.

"Stay there."utos niya na tinanguan ko nalang.

Nalessen na 'yung pain kahit papaano.

Marunong pala siya sa ganito.

May hinahanap si Chase sa mga cupboard at nung nabuksan niya 'yung may laman ng first aid kita ay kaagad niya ito kinuha at lumapit sa akin.

May kung ano siyang ointment na kinuha doon.Tiningnan niya muna ako sa mata at nginitian bago kinuha ang napasong kamay ko at pinahiran ito.

"Wow."mahinang nasabi ko nalang nung naramdam ang lamig sa namamagang parte.Maingat kasi ang ginagawang pagpapahid ni Chase.It's as if he's afraid to hurt me even further.

Touche.

Hindi ko na pinigilan ang sarili at tumitig nalang sa kanya.

Ang haba pala ng pilikmata niya.Kaya siguro ang amo niyang tingnan.May kaunti rin siyang freckls sa bridge ng ilong niya at sa ilalim ng pisngi,it only made him even more attractive.Then his lips.

Napalunok ako kasabay ng pag-iiwas ng tingin.

"Okay na."malumanay na sabi ko at walang anu-ano'y binawa ang kamay mula sa kanya.

Pakiramdam ko ay nakuryente ako bigla.

Nag-angat ng tingin si Chase at sinalubong ang mga mata ko.Ngumiti siya. "Ah okay." bago tuluyang umalis sa harapan ko at yumuko pa.

Natawa naman ako dahil doon.Ngingisi-ngisi,nilapitan ko ang niluluto.Tahimik lang sa paligid habang hinahanda ko ang pagkain naming dalawa.

"Ikaw mag-isa dito?"nabasag lang ang katahimikan when he decided to break it.

Umupo siya sa silya sa dining table at sumunod naman ako sa kanya.I sat down in front of him and started eating.

Nilunok ko muna 'yung laman ng bibig ko bago ko siya sinagot. "Nah.Kasama ko cousins ko."

"Cousins?"

"Yep.Kambal sila."

"Ah.Parehong babae?"I shook my head.Kumunot ang noo ni Chase. "Lalaki?"

Natawa ako. "Hindi ka makapaniwala?"

"Hindi naman sa ganoon."he answered while chewing his pasta.Gross but cute.  "Close ba kayo?"

Papasubo na sana ako pero natigilan ako.

Close?

Napaiwas tuloy ako ng tingin at kunyari'y ibinaling ang atensyon sa basong kaharap.

"Pwede na."sagot ko,refusing to meet his eyes.

Nahihiya kasi ako sa tuwing ganoon ang usapan.Hindi ko nga alam kung bakit pero it's as if ijajudge ako ng mga tao kapag nalaman nilang hindi ko man lang makausap ng maayos ang mga pinsan ko na mismong kasama ko sa iisang bubong.

Katahimikan 'yung bumalot sa amin hanggang sa maubos namin ang kanya-kanyang kinakain.

Chase didn't push the topic further.Pabor 'yon sa akin.Inilagay ko na sa sink 'yung mga pinagkainan ko at sumunod naman sa akin si Chase.

"Ako na diyan."sabi ko dito nung napansing may balak siyang hugasan ang pinagkainan.Tinitigan niya muna ako ng maiigi bago tumango at pumunta na sa sala.

Sighing,napatingin nalang ako sa labas.

Tumigil na pala 'yung ulan.

Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagpatak niya lang,ang dami nang nangyari.Kahapon kasi,ni hindi ko man lang naisip na makakausap ko ng ganito kakaswal 'yung misteryosong lalaki sa canteen.Ni hindi ko man nga lang inakalang magigong ganito ako kakomportable sa presensya niya.

Inabutan ko si Chase sa sala na nakakunot ang noo habang may kinakalikot sa cellphone niya.Kaagad niya naman din itong itinago sa bulsa nung napansing dumating ako.

"Wala na 'yung ulan."I didn't mean it to sound like pinapaalis ko siya.Kasi to be honest,nag-eenjoy pa ako sa presence niya.Ayoko lang talagang makaistorbo.Mamaya may gagawin pang importante 'yung tao.

As usual,nginitian niya ako. "Yeah."

Wala nang nagsalita pagkayari n'on.Nakatingin lang kami sa isa't-isa kaya nagdecide akong umupo nalang sa katapat niyang sofa.Napatingin ako sa aqurium.

'Yung wallet.

"Saglit lang."paalam ko pero hindi ko na hinintay 'yung sagot niya at pumanik na sa taas para kuhanin sa bag ko 'yung wallet niya.

Buti naalala ko.

Natigilan ako sa paghakbang nung nakita ko sila Tamaki at Clifford,kaharap si Chase.Kukurap-kurap,lumapit ako sa kanila.

Matangkad ng kaunti 'yung kambal kaysa kay Chase.Mas defined din 'yung katawan nila,mas mature tingnan.

Nakatingin lang silang tatlo sa isa't-isa,nagsusukatan ng tingin.

Tamaki's face is simply...blank.Chase's face shows his curiosity.While Clifford..

He looks,simply deadly.

Napakagat ako sa labi at nagdecide na tuluyang magparamdam sa tatlo bago pa sila magkainitan.

"Chase."napalingon silang lahat sa akin.Kay Chase ko itinutok ang atensyon,ayokong titigan 'yung kambal.Ayokong makita ni Chase kung paano ako mailang sa presensya ng mga pinsan ko.  "Wallet mo."iniabot ko sa kanya ang wallet niya na nakangiti naman niyang tinanggap.

"Thanks."I smiled back at him bago niya ibinaling ang atensyon sa kambal. "Chase nga pala.Kaibigan ni Bea."naglahad siya ng kamay sa mga ito.Tamaki being the more approachable dude,kinuha niya ang inilahad na kamay ni Chase.

"Tamaki pre."simpleng sabi niya.Ngumiti si Chase at inilipat naman ang tingin kay Clifford.

Naglahad siya ng kamay dito pero tinitigan lang ito ng pinsan ko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang tumango nalang.

"Clifford."malamig nitong sabi at saka tinalikuran na sila.Napapabuntong-hininga ko nalang siyang sinundan ng tingin.

Si Clifford talaga.

Tumahik muna sandali bago nagpaalam si Chase na uuwi na daw siya.Tinanguan siya ni Tamaki.Nagkatinginan muna kaming dalawa bago ako ngumiti at sinamahan siya papalabas.

Nasa tapat na kami ng kotse niya nung huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Sila 'yung mga pinsan mo?"I nodded. "I see."

Lumapit na siya sa kotse niya at binuksan ito.Nginitian niya ako bago pumasok sa driver's seat.

"Bye."he said,opening his car window.

I smiled at him. "Bye.Ingat ka."

Tumango siya sa akin bago inistart ang engine.Tatalikod na sana ako when I heard him call my name.

"Bea?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

Pero wala siyang sinabi.Nakatitig lang kami sa isa't-isa pero grabe 'yung bilis ng puso ko.

Hinihingal ata ako.

"Thank you."he muttered with a charming smile.Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses ko siyang nakitang ngumiti sa loob ng nakalipas na dalawang-oras.

Napangiti nalang din tuloy ako.

"You're welcome Chase."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro