Two

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Bea

I'm starving.

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kusina para humanap ng kakainin.

Inilapag ko ang bag ko sa dining table bago dumiretso sa ref at doon naghalughag.

Left over pizza.Adobo.Hotdog.Tocino.Milk.

Argh!Wala akong gusto sa laman ng ref!

I went to the cupboards and tried to find something appetizing pero wala talaga akong magustuhan.

Frustrated,I ran upstairs to my room to change clothes.Mabilisan lang talaga dahil nagugutom na ako.

Makapagfast-food nalang.

Kinuha ko ang wallet ko from my bag at saka bumaba na.Medyo nagulat pa ako when I saw Tamaki leaning against the counter while chugging down a can of beer.

I badly wanna scold him for drinking alcohol even though kadarating niya lang galing sa school.Pero shocks,I remember na hindi nga pala kami close.Wala akong karapatang pagalitan siya dahil hindi niya ako pinakikialaman sa buhay ko.

Napasuklay nalang ako sa buhok before I got the courage to pass him without saying anything.

Sighing,I mentally smack myself for being so sensitive.

Si Tamaki lang 'yan Bea.

Napapikit ako,stopping on my tracks.

'Yun na nga eh.Si Tamaki 'yan.Pinsan at the same time ay housemate ko.

Ang ironic isipin na nakatira lang kami under ng iisang bubong pero parang ang layo pa rin namin sa isa't-isa.

Reality nga naman.She can be a bitch sometimes talaga.

May malapit na fastfood chain dito sa bahay.Walking distance lang 'yon kaya I decided na maglakad nalang.

Maraming tao is an understatement sa bilang ng mga customers nung dumating ako.Brushing the strands of hair away from my face,I fell in what seems like a-kilometer-long line.

Karamihan sa mga nandito ngayon ay mga kapwa ko estudyante ng Sola Fide Institute.Mga nakauniform pa sila and confirmed na they went straight here with their gangs or friends pagkayari ng klase.Malapit lang kasi 'yung Institue dito.As in.Kaya talagang dumog 'to kapag hapon.

Ako lang nga ata 'yung loner eh.

Nung turn ko na ay magalang kong sinabi sa cashier 'yung order ko.Ngitian niya ako,halata sa mata niya 'yung exhaustion but she still managed to do her job well kaya napangiti na rin ako pabalik.

People like her deserves my respect.

Pagkayari niyang ibigay sa akin ang number ko ay naghanap na ako ng pwesto.Swerte naman dahil naispotan ko agad 'yung table near the glass wall na katatapos lang linisin nung isang waiter.I immediatly went for it.Mahirap na at baka may makauna pa.

Papalubog na rin pala ang araw.Isang malalim na buntong-hininga ang napakawalan ko nung naalalang tambak pa nga pala ang mga projects na gagawin ko.

Kasawa.

"Ate ate."naialis ko ang tingin sa labas nung may dalawang cute na cute na little girls ang lumapit sa akin.Nakasuot sila ng uniform ng Sola Fide Elementary Department.Pareho ring bakabraid into perfection ang mga buhok nila at pareho ko silang gustong ipasok sa bulsa ko at iuwi sa bahay.

Ganoon sila kacute.

"Bakit?"I beamed at them.Sakto lang 'yung tono ng boses ko para hindi sila matakot.

Nagkatinginan 'yung dalawa.It's as if they are having a silent conversation through their eyes.Then the chinita girl shrugged while the taller one giggled before facing me.

Cuteeee.

"Pwede po ba kaming makiupo ate?"mabilis ang pagkakasabi ni taller girl pero naintindihan ko pa rin naman.I smiled at her in amusement before nodding my head.

"Sure.Go ahead."I answered and they both gave me wide grins.

Umupo sila sa two vacant seats sa tapat ko.Ang cute cute ng dalawang batang 'to grabe!Naaalala ko nanaman tuloy 'yung mga pangyayari nung nasa ganyang age ako.

Good old times.

"Ano name niyo?"maya-maya ay binasag ko na rin ang katahimikan.Nagkatinginan muna sila bago sumagot 'yung taller one.

"I'm Jazmine po ate."she cheerfuly said with a full grin.I nodded at her.

"Jazmine pala.Can I call you Jaz?"

"Oo naman po ate."

"Great."inilipat ko naman ang atensyon kay Chinita girl.Pansin ko lang,hindi siya palasalita.Shy type ata. "How about you naman?What's your name?"I asked her.

Ngumuso siya before glancing at Jaz.She gave her a nod na parang sinasabing okay lang bago lumingon sa akin. "My name is Leily po."she muttered.

Lalong lumawak ang ngiti ko. "Hello Leily.'Wag kang mahiya kay ate ah?I'm ate Bea nga pala.And don't worry,hindi ko kayo kakagatin."

They both giggled at that.

Kyaah!I really loveee kids.Specially kids this cute.

Maya-maya lang din ay dumating na 'yung order ko.Habang kumakain ay tinanong ko sila kung bakit wala silang kasamang guardian.

Jazmine answered na meron daw.Umoorder lang daw.Pero dahil mahaba ang pila,she let them wander around muna.May maliit na playground kasi sa gilid nitong fast food.Pero since nakita nila ako,lumapit sila sa akin at nagdecide na makiupo nalang.

Cute.

Tinanong ko pa nga kung bakit naman sila lumapit.Then Leily answered na lagi daw nila akong nakikita sa school kasama 'yung cute guy na nakasalamin who I'm pretty sure is Kent.

Lakas ng dating sa kids ng mokong.

Pero honestly speaking,gwapo talaga si Kent.Sadyang hindi lang talaga ako 'yung tipong pinapatos 'yung barkada ko kaya hindi ako napofall sa kanya.Sayang nga eh.Sarap pa namang kasama nun.

"Kids baka hinahanap na kayo ah."nung napansin kong mag-iilang minuto na rin silang nandito ay hindi ko na naiwasang mag-alala.I'm enjoying their company pa but I can't risk na mag-alala 'yung yaya nila.

But Jazmine only shook her head in response.Saying na "Nakita niya kaming pumunta dito."

Tumango nalang ako.Ilang minuo rin kaming nagkwentuhan bago may dumating na babae na I guess ay yaya nila.

"Uy miss pasensya na sa mga alaga ko ah.Baka inistorbo ka nila.Kasi naman eh ang kukulit."sabi niya na kaagad ko namang inilingan.

"Ayos lang po ate.Enjoy naman po silang kasama."

"Ah ganoon ba?Salamat ah."nilingon niya naman 'yung kids. "O siya siya tara na.Leily nagtext yaya mo kanina ka pa daw niya hinahanap.Nako ikaw talagang bata ka."dagdag niya pa.

I gave Leily a curious glance pero hindi siya nakatingin sa way ko.Busy kasi siya sa pagkutokot ng kuko niya.

She looks nervous.

"Leily."pagtawag ko sa kanya.Kaagad siyang tumingin sa akin. "You'll gonna be alright.Sige na.Gagabihin na kayo."I gave her a reassuring smile.She smiled back,a timid one.

"Thank you ate.Bye."Leily said.Tumalikod na siya at naglakad papalayo.Si Jazmine din ay nagpaalam lang bago tuluyang umalis.

Nagsorry uli sa akin 'yung yaya nila and I genuinely said na ayos lang talaga.

At nung ako nalang mag-isa,hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ay nawalan ako ng gana.

I miss my childhood....a lot.

Those carefree days.'Yung ang tanging problema ko lang ay kung ano ang gagawin ko para gantihan 'yung kalokohan ng mga pinsan ko.Those days na lahat masaya.Those days na...

Naputol ang iniisip ko when I caught sight of Leily who's running towards my table.

"Bakit?"taka kong tanong nung tuluyan na siyang huminto sa harapan ko.Hinihingal pa siya. "Uy Leily are you okay?"

"Opo ate."huminga muna siya ng malalim bago ipinakita sa akin 'yung hawak niya na...wallet?Bakit may wallet siya?

"Ano 'yan?"

"Wallet po?"

Kinurot ko ang matabang pisngi niya. "No silly.I mean aanhin mo 'yan?"

"Ibibigay ko po sa inyo."

"Sa akin?"

Tumango siya. "Opo."

"Pero bakit?Akala ko ba umuwi na kayo?"

"Nagpaalam po ako.Tapos po sabi ni Jazmine bigay ko daw po sa inyo 'to kasi daw po mabait kayo."

Napakurap ako. "Teka.Kanino ba 'yan?"

She shrugged. "Napulot ko po siya kanina eh."

"Saan?"

"Sa school po.Diba po doon din kayo nagsschool."inilapag niya sa lamesa 'yung wallet. "Sige po ate Bea.I'll go ahead na.Bye!"

"Uy Leily wait!"

But I'm late.Nawala na siya sa paningin ko dahil sinalubong siya ng dating ng mga estudyante.

Hindi makapaniwala,napatitig nalang ako sa wallet na nakalapag sa lamesa.

Halatang mamahalin siya.Mukhang panlalaki at may kakapalan.

Inilinga ko ang paningin sa paligid to see if may naghahanap ba pero mukhang wala naman.Saka sa Sola Fide niya daw ito nakita.Siguro ay kakilala ko naman ang may-ari.If not,pwede ko namang isurrender sa lost and found.

Nice one.

Kibit-balikat,kinuha ko mula sa table ang wallet.Kung sino man ang may-ari nito,siguradong naghahanap na siya ngayon.

Binuksan ko ang ito.And shocks.Kinabahan ata ako when a wad of thousand peso bills welcomed my sight.Ang daming laman grabe!

Hindi naman sa ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera.

Pero kasi....

Inilinga ko ang paningin sa paligid at saka dali-daling isinara ang wallet.

Baka akalaing inisnatch ko 'to.

Pilit pinapakalma ang sarili,naghanap nalang ako ng kahit anong ID sa loob niya.

Kanino kaya 'to?

Lucky for me,may nakapa akong matigas na bagay.Inilabas ko kaagad ito at tumambad sa akin ang isang student's license ID.

Nakatalikod ito kaya hindi ko pa makita 'yung identity.

And when I turned it around,I almost drop it in utter shock.

Travis,Greyson Chase L.

Damn.

It's a small world after all.

----

Ayan na!Lmao.

Some characters here are based from my real life friends and relatives.

Jazmine and Leily are the perfect example.

Next chappy ahead!

Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro