Three

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Bea

IT'S almost past midnight nung nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok na nanggagaling sa baba.

Istorbo oh.

Groaning,I lazily got up from bed.Langya na 'yan.Minsan na nga lang makatulog ng ganito kahimbing,may umeepal pa.

Punyeta.

Dumampot ako ng isang robe na bara-bara lang na isinabit sa cabinet at saka ipinatong ito sa suot kong manipis na sando at cotton shorts.Pagkayari ay lumabas na ako ng kwarto.

Malamang niyan ay si Clifford iyong kumakatok sa baba.Kakambal siya ni Tamaki.And yeah.Kasama ko rin siyang nakatira dito.

Nakapatay ang lahat ng ilaw sabuong bahay kaya kinailangan ko pang mangapa habang bumababa sa hagdan.Masyado kasing malabo ang mata ko kapag madilim kaya even though may liwanag na nanggagaling sa buwan,I'm still as good as blind.

Nung nahawakan ko ang switch ng ilaw ay kaagad ko itong pinindot.

Nagliwanag ang bahay.

"Oy wala ba kayong balak buksan 'to?"a slurred shout from outside immediatly made me move.

Si Clifford nga.

Lumapit ako sa pinnto at saka ipinihit ang doorknob.

My cousin's bloodshot eyes welcomed mine.Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya.Masyado ring malamig ang pagkakatitig niya.Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Lasing nanaman siya.

Palagi nalang ganyan.Sinisira nila ang buhay nila sa walang katuturang bagay.I don't wanna tolerate those bad habits of them.Pero gaya nga ng sinabi ko,wala akong magagawa.

It's frustrating to think how near my cousins are to me.And yet,they are still too far. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa naisip. Accept it Bea.Ayon lang naman ang magagawa mo diba?Ang tanggapin ang malamig na pagtrato nila

LATE nanaman ako.

Napapasuklay sa buhok,sumulyap ako sa wristwatch ko.It's already past 8 am na pala.Halos 40 minutes late na ako.

Ang aga ko shet.Ang aga ko para sa second period.

At dahil hindi na ako baguhan sa mga ganitong pangyayari,imbes na dumiretso sa classroom ay canteen ang tinungo ko.Masasayang lang kasi ang oras at pagod ko kapag tinry ko pang pumasok.15 minutes late nga lang ay pinagsasaraduhan na ako ng pinto,ngayon pa kayang pasecond subject na dating ko?

Mentally patting myself on the back,tinungo ko ang bakanteng pwesto sa tabi ng counter.Pagkayari ay nilabas ko ang notebook ko for Physics.

May test pa nga pala mamaya.Hindi ko naman talaga kailangang magreview pero absent kasi ako nung nilesson 'tong topic na 'to kaya no choice.

Masyado akong naabsorb sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin na tumunog pala 'yung bell indicating na may pumasok dito sa halos walang lamang estudyanteng canteen.

"Ano gusto mo pogi?"narinig kong sabi nung baklang nagtitinda.Nawala tuloy ang concentration ko sa ginagawa dahil 'yung boses niya,gosh,ang landi!

Mabuti nalang pala at malapit ako sa counter.Type na type ko pa naman 'yung mga ganitong tagpo.

Malantong kasi si kuya Gilbert,'yung tindero.


"Mineral water po kuya.Isa."a deep voice answered.

Natigilan ako.

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng dating ng boses nung kung sino man 'yung nagsalita.

Sinubukan kong pigilan 'yung sarili kong mag-angat ng tingin.Pero heck!Wala naman sigurong makakakita kung susulyap ako saglit.


Dahan-dahan,nag-agat ako ng tingin.

A familiar pair of grayish-green orbs met mine.

Parang tumigil ang paggalaw ng paligid.

Bumilis ang tibok ng puso ko.Nagwala ang sistema ko.Nawindang ang mundo ko.

At nung nginitian niya ako,damn,dinaig ko pa ang binuhusan ng isang baldeng yelo na hindi alam kung mapapaso ba o lalamigin.

Hindi ko na kinaya 'yung intensity ng ngiti niya kaya kaagad na akong nag-iwas ng tingin.Ang tanga ko pa dahil ni hindi ko man lang siya nginitian pabalik.

Nakakainis.Nakakaasar.

Dinampot ko uli ang nabitawan kong notebook at saka'y kunyaring nagpatuloy sa pagbabasa.

Damn.Damn.Damn.

Bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na'to?Nakakainis siya.Masyado siyang palangiti!Ano 'yon?Pafall lang?Wala siyang problema sa buhay?Edi siya na perpekto!

"Hijo oh.Baka matunaw naman si ateng sa titig mo."napakagat ako sa labi nung narinig ko ang mahinang tawa ni Chase na sinabayan ng panunukso ni kuya Gilbert.

Ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko.Ang sarap kasing pakinggan ng tawa niya.Masyadong carefree.Masyadong nakakahawak.

Parang tawa ni kuya.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa notebook ng dahil sa naisip.Napalunok ako ng mariin at saka napayuko nalang.

I hate this feeling.

Hindi ko alam kung gaano ang itinagal ko sa ganoong pwesto dahil natauhan lang ako nung narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.Napapabuntonh-hininga,naisandal ko nalang ang ulo sa likod nitong silyang kinauupuan.

Then,like a thunder,it clicked.

'Yung wallet putcha.

Kay Chase 'yon!Nakalimutan kong isauli!

Stupid Bea.Stupid!

Dali-dali ko itong inilabas mula sa bag at saka iniligpit na ang mga gamit.

Napasuklay nalang ako sa ngayo'y magulo nang buhok at saka mabilis na lumabas sa canteen.Nilinga-linga ko ang tingin sa paligid.But Chase is nowhere in sight.

Naglalabasan na rin mula sa mga classroom nila 'yung mga estudyante.

I was about to go search for him pero tumunog na ang bell indicating na tapos na ang first period classes.Sign na may five minutes nalang ako para makaabot sa second period nang hindi nalelate.

Sighing,nagdesisyon akong tumungo nalang sa classroom.


KENT and I are silently walking towards the main exit nung tumunog ang phone niya.Taas-kilay,napahinto kami sa paglalakad.

"Sagutin mo."mahina kong ani nung napansing mukhang wala siyang balak na sagutin kung sino man ang tumatawag.Napapakamot sa batok,inilabas niya mula sa bulsa ang phone niya.

Hindi ko alam kung ako lang o talagang dumilim 'yung mukha niya tingnan ang pangalan ng caller.Mabilis din naman itong nawala at bumalik sa kalmado niyang itsura kaya hindi na ako nag-abalang magtanong pa.

"Wait lang ah?"he said with a shy smile before walking away from me.Sinundan ko siya sandali ng tingin bago sumandal sa kalapit na poste.

Bakit lumayo pa 'yon?

May iilang mga estudyante pa ang dumadaan.Ang ilan sa kanila ay nginitian ako,ang ilan naman ay nilagpasan lang ako ng tingin.Kilala ako dito,oo.Pero as you see,hindi ako ganoong kaaproachable tingnan.Sadyamg 'yung mga madalas ko lang talagang nakakasalamuha ang may lakas ng loob na pumansin sa akin.

"Bea."hindi ko napansin na nagspace out na pala ako at naiangat lang ang tingin when Kent called my name.He's now standing in front of me,hands inside his pocket while biting his lips.

Cute.

Tinaasan ko tuloy siya ng kilay.

"Why?"

"May meeting daw pala kami sa Fidelate."

"Ngayon na?"

Napakamot siya sa batok. "Oo eh."

Sooo hindi pala niya ako masasabayang umuwi?

Hayys..

"Ah okay.Sige mauna na 'ko."

Binigyan ko muna ng isang ngiti si Kent bago ako tuluyang tumalikod at naglakad na papunta sa main gate.

I used to be a part of the Fidelite.I used to be one of those dedicated distributors.I used to love writing.

Used to.

One day kasi,I just woke up na ayoko na.Na nagsawa na ako.Na nawalan na ako ng gana.Last time ko atang nagdistribute ay one and a half year ago,Tamaki's still the EIC back then.

Napatigil ako sa paglalakad nung may naramdaman akong pumatak na kung ano sa braso ko.Kunot ang noo,napatingala ako.

Makulimlim ang langit.Unti-unti nang pumapatak ang malalaking patak ng ulan.

Napakagat nalang ako sa labi at dali-dali uling bumalik sa loob ng unibersity.Buti nalang pala at may dala akong payong.Nilabas ko ito at naglakad na papunta sa sakayan ng tricycle.

Pero putcha,timing nga naman oh!Bakit ngayon pa walang pila?

Imbes na maghintay ng masasakyan ay nagdecide akong maglakad nalang tutal ay malapit naman ang bahay ko dito at may payong naman ako.Okay din 'to dahil damang-dama ko ang pagpatak ng ulan sa payong ko.Ramdam na ramdam ko rin 'yung paghampas ng malamig na hangin sa katawan ko.At dinig na dinig ko pa ang pagpatak ng ulan sa sahig.

Relaxing.

Ang kalma pakinggan.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Ay putcha!"napatalon ako sa gulat nung may hinayupak na pumotpot bigla sa likuran ko.Nabitawan ko ang payong ko dahil doon kung kaya kaagad akong yumuko para pulutin ito dahil nababasa ako.

Kung sino mang gago 'to,humanda siya.

Halata ang inis,lumapit ako sa bintana ng passanger seat at kinatok ito ng hard.Hard talaga.Sa sobrang hard ay baka kung mumurahin ito,mabasag.

"Hoy gago lumabas ka diyan!"wala akong paki kung magmukha akong eskandalosa sa ginagawa ko.Naiinis ako putcha!Sa nilawak-lawak nitong daan,bakit kailangan niya pang bulabugin ang tahimik na naglalakad?Panira ng moment! "Hoy buksan mo 'to!"

Ilang hampas pa bago tuluyang bumukas ang bintana.

I was about to shout profanities into whomever he/she is when Chase' face welcomed my sight.

Anong....Teka nga?

"Hello."Chase said,smirking.Napayukom nalang ako ng kamao.

Gwapo nga pero gago naman.Tama.Bilang nalang nga lang ata ang mga lalaking gwapo't gentleman nowadays.

"Hello mo mukha mo."mataray na ani ko kasabay ng isang masamang tingin.Akala ko nga ay masisindak siya.Akala ko lang pala.

Permanente na ba 'yang ngiting 'yan sa mukha niya?

"Chill lang uy."ani pa nito na lalong kinais ko.

"Chill?Matapos mo akong montik banggain,chill?"

"Hindi naman kita nabangga ah."

"Kahit na!Montik mo pa rin akong mabangga!"

"Montik lang."

"Ah bahala ka diyan!"

Hindi mahaba ang pasensya ko sa mga ganitong bagay kaya imbes na makasapak ng gwapo ay nagwalk-out nalang ako.

Putcha 'tong lalaking 'to.

Ngisi palang nakakaasar na.

"Uy wait aano ka?"akala ko ay lulubayan niya na ako pagkayari kong magwalk out pero hindi eh.Persistent ata siya sa pang-iinis sa akin dahil sinundan niya talaga ko.Mabagal ang takbo ng kotse niya,nakikisabay sa mabilis na paglalakad ko.

Ang tagal tumila ng ulan grabe.

"Sumabay ka na kaya sa akin?"hindi ko siya pinansin.

No way I'm gonna ride that car.

"Uy pansinin mo naman ako."

Pansinin?Ni hindi mo nga ako kilala.

"Uy nababasa ka eh."

Paki ba niya?

"Hey!"

At that,tumigil ako sa paglalakad.Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumingon sa kanya.

"Okay lang ako."mahinahong sabi ko at nagpatuloy na.

"Sabi mo eh."rinig kong bulong nito.

Hindi ko na siya nilingon uli pagkayari n'on at nagfocus nalang sa nilalakaran ko.Nakasunod pa rin siya sa akin.Seriously?Anong kailangan nito?

"Excuse me mister.Sa pagkakaalam ko ay hindi tayo magkakilala.Lalong hindi tayo close.No way I'm gonna ride that car knowing na hindi ko man kilala 'yung nagdadrive.So back off."

Sa haba ng sinabi ko,wala siyang ibang isinagot kung hindi ang nakakainis niyang tawa.Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at napatitig nalang.

"Ayon lang pala eh.Edi magpapakilala ako."he smiled pagkatapos ay sinuklay papatalikod ang mga nakaharang na buhok sa mukha niya. "I'm Greyson Chase.Just call me babe." sinamaan ko siya ng tingin. "Chill lang babe.I mean.Just call me Chase."

I rolled my eyes. "Alam ko."

"Alam mo?Wow.A girl as pretty as you,is a stalker?I didn---"

"Hindi mo ako stalker mister."nagpatuloy na ako sa paglalakad.Sinundan naman ako ni Chase at ng kotse niya.

Mabuti nalang pala at walang dumadaang sasakyan dito sa street namin kung hindi ay ang dami nang naperwisyo nitong lalaking 'to. "Nagkataong napulot ko lang ang wallet mo na may lamang mga ID mo."

"Wallet?"

Tumigil uli ako sa paglalakad. "Yep.Katunayan ay nasa bag ko nga siya.Pero pwedeng later ko nalang ibigay kasi mababasa 'yung mga gamit ko kapag ngayon ko nilabas?"


Mukhang naghisitate pa siya pero kalaunan ay ngumiti lang din at tumango.Nahawa tuloy ako at napangiti nalang pabalik.

"Good."bulong ko bago nagpatuloy uli.

Akala ko ay tahimik na akong makakauwi pero in my utter disappointment,nagsalita uli si Chase.Jusme!Kung kailan isang kembot nalang.  "Why don't you ride the car and just give me the wallet inside?Para hindi ka na mabasa."

"No thanks."

"You sure?"

"Yep."

Katahimikan.....

Nung nasa tapat na kami ng bahy ay huminto na ako sa paglalakad.Ganoon din naman si Chase.Lumapit ako sa gate at habang binubuksan ito ay bumaba si Chase sa kotse niya,raining and all.

Kaya syempre,nabasa siya.

Ang tanga grabe.

Kaagad ko siyang nilapitan at isinukob sa payong ko.Pero dahil matangkad siya,kinailangan ko pang tumingkayad para maabot siya.

He chuckled at my try before grabbing my hand.

Damn.Damn.Damn.

Me and this always smiling guy?Holding hands under the pouring rain?

Totally damn.

"Magkahawak na tayo,hindi ko pa rin alam pangalan mo."he said,half whispered.

Baka mapasoo akoooooooo!

Napapalunok,sinalubong ko ang tingin niya. "B-bea.Isabella Maizo."


At that,Chase' grin widened.Parang tumigil ang mundo ko dahil doon.

Kasi naman.

Ang lapit namin sa isa't-isa.

Kaunti nalang at magtatama na 'yung ilong namin.

"Isabella.Nice name.Suits a woman as beautiful as you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro