i

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


TBPAP: I

Napasilip ako sa wall clock ng bahay. It's already five o'clock in the afternoon. Lalabas sana ako upang sunduin si Dawn ng makita ko na siyang patakbo sa akin. She was smiling while opening her arms for a wide welcome hug.

Nag-squat ako at niyakap kaagad siya. She kissed my hair at the back and hugged me tight.

"I miss you, Tita Mommy!" anito.

Nang makakalas ay ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "How's school, Dawn?" tanong ko.

"I made alot of friends, Tita Mommy! And look po, oh!" Ipinakita nito sa akin ang braso niyang puno ng stars. "My teacher said that I ace our lessons for today and she gave me these stars. Tita Mommy, ang galing niyo pong magtutor sa akin!"

Bahagya na lamang akong natawa. Hawak-hawak niya ang aking kamay at magkasama kaming pumasok sa loob. Pinaakyat ko muna siya sa itaas upang magpalit, hindi naman nagtagal ay kaagad siyang bumaba at inabot ang upuan sa counter. Binuhat ko naman siya at pinaupo roon.

I gave her favorite pandesal while I was busy cooking for our dinner. Ako na ang nagpresenta tutal nabobored akong nandito sa bahay lang. Hindi ako mahilig makipag-socialize like other business wives out there.

"Tita Mommy, what are you gonna cook for dinner po?" tanong nito sa akin.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "I'll cook sinigang na bangus for dinner, Dawn," sagot ko at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

"Hmm... Bangus! I love it, Tita Mommy!" Ngumiti na lamang ako ng mapagmasdan siya sa isang tabi.

Sumapit na ang ala-sais at ilang minuto na lang ay nandito na si Jace. Tinulungan naman ako ni Dawn na mag-ayos sa hapag. Minsan lang magpunta ang mga katulong dito sa bahay, hindi ko nga maintindihan kay Jace kung bakit dito sa loob ng subdivision namin ay kami lang ang walang katulong sa bahay, pumupunta lang kasi sila dito upang maglinis at mag-ayos kung minsan ay magluto at aalis rin.

Naalala ko kasi dati na sinabi ko sa kanya na bawasan ang katulong pero ang ginawa niya lahat ng katulong namin ay nilipat niya sa bahay ng magulang niya na dito rin sa subdivision nakatira.

"Tita Mommy, sana po magustuhan ni Daddy ang handa natin for him," saad ni Dawn habang nakangiti sa akin.

Every time I see Dawn's smile I feel like something is so familiar. I just can't point it out. Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng paghinto ng sasakyan sa labas, mabilis na tumakbo palabas si Dawn upang salubungin ang Daddy nito.

Pumasok ang mag-ama at nakangiti siya sa akin nang magtama ang aming tingin. Ibinaba niya si Dawn sa upuan at hinalikan ako sa pisngi, na hindi naman nakaiwas ang mga tutubi sa aking t'yan. Kaharap ko si Dawn na kumain habang siya naman ay nasa dulo.

"Thank you for the dinner, Thala," he said.

Napatingin ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-alis ng tinik sa isda na kinakain ni Dawn. "Wala 'yon. 'Di ko na rin pinapunta ang maid kaya nag-linis ako ng bahay tapos naisip ko ako na rin ang magluto ng hapunan natin. Okay  lang ba ang luto ko?"

Tumango siya. "Hmm... it tastes good. Sakto lang ang asim."

"Sabi ni Dawn sa akin, it's your favorite dish. And Lara always cooks that for you, and I'm glad you like it." Ngumiti ako sa kanya at ibinigay kay Dawn ang laman ng isda na naalisan ko na ng tinik.

Nagulat na lamang ako ng kinuha niya ang isda na para kay Dawn at siya ang nagpatuloy na mag-alis ng tinik.

"You eat too. Ako na ang bahala kay Dawn. And hindi mo naman kailangan na akuin lahat ng trabaho rito. You can call our maids and help you." He said.

Tumango lamang ako bilang pag-sang-ayon. Ayoko na humaba ang usapan namin dahil paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin iyan pero ako itong nag-insist na akuin lahat.

Naabala kami sa isang katok mula sa labas. Akmang tatayo na sana siya upang tignan kung sino ang naroon ng mag-insist ako na ako na ang magbubukas ng pinto. Ngunit ng pagtayo ko ay biglang umikot ang aking paningin.

Mahigpit akong napahawak sa mesa at mas lalo akong nabubuwal ng may kung anong rumhestro sa aking utak na para bang isang matulis na bagay na biglang tumusok sa akin. Nagtaas-baba na ang paghinga ko dahil unti-unting nagiging jelly ace ang aking tuhod lalo na ang paningin ko unti-unting nagiging blurd.


"Thala, okay ka lang?" agap kaagad ni Jace at napansin ko ang pagtunog ng upuan na mas lalong ikinakirot ng ulo ko.

"Tita Mommy, are you okay?" narinig ko na tanong ni Dawn.

"Ye—"

"Thalara!" Huling narinig ko bago ako nabuwal at naramdaman na tumama ang noo ko sa mesa bago tuluyang nawalan ng ulirat.

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Unti-unti kong minulat ang aking paningin at napansin si Dawn na nakangiti sa akin. I weakly smiled at her back.

"Daddy!! Si Tita Mommy!" nagsisisigaw na tawag  ni Dawn kay Jace.

Mabilis ko naman na napansin ang pagpasok ni Jace kasama ang pinsan niya na si Miguel at ang asawa nitong si Rika na bestfriend ko. Hindi ko matandaan na may bestfriend ako pero sabi ng parents ko siguro trauma lang iyon dahil sa aksidente na nangyari sa akin.

"May masakit ba sa 'yo?" bungad kaagad ni Jace sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala... iyan ang hindi ko madalas makita sa kanya pero ngayon kakaiba ang pag-aalala niya.

Umiling ako at dahan-dahan na bumangon, nakaalalay naman siya sa akin. "I'm sorry..."

"Tita Mommy, don't be sorry. Mabuti na nga lang po at nandoon kami sa bahay nang mahimatay kayo. Paano po kapag wala kami e 'di wala na pong nakaalam na may nangyari po na bad sa inyo," bakas rin sa mukha ni Dawn ang pag-aalala.

"Tama si Dawn, Thala. Nag-alala ako sa 'yo lalo na at nakita kita na sobrang putla at hindi na maitsura na may dugo kanina." Sumabat sa usapan si Rika.

"That's it. Miguel, tell mom, that I want our maids back. Hindi na ako papayag na magikot-ikot ka sa bahay na gawin ang lahat, Thala. Kagagaling mo lang mula sa aksidente mo at nag-a-adjust pa ang katawan mo. You should listen to me just for once." Ani Jace.

I couldn't stand staring at his deep eyes. Sobrang dilim no'n at 'di ko alam kung paano basahin ang mga emosyon na nakapaloob.

Pinilit ko na umuwi na kami sa mansyon at kahit na ipinipilit ni Jace ay ako pa rin ang nasunod. Hindi ko kayang naroon ako sa hospital at titigil na ang mundo namin kaya nagpumilit ako.

Nakahiga na kami sa kama ng bigla pumasok si Dawn at dito raw matutulog. Umo-oo na lamang ako. Humiga kami sa king size bed at pinagitnaan si Dawn.

Nagulat na lamang ako ng bahagyang bumangon si Jace at hinalikan ako sa labi. I was stunned as his lips touched mine. Hinalikan niya rin sa noo si Dawn.

"Goodnight, wife. Goodnight, baby..." he said and closed his eyes.

Hindi ko maiwasan na mapangiti. He just kissed me. Maybe I should start being his responsible wife and stop worrying about my negativity. May mag-ama akong dapat ko na alagaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro