ii

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: II

Days went well. Ngunit 'di ko pa rin maitakwil sa utak ko ang narinig mula sa usapan ni Jace at Miguel. Alam ko na wala akong dapat na pakialaman roon dahil usapan nilang mag-pinsan iyon pero hindi ko mawari lamang kay Miguel kung bakit gano'n na lang ang pakikitungo n'ya sa akin. Parang may mali akong nagagawa, lalo na kung na-o-ospital ako ng dahil sa sakit ng ulo ko.

Miguel's words flash through my mind and it keeps replaying over and over. Nasasakal na ako. What I heard last night is the thing that I couldn't endure anymore.

"Sa tingin mo ba tama pa itong ginagawa mo, Jace?"

Napasilip ako sa silid ni Lara at Jace  dahil sa narinig kong usapan. Bababa sana ako upang uminom ng tubig ngunit hindi na natuloy dahil napadaan ako roon. Idinikit ko ang aking tainga at pinakinggan ang usapan nila.

"Miguel, napa-usapan na natin ito. I'll take care of this matter and—"

"And what, Jace? Para masaktan ka na naman? Isipin mo na lang na kapag nangyari ulit iyon, paano na si Dawn? Siya ang maapektuhan dito, Jace! Ilang beses ko ng sinabi sa 'yo na tigilan mo na 'yang kahibangan mo. Hindi na kita makilala, Jace. Hindi na ikaw ang pinsan ko!" singhal sa kanya ni Miguel.

Kaagad akong napabalik sa silid namin at nagkunwari na kalalabas ko lang. Nagtama ang tingin namin ni Miguel at halos patayin niya ako sa mga titig niya. Napayuko na lamang ako ng maramdaman ang pagdalo ni Jace sa akin.

"Kanina ka pa ba?" mahinang tanong nito sa akin.

Umiling ako at ngumiti. "Kalalabas ko lang sa kwarto, balak kong kumuha ng baso ng tubig. Bakit?"


Padabog na naglakas pababa si Miguel, mas lalong uminit ang ulo niya sa paraan kung paano mag-alala sa akin si Jace. Hindi kaya hindi siya boto sa akin at mas gusto niya si Lara kesa sa akin bilang asawa ng pinsan niya?

"Kukuhanan na lang kita, huwag ka ng bumaba." Jace said.

Hindi na ako sumagot at bumalik na lang sa kwarto. Hanggang mag-umaga ay hindi tumabi si Jace kaya panigurado nasa silid siya nila Lara natulog. Bumangon na lamang ako at tinignan ang sarili sa salamin sa banyo.


"Tita-Mommy, good morning po!" Napabalik na lamang ang aking sarili ng marinig si Dawn.


Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Narito ako sa balcony ng bahay at nakatingin sa labas, iniisip ang sinabi ni Miguel.


"Tita-Mommy, may problema po ba?" tanong niya sa akin, kumikislap ang mga nangungusap niyang mga mata.


"No, baby, there isn't. Why are here? Hindi ka ba papasok sa school?"


"Magpapaalam lang po ako, Tita-Mommy. Mag-ingat kayo rito, please. Call daddy if something is not right, Tita-Mommy..."


"Yes, baby. I will. Sige na at baka ma-le-late ka na sa school mo." Iginiya ko siya pababa ng hagdan.


Nagising kaming dalawa ni Dawn na maagang pumasok si Jace sa kompanya, kaya ihahatid na lamang si Dawn ni Mang Tony.


May mga dumating nang maids at sila na ang nagkikikilos rito sa loob ng bahay, nababagot na lamang akong nakatingin sa kanila. Inabala ko na lamang ang aking sarili na mamasyal sa likod kung saan punong-puno iyon ng mga bagong tubong bulaklak. Bitbit ko ang isang libro at napagpasyahan na umupo na lamang sa bench na nasa ilalim ng puno.

Isinantabi ko na lamang ang agam-agam na ako ang usapan ng magpinsan kagabi. Gusto ko mang-komprontahin si Miguel pero sa paraan pa lang kung paano niya ako titigan alam ko nang may mali.

Hindi ko man lang namalayan na sa dami ng iniisip ko ay nakaidlip ako at nagising na lamang dahil sa mga kagat ng lamok. Napatingin ako sa langit at madilim na, ibig sabihin buong araw akong nakatulog sa kaiisip.


Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala ito sa aking tabi, 'tsaka ko lang naalala na naiwan ko pa pala sa kwarto at naka-charge. Nag-unat muna ako 'tsaka tumayo at pumasok sa loob ng bahay.


"Tita-Mommy!" Kaagad na takbo ni Dawn habang umiiyak.


Niyakap ko naman siya ng mahigpit, napansin ko rin ang pagbaba ni Jace mula sa itaas. Dumalo kaagad siya sa amin at niyakap ako kasama si Dawn. Hindi ko man lang alam ang nangyayari.


Nang kumalas sila ay doon na ako nagtanong. At kanina pa raw nila ako hinahanap. Pinaliwanag ko naman kung saan ako galing at bakit hindi ako nakabalik kaagad.


"Just don't leave your phone alone, Thala. Sobra akong nag-alala, lalo na nang dumating ako dito at sabi ni Dawn, nawawala ka." Malalalim ang kanyang paghinga.


Tumango na lamang ako, nagtawag na ang maid na kakain na kaya nagsalo-salo kami sa hapag ng dumatin sina Miguel at Rika. Bumeso si Rika sa akin habang si Miguel ay parang 'di ako nakikita.


Minsan ay nandito sila kumakain ng hapunan lalo na at sakto pag-uwi nila sa kanila. Naging way rin nila upang makasama si Dawn.


Natapos kaming kumain ng hapunan ay napagpasyahan nila Rika at Miguel na dumito na matulog lalo na at nag-request si Dawn na kahit isang gabi lamang raw. Siguro ito na rin ang paraan upang makonpronta ko na si Miguel sa problema niya sa akin. Gusto ko lang matapos itong agam-agam ko na may mali lalo na kung ako ang nakikita niya.


Pinag-aksiyahan ko siya ng oras na hanapin at nakita ko siya sa balcony na umiinom ng alak. Lumapit ako at alam kong napansin n'ya ang presensya ko.

"Miguel, pwede ba kitang makausap?" tanong ko, halos pabulong na iyon.


Bumaling siya sa akin at muling binalik ang mata sa labas ng bahay. "Kausap mo na ako." Malamig niyang sagot.

"Napapansin ko kasi na sa t'wing nagkikita tayo palaging mainit ang ulo mo sa akin. Gusto ko sanang malaman kung galit ka ba sa akin o sa pananaw ko lang iyon?" Hindi ko siya magawang tignan lalo nang narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.


"Sa lahat ng babae sa mundo, bakit ikaw pa ang pinili ni Jace? Alam mo galit ako sa 'yo, galit na galit ako sa 'yo, Thalara! Pero dahil mahal na mahal ka nila Jace at Dawn, isinasantabi ko iyon. Hindi kitakayang tignan sa mata kahit man lang subukan ko, mas lalong namumuo ang galit." Nakatingin lang siya sa labas, sarkastiko na nagsasalita.


"Kung dahil pinalitan ko si Lara sa buhay nila Jace at Dawn kaya ka galit, I'm sorry. Hindi ko naman sinasabi na tanggapin mo ako pero sana bala—" Pinutol ako ni Miguel.


"Walang balang araw, Thalara! Wala ka talagang alam, 'no? Hindi mo alam kung saan ako galit sa 'yo?" sarkastiko na niyang sabi.

"Kaya ko nga tinatanong, dahil gusto kong alamin kung bakit kasing lamig ka ng yelo sa t'wing kaharap mo ako!"


Napaplantistikuhan na niya akong tinitigan. "Jace is such a fool of choosing you again! Gusto mong malaman? Pwes iuntog mo 'yang ulo mo para malaman mo, Thalara."


Dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. "Hindi ko alam na gano'n ka ka-bastos, Miguel. Tinatanong kita ng maayos, sinasagot mo ako ng pabalang! Gusto kong mala—"

"Galit ako dahil nabuhay ka, Thalara! Dahil pinili ka ni  Jace kahit nasasaktan siya! You made him miserable. Dapat hindi ka na nabuhay ng maaksidente ka para 'di na kayo nagkita ni Jace!" sigaw niya sa akin. "Gusto mong malaman kung bakit ako galit sa 'yo, o, ayan! Hindi mo sila deserve. You're nothing but a big trash that Jace always choose to reuse!"


Nag-uunahan ang mga luha kong tumulo sa aking pisngi. Lahat ng sinabi ni Miguel parang kutsilyong tumatarak sa akin. Galit siya dahil pinalit ako kay Lara. Pero para sa puso ko may mali, may dapat akong malaman pa.

Iniwan niya ako na parang di nakausap. Nanigas ako na palihim ang naging hikbi. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang salita niyang,  Jace  is such a fool for choosing you again. May kung ano sa akin na dapat kung alamin ang sinabi niya, ibig sabihin ba nagkita na kami ni Jace bago kami ipagkasundo? Naging kami ba? Anong dahilan bakit namatay si Lara? Dahil ba sa akin?

Mas lalo akong luha habang tinatanong iyon sa utak ko. What did I do before? Did I ruin Lara, Jace and Dawn's life? Is that what Miguel meant?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro